You are on page 1of 7

School: PANIPUAN HIGH SCHOOL Grade Level: 10

Teacher: ALLKHEM C. MORAN Learning Area: Edukasyon sa Pagpapakatao


Date: WEEK 2 Quarter: FIRST

Detailed Lesson Plan in _EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10

I.OBJECTIVES(Layunin)
A. Content Standard Naipapamalas ng mag-aaral ang mga pang-unawa sa mga konsepto
tungkol sa paggamit ng isip sa paghahanap ng katotohanan at
paggamit ng kilos-loob sa paglilingkod

B. Performance Standard Nakagagawa ang mag-aaral ng mga angkop na kilos upang maipakita
ang kakayahang hanapin ang katotohanan at maglingkod at
magmahal

C. Most Essential Learning 1.1.Natutukoy ang mataas na gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob.
Competencies (MELC) EsP10MP-Ia-1.1
1.2.Nakikilala ang kanyang mga kahinaan sa pagpapasiya at
nakagagawa ng mga konkretong hakbang upang malagpasan ang
mga ito. EsP10MP-Ia-1.2

II.CONTENT(Nilalaman) ANG MATAAS NA GAMIT NG TUNGUHIN NG ISIP AT KILOS-


LOOB

III.LEARNING
RESOURCES(KagamitangPanturo
)
A. References(Sanggunian)
1. Teacher’s Guide pages 11-21; EASE EP IV.Modyul 3
2. Learner’s Materials pages 21-40; EASE EP IV.Modyul 3
3. Textbook pages
4. Additional materials from
Learnin
5. g Resource (LR) portal
B. Other Learning Resources
(Iba pang Kagamitang Panturo)

IV.PROCEDURE
(Pamamaraan)

A. Balik-aral sa A. Balik-aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin


nakaraang
aralin at/o Bilang isang tao, pinaniniwalaan natin na tayo ay isang obra-maestra (master piece)ng
pagsisimula ng Diyos sapagkat nilikha Niya tayo na kawangis Niya. Ang katagang ito ay isang hamon sa
bagong aralin atin na tayo ay kumilos ayon sa ating pagkakalikha…ang magpakatao.
(Ano ang Pero ano nga ba ang nagpapabukod -tangi sa tao sa ibang nilikhang may buhay upang
Inaasahang makamit niya ang layunin ng pagkakalikha sa kaniya bilang tao? Sa kaniyang pag-iisip,
Maipamala pagpapasiya, at pagkilos, nagiging bukod-tangi ang tao.
s Mo)
B. Paghahabi sa Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na kaalaman,
layunin ng kakayahan, at pag-unawa:
aralin (Ano 1.1.Natutukoy ang mataas na gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob
ang
Inaasahang
Maipamala
1.2.Nakikilala ang kanyang mga kahinaan sa pagpapasiya at nakagagawa ng mga
s Mo) konkretong hakbang upang malagpasan ang mga ito
Gawain 1
C. Pag-uugnay ng
mga Panuto: Tunghayan ang dalawang larawan at sagutan ang mga tanong at gawain sa
halimbawa sa ibaba nito
bagong aralin Ano ang kakayahang taglay ng bawat larawan.
(Pagtuklas
ng Dating
Kaalaman)

Tanong Tao Hayop


Batay sa iyong mga
1. Ano ang mayroon sa
naging sagot sa
bawat isa upang makitaa
gawaing ito, sagutin ang
ang babala?
sumusunod:
2. Ano ang kakayahang 1. Ano ang
taglay ng bawatIsa upang pagkakatulad ng hayop
maunawaan ang sinasabi ng sa tao?
babala 2. Ano ang pagakakaiba
3. Ano angkakayaahang ng hayop sa tao?
taglay ng bawat isa upang 3. Paano kumilos ang
sundin ang sinasabi ng hayop? Ang tao?
babala? 4. Ano ang natuklasan
4. Ano anginaasahang mo tungkol sa hayop at
magiging tugon ng bawat isa sa tao batay sa
sa babala? pagsusuri ng mga
5. Saan binatay ang larawan?
pagtugon ng bawat isa sa
babala? Ipaliwanag.
D. Pagtalakay ng Gawain 2.
bagong
konsepto at Panuto. Basahin ang usapan sa pagitan ng magkaibigang Buknoy at Tikboy. Tunghayan
paglalahad ng mo kung paano sila nagbigay ng katuwiran kung tama bang mangopya sa pagsusulit o
bagong hindi. Pag-aralan ang argumento na kanilang ibinigay at ang salungat na argumento na
kasanayan #1
naksulat sa una at ikalwang hany. Ibigay ang iyongn reaksyon. Isulat ito sa ikatlong
(Paglinang hanay. Sagutan angmga tanong pagkatapos.
ng
Kaalaman,
Kakayahan
at Pag-
unawa)
Mga Gabay na Tanong:

1. Tungkol sa saan ang pinag-uusapan ni Buknoy at Tikboy?

2. Ano ang pananaw ng dalawang karakter tungkol sa pangongopya?

3. Sang-ayon ka ba sa sinabi ni Tikboy na maling mangopya sa asignaturang Edukasyon


sa Pagpapakatao lamang ? Bakit?
4. Totoo ba na walang taong naaapektuhan sa pangongopya ng iba?

5. Makatarungan ba para sa iba ang pangongopya ng ilan? Pangatwiranan.

E. Pagtalakay ng Gawain 3.
bagong Batay sa Gawain 3, pag-aralan ang argumento na kanilang ibinigay at ang salungat na
konsepto at argumento na naksulat sa una at ikalawang hanay. Ibigay ang iyong reaksyon. Isulat ito
paglalahad ng sa ikatlong hanay.
bagong
kasanayan #2
(Integration of Unang Argumento Salungat na Argumento Reaksiyon
GMRC Activities
and/or other
activities not
Pangongopya: Walang Kasiyahan sa
included in the tagumpay na hindi _______________________
Lms) Walang Kasiyahan sa pinagpaguran
pagkakaroon ng bagsak na
grado
Ikalawang argumento Salungat na Argumento Reaksiyon
_______________________
Pero sino nga ba ang hindi Pero makatuwiran ba itong _______________________
nandaraya? dahilan ng aking pagkopya _______________________
Karamihan kung hindi man
lahat ay nag-aakala na
maaari rin nilang balewalain
ang alituntuning ito

Ikatlong Argumento Salungat na Argumento Reaksiyon

Maliit na bagay lang ang Marahil binibigyan ko lang


pangongopya. Wala naman na katwiran ang takot kong
taong masasaktan harapin ang kahihinatnan ng
hindi ko pagbalik-aral ng
leksiyon

Ikaapat na Argumento Salungat na Argumento Reaksiyon


Para sa ibang tao, mas Iyan nga ang dahilan kaya
_______________________
mahalaga ang tagumpay magulo ang buhay, diba?
_______________________
kaysa sa prinsipyo

F. Paglinang sa Basahin ang talakayan tungkol sa Mataas na gamit ng Isip (Intellect ) at Kilos-Loob
kabihasnan ( Will)
(Pagpapala Ang tao ay nilikha ayon sa wangis ng Diyos kaya’t siya ay tinawag na kaniyang obra
lim/Pagtaty maestra. Ang pagkakalikha ayon sa wangis ng Diyos ay nangangahulugan na ang tao ay
a ng Pang- may katangiang tulad ng katangiang taglay Niya. Bingiyan Niya ang tao ng kakayahang
unawa and mag-isip,pumili,at gumusto. Ang tao ay nilalang na may likas na kaalaman tungkol sa
Integration mabuti at masama.Ang kaniyang konsensiya ay indikasyon ng naturang orihinal na
katayuang ito. Ang kakayahang gumawa ng malayang pagpili ay isa pang sumasalamin
of GMRC
sa paglalang sa tao na kawangis ng Diyos.Ang mga katangian at kakayahang ito ang
Concepts ) nagpapaiba sa tao sa iba pang nilikha ng Diyos.
Bilang tao, ikaw ay isang nilikhang hindi-tapos,-di tulad sa hayop. Ibig sabihin, ang
hayop ay walang pinaghahandaang kinabukasan sapagkat kapanganakan pa lamang,
tukoy na kung ano siya sa kaniyang paglaki. Bakit sinasabing hindi nilikhang tapos ang
tao? Sapagkat walang sinuman ang nakaaalam kung ano ang kahihinatnan niya mula sa
kanyang kapanganakan, o magiging sino siya sa kaniyang paglaki.Siya ay may
pinaghahandaang kinabukasan na siya mismo ang lililok para sa kaniyang sarili.Kaya nga
patuloy ang pagkilos ng bawat tao patungo sa paghahanap ng mga piraso na
makatutulong upang siya ay maging TAPOS.

Ano nga ang Isip? Ano naman din ang Kilos Loob?

Ayon sa paliwanag ni De Torre(1980), ang kaalaman o impormasyong nakalap ng


pandama ng tao ay pinalalawak at inihahatid sa isip upang magkaroon ito ng mas
malalim na kahulugan. Nangangahulugan lamang na walang taglay na kaalaman o ideya
mula sa kapanganakan ng tao. Ang isip ay may kakayahang mag-isip, alamin ang diwa
at buod ng isang bagay. Ito ay may kapangyarihang maghusga, mangatwiran, magsuri,
mag-alaala, at umunawa ng kahulugan ng mga bagay. Samantalang ang kilos-loob, ito
ay ang makatwirang pagkagusto (rational appetency) sapagkat ito ay naaakit sa mabuti
at lumalayo sa masama. Umaasa ito sa isip, kaya’t mula sa paghuhusga ng isip ay
sumusunod ang malayang pagnanais ng kilos-loob
Ayon sa pilosopiya ni Santo.Tomas de Aquino, ang tao ay binubuo ng ispiritwal at
materyal na kalikasan. Kakabit ng kalikasang ito ay ang dalawang kakayahan ng tao
( Esteban,1990,ph.48)
1. Ang pangkaalamang pakultad (knowing faculty) dahil sa kaniyang panlabas at
panloob na pandama at dahil sa isip kaya’t siya ay nakauunawa, naghuhusga at
nangangatwiran
2. Ang pagkagustong pakultad (appetitive faculty) dahil sa mga emosyon at dahil sa
kilos-loob
Nakakaalam ang tao hindi lang dahil sa kaniyang isip kundi dahil din sa kaniyang
pandama. Sa pamamagitan ng mga panlabas na pandama-ang paningin, pandinig,
pandama,pang-amoy, at panlasa, nagkakaroon ang tao ng direktang ugnayan sa
reyalidad. Ang reyalidad ang siyang nagpapakilos sa kapangyarihan o kakayahang
makaalam.
Ang mga panloob na pandama naman ay ang mga sumusunod:
1. Kamalayan- pagkakaroon ng malay sa pandama, nakapagbubuod at nakapag-uunawa
2. Memorya- kakayahang unawain at alalahanin ang nakalipas na pangyayari o
karanasan
3. Imahinasyon-kakayahang lumikha ng larawan sa kaniyang isip at palawakin ito
4. Instinct- kakayahang maramdaman ang isang karanasan at tumugon nang hindi
dumaan sa katwiran na pandama
Ang panloob na pandama ay walang direktang ugnayan sa reyalidad kaya’t dumidipende
lamang ito sa impormasyong hatid ng panlabas na pandama.Mula sa sa impormasyong
hatid ng mga panlabas na pandama na kakayahang ito, napupukaw, at kumikilos ang
pagkagustong pakultad sapagkat sa bawat pagkilos ng kaalaman nagbubunga ito ng
pagkapukaw ng emosyon.

Ayon kay Robert Edward Brenan, may tatlong kakayahan na nagkakapareho ang tao
at ang hayop. Ang pandama na pumupukaw sa kaalaman;pagkagusto (appetite) na
pinagmumulan ng pakiramdam at emosyon;at ang pagkilos o paggalaw (locomotion).
Bagama’t parehong taglay ng tao at hayop ang mga kakayahan, nagkakaiba ang paraan
kung paani nila ginagamit ang mga ito. Masasabing ang hayop ay may kamalayan sa
kaniyang kapaligiran dahil sa may matalas siyang pakultad o kakayahan upang kilalanin
ang bagay na nakikita, tunog o kaya’y amoy ng kaniyang paligid lalo na kung may
kaugnayan sa kaniyang buhay. Mayroon din itong pakiramdam sa kung ano ang mabuti o
masama para sa kaniyang kabutihan o kapakanan. May kakayahan din itong gumawa ng
paraaan upang makuha ang kaniyang ninanais. Samakatuwid, ang mga kakayaahang ito
ng hayop ay ginagamit nang walang ibang kahulugan sa kaniya nang walang ibang
kahulugan kundi para pangalagaan o protektahan ang kaniyang sarili.

Gawain 4
Gumawa ng paraan upang makatulong o tumugon sa hinihingi ng sitwasyon sa abot ng
G. Paglalapat iyong makakaya.
ng aralin sa
Kasalukuyang nagpapaliwanag ang inyong guro tungkol sa kung papaano maiwasan
pang-araw-araw
ang pagkalat ng COVID-19 sa inyong klase. Aktibo ring nakikisali sa gawain at talakayan
na buhay ang iyong mga kamag-aral. Maganda ang paksa at alam mong mahalaga ang mensahe
(Pagsasabuha ng aralin na nauunawaan mo subalit hindi ka nakikinig at iniisip mo ang paglalaro ng
y) internet sa bahay. Napagtanto mong mali ang ginagawa mo kaya’t pinilit mong
magkaroon ng pokus at nakisali sa gawain sa klase.

G. Paglalahat Gawain 5
ng aralin
(Paghinuha Batay sa mga tinalakay na konsepto tungkol sa tunguhin ng isip at kilos-loob, paano
ng nakakatulong ang dalawang katangian nito ng tao sa pagsasakatuparan niya ng kaniyang
Batayang mga hangarin/ mithiin sa buhay? Maaring gumuhit o gumamit ng larawan (graphic
Konsepto) organizer) para sa pagpapaliwanag.

H. Pagtataya Gawain 6
ng aralin
(Pagganap/ Sagutin ang mga sumusunod na sitwasyon.Ipagpalagay mo na isa ka sa mga tauhan sa
Pagninilay) bawat sitwasyon.

Sitwasyon 1

May inrekomendang pelikula ang matalik mong kaibigan na dapat mo raw panoorin dahil
maganda ito ayon sa kaniya. Mag-isa kang nonood nito sa inyong bahay ngunit sa
kalagitnaan ng pelikula, may isiningit pala na malaswang eksena (pornograpiya)

Mga Tanong sa Sitwasyon

1. Ano ang gagawin mo sa pagkakataong ito?

2. Ano ang magiging epekto sa iyo ng gagawin mo?

3. May epekto rin ba sa ibang tao ang gagawin mo? Knino? Pangatuwiran

4. Gagawin mo pa rin ba ang iyong piniling gawin? Bakit?

Sitwasyon 2
Sinisiraan ka ng iyong kaibigan sa crush mo. Natuklasan mo na kaya niya ginawa ito ay
dahil crush din pala niya ang crush mo.

Mga Tanong sa Sitwasyon


1. Ano ang mararamdaman mo sa pangyayaring ito?

2. Ano ang gagawin mo sa kaibigan mo? May kaugnayan ba ito sa iyong nararamdaman
o emosyon?

3. Ano ang magiging epekto nito sa kaibigan mo?

4. Ano ang magiging epekto nito sa iyo?

5. Papalitan mo ba ang iyong piniling gagawin?

I. Karagdagan Gawaiin 7
ggawain
para sa Takdang -aralin: Gumawa ng isang sanaysay sa isang kalahating papel (1/2 crosswise)
takdang batay sa pahayag na ito: “ Gamit ang isip at kilos-loob, paano ko higit na magamit ang
mga ito sa paglilingkod ko sa aking kapwa”
aralin at
remediation

Prepared by: (Inihanda ni) Noted: (Binigyan Pansin ni)

ALLKHEM C. MORAN _____________________________________


Name and Signature of Teacher Name and Signature of Observer
(Pangalan at Lagda ng Guro) (Pangalan at Lagda ng Nagmasid)

Reference: DepEd Order No. 42, s. 2016 (Policy Guidelines on Daily Lesson Preparation for the K to 12 Basic Educ.
Program)

You might also like