You are on page 1of 19

Presented by Group 4

A. Kababaang-Loob (Humility)
Ayon kay Aristoteles, ang birtud ay nasa gitna ng dalawang dulong panig o extremes. Sa
ganitong batayan, ang kababaang-loob ay isang birtud dahil ito ay nasa gitna ng dalawang
extreme. Ang isang dulo ay pagyayabang, samantalang ang kabilang dulo ay pagmamaliit sa
sarili. Ang taong may kababaang-loob ay hindi mayabang; gayundin, hindi nito minamaliit
ang sarili. Ang taong mapagpakumbaba ay makatotohanan ang pagtingin niya sa kaniyang
sarili. Tinatanggap niya ang kaniyang mga kahinaan, kapintasan at kakulangan, sa gayon ay
naiiwasan niyang maging mapagmataas. Gayundin, ang mapagpakumbaba ay kinikilala ang
kaniyang kalakasan, kagalingan, at magagandang katangian, sa gayon naiiwasan naman niya
ang pagmamaliit sa sarili.
Hindi pa nga ako nag-eensayo
niyan.Lalo kayong hahanga sa akin Naku,nakakahiya nga.Ang dami kong Maraming salamat at inyong
kung nakapag- ensayo pa ako. sintunadong kanta nagustuhan ang aking pag-awit.
"Kapag ang tao ay nagpakumbaba, kinikilala niya na siya ay hindi
karapat- dapat dahil sa kaniyang mga pagkukulang, pagkakamali,
at kahinaan Nagiging dahilan ito upang lumapit siya sa Diyos at
humingi ng awa, tulong at pagmamahal.
May iba't ibang antas ng kababaang-loob. Binanggit ni Santo Bernardo ang
tatlong yugto ng kababaang-loob:

1. Sapat na Kababaang-loob (Sufficient Humility) Sa yugtong ito, ang tao ay


nagpapamalas ng kababang-loob sa higit na mataas sa kaniya. Nagpapasakop siya sa
Diyos at sa Kaniyang kapangyarihan. Siya rin ay nagpapasakop sa iba't ibang
awtoridad tulad ng mga namamahala sa bansa, guro sa paaralan at sa kaniyang
magulang. Dahil alam niya na may awtoridad na nangangasiwa, matapat niyang
ginagampanan ang kaniyang tungkulin at umiwas na ipagmayabang ang mga
magagaling niyang ginagawa.
May iba't ibang antas ng kababaang-loob. Binanggit ni Santo Bernardo ang
tatlong yugto ng kababaang-loob:
2.Masaganang Kababaang-loob (Abundant Humility). Ito naman ang yugto na ang tao ay
nagpapamalas ng kababaang-loob sa kapantay niya. Nauunawaan ng taong
mapagpakumbaba na ang presensya ng Diyos ay nasa bawat tao. Dahil malinaw sa kaniya na
ang Diyos ay nasa mga tao, hindi niya tinitingnan ang kaniyang sarili na mas mataas sa iba.
Alam rin niya na ang bawat isa ay may angking galing at talinong kaloob ng Diyos. At dapat
ginagamit ng bawat isa ang mga kaloob niya para sa iba at pabalik sa Diyos. Ang ganitong
pananaw ay hindi nagtataas ng kaniyang sarili sa iba sapagkat hindi mababa ang tingin niya
sa ibang tao.
May iba't ibang antas ng kababaang-loob. Binanggit ni Santo Bernardo ang
tatlong yugto ng kababaang-loob:

3. Napakasaganang Kababaang-loob (Super abundant Humility). Ito ang


pinakasukdulang yugto ng kababaang-loob dahil ang may mataas na kalagayan ay
nagpamalas ng kababaang-loob sa mas mababa sa kaniya sa pamamagitan ng
paglilingkod. Ang ganitong mataas na uri ng kababaang- loob ay nakita kay Hesu-
Kristo. Siya ay buong kababaang-loob na nakipamuhay at naglingkod sa mga tao. Ang
tugatog ng kaniyang kababaang-loob ay nakita sa kaniyang kamatayan sa krus.
Ang pagtitimpi ay kakayahang maghinay-hinay o magpigil sa sarili
upang hindi siya maalipin ng kasarapan o kasiyahan (pleasures). Ang
taong kulang sa birtud ng pagtitimpi ay tulad ng isang alipin, na
patuloy na inaalila ng kaniyang panginoon- "ang 'unggoy sa kaniyang
likuran' ay lagi niyang kasama. Siya ay bihag ng kaniyang katawan,
kaniyang pagnanasa, at kaniyang kinagawian (habits)" (Comte o
Sponville, 1996). At kapag siya ay naalipin na ng kaniyang pagnanasa,
bisyo at gawain, nagiging malungkot siya dahil nabibihag siya at
napapalayo sa mga taong nasa paligid niya.
Sa kabaligtaran, ang taong may pagtitimpi ay may higit na
kaligayahan at kalayaan gayundin, malaya ang taong may pagtitimpi
sapagkat tulad ng nabanggit kanina, ang taong nawalan ng kontrol o
pagpipigil sa sarili ay nagugumon sa kaniyang kinahuhumalingan
kapag humantong na ang tao sa kawalang kakayahang gumawa ng
mabuti, siya ay hindi tunay na malaya.
tinawag ni Epicurus ang birtud na ito na eutarkia, na ibig
sabihin ay kalayaan (independence). Si Plato at Aristoteles
naman ay tinawag tong sophrosyne na ibig sabihin katamtaman.
(moderation). Inihayag naman ni Buddha ang birtud na ito sa
kaniyang Eightfold Path bilang lunas sa pagnanasa na siyang
sanhi ng kahirapan. Sa Hinduismo, tinatawag mong damah. Sa
Kristianismo ay tinuturing itong bunga ng Espiritu Santo sa
buhay ng mga Kristiyano.
1. Aminin ang kahinaan o suliranin.Kung kikilalanin ng tao ang kaniyang suliranin,
tulad ng pagkagumon (addiction), nagsisimula siyang kumawala sa kadiliman,
kasinungalingan, at matinding kalungkutan Siya ay nagsisimulang pumasok sa tunay
na mundo. Tandaan ang kasabihang, "Upang mapagaling ang tao sa kaniyang sakit,
dapat niya munang aminin sa kaniyang sarili na siya ay may sakit."
2.Sumangguni sa mga taong may kaalaman sa moral na pamumuhay.Mahalagang
magkaroon ng angkop na tao na makakausap. Ang kaniyang mga payo at mga
prinsipyo ay makatutulong upang maibalik ang pagtitimpi. Maaaring ang taong iyon
ay magulang, guro, guidance counselor, pari, pastor, ministro, imam o isang mature
na tao.
3.Gawin ang tamang pagsasanay. Ang katawan ng tao ay kailangan ng tamang
pag-eehersisyo upang mabuo ang kaniyang maayos na pangangatawan Gayundin
ang tamang pagsasanay ay mahalaga sa pagbubuo ng pagtitimpi Kailangan, akma
muna sa kaya lamang niyang gawin. Hindi dapat binibigla upang unti-unti ay
nagagamay niya ang mga gawain o pagsasanay sa pagtitimpi. Dapat ay tuluy-tuloy
din ang pagsasanay. Ang birtud ng pagtitimpi ay magbibigay sa kaniya ng
kakayahang gawin rin ang ibang gawain Sa pamamagitan ng birtud ng pagtitimpi,
ang ibang birtud tulad ng karunungan, katarungan, katapatan at pagtitiwala sa
sarili ay nakakamit rin.
4. Gawing masaya ang pagsasanay. Bilang isang birtud,
ang pagtitimpi, ayon kay Aristoteles, ay isang
gantimpala na sa ganang sarili nito. Ang pagtitimpi ay
pagiging masaya sa buhay Ito ay pagkakaroon ng balanse
sa bawat aspekto ng buhay- damdamin, hilig, talento at
kakayahan, at isip. Kapag ang tao ay balanse sa buhay,
siya ay tunay na maligaya.
C. Payak na Pamumuhay (Simplicity)
Ang isang taong may pagtitimpi ay naghihinay- hinay sa mga bagay na tinatangkilik
niya upang maiwasan niya ang pagkahumaling dito. Kung magkagayon pinipili niya ang
payak na pamumuhay (simplicity).Sa madaling salita, kaalinsabay ng payak na
pamumuhay ang pagtitimpi at kababaang-loob.
Ang pagiging payak ay pagiging totoo ng isang tao sa kaniyang kalooban at iyon
ay nakikita rin sa kaniyang nagkakaroon ng panlabas. Hindi niya kailangang
magpanggap at maging komplikado.Kapag siya ay nagsasalita, mararamdaman. mo
ang kaniyang sinasabi ay mula sa kaniyang kalooban at hindi nagsisinungaling.
Kalakip din sa birtud na ito ang pagbibigay-halaga sa mga dapat
pahalagahan. Malinaw sa taong payak ang pamumuhay kung saan
nakabatay ang kaniyang kahalagahan bilang tao.Hindi niya kailangan
ng mga pag-aari o ipagsigawan ang kaniyang mga nagawa upang
pataasin ang kaniyang ego o kumpiyansa sa sarili. Kung
magkagayon,tinatangkilik lamang niya sa kaniyang buhay ang mga
bagay na ayon sa kaniyang pangangailangan at hindi sa mga
kagustuhan lamang (needs vs. wants).
Ang payak na pamumuhay ay nagbibigay din sa atin ng
kalayaan mula sa kasakiman ng di mapigilang pagbili ng mga
bagay-bagay o consumerism.Si Fr. Pedro Arrupe, S.J. ay
tinatawagan ang lahat ng tao na mamuhay nang payak.
Ayon sa kaniya,kailangang tayo ay maging determinadong
mamuhay nang payak-bilang indibiduwal, pamilya at sa
lipunang kinabibilangan natin.
Paano mabubuo sa ating pagkatao ang birtud ng payak na pamumuhay?
1. Huwag basta-basta manggagaya. Tanggapin mo na ikaw ay bukod-tangi at mahalaga.
Bagamat maaari kang gumaya sa mga taong nasa paligid mo, ingatan mong magpanggap.
2. Maging tapat sa pakikipag-ugnayan. Ang tao ay dapat nakikipag-ugnayan sa
makatotohanang paraan. Dapat maging maingat kung kanino magtitiwala.
Gayunpaman, ang maayos na ugnayan ay nakabatay sa pagtitiwala. Iwasan ang
magpanggap dahil ito ay nakasisira ng tiwala. Ang pagiging payak sa pakikipag-
ugnayan ay nagpapalalim ng relasyon dahil nalalaman ng iyong kapuwa na ikaw tapat
sa kaniya.
3. Piliin ang mga tunay na mahalaga sa buhay. May mga bagay na higit na
mahalaga kaysa iba.

4. Magbigay sa ibang nangangailangan. Ang payak na pamumuhay ay


nagpapakita ng pagmamalasakit sa iba. Palibhasa'y masaya na siya sa
kaniyang mga tinatangkilik, handa niyang itulong sa iba kung anong
sobra o luho sa kaniya.
Sa katapusan, dapat nating tandaan na ang kababaang-loob ay hindi
mapagmataas o mapagmaliit na tingin sa sarili. Sa halip, ito ay makatotohanang
pagkilala ng ating sarili sa harapan ng Diyos at ng ating kapuwa. Dahil dito,
nagbubunsod ito upang paglingkuran ang ating kapuwa nang hindi tumatawag
ng pansin at papuri ng mga tao.
Mahalaga ring maunawaan na kaalinsabay nito ay ang birtud ng pagtitimpi. Ito ay
nagpapaalala sa atin na dapat na maghinay-hinay at matutong magpigil sa sarili upang
hindi mahumaling sa mga bagay na tinatangkilik at nagbibigay ng sarap at kasiyahan
(pleasures). Sa ganitong paraan, makararanas ng mas malalim na kaligayahan at
kalayaan.

You might also like