You are on page 1of 3

GABAY SA PAGTUTURO NG ARALING PANLIPUNAN 9

Pamantayang Nilalaman Pamantayan sa Pagganap


Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa sa mga Ang mga mag-aaral ay naisasabuhay ang pang-
pangunahing konsepto ng Ekonimiks bilang unawa sa mga pangnahing konsepto ng
batayan ng matalino at maunlad na pang-araw Ekonomis bilang batayan ng matalino at
na pamumuhay. maunlad na pang-araw-araw na pamumuhay.

Sa araling ito, inaasahang matutnan ang mga sumusunod:

Aralin 3: UGNAYAN NG PANGKALAHATANG LAYUNIN:


KITA, PAG-IIMPOK AT PAGKONSUMO  Natutukoy ang iba’t ibang paraan at
pamantayan sa pagpili ng
pangangailangan.
 Nabibigyang halaga ang gampanin ng
pag-iimpok sa pagpili at pagtugon sa
pangangailangan.
 Nakakagawa at naipapaliwanag ang
sariling pamantayan sa pagpili ng
pangangailangan at kung paano ito
matutugunan.

Aralin 3:

UGNAYAN NG PANGKALAHATANG KITA, PAG-IIMPOK AT PAGKONSUMO

Panimulang Gawain:

Gawain 1: Iayos sa tamang pagkakasunod-sunod ang Hirarkiya ng Pangangailangan ayon kay Abraham
Maslow

Pangangailangang Pisyolohikal

Pangangailangang makisalamuha, makisaya at magmahal

Pangangailangang mapatupad ang kaganapang Pantao

Pangangailangang pangkaligtasan

Pangangailangang mabigyan ng pagpapahalaga ng iba

Paglinang na Gawain:

Gawain 2: Pass Muna


Ipapangkat ang mga mag-aaral sa 4 na grupo at tatayo bilang isang pamilya. Ipapahayag ang
sitwayson sa Gawain 2 kung saan mamimili ang pamilya ng mga dapat pagkagastusan batay sa
pinapalaga na buwanang kita ng tatay na P10,000.

Mga pang-prosesong tanong:

1. Ano ang mga bagay na napili ninyo? Bakit ito ang inyong napili?
2. Sa inyong ginawang pagdedesisyon, magkano ang kabuuang halaga na maaari ninyong
magastos at matipid?
3. Ano-ano ang naging batayan sa pagdedesisyon? Bakit?
4. Bilang isang mag-aaral, paano mo maiuugnay ang personal mong kagustuhan ang
pangangailangan sa suliranin ng kakapusan?

Gawain 3: Ang Aking Pamantayan sa Pagpili ng Pangangailangan

Gamit ang Hirarkiya ng Pangangailangan ayon kay Abraham Maslow, gumawa ng sariling
pamantayan sa pagpili ng mga pangangailangan. Gagamitin ang tsart bilang gabay sa paggawa ng
sariling pamantayan.

Lebel ng Pangangailangan Pamantayan Mga Gabay na Tanong sa Pagpili

Gumamit ng Pamantayan sa Pag-iiskor (Rubriks)

Pagsusuri

Gawain 4: Mga Gabay na Tanong

a. Paano ka humantong sa mga napili mong pamantayan sa pagpili ng pangangailangan?


b. Bakit ito ang iyong napili?
c. Paano nakatulong ang mga gabay na tanong upang matukoy mo ang mga napili mong
pamantayan?
d. Tingnan ang gawa ng iyong mga kaklase.

Paghahalaw

Gawain 5: Papanoorin ang BDO Financial Literacy video “Save to Have a Million: Junior Edition”

Mga Gabay na Tanong:

1. Paano makatutulong ang pag-iimpok sa pagkamit mo ng iyong mga pangangailangan?


2. Alin sa mga nabanggit na ideya o konsepto ng pag-iimpok ang iyo nang ginagawa> mabisa ba
ito? Paano ito nakatulong sa iyo?
3. Paano nakakaapekto ang iyong mga pangagailangan sa motibasyon mo na mag-impok?

Paglalagom:
Gawain 6: Sagutin ang huling tanong sa “Save to Have a Million: Junior Edition”. Iugnay ito sa paksang
tinalakay.

Paglalapat

Gawain 7: Mag-isip ng limang paraan upang matugunan mo sa iyong sariling paraan ang iyong mga
pangangailangan.

Pagtataya

Gawain 8: Mabilisang Sanaysay

Ano-ano ang mga dapat isaalang-alang sa pag-gawa ng tamang desisyon upang matugunan ang
pangangailangan? Sagutin sa loob ng tatlong pangungusap.

Takdang Aralin

Gawain 9:Paghahanda sa Pagninilayan

1. Magsagawa ng obserbasyon sa inyong komunidad at tingnan ang mga katangian nito.


2. Batay sa obserbasyon, tukuyin ang mga pangangailangan ng komunidad batay sa komposisyon
ng populasyon.
3. Gamitin ang graphic organizer sa paggawa ng obserbasyon.

Gawain 10: Ang guro ay magtatalaga ng bawat isang bata ng isang “piggy bank” at hayaan itong
mapuno gamit ang mga perang barya at papel na natira sa kanilang baon sa loob ng isang linggo.
Maaaring subaybayan ng mga magulang ang pag iimpok ng kanilang mga anak upang matuto ang mga
ito na makapag-ipon sa murang edad. Ang guro ay magbibigay ng araw o petsa kung kailan dadalhin
ng mga bata ang kanilang “piggy bank” sa paaralan upang buksan ito ng sabay-sabay.

You might also like