You are on page 1of 9

MASUSING BANGHAY SA ARALING PANLIPUNAN 2

I. LAYUNIN
Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang;

1. Natutukoy ang mga naglilingkod sa komunidad.


2. Nauunawaan ang mga serbisyong ibinibigay ng mga naglilingkod sa komunidad.
3. Naipapakita ang pagpapahalaga sa mga naglilingkod sa komunidad.
II. PAKSANG ARALIN
Paksa: Kahalagahan ng Paglilingkod/Serbisyo ng mga Kasapi sa Komunidad
Sanggunian: Grade 2 Araling Panlipunan Learners Material pp. 7-16
Curriculum Guide: AP2PKKIVa-1, AP2PKKIVa-2 p.5
Kagamitan: Iba’t-ibang larawan ng mga naglilingkod sa komunidad, tarpapel, powerpoint, flash
cards
III. PAMAMARAAN
Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral

A. Panimulang Gawain
Pagbati
Pagdarasal
Pamamahala ng Silid-aralan
Pagtsek ng mga lumiban at hindi
lumiban.
Magandang Umaga mga bata! Magandang Umaga din po!
Tumayo ang lahat upang magdasal (Ang mga bata ay magdadasal)
Mga bata bago umupo pulutin muna ang (Ang mga mag-aaral ay pupulutin ang mga
lahat ng kalat sa paligid at ayusin ang kalat at aayusin ang mga upuan.)
inyong mga upuan.

B. Paglinang na Gawain

1. Balik-Aral

Magbalik-aral tayo tungkol sa huli nating aralin,


sa pamamagitan ng pagkilala sa mga larawan.
Ano-ano uli ang bumubuo sa ating komunidad?  Tahanan
 Paaralan
 Ospital
 Simbahan
 Parke
 Palaruan
 Palengke
Magaling, mga bata!

2.Pagganyak

Gamit ang larong 4 pics 1 word, hulaan kung


sino ang mga taong gumagamit ng mga bagay o
mga senaryong ipapakita.
 Magsasaka
 Karpintero
 Guro
 Tubero
 Doktor
 Nars
 Barangay Health Worker
 Kaminero
 Kolektor ng Basura
 Bumbero
 Pulis
 Kapitan

Nakikita mo ba sila sa iyong komunidad? Opo, Ma’am

Anu-ano ang mga serbisyong ibinibigay ng


nakikita mo sa larawan para matugunan ang mga
pangangailangan ng mga kasapi sa komunidad?

3.Paglalahad
Ano nga ba ang paglilingkod?

Ang paglilingkod sa komunidad ay isang gawain


na isinasagawa ng tao para sa kapakanan ng
nakararami.
Ang pagboboluntaryo o pagkukusang loob ay
isang gawain ng kung saan ay maaaring
magbigay ng paglilingkod sa komunidad na
walang hinihinging kapalit o kabayaran.

May ilang naglilingkod na nangangailangan ng


sapat na kabayaran katumbas ng kanilang
paglilingkod.
Sa araling ito inasahang, matutukoy ang iba pang
tao na naglilingkod at ang kanilang kahalagahan
sa komunidad upang matugunan ang
pangangailangan ng mga kasapi sa komunidad.
4.Pagtatalakay
May mga taong nagbibigay ng paglilingkod sa
ating komunidad na nakatutugon sa pangunahing
pangangailangan ng mga kasapi ng komunidad.
Kilalanin natin sila.
Maaari bang sabihin kung sino ang nasa larawan. Magsasaka po.

Tama!

Alam nyo ba mga bata kung anong serbisyo o Nagtatanim po ng halaman upang
paglilingkod ang ibinibigay ng magsasaka? pagkunan ng pagkain.
Magaling!

Mahalaga ba ang paglilingkod ng isang (Ang mga sagot ng mga bata ay maaaring
magsasaka? Bakit? magkaiba-iba).

Tama!

Sumunod naman na larawan. Karpintero po.

Ano namang paglilingkod ang ibinibigay ng Sila po ang gumagawa at nagkukumpuni


isang karpintero? ng mga bahay, gusali at iba pang tirahan ng
mga tao.
Mahalaga ba ang paglilingkod ng isang
magsasaka? Bakit? (Ang mga sagot ng mga bata ay maaaring
magkaiba-iba).
Tumpak!
Sumunod na larawan.
Guro naman po yan.

Magaling!

Ano naman ang paglilingkod ng isang guro? Ma’am, nagtuturo sa mga mag-aaral upang
matuto sa iba-ibang asignatura at
Mahalaga ba ang paglilingkod ng isang guro? kagandahang asal.
Bakit?
Opo, Ma’am.
Mahusay mga bata.
Sumunod na larawan. Nakikilala po ba siya? Tubero po yan.

Tama!

Ano naman kaya ang paglilingkod na Nag-aayos at nagkukumpuni ng linya ng


isinasagawa ng isang tubero? tubo ng tubig patungo sa iba’t-ibang pang
gusali.
Tama!

Mahalaga ba ang isang tubero sa ating Opo, Ma’am.


komunidad?

Narito naman ang mga nagbibigay ng


paglilingkod para sa kalusugan ng komunidad.

Nakapunta na ba kayo sa taong ito? Kilala nyo Doktor po yan Ma’am.


ba siya?

Ano namang paglilingkod ang isinasagawa ng Nagbibigay serbisyo ng panggagamot sa


isang doctor? mga taong may sakit.

Mahusay mga bata.

Mahalaga ba ang paglilingkod ng isang doktor?


Bakit?

Eto pong nasa larawan nakikilala nyo ba sya? Nars naman po siya.

Paano naman nakapagbibigay ng paglilingkod Tumutulong po sa mga doktor sa


ang isang nars? pangangalaga ng mga may sakit.

Tama!

Mahalaga ba na may nars sa ating komunidad? Opo, Ma’am.

Mahusay mga bata.


Opo, sila po ay ang mga Barangay Health
Workers.
Sila naman, bumisita na ba sila sa inyong mga
bahay?

Umiikot po sila sa komunidad upang


ipaalam ang mga impormasyong
Ano naman kaya ang ibinibigay na paglilingkod pangkalusugan. Tumutulong po sa mga
ng mga Barangay Health Workers? gawain sa Barangay Health Center.

(Ang mga bata ay maaaring magkaiba-iba


ng sagot).
Bakit kaya mahalaga ang paglilingkod ng ating
mga Barangay Health Workers?
Opo, siya po ay kaminero.
Tama ang sinabi nyo mga bata.

Siya naman, nakikita nyo po ba siya?

Naglilinis ng kalsada at daan upang


mapanatili ang kalinisan ng kapaligiran ng
komunidad.
Alam nyo ba kung anong paglilingkod ang
isinasagawa ng isang kaminero?
(Ang mga sagot ng mga bata ay maaaring
magkaiba-iba).
Mahalaga ba ang paglilingkod ng isang
kaminero para sa ating kalusugan?
Sila po ang mga Kolektor ng basura.
Sino naman sila?

Magaling! Namamahala sa pagkuha at pagtatapon ng


mga basura.
Ano naman ang paglilingkod na isinasagawa ng
mga kolektor ng basura?
(Ang mga sagot ng mga bata ay maaaring
magkaiba-iba).
Sa inyong palagay, bakit mahalaga ang kanilang
paglilingkod?

Narito naman ang mga nagbibigay ng


paglilingkod para sa kaligtasan at kaayusan ng
komunidad.
Opo Ma’am. Bumbero po.
Nakita nyo na ba ang matapang na taong iyan?
Sila po ang tumutulong sa pagsugpo ng
Ano ang paglilingkod ang isinasagawa ng apoy sa mga nasusunog na bahay, gusali at
bumbero sa ating komunidad? iba pa.

Tama! Opo, Ma’am.


Mahalaga ba ang paglilingkod ng isang
bumbero?
Mahusay mga bata. Pulis po.
Sino naman po siya?

Sabihin nga sa akin kung ano ang paglilingkod Nagpapanatili po ng kaayusan at


na isinasagawa ng isang pulis? kapayapaan sa komunidad. Sila rin ang
humuhuli sa mga nagkakasala sa batas.
Tama!

Mahalaga ang paglilingkod ng isang pulis? (Ang mga sagot ng mga bata ay maaaring
magkaiba-iba).

Siya naman po.


Siya po si Kapitan.

Tama!

Ano kaya ang paglilingkod ng isang Kapitan ng


Namumuno sa kapakanan, kaayusan,
Barangay?
kaunlaran at kapayapaan ng nasasakupang
komunidad.
Mahalaga ba ang kanyang paglilingkod?

5.Paglalapat Opo, Ma’am

Ngayon mga bata, magkakaroon tayo ng


pangkatang gawain. Ang bawat grupo ay
bubunot ng kanilang magiging gawain.

Mga pamantayan sa gawaing pang grupo. Ano


ba ang mga dapat tandaan at dapat gawin habang
kayo ay gumagawa ng inyong gawain?

A. Gumawa ng tahimik.
B. Gumawa ng may kooperasyon.
C. Pakinggan ang ideya ng bawat grupo.

Batayan
Puntos
5 Natapos ng tama ang bawat
gawain.
4 Nagpakita ng pagkasabik at
pakikipagtulungan sa gawain
ang bawat miyembro.
3 Nakipagtulungan ang iilang
miyembro sa gawain.

Unang Grupo

 Panuto: HANAP SALITA: Hanapin sa


ibaba ang anim (6) na nagbibigay ng
paglilingkod o serbisyo sa komunidad.
Bilugan ito.

Pangalawang Grupo

 Panuto: Isulat sa mga talulot ng bulaklak


ang mga taong nagbibigay ng
paglilingkod o serbisyo sa ating
komunidad.

Mga Naglilingkod o
nagbibigay serbisyo
sa komunidad..

Pangatlong Grupo
 Panuto: Tukuyin ang mga naglilingkod sa
komunidad at ayusin ang mga jumbled

letters upang mabuo ang tamang salita.


Magsasaka, Guro, Karpintero, Tubero,
Mahusay mga bata! Doktor, Nars, Kaminero, Kolektor ng
Basura, Barangay Health Workers,
6.Paglalahat Bumbero, Pulis, at Kapitan ng Barangay

Dapat nating tandaan na may mga tao na


nagbibigay ng paglilingkod o serbisyo para (Ang mga bata ay maaaring magkakaiba-
matugunan ang pangangailangan ng ating iba ang sagot).
komunidad. May mga mahahalagang tao sa
komunidad na nagbibigay ng malaking
kontribusyon sa iba’t-ibang larangan. Nagsisilbi
silang huwaran ng mga tao hindi lamang sa
sariling komunidad kundi maging sa buong
bansa.

Mga bata sino-sino muli ang mga nagbibigay ng


paglilingkod o serbisyo sa ating komunidad na
ating natutunan sa araw na ito?

Magaling!

Magbigay naman ng kahalagahan ng mga


naglilingkod sa ating komunidad?

IV. Pagtataya

Panuto: Suriin ang pangungusap. Isulat ang


TAMA kung wasto ang isinasaad at isulat ang
MALI kung hindi wasto ang isinasaad. Isulat ang
sagot sa papel.

1. Sinisigurado ng mga kaminero na malinis ang


kapaligiran ng komunidad.

2. Mabilis ang mga pulis sa pagpatay ng sunog.

3. Tumutulong ang mga nars sa mga magsasaka


sa pagtatanim ng mga halaman.

4. Ang mga guro ang nagtuturo sa mga batang


magsulat at magbasa gayundin ang pagkakaroon
ng magandang asal.

5. Hinuhuli ng mga tubero ang mga lumalabag sa


batas.

5. Ang mga Barangay Health Workers ang


nagpapaalam ng mga programang
pangkalusugan sa ating komunidad.

Sagot:

1. Tama

2. Mali

3. Mali

4. Tama

5. Tama

V. Takdang Aralin

Gumupit ng mga larawan ng mga nagbibigay


paglilingkod o serbisyo sa ating komunidad.
Idikit ito sa inyong kwaderno. Sa baba nito,
sumulat ng maikling pasasalamat para sa mga
taong ito para sa kanilang paglilingkod.

You might also like