You are on page 1of 12

LESSON EXEMPLAR FOR GRADE 9

TALA SA Paaralan: LBNHS-BM Baitang: 9


PAGTUTURO
Guro: Adrian O. Asignatura: Araling
Pascual Panlipunan
Petsa: May 9, 2023 Markahan: Ikaapat
Oras: Bilang ng 1
Araw:

I. LAYUNIN Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


a. Natatalakay ang mga bagay na nakapaloob sa sektor ng
agrikultura.
b. Nakapagbabahagi ng maaaring maiambag upang
matugunan ang mga dahilan at epekto ng suliranin sa
sektor ng agrikultura.
c. Napapahalagahan ang sektor ng agrikultura.
A. Pamantayang Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa sa mga sektor
Pangnilalaman ng ekonomiya at mga patakarang pang-ekonomiya nito sa
harap ng mga hamon at pwersa tungo sa pambansang
pagsulong at pag-unlad.
B. Pamantayan sa Ang mga mag-aaral ay aktibong nakikibahagi sa
Pagganap maayos na pagpapatupad at pagpapabuti ng mga sektor ng
ekonomiya at mga patakarang pang-ekonomiya nito tungo sa
pambansang pagsulong at pag-unlad
C. Pinakamahalagang 1. Nasusuri ang bahaging ginampanan ng agrikultura,
Kasanayan sa pangingisda, at paggugubat sa ekonomiya at sa bansa.
Pagkatuto (MELC) 2. Nasusuri ang mga dahilan at epekto ng suliranin ng
agrikultura, pangingisda, at paggugugbat sa bawat
Pilipino.
D. Pagpapaganang
Kasanayan
E. Pagpapayamang
Kasanayan
II. NILALAMAN Sektor ng Agrikultura
III. KAGAMITANG
PANTURO
A. Mga Sanggunian
a. Mga Pahina sa Gabay
ng Guro
b. Mga Pahina sa Ekonomiks | Pahina 403-429
Kagamitang
Pangmag-aaral
c. Mga Pahina sa
Tesksbuk
d. Karagdagang
Kagamitan mula sa
Portal ng Learning
Resource
B. Listahan ng mga Mga biswal, mga larawan at bidyo na may kinalaman sa aralin,
Kagamitang Panturo PowerPoint presentation, at pamantayan sa pagmamarka.
para sa mga Gawain
sa Pagpapaunlad at
Pakikipagpalihan
IV. PAMAMARAAN
A. Panimula PANALANGIN

PAGTATALA NG LIBAN

DISCLAIMER

PAGBABALITA
Panuto: Magpapanood ang guro ng isang balita na may
kinalaman sa aralin. Pagkatapos ay sasagutan ng mga mag-
aaral ang 4W1H1Y

"El Niño Alert", itinaas na ng PAGASA; mataas ang


tsansang magka-El Niño sa susunod na 2 o 3 buwan.
Patuloy na paalala ng PAGASA, 'wag mag-aksaya at
magtipid sa paggamit ng tubig. Sa susunod na 2 o 3 buwan na
raw kasi posibleng maranasan ang simula ng El Niño sa bansa.
Pero hindi lang daw tagtuyot ang idudulot nito.
Pinagkunan:
https://www.youtube.com/watch?v=HmewbsdvmYc&t=50s

WHO:
WHAT:
WHEN:
WHERE:
HOW:
WHY:

BALIK-ARAL
PICTIONARY
Panuto: Ang mga mag-aaral ay pipili ng isang kinatawan. Ang
kinatawan ay bibigyan ng isang salita na kung saan ay kaniya
itong pahuhulan sa kaniyang kamag-aral sa pamamagitan ng
pagguhit sa pisara ng mga bagay na may koneksyon sa salita,
bawal magsulat ng anumang salita sa larong ito. Mag bibigay
lamang ang guro ng 3 minuto.

Salitang Pahuhulaan: PAG-UNLAD

Pamprosesong Tanong:
1. May maganda bang naibubunga ang pag-unlad sa isang
bansa? Oo o hindi? Paano mo nasabi?

MOTIBASYON
MEMORY AGRICARD
Panuto: Ang klase ay aawit ng kantang bayan “Ang Magtanin
ay Di Biro”. Pagkatapos nito ay lalaruin nila ang memory card
game. Magsisimula ang laro kung saan ang mga card ay
nakatalikod at ang manlalaro ay babaliktarin ito. Kapag ang
dalawang card na ibinaliktad ay magkatulad magpapatuloy sila
sa ibang mga card, ngunit kung hindi babaliktarin muli nila ito
at maghahanap ng magkatulad na card muli.

Magtanim ay Di Biro (2020) | Filipino Folk Song | robie317 |


https://www.youtube.com/watch?v=4NLwmATSHbo

B. Pagpapaunlad PALAISIPAN
Panuto: Ang klase ay hahatiin sa apat na grupo. Ang bawat
grupo ay bibigyan ng puzzle na kanilang bubuoin sa loob ng
tatlong minuto. Ang unang grupo na matatapos ay siyang
magkakamit ng mataas na puntos.

Unang larawan para unang pangkat:


Ikalawang larawan para sa ikalawangpangkat:

Ikatlong larawan para sa ikatlong pangkat:

Ikaapat na larawan para sa ikaapat na pangkat:


Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang inyong nakita sa nabuong larawan?
2. Sa inyong palagay may mahalagang gampanin ba ang
larawang inyong nabuo sa ekonomiya ng Pilipinas?
Paano mo nasabi.
C. Pakikipagpalihan Ang Sektor ng Agrikultura

Ang Pilipinas ay binubuo ng 7,641 isla. Dahil sa lawak


at dami ng mga lupain, napabilang ang Pilipinas sa mga
bansang agrikultural dahil malaking bahagi nito ang ginagamit
sa mga gawing pang-agrikultura.
Employed Persons by Sector

19.00%

24.50% 56.50%

Service Sector Agricultural Sector Industrial Sector

Sa katunayan, malaking bilang ng mamamayan ang


nasa sector na ito ng ekonomiya tulad ng nakatala sa Philippine
Statistics Authority (PSA). Makikita na sa taong 2022, nasa
mahigit 24.5% Pilipinong manggagawa ang kabilang dito,
pangalawa sa sector ng paglilingkod na may 56.5% na
nakapagbibigay ng hanapbuhay sa mga Pilipino.

Ang malaking bahagi ng ekonomiya ay nakadepende sa


sector ng agrikultura. Sinasabing ito ang nagtataguyod sa
malaking bahagdan ng ekonomiya dahil ang lahat ng sector ay
umaasa sa agrikultura upang matugunan ang pangangailangan
sa pagkain at mga hilaw na sangkap na kailangan sa
produksiyon.

Nahahati ang Sektor ng Agrikultura sa paghahalaman


(farming), paghahayupan (livestock), pangingisda (fishery),
at paggugubat (forestry).
AGRI PIC FIX
Panuto: Sa pisara ay may nakadikit ng mga larawan na may
kinalaman sa paghahalaman, paghahayupan, pangingisda, at
paggugubat. Ang bawat mag-aaral ay bibigyan ng pagkakataon
upang iayos ang mga larawan ayon sa kanilang
pagkakakilanlan.

Agrikultura

Paghahalaman Paghahayupan Pangingisda Paggugubat

 Paghahalaman
Maraming mga pangunahing pananim ang bansa tulad
ng palay, mais, niyog, tubo, saging, pinya, kape, manga,
tabako, at abaka. Kasama rin ditto ang produksiyon ng gulay,
halamang-gubat, at halamang mayaman sa hibla (fiber).
Gayundin ang mani kamoteng kahoy, kamote, bawang,
sibuyas, kamatis, repolyo, talong, at kalamasi.

 Paghahayupan
Ang paghahayupan naman ay binubuo ng pag-aalaga
ng kalabaw, baka, kambing, baboy, manok, pato at iba pa. Ang
paghahayupan ay gawaing pangkabuhayang kinabibilangan n
gating mga tagapag-alaga ng hayop. Ang paghahayupan ay
nakakatulong sa pag-supply n gating mg pangangailangan sa
karne at iba pang pagkain.

 Pangingisda
Itinuturing ang Pilipinas bilang isa sa mga
pinakamalaking tagatustos ng isda sa buong mundo. Isa sa
pinakamalalaking daungan ng mga huling isda ay matatagpuan
sa ating bansa. Samantala, ang pangingisda ay nauuri sa tatlo-
komersiyal, munisipal at aquaculture.
- Komersiyal: Gumagamit ng bangka na may kapasidad
na hihigit sa tatlong tonelada para sa mga gawaing
pangkalakalan o pagnenegosyo
- Munisipal: Gumagamit ng Bangka na may kapasidad
na tatlong tonelada o mas mababa pa na hindi
nagangailanagn na gumamit ng mga fishing vessel.
 Sakop ng operasyon ay 15 kilometro sa labas ng
nasasakupan ng pamhalaang bayan.
- Aquaculture: Pag-aalaga at paglinang ng mga ida at
iba pang uri nito mula sa iba’t-ibang uri ng tubig
pangisdaan- fresh (tabang), brackish (maalat-alat), at
marine (maalat) (BOI, 2011). Bahagi din ng gawaing
pangingisda ay ang panghuhuli ng hipon, sugpo, at pag-
aalaga ng mga damong dagat na ginagamit sa paggawa
ng gulaman.

 Paggugubat
Ang paggugubat ay isang pangunahing pang-
ekonomikong gawin sa sector ng agrikultura. Pinagkukunan ng
plywood, tabla, troso, at veneer. Bukod sa mga nabanggit na
produkto, pinagkakakitaan din ang rattan, nipa, anahaw,
kawayan, pulot-pukyutan at dagta ng almaciga.

Kahalagahan Ng Agrikultura
1. Ang agrikultura ay pangunahing pinagmumulan ng
pagkain.
- Ang lupa sa Pilipinas ay akma taniman.
- Mainam din ang temperature.
- Pinaliligiran at pinalolooban ng iba’t-ibang anyong
tubig na sapat na mapagkukunan ng mga pagkain.
- Ang agrikultura ay isang napakahalagang sector sa
bansa dahil ito ang pinagmumulan ng pagkain ng mga
mamamayan.
2. Pinagkukunan ng materyal para makabuo ng
bagong produkto.
- Nagmumula sa sector na ito ang mga hilaw na sangkap
mula sa kagubatan, kabukiran, at karagatan na
maaaring gamitin sa produksiyon.
3. Pinagkukunan ng kitang panlabas.
- Isang mahalagang pinagkukunan ng dolyar ng Pilipinas
ay mula sa mga produktong agricultural na naibebenta
sa pandaigdigang pamilihan.
4. Pangunahing nagbibigay ng trabaho sa mga
Pilipino.
- Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) para sa
taong 2022, 24.5% ng mga Pilipinong may trabaho ay
nabibilang sa sektor ng agrikultura. Karaniwan silang
nagtatrabaho bilang mga magsasaka, mangingisda,
minero, o tagapagalaga sa paghahayupan.
5. Pinagkukunan ng sobrang manggagawa mula sa
sector agricultural patungo sa sector ng industriya
at paglilinkod.
- Ang sobrang manggagawa sa sektor ng agrikultura ay
pinakikinabanagn sa sektor ng industriya at
paglilingkod batay sa laki ng demand sa mga ito.

Suliranin Sa Sektor Ng Agrikultura


A. PAGSASAKA
1. Pagliit ng lupang pansakahan.
Ang patuloy na paglaki ng populasyon, paglawak ng
panirahan, komersiyo, at industriya ay nagdudulot ng pagliit ng
mga takdang lupain para sa pagsasaka. Kaakibat ng suliraning
ito ang conversion o pagpapalit ng mga kagubatan at
kabundukan upang maging pansakahan na nagiging dahilan sa
pagkasira ng natural na tahanan (natural habitat) ng mga hayop
at halaman (Adler, 2002).
2. Paggamit ng teknolohiya.
Ang kakayahang mapataas ang produksiyon ng lupa ay
higit na makakamit sa pamamagitan ng paggamit ng
teknolohiya. Ang makabagong kaalaman sa paggamit ng mga
pataba, pamuksa ng peste, at makabagong teknolohiya sa
pagtatanim ay magiging kapaki-pakinabang lalo sa hamon ng
lumalaking populasyon. Ayon kay Cielito Habito (2005), ang
kakulangan ng pamahalaan na bumalangkas ng isang polisiya
na magbibigay-daan sa isang kapaligirang angkop sa
pagpapalakas ng ating agrikultura ang isa sa mga kahinaang
dapat matugunan.
3. Kakulangan ng mga pasilidad at imprastruktura sa
kabukiran.
Isa rin sa mga dapat na mabigyan ng atensiyon ay ang
kakulangan sa mga imprastrukturang magagamit ng ating mga
magsasaka. Tulad ng irigasyon, farm-to-market-road, at iba pa.
4. Kakulangan ng suporta mula sa iba pang sektor.
Ang pagtutulungan sa loob at labas ng sektor ay
magtutulak upang higit na maging matatag ang agrikultura.
Ang suliranin sa irigasyon, enerhiya, komunikasyon,
impormasyon, at edukasyon ay mga tungkulin na maibibigay
ng mga ahensyang ang pangunahing responsibilidad ay tungkol
sa mga nabanggit. Halimbawa, ang Land Bank of the
Philippines ay partikular na makatutulong upang
makapagpautang sa mga magsasaka upang tugunan ang mga
pangunahing pangangailangan sa pagtatanim tulad ng gastusin
sa abono, butil, at iba pa.
5. Pagbibigay-prayoridad sa sektor ng industriya.
Mas binibigyan ng pamahalaan ng maraming
proteksiyon at pangangalaga ang industriya. Dahil dito,
nawawalan ng mga manggagawa at mamumuhunan sa sektor
ng agrikultura. Mas pipiliin pa nila ang pumunta sa industriya
dahil sa mga insentibo rito na nagbunga sa pagbaba ng
produksiyon at kita sa agrikultura.
6. Pagdagsa ng mga dayuhang kalakal.
Dahil sa pagpasok ng pamahalaan sa World Trade
Organization (WTO) kung saan madaling makapasok ang mga
murang produktong mula sa mga miyembro nito.Maraming
magsasaka ang naapektuhan, huminto, at sa kalaunan ay
ipinagbili na lamang ang kanilang mga lupa upang maging
bahagi ng mga subdibisyon.
7. Climate Change.
Malaki ang epekto ng tagtuyot at malalakas na bagyo sa
pagkasira ng mga pananim ng mga magsasaka.

B. PANGISDAAN
1. Mapanirang operasyon ng malalaking komersiyal
na mangingisda.
Mula sa aklat nina Balitao et al (2012), ang malalaki at
komersiyal na barko na ginagamit sa paghuli ng mga isda ay
nakaaapekto at nakasisira sa mga korales. Bunga ito ng
pamamaraang thrawl fishing na kung saan ang mga
mangingisda ay gumagamit ng malalaking lambat na may
pabigat. Ito ay hinihila upang mahuli ang lahat ng isdang
madaanan, maliit man o malaki. Dahil dito, pati ang mga
korales na nagsisilbing itlugan at bahay ng mga isda ay
nasisira.
2. Epekto ng polusyon sa pangisdaan.
Binanggit din sa aklat nina Balitao et al (2012) ang
patuloy na pagkasira ng Laguna de Bay at Manila Bay dahil sa
mga polusyon na nagmumula sa mga tahanan, agrikultura, at
industriya. Ang mga dumi ng tao, mga kemikal na sangkap sa
mga abono o pataba na gamit sa pagtatanim, at mga kemikal na
mula sa mga pabrika ay pumapatay sa mga anyong-tubig ng
bansa.
3. Lumalaking populasyon sa bansa.
Dahil habang lumalaki ang bilang ng populasyon, unti-
unti rin ang pagbaba sa bilang ng mga yamang-dagat at lahat
ng likas na yaman dahil sa dami ng kumokonsumo.
4. Kahirapan sa hanay ng mga mangingisda.
Ang mga magsasaka at mangingisda ay isa sa may
pinakamababang sahod na natatanggap. Dahil dito, sila ay
nabibilang sa mga pangkat na hikahos sa buhay.mAng
mababang kita sa uri na ito ng hanapbuhay ay hindi
naghihikayat sa mga batang miyembro ng kanilang pamilya na
manatili sa sektor. Dahil dito, karaniwan ng makikita ang
kanilang pagpunta sa mga kalunsuran upang
makipagsapalaran.

C. PAGGUGUBAT
1. Mabilis na pagkaubos ng mga likas na yaman lalo
na ng kagubatan.
Malawakan ang paggamit sa ating mga likas na yaman.
Mabilis na nauubos ito dahil sa mga pangangailangan sa mga
hilaw na sangkap sa produksiyon tulad ng mga troso at
mineral.
a. Dahil dito, nababawasan ang suplay ng mga hilaw na
sangkap na ginagamit ng mga industriya.
b. Sa pagkawala ng mga kagubatan, nawawalan ng tirahan
ang mga hayop kaya hindi sila makapagparami.
c. Nagiging sanhi rin ito ng pagbaha na sumisira sa libo-
libong ektaryang pananim taon-taon.
d. Naapektuhan din ng pagkaubos ng mga watershed ang
suplay ng tubig na ginagamit sa irigasyon ng mga
sakahan.
e. Ang pagkaubos ng kagubatan ay nagdudulot din ng
pagguho ng lupa. Dahil sa kawalan ng mga puno,
natatangay ng agos ng tubig ang lupa sa ibabaw,
kasama ang sustansiya nito. Hindi nagiging produktibo
ang mga pananim na itinatanim dito.
D. Paglalapat AGRI KA MUNA
Panuto: Hahatiin ang klase sa apat na pangkat. Pangkat para
magagaling sa musika, sining, pagbabalita at literatura.
Magtatalaga ang guro na bawat gawain sa nasabing grupo.

 Musika: Gumawa ng isang jingle campaign para sa


temang “Magsasaka bigyang pansin, gutom ay
kabakahin.”
Pamprosesong Tanong:
1. Mahalaga bang bigyang prayoridad ang mga
manggagawa sa indutriya ng paghahalaman?
2. Paano ninyo tutugunan ang suliranin patungkol sa
mababang sahod na natatanggap ng mga mangagagawa
sa industriya ng paghahalaman sa bansa?

 Sining: Gumawa ng isang poster na nagpapakita kung


paano ang marapat na gawin upang mapangalagaan ang
mga yamang-tubig.
Pamprosesong Tanong:
1. Mahalaga bang bigyan pansin ang suliranin tungkol sa
polusyon sa tubig.
2. Sa inyong palagay mabisa ba ang rekomendsyon na
nakalagay sa inyong poster upang mapangalagaan ang
mga yamang-tubig?

Pagbabalita: Alamin ang kasalukuyang kalagayan ng


industriya ng paghahayupan (livestock industry) sa Pilipinas.
Ibalita ito sa klase tulad sa isang totoong balita sa telebisyon.
Pamprosesong Tanong:
1. May suliranin ba sa balitang ibinahagi?
2. Ano ang inyong solusyon sa suliraning ito?

Literatura: Gumawa ng tula tungkol sa sanhi at bunga ng


pagkasira ng mga kabundukan at kagubatan dahil sa maling
gawain ng mga tao.
Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang pangunahing bunga ng pagkasira ng mga
kabundukan at kagubatan sa bansa?
2. Paano mo ito susulusyunan bilang isang mag-aaral.
Pamantayan sa Pagmamarka
Natamong
Pamantayan Indikador Puntos
Puntos
Naipakita at
Nilalaman naipaliwanag nang 1-5
maayos ang konsepto.
Pagkamapanlikha Orihinal ang ideya sa
1-5
(Originality) paggawa.
Makabago ang
pamamaraan na
Pagkamalikhain ginamit upang
1-5
(Creativity) maipahayag ang
nilalaman, konsepto at
mensahe.
Malinis at maayos ang
Kabuuang Presentasyon kabuuang 1-5
presenatasyon.
Kabuuan:
V. PAGNINILAY Picture Analysis
Panuto: Suriin ang larawan at magbahagi ng saloobin.

Tanong:
1. Ang sektor ng agrikultura ang pangunahing tumutugon
sa pangangailangan sa pagkain at mga hilaw na
sangkap na kailangan sa produksiyon. Bilang mag-
aaral, ano ang mga paraan na iyong gagawin upang
mapakita ang pagpapahalaga mo sa sektor ng
agrikultura?
MAIKLING BABAE O LALAKE
PAGTATAYA Panuto: Isulat ang BABAE kung tama ang pahayag, LALAKE
naman kung mali.
1. Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) nasa
mahigit 56.5% Pilipinong manggagawa ang kabilang
sa sektor ng agrikultura. MALI- 24.5%.
2. Nahahati ang sektor ng agrikultura sa apat:
paghahalaman, paghahayupan, pangingisda at
paggugubat. TAMA
3. Aquaculture ang tawag sa pag-aalaga at paglinang ng
mga ida at iba pang uri nito mula sa iba’t-ibang uri ng
tubig pangisdaan- fresh (tabang), brackish (maalat-
alat), at marine (maalat) (BOI, 2011). TAMA
4. Ang agrikultura ay hindi pangunahing pinagmumulan
ng pagkain. MALI- PANGUNAHIN.
5. Ang mga magsasaka at mangingisda ay isa sa may
pinakamataas na sahod na natatanggap. MALI-
PINAKAMABABA.

Inihanda ni:

Adrian O. Pascual

Iwinasto ni:

Mrs. Kareen S. Peñamante

You might also like