You are on page 1of 8

MASUSING BANGHAY ARALIN

SA ARALING PANLIPUNAN 9

Geroy, Ivee Joy J. Ginoong Angelo James Ladisla


BSEd Social Science-3 Gurong Tagapagsanay

I. LAYUNIN

Sa pagtatapos ng isang (1) oras na talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang


makatatamo ng 75% na pagkatuto sa mga sumusunod na layunin:

1. naiintindihan ang mga kahulugan ng iba’t ibang organisasyon ng negosyo;


2. napahahalagahan ang mga katangian at tungkulin ng iba’t ibang organisasyon ng
negosyo; at
3. makapagsusulat ng repleksiyon na may kinalaman sa pagiging matalino at
mapanagutang
may-ari ng bahay kalakal.

II. NILALAMAN

Paksa: Mga Organisasyon ng Negosyo


Sanggunian: Modyul ng mag-aaral sa Araling Panlipunan 9, Ekonomiks pahina 94-
105
Kagamitan: Biswal,laptop, mga larawan at aklat
Metodolohiya: Ginamitan ng pamaraang 4A’s

III. PAMAMARAAN

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral


A. Panimulang Gawain

1. Panalangin
Tumayo ang lahat at tayo ay (Tatayo ang lahat para manalangin at babatiin ang
manalangin... guro)

2. Pagbati
Magandang umaga klas... "Magandang umaga rin po Ma'am!"

3. Pagtala ng lumiban sa klase

Class monitor may lumiban ba sa klase Wala po ma’am...


natin ngayon?

Mahusay! Ako’y lubos na nagagalak na


walang lumiban sa klase natin ngayon.
4. Balik-Aral
Bago tayo dumako sa bago nating
aralin magkakaroon tayo ng balik-aral
sa natalakay natin kahapon.

Tungkol saan nga ba ang natalakay Tungkol po sa produksiyon.


natin kahapon?

Tama!

Ano nga ba ang kahulugan ng Ang produksiyon po ay proseso ng pagpapalit anyo


produksiyon? ng produkto sa pamamagitan ng pagsasama-sama
ng mga salik upang makabuo ng output.

Tama! Magaling!

Ano nga ba ang mga salik ng Ang mga salik po ng produksiyon ay lupa,
produksiyon? paggawa, kapital at entrepreneurship.

Mahusay!

Tunay nga na natuto kayo sa natalakay


natin kahapon.

May mga tanong pa ba kayo o nais Wala na po.


linawin ukol sa naging talakayan natin
kahapon?

Kung wala na ay dadako tayo sa


bagong aralin natin ngayon.

5. Pagganyak
Ngayon naman ay dadako tayo sa ating
bagong aralin ngunit bago ang lahat ay
nais ko munang suriin ninyo ang mga
larawang ito. At pagkatapos ay tatawag
ako ng ilang estudyante na
magbabahagi ng kanilang sariling
interpretasyon ukol sa mga larawang
kanilang nakita.
Metzie, maari mo bang ibahagi ang Ma’am ang mga larawang pong ito ay nagpapakita
iyong naging kaalaman ukol sa mga po ng pagkakaisa at pagtutulungan tungo sa
larawang iyong nakita? pagkamit ng iisang mithiin at sa palagay ko po ay
may kaugnayan po ito sa tatalakayin natin ngayon.

Tama! Magaling!

Klas,ang pag-aaralan natin ngayon ay


ang mga organisasyon ng negosyo.

8. Paglalahad ng Layunin
Bago natin simulan ang ating
talakayan ay mahalagang malaman
at maunawaan natin ang ating mga
layunin.

Klas pakibasa nga ng ating mga (Babasahin ng mga mag-aaral ang mga layunin)
layunin.
9. Paglalahad ng Alituntunin
Klas, narito naman ang ating mga
alituntunin sa loob ng ating silid
aralan.

Klas, pakibasa nga ng ating mga


alituntunin. Alituntunin:
1. Makinig ng maayos sa klase.
2. Iwasang makipag usap sa katabi kung hindi
pa tapos ang klase.
3. Igalang ang guro at kapwa mag-aaral.
4. Itaas ang kamay kung sasagot o may
sasabihin.

Salamat!

B. Paglinang ng Aralin
1. Paglalahad

 Ang aralin na tatalakayin ngayon ay


tungkol sa Mga Organisasyon ng
Negosyo.
 Tatalakayin din natin ang apat na
pangkalahatang uri ng
organisasyon ng negosyo.
-Sole Proprietorship
-Partnership
-Corporation
-Cooperative

2. Pagtatalakay

Klas ano nga ba ang kahulugan ng Ang kahulugan po ng negosyo ay tumutukoy sa


negosyo? Girlie? anumang gawaing pang-ekonimiya na may
layuning kumita o tumubo

Mahusay!

Klas,ano ba ang apat na Ang apat na pangkalahatang uri ng negosyo po ay


pangkalahatang uri ng organisasyon ang sole proprietorship, partnership, corporation at
ng negosyo? cooperative.

Ang sole proprietorship po ay negosyo na pag-aari


Klas, ano ang kahulugan ng Sole at pinamamahalaan ng isang tao. Ang nagmamay-
Proprietorship? Lyn Grace? ari po ay siyang tinatawag po na sole proprietor o
sole trader.
Magaling!
Ang halimbawa ng sole proprietorship
Ay sari-sari store, barber shop, fish
vendor, ice cream vendor, pika-pika
food cart at marami pang iba.

Ano naman ang Partnership? Ashley? Ang partnership po ay isang organisasyong


binubuo ng dalawa o higit pang indibidwal na
nagkasundo aat sumasang-ayong paghatian ang
mg akita at pagkalugi sa pagtatayo ng isang
negosyo.
Tumpak!

Ang mga halimbawa ng partnership ay


UNESCO (United Nations Educational
Science and Cultural Organizations),
UN Foundation, International Chamber
Of Commerce World Chamber
Federations (ICC-WCF), and Pan
American Healthcare Organization
(PAHO).

Ano naman ang kahulugan ng Ang corporation po o korporasyon ang


tinatawag na Corporation? Marlyn? pinakamasalimuot na organisasyon ng negosyo, ito
po ang may pinakamaraming bilang ng nagmamay-
ari.
Tama! Magling.

Ang halimbawa ng korporasyon ay


ang National Power Corporation,
Joliibee, Mc Donald, PLDT at marami
pang iba.

Ano naman ang Cooperative? Ang cooperative po o kooperatiba ay binubuo ng


Angelou? mg kasapi na karaniwan ay hindi bababa sa 15
miyembro na kabahagi ssa puhunan at tubo.
Mahusay!

Klas, ang halimbawa ng kooperatiba ay


ang mga coop o mga livelihood na
makikita ninyo sa inyong barangay.

Maari ba kayong magbigay ng Halimbawa po ay sari-sari store, bakery, pharmacy,


halimbawa ng mga negosyo na inyong bigasan, gulayan, prutasan at tindahan ng mga
nakikita sa inyong komunidad? damit.

Magaling!
C. Paglinang ng Gawain .
1. Gawain/Activity
Ngayon naman klas ay magkakaroon
tayo ng isang gawain, kumuha ng isang
boung papel at gumawa ng isang
repleksiyon na may kinalaman sa
pagiging matalino at mapanagutang
may-ari ng bahay-kalakal. Maaaring
pumili ng isang tanong o paksa sa
ibaba:

a. Paano ako magiging isang


responsable at makatarungang
bahay-kalakal?
b. Ano ang maaari kong ipangako
upang masiguro na makatarungan
ako sa pagprepresyo sa
pamilihan?

c. Paano ko mapangangalagaan ang


interes bilang bahay-kalakal at
paano ko naman mapapangalagaan
ang interes ng aking kostumer?

Klas narito ang rubrik para sa inyong


gagawing repleksiyon. RUBRIK PARA SA REPLEKSIYON
Pamantayan Deskripsiyon Punto Naku-
s hang
Puntos

Nilalaman Nakapaloob sa 10
repleksiyon ang
mahahalagang
impormasyon ukol
sa pagiging
matalino at
mapanagutang
bahay-kalakal.
Estilo Malikhain ang 5
pagkakasulat ng
repleksiyon, pumili
ang may akda ng
mga angkop na
salita upang
maipahayag ang
kaniyang saloobin
ukol sa pagiging
isang matalino at
mapanagutang
mamimili.
Mekaniks Nasunod ang 5
lahat ng mekaniks
sa pagsulat ng
repleksiyon.
Kabuuang Puntos 3

2. Pagsusuri Ma’am mahalaga po ang pagiging matalino at


Klas, batay sa inyong ginawang gawain mapanagutang may-ari ng bahay kalakal sapagkat
bakit nga ba mahalaga ang pagiging po para maging maalam po tayo tungkol sa ating
matalino at mapanagutang may-ari ng mga karapatan bilang may-ari ng bahay kalakal.
bahay kalakal?

Mahusay! Magiging isang responsable at makatarungan po


3. Abstraksyon tayong may-ari ng bahay kalakal kung tayo po ay
Klas, batay sa inyong ginawang gawain susunod sa kung ano ang tama at nararapat na
paano ka nga ba magiging isang gawin bilang isang may-ari ng bahay kalakal.
responsable at makatarungang bahay-
kalakal?

Mahusay!

Bilang isang mag-aaral, mapapangalagaan ko po


4. Aplikasyon ang aking interes bilang isang konsyumer sa
Bilang isang mag-aaral, paano mo pamamagitan ng pagiging isang mabuti at
mapapangalagaan ang iyong interes responsableng konsyumer.
bilang isang konsyumer?

Mahusay! Mahalaga po na alam po natin ang mga katangian


at tungkulin ng iba’t ibang uri ng negosyo upang
Bakit nga ba mahalaga na alam natin maging maalam po tayo sa lahat ng mga
ang mga katangian at tungkulin ng iba’t tungkuling ginagampanan at katangian ng ina;t
ibang uri ng negosyo? ibang uri ng organisasyon ng negosyo.

Tama! Magaling

IV. Pagtataya
Panuto: Makinig ng maigi at piliin ang tamang titik ng sagot.

1. Pag-aari at pinamamahalaan ng isang tao.


a. Sole Proprietorship
b. Corporation
c. Cooperative
d. Partnership

2. Isang organisasyon na binubuo ng dalawa o higit pang indibidwal na sumasang-ayon


na paghatian ang mga kita at pagkalugi ng negosyo.
a. Cooperative
b. Sole Proprietorship
c. Partnership
d. Corporation

3. Binubuo ng hindi bababa sa 15 tao at pinagtitipon-tipon ang kanilang pondo upang


makapagsimula ng negosyo.
a. Partnership
b. Cooperative
c. Corporation
d. Sole Proprietorship

4. Bahagi ng tubo ng organisasyong ito ay ipinamamahagi sa mga stockholder.


a. Corporation
b. Cooperative
c. Sole Proprietorship
d. Partnership

5. Layunin nito na makapagbigay ng mga produkto at serbisyo sa mga kasapi sa


pinakamababang halaga.
a. Corporation
b. Partnership
c. Sole Proprietorship
d. Cooperative

V. Takdang Aralin
Panuto: Sagutan ang bawat katanungan sa inyong kwaderno.
1. Ano ang kahulugan ng demand?
2. Ibigay ang tatlong pamamaraan sa pagpapakita ng konsepto ng demand.

You might also like