You are on page 1of 11

DETAILED LESSON PLAN

ARALING PANLIPUNAN Grade 10


School Teaching Dates/ Week
PANIPUAN HIGH SCHOOL
Teache
r Belinda Marjorie L. Pelayo Quarter Unang Markahan

A. Pamantayang Pangnilalaman (Content Standards):


Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa sa sanhi at implikasyon ng mga lokal at pandaigdigang
isyung pang-ekonomiya tungo sa pagkamit ng pambansang kaunlaran.

B. Pamantayan sa Pagganap (Performance Standards):


Ang mga mag-aaral ay nakabubuo ng programang pangkabuhayan (livelihood project) batay
sa mga pinagkukunang-yaman na matatagpuan sa pamayanan upang makatulong sa paglutas
sa mga suliraning pangkabuhayan na kinakaharap ng mga mamamayan

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto/ Most Essential Learning Competencies


MELC No. 1 - Naipaliliwanag ang konsepto ng Kontemporaryong Isyu. (AP10IPE-Ia-1)
- Nasusuri ang kahalagahan ng pagiging mulat sa mga kontemporaryong
isyu sa lipunan at daigdig. (AP10IPE-Ia-2)

D. Layunin (Objectives):

1. Natatalakay ang etymolohiya ng Kontemporaryong Isyu.


2. Nailalahad ang konsepto ng Kontemporaryong Isyu at mga uri nito.
3. Nailalahad ang mga batayan sa pagturing ng mga suliranin o pangyayari bilang
Kontemporaryong Isyu.
4. Naipaliliwanag ang mga kasanayang kailangan sa pag-aaral ng kontemporaryong isyu
5. Nabibigyang-diin ang mga kahalagahan ng pagiging mulat sa mga kontemporaryong
Isyu sa lipunan at daigdig.

I. NILALAMAN (Content): KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL NG MGA KONTEMPORARYONG ISYU


Kagamitang Panturo (Learning Resources)
A. Sanggunian (References)
1. Mga pahina sa Gabay ng Guro (TGs): wala
2. Mga pahina sa Kagamitang Pang-mag-aaral (LMs): wala
3. Mga pahina sa Teksbuk (Other references):
4. Karagdagang Kagamitan mula sa Portal ng Learning Resource:
5. Iba pang pinagkuhanang sources: Gr10 AP 1st Q Lecture pp.1-3, Gr10 AP Module I pp. 2-6,
www.frontleaners.com, www.wikipedia.org, https://www.youtube.com/watch?v=pT1JRIE3p5I,
https://www.youtube.com/watch?v=v6KIPqqoOUs,https://www.youtube.com/watch?
v=Tk5xtSudsdo

B. Iba pang Kagamitang Panturo: panulat, sagutang papel/kwaderno, selpon/laptop/desktop

II. PAMAMARAAN (Procedures):

A. Balik-aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin (Subukin):

Bago ka magsimula sa pagbabasa ng araling ito, subukin mong sagutan ang panimulang
pagtataya upang masukat ang lawak ng kaalaman mo tungkol sa aralin.

Page 1 of 11
Huwag kang mangamba sa pagsagot. May mga tulong sa pag-aaral na inihanda para sa iyo.
Maaari mo nang simulan ang pagsagot.

TEST I. PANUTO: PILIIN KUNG ANONG URI NG KONTEMPORARYONG ISYU ANG MGA
SUMUSUNOD NA PAHAYAG. ISULAT ANG TITIK NG KATUMBAS NG SAGOT SA PATLANG BAGO
ANG BILANG.

A. PANGKAPALIGIRAN E. PAMPOLITIKA AT PANGKAPAYAPAAN


B. PANG-EKONOMIYA F. PANGKASARIAN
C. PANG-EDUKASYON G. KARAPATANG PANTAO
D. PAGKAMAMAMAYAN

________1. Ang unemployment noong taong 2017 ay 6.6% at ngayong 2018 ay 5.3%.

________2. Pagpapatupad ng “Oplan Tokhang” ng administrasyong Duterte

________3. Pansamantalang ipinasara ang Boracay noong April 26 upang ito ay marehabilitate bago
ito tuluyang masira.

________4. Pagpapatupad ng K-12 curriculum o pagdaragdag ng dalawang taon sa High School.

________5. Nais ibalik ng ilang mambabatas ang parusang kamatayan o “death penalty” sa Pilipinas

________6. Sa taong 2018 ay kinikilala nang batas tungkol sa “same–sex marriage” sa mga bansang
Argentina, Australia, Belguim, Brazil, Canada, Columbia, Denmark, Finland, Germany at
iba pang bansa sa Europa.

________7. Tuluyang nagwakas ang digmaan sa Marawi at inaasahan ang paglagda ng pangulo
sa Bangsamoro Organic Law.

________8. Kinwestyon si Grace Poe sa kanyang kandidatura sa pagkapangulo dahil siya ay


ipinanganak na Pilipino ngunit naging American citizen.

________9. Isinisigaw ng mga pamilya ng mga biktima ng tokhang ang hustisya sa pagkamatay ng mga
pinaghihinalaang tulak ng droga sa kamay ng mga pulis.

________10. Ang climate change ay isang pandaigdigang isyu na kinakaharap ng lahat ng tao sa
mundo.

TEST II. PANUTO: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat sa patlang bago ang bilang.

________11. Ang isang isyu ay dapat turingan na isang kontemporaryong isyu kung taglay nito ang
mga sumusunod maliban sa isa.
A. may temang napag-uusapan
B. naganap sa mga nakaraang siglo
C. mahalaga at makabuluhan sa lipunang ginagalawan
D. may malinaw na epekto o impluwensya sa lipunan o sa mga mamamayan

________12. Kung ang inyong barangay ay nasa RED rainfall advisory ano ang angkop na tugon ang
dapat gawin ng pamilya?
A. Manatili sa bahay at hintaying tumigil ang bagyo.
B. Maghanda sa paglikas sakaling tumaas ang tubig sa lugar.
C. Lumikas na sa mataas at ligats na lugar o sa itinakdang evacuation center.
D. Wala sa nabanggit

________13. Alin sa mga sumusunod ang kahulugan ng PAG-ASA?


A. Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Services Authority
B. Philippine Atmospheric Geophysical Astrological Services Administration
C. Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Services Administration
D. Philippine Astronomical Geographical Atmospheric Services Administration

Page 2 of 11
________14. Alin sa mga sumusunod ang HINDI tungkulin ng PAG-ASA?
A. Magbigay anunsyo tungkol sa ulat panahon
B. Magbigay ng impormasyon tungkol sa lindol at pagsabog ng bulkan
C. Magbigay babala sa maaaring pinsalang dulot ng bagyong paparating.
D. Mag-anunsyo tungkol sa mga signal number at mga lugar na tatamaan ng bagyo.

________15. Alin sa mga sumusunod ang kabaligtaran ng El Nino na kung saan nagkakaroon ng
matagal na tag-ulan na nagiging sanhi ng pagbaha?
A. El Nina C. La Nino
B. La Nina D. El la

________16. Ang Pilipinas ay bahagi ng _______ na may mga hanay ng bulkan, kung kaya ito ay prone
sa mga kalamidad tulad ng earthquake.
A. Pacific Ring of Fire C. Pan-Pacific
B. Trans-Atlantic D. IndoEuropean Region

________17. Alin ang uri ng weather system na inilalarawan ng malawakang low pressure center at
mga thunderstorm na may kakahayahang makalikha ng mga malalakas na hangin at
ulan?
A. bagyo C. lindol
B. baha D. tsunami

________18. Ano ang tawag sa uri ng mapa na ginagamit upang matukoy ang mga lugar na madaling
tamaan ng mga sakuna at kalamidad?
A. Political map C. Physical map
B. Geohazard map D. Climate map

________19. Alin sa mga sumusunod na bayo ang nanalasa sa Eastern Samar at Leyte noong
November 8, 2013 at nagdulot ng malaking pinsala?
A. Bagyong Yolanda C. Bagyong Santy
B. Bagyong Ondoy D. Bagyong Glenda

________20. Kapag ang color signal para sa baha ay kulay dilaw anong angkop na tugon ang dapat
isagawa?
A. paglikas C. manatiling nakasubaybay
B. maging handa D. maging panatag

Nahirapan ka ba sa pagsagot? Huwag kang mag-alala ang mga pahayag na iyong nabasa sa
panimulang pagsusulit ay iyong matutunghayan at matututunan sa mga susunod pang pag-
aaral.

Ang mga gawain sa bahaging ito ay tutuklas sa iyong kaalaman tungkol sa mga pangunahing
konsepto ng kontemporaryong isyu at kung paano ito magagamit bilang batayan ng
matalinong pagpapasya sa pang-araw-araw na pamumuhay.

B. Paghahabi sa layunin ng aralin (Panimula)

Gawain 1: Larawan Suri


Suriin ang larawang headline sa ibaba at sagutin mo ang tanong na:

“Bakit ito ay maituturing na isyu o suliraning panlipunan?” Ipaliwanag.


Isulat ang sagot sa patlang.

Page 3 of 11
A. Unang Headline

________________________________

________________________________

________________________________

________________________________

________________________________

________________________________

B. Ikalawang Headline

________________________________

________________________________

________________________________

________________________________

________________________________

________________________________

C. Ikatlong Headline

________________________________

________________________________

________________________________

________________________________

________________________________

________________________________

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin

Sa susunod na bahagi ay iyong ipoproseso ang lhat ng mga nakalap mo na kasagutan mula
Sa unang gawain sa pamamagitan ng pagsagot ng tanong na nasa ibaba. Limitahan lamang
ang mga kasagutan sa 6 hanggang 12 pangungusap.

Bakit mahalaga na maunawaan mo ang iba’t-ibang isyung panlipunan?

_____________________________________________________________

Page 4 of 11
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

_____________________________________________________________

_____________________________________________________________

_____________________________________________________________

_____________________________________________________________

D. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1 (Paglinang/


Alamin Mo/Paunlarin)

Matapos mong malaman ang mga paunang impormasyon tungkol sa aralin, ngayon naman ay
iyong lilinangin ang mga kaalamang ito sa tulong ng mga teksto at mga gawain na inihanda
upang maging batayan mo ng impormasyon. Ang pinakatiyak na layunin ng bahaging ito ay
matutuhan mo bilang mag-aaral ang mahahalagang ideya tungkol sakahalagahan ng pag-
aaral ng kontemporaryong isyu. Mula sa mga inihandang gawain at teksto ay inaasahang
gagabay ito sa iyo upang masagot kung ano ang kahalagahan ng pag-aaral ng
kontemporaryong isyu sa pangaraw-araw na buhay bilang isang mag-aaral at kasapi ng
pamilya at lipunan. Halina’t umpisahan mo sa pamamagitan ng gawain na nasa ibaba.

Page 5 of 11
Page 6 of 11
E. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2 (Paglinang/
Alamin Mo/Paunlarin)

Sa puntong ito maaari mo mapanood ang bidyo na tumatalakay sa ating paksa sa pamamagitan ng pag-
click ng link na nasa ibaba. Sa mga walang access sa internet maari mong pag-aralan ang mga slides mula
sa powerpoint presentation.

 Link sa youtube channel ko nagtatalakay sa Aralin 1: Ang Kahalagahan ng Pag-aaral ng


Kontemporaryong Isyu:

1. Pinalalim na edisyon - https://www.youtube.com/watch?v=pT1JRIE3p5I


- https://www.youtube.com/watch?v=v6KIPqqoOUs&t=3s

2. Pinasimpleng edisyon - https://www.youtube.com/watch?v=Tk5xtSudsdo

 Powerpoint presentation ng paksa:

Page 7 of 11
F. Paglinang sa Kabihasnan( Gawin Mo/ Pagyamanin)

Gawain 2: Pumili ng isang uri ng kontemporaryong isyu na iyong nauunawaan. Ipakita ang
iyong pagkamulat sa kontemporayong isyung ito sa pamamagitan ng pagsulat ng isang
sanaysay na nagsasaad ng iyong kaalaman at opinyon. Suriin ang mga isyung ito sa tulong ng
ilang tanong:

1. Tungkol saan ang isyung ito?


2. Gaano ito kahalaga sa lipunan?
3. Ano-ano ang mga solusyong ginagawa ng pamahalaan ukol dito?
4. Ano-ano ang mga hakbanging maaari mong gawin bilang isang indibidwal.

Paalala: Maaari kang gumamit ng sulatang papel para sa iyong mga kasagutan.

G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay (Gawin Mo/ Pagyamanin)

Gawain 3: Itala mo, Susuriin ko


Magtala ng tig-iisang isyung kinahaharap ng Pilipinas, Siyudad San Fernando, at sa inyong
kianbibilangang barangay sa kasalukuyan o sa malapit na nakaraan. Magbigay ng maikling
paliwanag kung bakit itinuturing na isyu ang bawat isa.

Page 8 of 11
SAKLAW NA KONTEMPORARYONG
ISYU BAKIT NAGING ISYU
ISYU

Sa yugtong ito natapos mo na ang ang pagtutuklas sa paksang “Kahalagahan ng Pag-aaral ng


Kontemporaryong Isyu” at ang mga gawain na nakapaloob dito. Sa pagtatapos ng ating aralin,
narito ang mga ilang puntos na dapat mong tandaan.

H. Paglalahat ng Aralin (Tandaan Mo/ Pagyamanin at Isaisip)

 Ang Kontemporaryong isyu ay napapanahong usaping kasalukuyang nangyayari sa


lipunan.

 Mahalaga ang pag-aaral nito sapagkat ditto namumulat ang mamamayan sa mga
isyung nararapat bigyan ng solusyun.

 Nahuhubog nito ang modernong pag-iisip at nakagagawa ng mas malawak na


pagkakaintindi sa mga isyung pambansa at pandaigdig.

 Mga saklaw ng Kontemporaryong Isyu:


A. Isyung Pangkapaligiran
B. Isyung Pangkabuhayan at Pang-ekonomiko
C. Isyung Pulitikal at Pangkapayapaan
D. Isyung Karapatang Pantao
E. Isyung Pang-edukasyon
F. Isyung may kaugnayan sa kasarian at sekswalidad
G. Isyung Pangkalusugan
H. Isyung pansibiko, panlipunan at pagkamamamayan

 Mahalaga na maunawaan nating lahat ang iba’t ibang isyung panlipunan dahil ang
bawat isa sa atin ay bahagi nito.

 Ang kaalaman ng bawat mamamayan tungkol sa mga isyung panlipunan ay bahagi


ng karapatan natin. Mabuti man o masama ang nasabing isyu, mahalagang lumabas
ito at mabigyan ang bawat isa sa atin ng pagkakataong na siyasatin ang kabuoang
naganap. Ang mamamayang nakakaunawa ng iba’t ibang isyu ay mamamayang hindi
mangmang.

I. Pagtataya ng Aralin (Natutuhan Ko/ Isagawa)

Binabati kita! Matagumpay mong nagawa ang lahat ng mga gawain. Patunay ito na
handa ka na sa maikling pagsusulit na iyong gagawin.
Page 9 of 11
(SUMMATIVE ASSESSMENT)
Piliin ang tamang salita sa bawat pahayag na nasa ibaba.

Isyu Kontemporaryo Kontemporaryong Isyu


Contemporarius Tempu/Tempos Con
Paglalahat Kongklusyon Hinuha
Opinyon Katotohanan Sekundaryang Sanggunian
Primaryang Sanggunian Charles Right Wills Charles Wright Mills
___________________1. Pangyayaring naganap sa nakalipas na mga dekada na nakakaapekto sa
kasalukuyang henerasyon.

___________________2. Paksa, tema o suliraning nakakaapekto sa lipunan na pinagtatalunan o tinatalakay


nang mainitan.

___________________3. Tumutukoy sa iba’t ibang hamon o problema na hinaharap ng ating lipunan at ng


daigdig sa kasalukuyan.

___________________4. Isang sosyolohista at propesor ng sosyolohiya at ayon sa kanya, ang buhay ng


isang indibidwal ay lubos na nakatali sa kanyang lipunang ginagalawan, sa
kasaysayan nito at sa mga institusyong nakapaloob dito.

___________________5. Tumutukoy sa mga pangyayari o ilang suliraning bumabagabag o gumagambala at


nagpapabago sa kalagayan ng ating pamayanan, bansa, o mundo sa kasalukuyang
panahon.

___________________6. Pinagkunan ng impormasyon ay mga orihinal na talang mga pangyayaring isinulat o


ginawa ng mga taong nakaranas sa mga ito.

___________________7. Impormasyon o interpretasyon batay sa mga primaryang pinagkunan o ibang


sekundaryang sanggunian at inihanda o isinulat ng mga taong walang kinalaman
sa mga pangyayaring itinala.

___________________8. Totoong pahayag o pangyayari na pinatutunayan sa tulong ng mga aktwal na datos


o ebidensyang magpapatunay na totoo ang mga pangyayari. Ito ay hindi
nagbabago.

___________________9. Nagpapahiwatig ng saloobin at kaisipan ng tao tungkol sa inilahad na katotohanan.

___________________10.Desisyon, kaalaman o ideyang nabuo pagkatapos ng pag-aaral, obserbasyon, at


pagsusuri ng pagkakaugnay ng mahalagang ebidensya o kaalaman.

J. Karagdagang Gawain at Remediation

Humanap ka ng isang balita, maaaring sa diyaryo, internet, o TV na maaring bigyan ng


repleksiyon sa pamamagitan ng pagsagot sa pamprosesong tanong.

BALITA:

Page 10 of 11
1. Tungkol saan ang balita?

_______________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

2. Sa ano-anong kategorya ng kontemporaryong isyu ito nahahanay?

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

3. Bakit mahalagang malaman ng tao ang balitang ito?

__________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________

Mahusay! Binabati Kita! Natapos mo ang mga gawain para sa linggong ito.

Page 11 of 11

You might also like