You are on page 1of 2

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 10

Content Standard: Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa sa kahalagahan ng karapatang pantao sa pagsulong ng
pagkapantay-pantay at respeto sa tao bilang kasapi ng pamayanan, bansa at daigdig.
Performance Standard: Ang mga mag-aaral ay: nakapagplano ng symposium na talakay sa kaugnayan ng karapatang
pantao at pagtugon sa tumaresponsibilidad bilang mamamayan tungo sa pagpapanatili ng isang pamayanan at bansa
na kumikilala sa karapatang pantao.

Learning Competencies: 1. Nasusuri ang epekto ng paglabag sa karapatang pantao


2. Nakapagmumungkahi ng mga paraan ng paglutas sa mga paglabag ng karapatang pantao.
I. Desired Learning Objectives
1. Cognitive: Nasusuri ang mga halibawa ng paglabag sa mga karapatang pantao
sa pamayanan, bansa at daigdig.
2. Affective: Nakapagmamalas ng paggalang sa karapatang pantao.
3. Psychomotor: Nakagaganap ng symposium ukol sa mga isyu tungkol sa karapatang pantao
at epekto nito sa mga mamamayan, pamayanan, bansa at daigdig.

II. Aralin
1. Content Mga Isyu sa Karapatang Pantao
2. Skill pagsusuri, conflict resolution o pag-ayos ng gulo at kritikal na pag- iisip
3. Attitude marunong magpasya, bukas ang isip at responsable
4. Values disiplina, kooperasyon, pagkamatarungan at paggalang
III. Instructional Materials
1. Visual modules o reading materials at video clip
2. Auditory speaker for the video
3. Manipulative props at costumes para sa symposium
4. Community Resources data at news articles
IV. Strategies
Motivation:
1. Ang guro ay tatawag ng sampung (10) volunteers para iakto ang mga sumusunod
sitwasyon (dalawang volunteer para sa isang sitwasyon). Sila ay bubunot ng papel na
nakasulat ang mga sumusunod na sitwasyon:
a. Mga pulis na binabaril ang mga taong nagdodroga
b. Ang mga bata ay binebenta para sa mga sindakato
c. Babaeng naglalakad sa gabi at ginahasa ng isang lalaki sa madilim na lugar
d. Kinulong ang isang ama sa salang pagpatay kahit hindi ito ginawa
e. Akyat-bahay
2. Pagkatapos nitong iaakto, huhulaan ito ng mga mag-aaral.
3. Itatanong ng guro ang mga sumusunod:
a. Ano ang inyong naramdaman habang pinapanuod sila?
b. Ang mga sitwasyong ito ba ay kasalukuyang nagaganap sa ating lipunan? Bakit?
4. Ang mga mag-aaral ay ipapangkat sa 5 grupo. Ang bawat grupo ay mga 5 miyembro.Ang
aktibiti na kanilang gagawin ay Literature Circle. Ang mga volunteer ay automatikong
magiging pangkat sa isyu na kanilang naiakto kanina. Habang ang ibang mag-aaral ay
malayang pipili ng isyu kung saan nila gusto.
Literature Circle
Step 1. Reading the Material
Ang mga miyembro ay bibigyan ng kopya ng naasayn na artikulo sa kanila. Ang mga artikulong
ito ay tungkol sa mga halimbawa na paglabag sa karapatang pantao. Babasahin nila ito at
susuriin ang mga impormasyon, konsepto at isyu tungkol dito.
Group 1 – Extrajudicial Killings
Group 2 – Human Trafficking
Group 3 – Rape
Group 4 – Unfair Trials and Injustice
Group 5 – Theft and Robbery
Step 2. Assigning of Roles
Ang bawat miyembro at iaasayn ng bahaging gagampanan, isang designer, link maker, line
catcher, reporter at wonderer. Ang bawat role ay may katumbas na katanungan.
Link maker - Paano mo makokonek ang artikulong iyong nabasa sa mga sitwasyon na nagaganap
sa lipunan sa kasalukuyan?
Designer – Ano ang mensaheng ipinapahiwatig ng artikulong binasa at ano ang kahalagan ng
may alam sa pangyayaring ito sa ating buhay?
Line catcher – Maghanap ng interesadong linya sa artkulo at ipahayag kung bakit ito ang iyong
napili.
Wonderer – Kung ikaw ay isa sa mga biktima at saksi ng mga pangyayari, ano ang iyong
gagawin at bakit?
Reporter - Gumawa ng buod sa lahat ng impormasyon na kanilang tinalakay.
Step 3. Engaging Individual Task
Ang bawat miyembro ay bibigyan ng 5 minuto upang magawa ang kanilang mga bahaging
gagampanan.
Step 4. Sharing of Individual Outputs
Pagkatapos nilang nagawa ang kanilang bahaging ginampanan, ibabahagi nila ito sa grupo. Ang
reporter ay magprepara upang ireport ito sa buong klase.
Step 5. Reporting the Collective Outputs
Pagkatapos nilang kolektahin ang indibidwal outputs, ito ay irereport sa buong klase. Ang bawat
grupo ay magbibigay ng feeback sa mga naiulat ng grupo.
Pagkatapos ng aktibiti, babalik ang mga mag-aaral sa kanilang mga upuan. Ang guro ay
itatanong ang mga sumusunod:
1. Bilang isang mag-aaral, anak at mamamayan, paano mo maipapakita ang paggalang ng
karapatang pantao sa iyong kapwa?
2. Kung walang karapatang pantao, ano ang mangyayari sa atin at sa ating lipunan?
V. Assessment
Ang mga mag-aaral ay mag-oorganisa ng symposium. Sila ay gagawa ng theme tungkol
sa mga isyu sa karapatang pantao at epekto nito sa mga mamamayan, pamayanan, bansa at
daigdig.
Rubrics
Preparasyon - 30%
Organization and Flow - 30%
Content and Mastery of the Speaker - 30%
Collaboration and Originality - 10%
TOTAL - 100%
VI. Assignment
Essay
Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Isulat ito sa ½ crosswise na papel sa 5
pangungusap lamang. (5 pts each)
1. Magbigay ng iyong karanasan na nilabag ang iyong karapatang pantao. Ipahiwatig ang
iyong naramdaman at kung paano mo ito mareresolba.
2. Ano ang iyong magagawa sa iyong sarili upang mapigilan ang isyu sa karapatang tao?
3. Ano ang kahalagahan ng Commission on Human Rights sa mga mamamayan?
4. Ano ang limitasyon ng ating karapatang pantao?
Rubrics:
Content - 2 pts
Relevance - 2 pts
Organization of Ideas - 1 pt
TOTAL - 5 pts

You might also like