You are on page 1of 16

MASUSING BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN IV

I. LAYUNIN

Sa pagtatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. Natutukoy ang mga hanapbuhay na nagbibigay serbisyo;


b. Mabigyang halaga ang mga hanapbuhay na nagbibigay serbisyo; at
c. Maipakita ang bawat hanapbuhay na nagbibigay sebisyo.

II. PAKSANG ARALIN

Paksa: Mga Hanapbuhay na nagbibigay serbisyo.

Sanggunian:
www.scribd.com

Mga Kagamitan: Mga larawan ng iba’t -bang hanapbuhayl, Manila Paper, Pentel Pen,
at Karton.

III. PAMAMARAAN

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral


A. PANIMULANG GAWAIN

1. Pagbati

Magandang umaga mga bata! Magandang umaga din po Guro

2. Pagdarasal

Tumayo ang lahat, at tayo ay ( Ang mga bata ay tatayo at


manalangin. magdarasal.)

Ang lahat ay umupo. (Ang mga bata ay uupo.)

3. Pagtsetsek ng mga lumiban at


hindi lumiban

May lumiban ba sa ating klase? Wala po.

B. BALIK-ARAL

Bago tayo magpatuloy sa ating Ang ating huling tinalakay kahapon ay


panibagong aralin, sino sa inyo ang tungkol sa Mga hanap buhay na
makapagbubuod ng ating nakalipas nagbibigay Produkto.
na aralin?

Ano-ano ba ang mga hanap buhay Ang mga hanapbuhay na nagbibigay


na nagbibigay Produkto? ptodukto ay Karpintero, Modista,
Panadero, at Sapatero.

Mahusay! May tanung paba kayo (Ang sagot ng mga mag-aaral ay


tungkol sa mga hanapbuhay na maaaring magkakaiba-iba.)
nagbibigay produkto?
C. PAGGANYAK

Tatanungin ang mga bata kung anong gusto


nila paglaki at ipapaliwanag ito kung bakit
iyon ang kanilang napili.

Ano ba ang gusto ninyo paglaki? (Ang sagot ng mga mag-aaral ay


maaaring magkakaiba-iba.)

Bakit iyon ang inyong napili? (Ang sagot ng mga mag-aaral ay


maaaring magkakaiba-iba.)

Mayroon akong mga larawan dito,


tukuyin niyo kung ano ang ginagawa ng
nasa larawan.
Ano ang ginagawa ng nasa larawan? Ang nasa larawan ay nagaalaga ng
isang bata.

Tama! Ang ginagawa ng nasa larawan ay


nagaalaga ng isang bata.

Ano ang ginagawa ng nasa larawan? Ang nasa larawan ay nagpapatay ng


apoy.

Mahusay! Ang ginagawa ng nasa larawan ay


nagpapatay ng apoy.

Ano ang ginagawa ng nasa larawan?

Magaling! Ang nasa larawan ang babae ay Ang ginagawa ng nasa larawan ang
nagtuturo sa mga bata. babae ay nagtuturo sa mga bata.
Ano ang ginagawa ng nasa larawan? Ang ginagawa ng nasa larawan ay
tinitingnan ng lalaki ang ngipin ng
kanyang pasyente.

Mahusay! Ang ginagawa ng nasa larawan ay


tinitingnan ng lalaki ang ngipin ng kanyang
pasyente.

Ano ang ginagawa ng nasa larawan? Ang ginagawa ng nasa larawan ay


naglilinis.

Magaling! Ang ginagawa ng nasa larawan ay


naglilinis.

Sa huling larawan, ano kaya ang ginagawa Hinuhuli ng pulis ang lalaki.
ng nasa larawang ito?

Tama! Hinuhuli ng pulis ang lalaki. Sa (Ang sagot ng mag-aaral ay maaaring


tingin nyo bakit hinuhuli ng pulis ang makakaiba-iba.)
lalaki?
Magaling! Sa inyong palagay, ano ang ating Ang tatalakayin po natin ngaung araw
bagong tatalakayin ngaung araw? ay ang mga hanapbuhay na nagbibigay
serbisyon.

Napakahusay!

D. PAGTATALAKAY

Sa tingin ninyo ano ang kahulugan ng (Ang sagot ng mag-aaral ay maaaring


hanapbuhay? makakaiba-iba.)

(Ang guro ay magdidikit ng kahulugan ng


hanapbuhay o trabaho sa pisara.)

Magaling! Maari nyo bang basahin ang (Babasahin ng mga estudyante ang
kahulugan ng hanapbuhay o trabaho. kahulugan ng hanapbuhay o trabaho.)

Ang hanapbuhay o trabaho ay tumutukoy sa Ang hanapbuhay o trabaho ay


gawain, gampanin o tungkulin na tumutukoy sa gawain, gampanin o
isinasagawa ng isang tao upang tungkulin na isinasagawa ng isang tao
makatanggap ng kapalit na salapi, upang makatanggap ng kapalit na
gantimpala, o sweldo. salapi, gantimpala, o sweldo.
Ang hanapbuhay ay ang pinagkukunan ng Ang hanapbuhay ay ang pinagkukunan
kita o yaman ng tao. ng kita o yaman ng tao.ba-iba.

Tinatawag ang taong nahahanabuhay bilang


manggagawa o trabahador.

Naiintindihan naba kung ano ang (Ang sagot ng mag-aaral ay maaaring


hanapbuhay? makakaiba-iba.)

Kanina mayroon akong ipinakita sa inyo na


mga larawan, iyon ay mga halimbawa na
nagbibigay serbisyo sa komunidad.

Magbigay nga kayo ng halimbawa ng Nars


hanapbuhay na nakita niyo kanina sa mga
larawan.

Ano ba sa tingin niyo ang ginagawa ng Nars (Ang sagot ng mag-aaral ay maaaring
sa ating komunidad? makakaiba-iba.)

Tama! Ang nars ang tumutulong sa doktor (Ang sagot ng mag-aaral ay maaaring
na mag-alaga sa pasyente o sa taong may makakaiba-iba.)
sakit. Ano ba ang itsura ng nars?
Magaling! Ang mga nars ay naka-uniporme
ng puti at may cap sa ulo na kulay puti.

Ano pang hanapbuhay na nakita niyo Bumbero


kanina sa larawan?

Ano ba sa tingin niyo ang ginagawa ng (Ang sagot ng mag-aaral ay maaaring


bumbero? makakaiba-iba.)

Mahusay! Ang ginagawa ng bumbero ay Opo


nagpapatay ng mga apoy sa gusali. May
nakakita naba sa inyo ng bumbero?

Ano pang hanapbuhay na nakita niyo Guro


kanina sa larawan?

Ano ba ang ginagawa ng guro? (Ang sagot ng mag-aaral ay maaaring


makakaiba-iba.)
Tama! Ang guro ang nagtuturo sa atin kung
paano bumasa, sumulat, at magbilang.
Halimbawa nalang ng aking ginagawa
ngaun.

Mayroon ba sa inyo gusto maging guro Opo


balang araw?

Mayroon pa bang hanapbuhay na nakita Dentista


niyo sa larawan? Ano pa iyon?

Ano ba ang ginagawa ng dentista? (Ang sagot ng mag-aaral ay maaaring


makakaiba-iba.)

Magaling! Ang ginagawa ng dentista ay


nanggagamot at nangangalaga sa kalusugan
ng ngipin.

Bukod sa dentista, mayroon pa ba? Dyanitor

Ano ba ang ginagawa ng dyanitor? (Ang sagot ng mag-aaral ay maaaring


makakaiba-iba.)
Mahusay! Ang dyanitor ang nag-aalaga ng
kalinisan sa ating paligid o gusali para
mapanatili nating malinis ito.

Ano na lamang ang hindi pa nasasabing Pulis


hanapbuhay na nakita nyo kanina sa
larawan?
Ano ang ginagawa ng pulis sa ating (Ang sagot ng mag-aaral ay maaaring
komunidad? makakaiba-iba.)

Mahusay! Ang pulis ang nagpapatupad ng


batas para mapanatili ang kaayusan at
katahimikan sa ating komunidad, sila rin
ang nanghuhuli sa mga masasamang tao.

Sa tingin niyo mahalaga ba ang mga Opo


hanapbuhay na nagbibigay serbisyo?

Bakit? (Ang sagot ng mag-aaral ay maaaring


makakaiba-iba.)

Tama! Mahalaga ang mga hanapbuhay na


nagbibigay serbisyo dahil kung wala sila
walang magbibigay ng sapat na edukasyon,
kalusugan, kaligtasan, at kaayusan sa ating
komunidad.

May tanong pa ba kayo?

E. PAGLALAHAT

Anu-ano nga na nga ulit ung mga Ang mga hanapbuhay na nagbibigay
hanapbuhay na nagbibigay ng serbisyo? serbisyo ay Nars, Bumbero, Guro,
Dentista, Dyanitor, at Pulis.

Anong serbisyo ang binibigay nila? Ang serbisyo na binibigay, ang nars ang
tumutulong sa doktor para mag-alaga
sa mga taong may sakit, ang bumbero
ang nagpapatay ng poy kapag may
nasusunog na gusali, ang guro ang
nagtuturo sa atin kung paano bumasa,
sumulat, at magbilang, ang dentista ay
nanggagamot at nangangalaga sa
kalusugan ng ngipin, ang dyanitor ang
nag-aalaga ng kalinisan sa ating paligid
o gusali para mapanatili nating malinis
ito, ang pulis ang nagpapatupad ng
batas para mapanatili ang kaayusan at
katahimikan sa ating komunidad, sila
rin ang nanghuhuli sa mga
masasamang tao.
Ano ang kahalagahan ng hanapbuhay na Mahalaga ang mga hanapbuhay na
nagbibigay serbisyo? nagbibigay serbisyo dahil kung wala sila
walang magbibigay ng sapat na
edukasyon, kalusugan, kaligtasan, at
kaayusan sa ating komunidad.

Naiintindihan na ba ang ating tinalakay? Opo

Itaas lamang ang inyong kanang kamay Opo


kung kayo ay may katanungan pa, para
malinawan ko ito.

F. PAGTATAYA

Ang klase ay mahahati sa dawalang


grupo para magsagawa ng dula-dulaan o
laro (charades) tungkol sa tinalakay,
upang maipakita ang kahalagahan ng
bawat hanapbuhay sa ating komunidad.

(Ang guro ay magbibigay ng isang kahon sa


bawat grupo na mayroong laman ng mga
tinuping papel kung saan nakasulat ang
mga hanapbuhay na nagbibigay serbisyo.)

G-1 G-2

Maglalaro tayo ngaun, alam nyo ba ang Opo


larong charades?

Nakikita nyo ba ang nasa loob ng kahon? Opo

Mayroong nakasulat sa nakatuping papel na Opo


nasa loob ng kahon, ang bawat grupo ay
bibigyan ko ng isang minuto upang
pahulaan niyo sa inyong kasama kung
anong hanapbuhay at serbisyo ang
ipapakita nya sa kanyang kilos o galaw, ang
grupo na maraming mapapahulaan sa loob
ng isang minuto ay may makukuhang
limang puntos at gantimpala, naintindihan
ba ?
IV. EBALWASYON

Panuto:Tukuyin ang taong nagbibigay ng produkto at serbisyo. Isulat ang letra ng


tamang sagot sa patlang.

____1. Pulis A. Katulong ng doktor sa pag-aalaga ng mga may sakit.

____2. Guro B. Tungkulin nito patayin ang apoy sa nasusunog na gusali.

____3. Nars C. Manggagamot na nangangalaga sa kalusugan ng ngipin.

____4. Bumbero D. Nagpapatupad ng batas para mapanatili ang kaayusan at


katahimikan ng komunidad.

____5. Dentista E. Nagtuturo sa mga mag-aaral na bumasa, sumulat, bumilang, at


iba pang kasanayan.

V. TAKDANG ARALIN

Panuto:Tukuyin kong sino ang kailangan mo kung:

_______1. Sumasakit ang ngipin mo.


_______2. May nasusunog sa tabi ng bahay ninyo.
_______3. May nakawan sa inyong komunidad.
_______4. Gusto mong matutung magsulat at magbasa.
_______5. Kailangan ninyo ng maglilinis.

Prepared by: JESSA R. AGUSTO


BEED II
Approved by: JOMER R. BONILLO
INSTRUCTOR

You might also like