You are on page 1of 5

Republic of the Philippine

Commission on Higher Education


Region V
Alfelor , Sr. Memorial College Inc.
Pob. Zone 2, Del Gallego, Camarines Sur

DETALYADONG BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 2

Pamantayang pangnilalaman
 Naipamalas ang pagpapahalaga sa kagalingang pansibiko bilang pakikibahagi sa mga
layunin ng sariling komunidad.
Pamantayan sa pagganap
 Nakapahahalagahan ang mga paglilingkod ng komunidad sa sariling pagunlad at
nakakagawa ng makakayanang hakbangin bilang pakikibahagi sa mga layunin ng sariling
komunidad.
Pamantayan sa pagkatuto
 Natutukoy ang iba pang tao na naglilingkod at ang kanilang kahalagahan sa komunidad
AP2PKK-IVa-2

I. Layunin

Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahan na:


 natutukoy ang mga hanapbuhay na nagbibigay serbisyo sa komunidad.
 maipakita ang pagkakaiba ng bawat hanapbuhay na nagbibigay serbisyo.
 mabigyang halaga ang mga hanapbuhay na nagbibigay serbisyo.

II. Paksang Aralin

Paksa: Mga Hanapbuhay na Nagbibigay Serbisyo sa Komunidad.


Sangunian: Araling Panlipunan 2.2003.pp.188-191
Kagamitan: Cartolina, Pentel pen, makulay na papel at Mga larawan ng iba’t-ibang hanapbuhay
Pagpapahalaga: Magbigyang halaga ang pangarap ng bawat isa.

III. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


A. Panimulang gawain

1. Pagbati
Magandang Araw mga bata! Magandang araw rin po!

2. Panalangin
Tumayo muna tayo upang magdasal Ang mga bata ay mananalangin.

3. Pagtatala ng liban
Lahat po ba ay pumasok ngayon? Opo Ma’am!

4. Pagwawasto ng takdang-aralin
Pakipasa po ng inyong takdang-aralin. Ang mga bata ay magpapasa ng kanilang
takdang-aralin.
5. Pagbabalik aral
Mga bata ano nga pinag-aralan natin Mga Hanapbuhay na nagbibigay Produkto.
kahapon?

Anu-ano ba ng mga hanapbuhay na Karpintero


nagbibigay produkto? Modista
Panadero
Sapatero

Mahusay!
6. Paghahawan ng balakid

Hanapbuhay Trabaho/pinagkakakitaan/gampanin
Komunidad Pamayanan/lugar kung saan tayo naruon
Serbisyo Gumagabay/paglilingkod

7. Pagganyak
Mga bata ano ang salita na nakikita sa
pisara.

Mahusay! Anong mga pangarap nyong Salitang “PANGARAP” po!


trabaho paglaki?

Bakit iyon ang inyong napili? Ang sagot ng mag-aaral ay maaring


magkakaiba-iba

Mahusay! Bigyan ng tatlong malakas na Ang sagot ng mag-aaral ay maaring


palakpak ang mga sarili, mag aral ng mabuti magkakaiba-iba
upang matupad ang mga pangarap na
trabaho pag laki.

B. Panlinang na gawain

1. Paglalahad
Mayroon akong mga larawan dito sa kahon,
tukuyin niyo ito kung ano ang ginagawa ng
nasa larawan?

Ang ginagawa ng nasa larawan ay nagpapatay


ng apoy.

Ang ginagawa ng nasa larawan ay ang babae


ay nagtuturo sa bata.

Ang ginagawa ng nasa larawan ay tsinetsek up


niya ang kanyang pasyente.

Ang ginagawa sa larawan hinuhuli ng pulis ang


lalaki.
Ang lalaki ay nagmamaniho ng sasakyan.

Mahusay mga bata!

2. Paglalahat
Ang sagot ng mag aaral ay maaring
magkakaiba-iba
Sa tingin nyo ano ang kahulugan ng
hanapbuhay?

Magaling!, Ang hanapbuhay o trabaho ay


gampanin na isinasagawa ng isang tao
upang matustusan ang kanyang
pangangailangan at kanyang pamilya.

Tinatawag ang taong naghahanapbuhay


bilang manggagawa o trabahador.
Opo Ma’am
Naiintindihan na ba ang salitang
hanapbuhay?

Kanina may mga larawan akong ipinakita sa


inyo, iyon ay mga halimbawa ng
hanapbuhay na nagbibigay serbisyo sa
komunidad.

Magbigay nga kayo ng halimbawa ng


hanapbuhay na nakita niyo kanina.
Bumbero
Guro
Doktor
Pulis
Tsuper

Ngayon maari nyo bang eh iaksyon ang


mga ginagawa nila kapag nagtatrabaho?

Ang bumbero ay nagpapatay ng apoy ng


mga apoy sa gusali kapag nasusunog.

Gagawin ng piling mag-aaral ang sinabi ng


Ang guro ay nagtuturo sa atin kung
guro
paano bumasa, sumulat, at magbilang.
Halimbawa nalang ng ginagawa ko ngayon.

Ang ginagawa ng doctor ay gamutin ang


mga may sakit.

Ang pulis ay nagpapatupad ng batas para


manatili ang kaayusan ng komunidad, sila
rin ang nanghuhuli sa mga masasamang
tao.

Ang tsuper ay ang nagmamaneho ng mga


sasakyan para ihatid tayo sa ating
pupuntahan.
Mahalaga ba ang mga hanapbuhay na Opo!
nagbibigay serbisyo sa atin?

Ang sagot ng mag-aaral ay maaring


Bakit? magkakaiba-iba

Mahusay! Mahalaga ang mga hanapbuhay


na nagbibigay serbisyo dahil kung wala sila
wala magbibigay ng sapat na edukasyon,
kalusugan, at kaayusan sa ating komunidad.

3. Paglalapat

Ngayon hahatiin ko kayo sa apat na


pangkat, bumilang ng isa, dalawa, tatlo Ang mga bata ay susunod sa ipaguutos ng
hanggang apat. Kong anong nabangit na guro
numero ay iyon ang pangkat mo.

Panuto: Bawat pangkat ay bibigyan ko ng envelop na


nakapaloob dito ang gagawin ng bawat pangkat.
Ipaliwanag kong anong ginagawa ng nasa larawan ng
taong nag hanapbuhay o nag tatrabaho sa ating
komunidad, at isulat kong pano nakakatulong sa ating
komunidad.

Pangkat 1:

Inhinyero

Pangkat 2:

Nars

Pangkat 3:

Dentista

Pangkat 4:

Tubero
IV. Pagtataya

Panuto: Tukuyin ang nagbibigay ng produkto at serbisyo. Isulat ang letra ng tamang sagot sa
patlang.

______1. Pulis A. Katulong ng doctor sa pag-aalaga ng may sakit.

______2. Guro B. Tungkulin nya patayin ang apoy sa nasusunog na gusali.

______3. Nars C. Manggagamot na nangangalaga sa kalusugan ng ngipin.

______4. Bumbero D. Nagpapatupad ng batas para manatili ang kaayusan at


katahimikan sa komunidad.

______5. Dentista E. Nagtuturo sa mga mag-aaral na bumasa, sumulat, bumilang at


iba pang mga kasanayan.

V. Takdang Aralin
Panuto: Tukuyin kung sino ang kailangan mo kung:
__________1. Kapag sumasakit ang tiyan mo.
__________2. May nasusunog na bahay sa lugar nyo.
__________3. May pangyayaring nakawan sa komunidad.
__________4. Kapag sira ang kalsada sa lugar nyo.
__________5. Gusto mong matutung magbasa, magsulat at magbilang.

Marlo Mercado Maria Andrea Bontoc


Instructor Demo Student

You might also like