You are on page 1of 2

Mga Katangian ng Aktibong Mamamayan sa mga Gawaing Pansibiko

Si Aika ay mabuting mamamayan. Si Zoe ay aktibong mamamayan.


Sa pagtupad ng mga gawaing pansibiko, sino ang higit na kapaki-pakinabang, ang isang mabuti ba o ang
isang aktibong mamamayan?

Gawaing Pansibiko
 Ang gawaing pansibiko ay tumutukoy sa mga gawaing nakatutulong sa pagpapaunlad ng pamayanan
at bansa. Pokus ng mga gawaing ito na makamit ang common good o ang ikabubuti ng nakararami.
 Sa proseso ng gawaing pansibiko, nagsasama-sama at kumikilos ang mga kasapi ng komunidad tulad
ng mga pangkaraniwang mamamayan, mga organisasyon, mga pinunong pansibiko, mga aktibista,
mga propesyonal, at iba pa mula sa iba’t ibang larangan ng buhay. Layunin nitong lutasin ang mga
suliranin at mula rito ay makapagdulot ng mabubuting pagbabago sa pamayanan.
 Pinalalakas din ng mga gawaing pansibiko ang mga mamamayan upang sila ay magkaroon ng
kapangyarihang maglunsad ng mga kapaki-pakinabang at pangkaunlarang proyekto. Ang social
integration o pagkakabuklod-buklod ng mga mamamayan ay napatatatag din at nakatutulong sa pag-
iwas sa paglaganap ng mga nakapipinsalang gawain sa lipunan tulad ng pagkalulong sa droga,
pagdami ng naliligaw ng landas at dropouts, krimen, at kawalan ng katarungan.
 Sa pamamagitan ng mga gawaing pansibiko, ang civic virtue o ang dedikasyon ng mga mamamayang
maging matulungin at hindi makasarili ay napagyayaman.

Mga Katangian ng Mabuting Mamamayan sa mga Gawain at Usaping Pansibiko


Ang mamamayan ay kasapi ng lipunan na nakibabahagi at nagbabahagi ng parehong mga karapatan
at responsibilidad. Ang mabubuti at mga aktibong mamamayan ay ang puso ng bansa.
Ano ang mga katangiang dapat taglayin ng isang mabuti at aktibong mamamayang nakikilahok sa mga
gawain at usaping pansibiko?

 Makabayan o may pagmamahal sa bayan


 May disiplina sa sarili at sumusunod sa mga batas ng bansa
 Masipag at may kusang-palong gawin ang mga bagay para sa bansa
 May positibong pagtanggap at pananaw sa mga bagay-bagay
 Matapat sa paglilingkod at pagsunod sa mga gawain
 Matulungin, palakaibigan, magalang, at mabait sa kapwa
 May matibay na pananalig sa Diyos

Mga Katangian ng Aktibong Mamamayan sa mga Gawain at Usaping Pansibiko


Ang mamamayan ay kasapi ng lipunan na nakibabahagi at nagbabahagi ng parehong mga karapatan
at responsibilidad. Ang mabubuti at mga aktibong mamamayan ay ang puso ng bansa.
Ano ang mga katangiang dapat taglayin ng isang aktibong mamamayang nakikilahok sa mga gawain at
usaping pansibiko?

 May malakas na pag-ako/pagkanya sa sariling kultura at pagkakakilanlan


 Mulat sa mga isyu at gawaing panlipunan ng bansa
 May mga kasanayan sa pagpaplano, pamumuno, at pangangasiwa
 May responsibilidad tungo sa kayang tustusang pag-unlad
 May pagpapahalaga at epektibong gumamawa tungo sa inaadhika
 Marunong magbalanse ng mga karapatan at tungkulin, pati ng oras
 May pakialam, nakaiimpluwensiya, at nakahihikayat ng kapwa
 Nakikilahok sa mga protesta, petisyon, at mga katulad nito nang walang pagkiling
 Aktibo sa pakikilahok sa mga gawaing pansibiko

Kung ang bawat Pilipino ay magiging mabuti at aktibo sa mga gawaing pansibiko, abot-kamay ang kaunlaran ng
bansa.

Iba't Ibang Gawaing Pansibiko sa Pamayanan at Bansa


Mga Gawaing Pansibiko
BIlang mga mamamayan, tungkulin nating lumahok sa mga gawaing makatutulong sa pag-unlad ng pamayanan.
Tungkulin din nating kumilos nang naaayon sa pangangailangan at dikta ng ating bansa. May iba't ibang uri ng gawaing
pansibiko na maaari nating lahukan bilang responsableng mga mamamayan.
Pangkalusugan
Nagsasagawa ng mga medical mission ang mga doktor, nars, dentista, at mga katulad nila sa mahihirap na pamayanan.
Nakatutulong sila sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga gamot, paglilinis ng mga ngipin, pagtuturo ng wastong
pagbubuntis, pagbibigay ng check-up sa mga mata, at marami pang iba. Ibinibigay nila ang mga ito nang libre.

Pangkalikasan
Naisasakatuparan ito sa pamamagitan ng tree-planting activities, paglilinis ng maruruming ilog, pagsagip at pagpaparami
ng endangered species, at iba pa.

Pang-edukasyon
May mga nagkukusang tumulong at makibahagi sa pagtuturo sa mga mag-aaral ng Preschool gaya ng pagbabasa ng
mga kuwento. Ang mga Donate-a-Book, Fundraising Walks, at iba pang kagaya nito na naglalayong makapagpatayo ng
mga gusaling pampaaralan at makapagpaaral ng mahihirap na mag-aaral ay nakatutulong din sa pag-unlad ng
edukasyon.

Pampalakasan
Dumarami ang nagsasagawa ng Run-for-a-Cause, pag-eehersisyo nang sabay-sabay sa mga pampublikong parke, at
mga katulad nito.

Panghihikayat Upang Makilahok sa mga Gawaing Pansibiko


 Hindi lahat ay interesadong makilahok sa mga gawaing pansibiko. Nakaaapekto ang kawalan ng interes sa
mga gawaing ito dahil hindi nasusolusyonan ang mga pangangailangan ng mga pangkaraniwang
mamamayan.
 Sa kasalukuyan, napakalaki ng tulong ng Internet sa paghihikayat ng mga mamamayan upang makibahagi
sa mga gawaing pansibiko.
 Ang online voting at public discussion fora na nagbibigay ng oportunidad sa mga mamamayang ipahayag
ang kanilang mga saloobin at rekomendasyon ay mga epektibong paraan upang mahikayat silang
makilahok sa mga gawaing pansibiko.
 Sa pamamagitan din ng Internet, nakakukuha ng mahahalagang impormasyon ang mga mamamayan pati
na ang mga opisyal ng pamahalaan kung ano ang mga pangangailangan ng lipunan. Sila ay nagiging mas
maalam at nakagagawa ng mas mabuti, malikhain, at mabilis na tugon.

Questions:

1. Taglay mo ba ang mga katangiang dapat taglayin ng isang mabuti at aktibong mamamayang nakikilahok sa
mga gawain at usaping pansibiko? Kung hindi pa, paano ka magiging mabuti at aktibong mamamayan?
2. Ano-ano ang gawaing pansibikong nalahukan at natapos mo na?
3. Mahalaga ba ang mga gawaing pansibiko? Paano nakatutulong ang mga ganitong gawain sa pamayanan at
sa bansa?
4. Sa iyong palagay, sa paanong paraan kaya mahihikayat ang mga mag-aaral na tulad mo na makibahagi sa
mga gawaing pansibiko sa iyong pamayanan?
5. Ano-anong gawaing pansibiko pa ang dapat pagtuonan ng pansin upang maging mas maayos ang
kalagayan ng nakararaming Pilipino?Bakit?

You might also like