You are on page 1of 4

TOPIC 3 Pakikipagkaibigan

Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagpapahalaga 7

Ikatlong Markahan

Alcantara, Judhel L.
Castillo, Athena Nicolette A.
Gamez, Joshua Ver M.

Pamantayang Naipamamalas ng magaaral ang pag-unawa sa pakikipagkaibigan.


Pangnilalaman

Pamantayan sa Naisasagawa ng magaaral ang mga paraan sa pagpapatatag ng pakikipagkaibigan


Pagganap bilang tanda ng pagiging matapat.

3. a. Natutukoy ang mga kilos na nagpapakita ng pagpapatawad at


Kasanayang pakikipagkasundo sa kapuwa
Pampagkatuto

Sa pagtatapos ng klase, ang mga mag-aaral ay inaasahan na:


Mga Layunin
a. Pangkabatiran:
DLC No. & Statement:
3. a. Natutukoy ang mga
Natutukoy ang mga positibong dulot ng mabuting pagkakaibigan;
positibong dulot ng
mabuting b. Pandamdamin:
pakikipagkaibigan Nahihinuha ang halaga ng pakikipagkaibigan; at
(VE7-IIIde-3)
c. Saykomotor:
Naisakikilos ang mga paraan sa pagpapatatag ng pagkakaibigan.

Paksa Pakikipagkaibigan

DLC No. & Statement:


3. a. Natutukoy ang mga
positibong dulot ng
mabuting
pakikipagkaibigan
(VE7-IIIde-3)
Pagpapahalaga Matapat (Honesty)

Sanggunian
https://fnhs.edu.ph/wp-content/uploads/2021/10/EsP8-_Q2_Mod4of8_AngPakiki
(in APA 7th edition pagkaibigan.pdf
format, indentation)

Panuto: Sa isang friendship bracelet, isulat sa mga beads nito ang mga katangiang
nais makita ng mga mag-aaral sa kanilang mga kaibigan. Matapos isulat ang mga
Panlinang Na katangian, maaaring ibigay ang friendship bracelet sa kanilang kaibigan na
Gawain nakikitaan nila ng mga katangiang ito.
DLC No. & Statement:
3. a. Natutukoy ang mga
positibong dulot ng
mabuting
pakikipagkaibigan
(VE7-IIIde-3)

Pangunahing Panuto: Magpapangkat ang mga mag-aaral sa dalawa (2) at maglilista ng mga
Gawain bagay na pagkakapareho nila. Maaaring sa kanilang mga hilig, sitwasyon,
kagustuhan, mga bagay na ayaw nila, at iba pa. Bilangin ang mga bagay na
DLC No. & Statement: pagkakapareho at suriin kung ang magkapares ay maaaring maging matapat at
3. a. Natutukoy ang mga matalik na kaibigan.
positibong dulot ng
mabuting
pakikipagkaibigan
(VE7-IIIde-3)

Mga Katanungan 1. Ano ano ang iyong mga pagkakapareho sa iyong pangkat?
2. Ang mga pagkakapareho ba na ito ay iyong inaasahan sa iyong pangkat?
DLC No. & Statement: 3. Sa iyong palagay, nasusukat ba ang pagiging matapat na kaibigan sa dami
3. a. Natutukoy ang mga ng pagkakapareho ninyo at bakit?
positibong dulot ng 4. Ano ang kinakailangan upang magkaroon ng magandang relasyon sa
mabuting iyong mga kaibigan?
pakikipagkaibigan 5. Bakit mahalaga ang pagkakaibigan sa pakikipagkapwa sa ibang tao?
(VE7-IIIde-3) 6. Ano ang iyong maaaring gawin upang maging isang mabuti at matapat na
kaibigan?
Ang kaibigan ay tinuturing na karamay, kakampi, kasangga at kapatid. Hindi man
magkapatid sa dugo, magkapatid naman sa hangarin at kabutihan sa isa’t isa.
Kailanman ang kaibigan ay tinuturing ng pamilya.

Kung ang paaralan ang pangalawang tahanan ng mga mag-aaral, ang kaibigan
naman ang itinuturing na pangalawang pamilya. Sa pamamagitan ng mga
kaibigan natin nakakalimutan natin minsan ang mga problema.
Pagtatalakay
Ang tunay na pagkakaibigan ay hindi nasusukat sa estado ng buhay, mga
DLC No. & Statement: magagarang damit at gamit, maging sa paniniwala at kulturang pinaniniwalaan.
3. a. Natutukoy ang mga Ang pagkakaibigan ay pinagbuklod ng kabutihan, katapatan, sakripisyo,
positibong dulot ng pagunawa at pagpapahalaga. Ngunit minsan sa pagkakaibigan nasusubukan ang
mabuting katapatan at katatagan dahil sa suliranin at hindi pagkakaunawaan. Nakasalalay
pakikipagkaibigan sa tiwala at respeto ang ikakapanatili nito.
(VE7-IIIde-3)
Ayon kay Aristotle, “Ang pakikipagkaibigan ay maaari lamang mangyari sa
pagitan ng mabubuting tao”. Dahil ang tunay na kaibigan ay naghahangad nang
ikabubuti ng kaibigan sapagkat sila ay may malasakit dito. Kahit kalianman ang
pagiging Ilongo o Hiligaynon, Maguindanaon, Cebuano, Waray, Ilocano o
anupamang Tribo ang kinabibilangan mo ay hindi balakid sa pakikipagkaibigan o
pagkakaroon ng tunay na kaibigan.

Walang basehan, walang pamantayan ang pagkikipagkaibigan nasa damdamin at


magandang hangarin sa bawat isa ang layunin nito.

Paglalapat Panuto: Bumuo ng tatlong (3) pangkat at gumawa ng isang maikling dula sa loob
lamang ng tatlong (3) minuto tungkol sa pagkakaibigan at kung paano
DLC No. & Statement: makatutulong ang pagiging matapat sa kapwa at kaibigan. Bibigyan ang bawat
3. a. Natutukoy ang mga pangkat ng limang (5) minuto upang paghandaan ito.
positibong dulot ng
mabuting
pakikipagkaibigan
(VE7-IIIde-3)

Panuto: Basahin ang mga pangungusap at tukuyin kung ito ay totoo o hindi.
Pagsusulit Isulat sa patlang ang salitang TAMA kung ito ay totoo, MALI naman kung hindi.
DLC No. & Statement:
3. a. Natutukoy ang mga ________1. Ang pagkakaibigan ay nabubuo dahil sa sariling kagustuhan at
positibong dulot ng materyal na bagay.
mabuting ________2. Sa pagkakaibigan mas naging bukas ang isipan sa pag-unawa ng mga
pakikipagkaibigan
napakinggan at naging mabuting tagapakinig.
(VE7-IIIde-3)
________3. Sa pagkakaibigan nahuhubog ang kasanayang interpersonal na
pakikipag-ugnayan.
________4. Natutuhang pahalagahan ang mabuting ugnayan sa
pakikipagkaibigan
sa kabila ng ilang di pagkakaintindihan.
________5. Nagiging miserable ang inyong buhay kung palaging nasa tabi ninyo
ang inyong mga kaibigan.

Panuto: Bumuo ng isang scrapbook na naglalaman ng mga larawan kasama ang


iyong mga kaibigan. Sa dulo ay sumulat ng isang sanaysay tungkol sa repleksyon
ng iyong natutunan mula sa aralin.

Takdang-Aralin Halimbawa:

DLC No. & Statement:


3. a. Natutukoy ang mga
positibong dulot ng
mabuting
pakikipagkaibigan
(VE7-IIIde-3)

Panghuling Gawain
Panuto: Ang mga mag-aaral ay magbabanggit ng isang salita na katangian na
DLC No. & Statement: kanilang nais makita sa kanilang mga kaibigan. Maaaring mag-base mula sa
3. a. Natutukoy ang mga panglinang na gawain upang makapili ng isa lamang na nagsisimbolo sa isang
positibong dulot ng pinakamahalagang katangian para sa kanila.
mabuting
pakikipagkaibigan
(VE7-IIIde-3)

You might also like