You are on page 1of 14

Araling Panlipunan – Ikapitong Baitang

Unang Markahan – Modyul 3: Paghahati ng Asya


Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit
sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula
sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag


sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Marivic B. Ruiz
Editor: Zenaida N. Raquid
Tagasuri: Zenaida N. Raquid, Aillen G. Sumagaysay (Teknikal)
Tagaguhit: Ernesto D. Tabios
Tagalapat: Clifchard D. Valente
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Aurelio G. Alfonso EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division
Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Araling
Panlipunan 7
Unang Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto
Paghahati ng Asya
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 7 at Ikapitong


Baitang ng Modyul para sa araling Paghahati ng Asya!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay
makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 7 at Ikapitong


Baitang Modyul ukol sa araling Paghahati ng Asya.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Mga Inaasahan – Sa bahaging ito malalaman moa ng mga dapat


mong matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

Paunang Pagsubok - Dito masusukat ang dati mo nang


kaalaman at mga dapat mo pang malaman sa paksa.

Balik-aral - Dito masusukat ang iyong matutuhan at


naunawaan sa mga na unang paksa.

Aralin . Tatalakayin sa bahaging ito ang paksa sa Modyul na


ito.

Mga Pagsasanay. Pagbibigay ng guro ng iba’t ibang


pagsasanay.
na dapat sagutan ng mga mag-aaral.

Paglalahat - Sa bahaging ito ibubuod ang mahahalagang

konsepto na dapat bigyang halaga.

Pagpapahalaga - Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga


kasanayang pampagkatuto ay naiuugnay nailalapat sa inyong
mga pagpapahalaga.

Panapos na Pagsusulit - Dito masusukat ang mga natutuhan


ng mag-aaraal.
INAASAHAN

Sa pagtatapos ng aralin,ang mga mag-aaral ay inaasahang:

LAYUNING PAMPAGKATUTO:
Naipaliliwanag ang konsepto ng Asya tungo sa paghahating-heograpiko: Silangang
Asya, Timog_Silangang Asya,Timog Asya, Kanlurang Asya,Hilagang Asya at
Hilagang/Gitnang .Asya.

MGA INAASAHANG LAYUNIN:


1. Nailalarawan ang kahatian ng Asya sa iba’t-ibang rehiyon
2. Naipaliliwanag ang paraan ng paghahating heograpikal sa Asya.

PAUNANG PAGSUBOK

PANUTO: Basahing mabuti ang tanong at Piliin ang wastong sagot mula sa mga
pagpipilian. Letra lamang ng wastong sagot ang isulat sa sagutang papel.
1. Ang rehiyong kinikilala sa katawagang Central, Inner at Soviet Asia.

A. Hilagang Asya B. Kanlurang Asya C. Timog Asya


2. Bukod tangi ang Timog_silangang Asya na nahati sa dalawang sub-region.
Alin sa mga sumusunod ang dahilan nito?

A. Dito matatagpuan ang pinakamaraming pulo Asya


B. Hinihiwalay ang mga bansang papaunlad sa bansang maunlad.
C. May mga magkakatabing bansa na napapaligiran ng tubig, at may mga
bansa na ang hangganan a lupa.
3. Kilala bilang rehiyon ng mauunlad at industriyalisadong mga bansa..
A. Kanlurang Asya

B. Silangang Asya
C. Timog Asya
4. Pangunahing pinagkukunan ng langis ang rehiyong ito
A. Kanlurang Asya B. Silangang Asya C. Timog-Silangang
Asya
5. Kadalasang tinatawag ang Timog Asya na Land of Mysticism o “Lupain ng
Hiwaga”
A. Hilagang Asya B. Kanlurang Asya C. Timog Asya
BALIK-ARAL

THREE WORDS IN ONE


Panuto: Anong salik o rehiyon sa Asya ang tinutukoy ng mga salita. Isulat sa
kahon ang iyong kasaagutan.

1. PISIKAL BATAYAN

SUKAT

2.
RELIHIYON PANINIWALA

TRADISYON

3. WIKANG ARABIC RELIHIYONG ISLAM

ARABIC AT PERSIAN
ARALIN

MGA REHIYON SA ASYA


May limang rehiyong heograpikal ang Asya. Ito ay ang Hilagang Asya (o
Gitnang Asya) Silangang Asya, Timog-Silangang Asya, Timog Asya at Kanlurang
Asya. Ang pagkakapangka-pangkat ng mga bansa sa Asya ay batay hindi lamang
sa mga salik na heogrpikal kung hindi maging sa aspektong historikal at kultural
din.

Sa pagkakahati ng Asya sa limang rehiyon, ipinakikita ang Asian-centric na


pananaw. Pinangkat-pangkat ng mga heograpo ang mga bansa sa mga rehiyon
batay sa lokasyon nito sa kontinente. Dahil matatagpuan ang Pilipinas sa bahaging
timog-silangan ng kontinente, ibinilang sa rehiyong Timog-Silangang Asya ang
bansa. Maliban sa heograpiya ng Asya, isinaalang-alang din ang kultura at
kasaysayan ng mga bansang Asyano sapaghahati sa mga rehiyon.
Araling Asyano: Tungo sa Pagkakakilanlan(Pilipinas, Vibal Group, Inc.,
2015),pp. 29-34

HILAGANG ASYA
Kilala ang rehiyong ito sa katawagang :
 CENTRAL ASIA O GITNANG ASYA
 INNER ASIA O PANLOOB NA ASYA
 SOVIET ASIA O ASYANG SOBYET

Binubuo ng mga dating Soviet Central Asia -- Kazakhstan, Kyrgyztan, Tajikistan,


Azerbaijan, Turkmenistan, Uzbekistan, Georgia at Armenia.

Kabilang din sa Hilagang Asya ang Mongolia at ang Siberia o lupaing bahagi ng
Russia na nasa Asya.

Paghahating Heograpikal sa Asya-slideshare, December 4,


2012\6. http://www.slideshare,net

Nasa rehiyong ito ang ilan sa mahahalagang anyong tubig at anyong lupa. Kabilang
dito ang Caspian Sea na hangganan ng Azerbaijan, Kazakhstan, at Turkmenistan.
Nasa pagitan naman ng Kazakhstan at Uzbekistan ang Aral Sea. Makikita rin sa
rehiyon, ang Kara Kum, isa sa pinakamalaking disyerto sa daigdig.

Sa Tajikistan matatagpuan ang malaking bahagi ng bulubunduking Pamir.


KANLURANG ASYA
 Matatagpuan ang hangganan ng mga kontinenteng AFRICA, ASYA, AT
EUROPE.
 Ito ay binubuo ng mga bansang Arabo tulad ng Saudi Arabia, Lebanon,
Jordan, Syria, Iraq at Kuwait.
 Kasama rin sa rehiyong ito ang tinatawag naman na Gulf States ng Yemen,
Oman, United Arab Emirates, Qatar at Bahrain. Kasama rin sa Kanlurang
Asya ang Iran, Israel, Cyprus at Turkey.
 Pangunahing pinagkukunan ng langis ang rehiyong ito. Nanggaling din dito
ang mga pangunahing rehiyon sa daigdig gaya ng Judaism, Kristiyanismo at
Islam.
 May dalawang tangway at tatlong malalaking anyong tubig. Ang
pinakamalaking tangway ay ang Arabian Peninsula. Napaliligiran ito ng Red
Sea sa kanluran,Persian Gulf sa silangan at Gulf of Aden at Arabian Sea sa timog.
Malaking kalupaan ng Arabian Peninsula ay sakop ng Saudi Arabia. Sa
hilagang-kanlurang bahagi ng rehiyon, matatagpuan ang Anatolian
Peninsula.Tatlong dagat ang nagsisilbing hangganan nito: ang Mediterranean
Sea, Aegean Sea at Black Sea.

Araling Asyano: Tungo sa Pagkakakilanlan(Pilipinas, Vibal Group, Inc.,


2015),pp. 29-34

TIMOG ASYA
 Kadalasang tinatawag ang Timog Asya na Land Of Mysticism o “ Lupain
ng Hiwaga” dahil sa mga paniniwalang taglay ng mga pilosopiya at
relihiyong umusbong dito gaya ng Hinduism, Buddhism, Jainism at
Sikhism.
 Ito ay binubuo ng mga tinatawag na bansang Muslim ng Afghanistan,
Pakistan, at Bangladesh, mga bansang Himalayan ng Nepal at Bhutan
 Mga bansang pangkapuluan ng Sri Lanka at Maldives.
 Ang pinakamalaking bansa sa rehiyon sa usapin ng sukat ng teritoryo
at pupolasyon, ang India.

Paghahating Heograpikal sa Asya-slideshare, December 4, 2012\6.


http://www.slideshare,net

SILANGANG ASYA
 Ang Silangang Asya ay kilala bilang rehiyon ng mauunlad at
industriyalisadong mga bansa.
 Binubuo ng China, Japan, North Korea, South Korea at Taiwan.
 Ang Taiwan at South Korea, gaya ng Japan, ay mga industriyalisadong bansa.
 China ang pinakamalaking populasyon, samantalang Japan naman ang isa
sa pinakamayamang bansa sa daigdig.
 Tumanggap din ang mga tao rito ng Buddhism mula sa India, dahil
napapasailalim sa halos parehong karanasang historikal, kultural at maging
sa klima.
 Sa rehiyong ito umusbong ang Confucianism, Taoism at Shinto.
 Napaliligiran ang rehiyon ng mga likas na hangganan.
 Ihinihiwalay ang Sea of Japan( East Sea) at Korea Strait ang Japan sa
Pangkontinenteng Asya, ng Taiwan Strait ang Taiwan at Chiba, at ng Bashi
Channel ang Taiwan at Pilipinas.
 Sa timog ng rehiyon, pumapagitan sa Silangang Asya at Timog Asya ang
matataas na bulubundukin ng Himalayas.
 Sa kanlurang bahagi ng China matatagpuan ang Taklamakan Dessert.
 Sa hilagang-kanlurang bahagi naman ang Bulubundukin ng Tian Shan
(Tien Shan).

TIMOG-SILANGANG ASYA
 Nakilala bilang Farther India at Little China dahil sa impluwensya ng mga
nasabing kabihasnan sa kultura ng nasabing rehiyon.
 Ang katawagang ito ay hindi tugma sapagkat maipagmamalaki ng Timog
Silangang Asya na hindi lamang ito tumatanggap kundi nag-angkop ng mga
katangiang kultural upang iakma sa lokal na kondisyon.
 Pagdating sa mga heograpikal na hangganan, ito ay ihinihiwlay ng China at
Taiwan sa hilaga, Indian Ocean at Australia sa timog, Bay of Bengal at Indian
subcontinent sa Kanluran, at Pacific Ocean at Papua New Guinea sa silangan.
 Nahahati ito sa dalawang Subregion: Ang pangkontinenteng Timog Silangang
Asya o Mainland Southeast Asia binubuo ng Myanmar, Thailand, Vietnam,
Laos at Cambodia
 Ang pangkontinenteng Timog Silangang Asya o Mainland Southeast Asia
binubuo ng Myanmar, Thailand, Vietnam, Laos at Cambodia.

Araling Asyano: Tungo sa Pagkakakilanlan(Pilipinas, Vibal Group, Inc., 2015),pp.


29-34

MGA PAGSASANAY

Pagsasanay 1

Panuto: Tukuyin kung ano ang isinasaad ng pangungusap na may kaugnayan sa


tinalakay na aralin.
1. Nakilala bilang Farther India at Little China.
2. Land of Mysticism dahil sa mga paniniwalang taglay ng mga pilosopiya at
relihiyong umusbong dito gaya ng Hinduism, Buddhism, Jainism at Sikhism .
3. Rehiyong pinagtatagpuan ng hangganan ng tatlong mahalagang kontinente
sa daigdig- ang Africa, Asya at Europe
4. Binubuo ng mga bansang dating SOVIET CENTRAL ASIA

5. Sa rehiyong ito umusbong ang Confucianism, Taoism at Shinto.


Pagsasanay 2 - Asian Checklist
Panuto: Lagyan ng tsek ang mga bansang Asyano na kabilang sa sumusunod na
rehiyon

1. HILAGANG ASYA 2. KANLURANG ASYA


Kazakhstan Uzbekistan Iraq Sri Lanka
Myanmar Pakistan Oman Israel
Georgia Tajikistan Armenia Lebanon

3. SILANGANG ASYA 4. TIMOG ASYA


Vietnam China Pakistan Pilipinas
Japan Russia Nepal Maldives
South Korea North Korea India Singapore

5 TIMOG-SILANGANG ASYA
Malaysia Indonesia
Pilipinas Australia
Bhutan Singapore

Pagsasanay 3
Panuto: Isulat ang salitang Tama kung ang isinasaad ng pangungusap ay wasto at
Mali kung hindi akma sa nilalarawan.Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Binubuo ng China, Japan, North Korea, South Korea at Taiwan ang rehiyon
ng Silangang Asya.
2. Ang Timog-Silangang Asya ay kadalasang tinatawag na Land of Mysticism o
“Lupain ng Hiwaga”.
3. Matatagpuan ang hangganan ng mga kontinenteng AFRICA, ASYA, AT
EUROPE sa Kanlurang Asya.
4. May dalawang paghahating heograpikal ang rehiyon ng Timog Asya.
5. Kilala ang rehiyong ito sa katawagang Central Asia o Gitnang Asya.
PAGLALAHAT

Panuto: Punan ng mga salita ang mga patlang upang mabuo ang konsepto tungkol
sa Asya.

Ang ___________ ay nahahati sa limang __________. Ito ay binubuo ng Hilaga,


Kanluran,
Silangan, Timog at __________________________Asya

PAGPAPAHALAGA

Panuto: Ilarawan ang Asya sa pahayag na ito “Pagkakaisa sa kabila ng Pagkakaiba-


iba”, sa 3-5 pangungusap.
PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Basahing mabuti ang tanong at Piliin ang wastong sagot mula sa mga
pagpipilian. Letra lamang ng wastong sagot ang isulat sa sagutang papel.
1. Ang tanging rehiyon na nahati sa dalawang sub-region.
A. Hilagang Asya

B. Kanlurang Asya
C. Timog-Silangang Asya
2 Ang pinakamalaking bansa sa Timog Asya sa usapin ng sukat ng teritoryo at
pupolasyon, ang India

A. India
B. Pakistan
C. Sri Lanka
3 Angrehiyon sa Asya na pinagmulan ng relihyong Confucianism, Taoism at
Shinto.
A. Kanlurang Asya
B. Silangang Asya
C. Timog Asya
4. China ang pinakamalaking populasyon, samantalang _____naman ang isa sa
pinakamayamang bansa sa daigdig.

A. Korea
B. Japan

C. Taiwan
5 Ang Timog Asya ay kadalasang tinatawag na __________________
A. Farther India

B. Land of Mysticism
C. Little China
https://tl.wikipedia.org/wiki/Asya.
3. Asya.” Wikipedia. Wikimedia Foundation, July 29, 2019.
http://www.depednegor.net/.
Oriental. Accessed June 26, 2020.
2. Salik sa Paghahati ng Asya DepEd Division of Negros
2012\6. http://www.slideshare,net
1. Paghahating Heograpikal sa Asya-slideshare, December 4,
Mga Website:
Pagkakakilanlan(Pilipinas, Vibal Group, Inc., 2015),pp. 29-34
Michael M. Mercado, Jerome A. Ong,, Araling Asyano: Tungo sa
1. Romela M. Cruz,Ed.D, mary Dorothy dl. Jose, Joel B. Mangulabnan,
Mga Aklat:
Sanggunian
PAUNANG PAGSUBOK BALK-ARAL PANAPOS NA PAGSUSULIT
1. A 1. Heograpikal 1. C
2. C 2. Kultural 2. A
3. B 3. Kanlurang Asya 3. B
4. A 4. B
5. C 5. B
PAGSASANAY 1 PAGSASANAY 3 PAGLALAPAT
1. Timog-Silangang Asya 1. Tama 1. Asya
2. Timog Asya 2. Mali 2. Rehiyon
3. Kanlurang Asya 3. Tama 3. Timog-Silangang Asya
4. Hilagang Asya 4. Mali
5. Silangang Asya 5. Tama
PAGSASANAY 2
1. Kazakhstan, Uzbekistan, Georgia at Tajikistan
2. Iraq, Oman, Israel at Lebanon
3. Japan, South Korea, China at North Korea
4. Pakistan, Nepal, India at Maldives
5. Malaysia, Pilipinas, Indonesia at Singapore
SUSI SA PAGWAWASTO

You might also like