You are on page 1of 6

PAMANTASANG NORMAL NG PILIPINAS

Ang Sentro sa Edukasyong Pangguro


AURORA A. QUEZON ELEMENTARY SCHOOL
Malate, Manila

ARALING PANLIPUNAN III

Ikaapat na Markahan
Paksa: Paraan ng Pagpili ng Pinuno (Pagboto)

Sharina Marie B. Pañas


Nagsasanay na Guro

Mrs. Leah Fabillar


Gurong Tagapagsanay

Ika-15 ng Pebrero, 2018


PAMANTAYANG PANGNILALAMAN PAMANTAYAN SA PAGGANAP
Naipamamalas ang pang-unawa sa mga Nakapagpapakita ng aktibong pakikilahok
gawaing pangkabuhayan at bahaging sa mga gawaing panlalawigan tungo sa
ginagampanan ng pamahalaan at ang ikauunlad ng mga lalawigan sa
mga kasapi nito, mga pinuno at iba pang kinabibilangang rehiyon/
naglilingkod tungo sa pagkakaisa,
kaayusan at kaunlaran ng mga lalawigan
sa kinabibilangang rehiyon.

I. Layunin
Pagkatapos ng 40-minutong aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. naipaliliwanag ang paraan ng pagpili ng pinuno partikular na ang pagboto;


2. naipaliliwanag ang kahalagahan ng pagboto; at
3. naipamamalas ang kasiglahan at pagiging aktibo sa klase sa pamamagitan ng
pakikilahok sa Halalan 2018.

II. Mga Nilalaman

A. Paksang Aralin: Paraan ng Pagpili ng Pinuno: Pagboto

B. Sanggunian: Antonio, E.D et al (2014). Kayamanan: National Capital Region.


Batayan at Sanayang Aklat sa Araling Panlipunan, AP3EAP-IVb-4

C. Kagamitan: Kahon, Balota, Cartolina, Larawan

“Kahalagahan ng pagboto sa pagpili ng pinuno”


III. Mga Pamaraan

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MGA PAG-AARAL

Magandang Umaga, Grade 3! Magandang araw Teacher Sha,

A. PANIMULANG GAWAIN
1. Balitaan

Sino ang magbabalita para sa araw na Magtataas ng kamay ang mga nanunuod
ito? o nakikinig sa radyo/t.v. Magbabahagi
ang nais magbahagi ng balita
Mga pamprosesong tanong:
Ano raw ang nilalaman ng balita?
Kailan ito naganap?

2. Pagtatakda ng Pamantayan
Basahin ang Pamantayan, Klase. Babasahin ang pamantayan
3. Balik-Aral

Sagutan ang mga sumusunod:

Isulat ang P kung pwede at HP kung hindi Tamang sagot:


pwede 1. HP
2. P
1. Si Maria ay labinwalong taong gulang 3. HP
(18) at nais tumakbo sa pagka-alkalde. 4. HP
5. HP
2. Si Mang Tanny ay tatlongpu’t
dalawang taong gulang at tatlong taong
nakatira sa Maynila.

3. Si Rosie ay dalawampu’t isang taong


gulang at nakatira sa Maynila ng
dalawang taon.

4. Si Joo Hyuk ay isang Koreano at


kasalukuyang naninirahan sa Maynila.

5. Si Mary Jane ay magdadalawampu’t


limang taong gulang naat nakatira sa
Leyte. Ngunit gusto niya maging alkalde
ng Maynila.
B. ARALIN
1. Pagganyak

Itago na ang A.P notebook at tumingin sa .


sa akin. Ano ang inyong nakikita?
Magtataas ng kamay ang nakakaalam

Bumoboto po.

Ano ba ang ginagawa kapag bumoboto? Pumipili ng Pinuno.

Magaling mga bata!

2. Paglalahad ng Paksa

Batay sa mga salita, ano kaya ang ating


pag-aaralan sa araw na ito? Ang pag-aaralan natin ay ang pagpili ng
pinuno.

Mahusay!

3. Pagbuo ng Suliranin

Ano naman ang inyong nais malaman sa


araw na ito? Anu-ano ang paraan ng pagpili ng
pinuno?
Wala na bang nais matutunan sa araw na
ito? Wala na po.

4. Tuklasin

Ngayon, bsahin muna nang tahimik ang


nakapaskil sa pisara.

MGA PAMPROSESONG TANONG:


1. Dapat bang sundin ang mga ito? Opo
2. Mahalaga ba na tayo ay bumoto? Opo
3. Bakit? Dahil sa atin nakasalalay ang magiging
pinuno ng ating lungsod
5. Pagbuo ng kaisipan

Tungkol saan ang ating aralin sa araw na May paraan ng pagpili ng pinuno. Isa na
ito? nga rito ang pagboto. Mahalaga ang
pagboto dahil sa atin nakasalalay ang
pinunong mamumuno sa atin.
6. Paglalapat (Halalan 2018)

Magkakaroon tayo ng gawain. Handa na


ba ang lahat?

Tayo ay boboto. Tandaan at sundin ang Opo.


mga hakbang sa pagboto.

IV. Pagtataya

Ang makikita ko lamang sa ibabaw ng


lamesa ay ang lapis at pambura. Itago na
ang mga gamit na hindi kailangan. Ako ay
may ibibigay na papel sa inyo.

Basahin ang Panuto.

Sagutan ang ibibigay ko sa inyong papel


sa loob ng limang minuto. Maliwanag ba
grade 3?

Panuto: Isulat sa patlang ang T kung


tama ang pangungusap at
M kung hindi.
Tamang Sagot:
_________1. Mahalaga na tayo ay
bumoto. 1. T
2. M
_________2. Piliin ang kandidato dahil 3. M
siya ay kaibigan. 4. T
5. M
_________3. Piliin ang walang malasakit
sa kapwa.

_________4. Tayo ang pumipili ng


pinunong mamumuno sa atin

_________5. Dapat kumopya sa katabi


Ilan ang nakakuha ng Lima?

…… ng apat?

…… ng tatlo? Magtataas ng kamay ang mga batang


nakakuha ng punto na itatanong ng
…… ng dalawa? guro

May nakakuha ba ng isa?


Wala po/ Meron po
V. Takdang Aralin
Magbasa ng mga proyekto o programa ng pamahalaang lokal.

You might also like