You are on page 1of 9

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 2

I. Layunin:

Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahan na:

1. Natutukoy ang mga hanapbuhay na nagbibigay serbisyo sa komunidad.

2. Maipakita ang pagkakaiba ng bawat hanapbuhay na nagbibigay serbisyo,

3. Mabigyang halaga ang mga hanapbuhay na nagbibigay serbisyo.

II. Paksang Aralin

Paksa: Mga Hanapbuhay na nagbibigay Serbisyo

Sanggunian:

 Antonio E. D etal (2015) Kayamanan 2 (p.306). REX Book Store


 Reyes B. M. (2015) Lunday ng Kalinangang Pilipino 2 (p.185-306). Sibs Publishing
House, Inc.

Kagamitan: Laptop, PowerPoint presentation, TV, Mga Larawan ng iba't-ibang Hanapbuhay

Pagpapahalaga: Mabigyang halaga ang pangarap ng bawat isa

III. Pamamaraan

Gawaing Guro Gawaing Mag- aral


A. Pamukaw Sigla

B. Panimulang Gawain

A1. Pagbati
Magandang Umaga mga bata!
Magandang umaga rin po!
A2. Pagdarasal
Tumayo muna tayo upang magdasal (Ang mga bata ay magdadasal)

A3. Pamamahala ng Silid-aralan


Bago umupo pulutin muna ang mga (Ang mga mag-aaral ay magpupulot ng kalat at aayusin
kalat sa inyong paligid at ayusin ang ang mga silya)
inyong silya.

A4. Pagtsetsek ng mga lumiban at


hindi Lumiban

3. Paglalahad

Mayroon akong mga larawan dito,


tukuyin niyo ito kung ano ang
ginagawa ng nasa larawan.

Ano ang ginagawa ng nasa larawan?


(Ang sagot ng mag-aaral ay maaaring magkakaiba-iba)

Mahusay! Ang ginagawa ng nasa


larawan ay nagpapatay ng apoy.

Ano ang ginagawa ng nasa


pangalawang larawan?
(Ang sagot ng mag-aaral ay maaaring magkakaiba-iba)
Mahusay! Sa pangalawang larawan
Naman ay Makita natin na tinuturoan
ng lalaki ang mga bata.

Ano ang nakikita natin sa pangatlong


larawan?
(Ang sagot ng mag-aaral ay maaaring magkakaiba-iba)
Magaling! Angg nasa larawan ay
tinitignan o tsinetsek- up ng Babae
ang ngipin ng kanyang pasyente.

Sa tingin niyo bakit tinigtignan ng


lalaki ang ngipin ng kanyang
pasyente?

(Ang sagot ng mag -aaral ay maaring makakaiba)

Sa pangapat na larawan ano Naman


ang ating nakikita?

Magaling! Ang nasa larawan ay (Ang sagot ng mag -aaral ay maaring makakaiba)
hinuhuli ng pulis ang lalaki. Sa tingin
niyo bakit aya hinuli ng pulis ang
lalaki?

Sa huling larawan, ano kaya ang


ginagawa ng lalaki?

Magaling! Siya ay nagmamaneho ng (Ang mag-aaral ay maaaring magkakaiba-iba ang sagot)


sasakyan.
4. Pagtalakay

Sa tingin niyo ano ang kahulugan ng


hanapbuhay?

Magaling! Ang hanapbuhay o trabaho


(Ang mag-aaral ay maaaring magkakaiba-iba ang sagot)
ay gampanin na isinasagawa ng isang
tao upang matustusan ang kanyang
pangangailangan at ng kanyang
pamilya.

Tinatawag ang taong


naghahanapbuhay bilang
manggagawa o trabahador.

Naiintindihan na ba kung ano ang


hanapbuhay?

Kanina may mga larawan akong Opo


ipinakita sa inyo, iyon ay mga
halimbawa ng mga hanapbuhay na
nagbibigay sebisyo sa komunidad.

Magbigay nga kayo ng halimbawa ng


hanapbuhay na nakita niyo kanina sa
mga Larawan.
(Ang sagot ng mag-aaral ay maaaring magkakaiba-iba)
Ano ba sa tingin niyo ang ginagawa
ng bumbero?

Magaling! Ang ginagawa ng bumbero (Bumbero)


ay nagpapatay ng mga apoy sa gusali.
May nakakita na ba sa inyo ng
bumbero?

Ano pang hanapbuhay an inyong


nakita kanina sa larawan?

Ano ba ang ginagawa ng dentista?

Mahusay! Ang ginagawa ng dentist ay


nanggagamot at nangangalaga sa (Dentista)
kalusugan ng ngipin.

Bukod sa Dentista mayroon pa ba?

Ano pang hanapbuhay an inyong


nakita kanina sa larawan?

Ano ba ang ginagawa ng Guro? (Guro)

(Ang sagot ng mag-aaral ay maaaring magkakaiba-iba)

Tama! Ang guro ang nagtuturo sa atin


kung paano bumasa, sumulat, at
magbilang. Halimbawa nalang ng
aking ginagawa ngayon.

Mayroon ba sa inyo gusto maging


guro balang araw?

Ano pang hanapbuhay an inyong


nakita kanina sa larawan?

Ano ang ginagawa ng pulis sa ating


komunidad? Pulis

Magaling! Ang pulis ang (Ang sagot ng mag-aaral ay maaaring magkakaiba-iba)


nagpapatupad ng batas para
mapanatili ang kaayusan at katahian
sa komunidad, sila rin ang

Nanghuhuli sa mga masasamang tao.

Ano na lamang ang hindi pa


nasasabing hanapbuhay na nakita
niyo kanina sa larawan?
Tsuper.
Nakakita na ba lahat ng tsuper?

Ano ba ang naitutulong ng tsuper sa Opo


ating komunidad?
(Ang sagot ng mag-aaral ay maaaring magkakaiba-iba)
Tama! Ang tsuper ang nagmamaneho
ng mga sasakyan para ihatid tayo sa
ating pupuntahan.

Magbigay nga kayo ng halimbawa ng


mga tsuper na naghahatid sa ting
mga pupuntahan?
(Ang sagot ng mag-aaral ay maaaring ? magkakaiba-iba)
Mahusay! Anu-ano na nga ulit ang
mga Hanapbuhay na nagbibigay ng
serbisyo?
Bumbero, Dentista, Doktor, Guro, Dyanitor, Nars, Pulis at
Tsuper.
Sa tingin niyo mahalaga ba ang mga
hanapbuhay na nagbibigay serbisyo?

Bakit? Opo

Mahusay! Mahalaga ang mga (Ang sagot ng mag-aaral ay maaaring magkakaiba-iba)


hanapbuhay na nagbibigay serbisyo
dahil kung wala sila walang
magbibigay ng sapat na edukasyon,
kalusugan, kaligtasan at kaayusan sa
ating komunidad.

May tanong pa ba kayo tungkol sa


ating tinalakay?

5. Pagsasagawa ng Gawain Wala na po.

Ang klase ay mahahati sa tatlong


grupo para magsagawa ng dula-
dulaan tungkol sa tinalakay, upang
maipakita ang kahalagahan ng bawat
hanapbuhay sa ating komunidad na
itinalaga sa bawat grupo.

Unang Grupo

 Gagawa ng tula na
nagpapakita ng kahalagahan
sa mga hanapbuhay na
nagbibigay serbisyo.

Pangalawang Grupo

 Gumuhit ng dalawang
hanapbuhay na nagbibigay ng
serbisyo sa inyong
komunidad at ipaliwanag
kung paano nakatutulong sa
inyo ang bawat hanapbuhay
na ito.

Ano ba ang mga dapat tandaan at


dapat gawin habang kayo ay
gumagawa ng inyong gawain?

(Ang sagot ng mag-aaral ay maaaring magkakaiba-iba)


May tanong pa ba kayo tungkol sa
inyong gagawin?

Maaari na kayong pumunta sa inyong Wala na po.


pwesto at pag-usapan ang inyong
gagawing presentasyon. Kung kayo ay
tapos na bumalik kayo sa upuan
ninyo ng tahimik at antayin matapos
ang ibang grupo.

6. Paglalahat

Anu-ano ang mga hanapbuhay na


nagbibigay serbisyo?

Ang mga hanapbuhay na nagbibigay serbisyo ay


Anong serbisyo ang ibinibigay nila? Bumbero, Dentista, Doktor, Guro, Dyanitor, Nars, Pulis at
Tsuper.

Ang serbisyo na binibigay, and bumbero ang nagpapatay


ng apoy kapag may nasusunog na gusali, ang dentist ang
nag-gagamot at nangangalaga sa ngipin natin, doktor
ang nag- gagamot sa mga taong may sakit, guro ang
nagtuturo sa atin kung paano magsulat, magbasa at
magbilang, Dyanitor ang naglilinis n gating paligid, Nars
ang tumutulong sa doktor para mag-alaga sa mga taong
may sakit, pulis naman ang nagpapatupad ng mga batas
para mapanatili ang kaayusan n gating komunidad at
tsuper ang nagmamaneho ng mga sasakyan para
maihatid tayo sa ating pupuntahan.
Ano ang kahalagahan ng hanapbuhay
na nagbibigay serbisyo?

Mahalaga ang mga hanapbuhay na nagbibigay serbisyo


dahil kung wala sila walang magbibigay ng sapat na
edukasyon, kalusugan, kaligtasan at kaayusan sa ating
komunidad.
Naintintindihan na ba ang ating
tinalakay?

Itaas lamang ang inyong kanang


kamay kung kayo ay may katanungan
pa, para malinawan ko ito. Opo

7. Pagsusuri

Tutukuyin ng mga mag-aaral kung


sino ang nagbibigay ng serbisyo sa
sumusunod na mga

Sitwasyon.

1. Napapagaling kita kung ikaw


ay may sakit.
2. Ginagabayan ko ang mga
mag-aaral na may suliranin.
3. Agad akong dumarating kung
may sunog.
4. Sumasakay kayo sad dyip na
aking minamaneho.
5. Nililinis ko ang inyong silid-
Aralan .

IV. Pagtataya
Tukuyin ang taong nagbibigay ng produkto at serbisyo. Isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang.

1. Katulong ng doctor sa pag-aalaga ng mga taong may sakit.


2. Tungkulin nito patayin ang apoy sa nasusunog na gusali.
3. Manggagamot na nangangalaga sa kalusugan ng ngipin.
4. Nagpapatupad ng batas para mapanatili ang kaayusan at katahimikan sa
komunidad.
5. Nagtuturo sa mga mag-aaral na bumasa, sumulat, bumilang, at iba pang
kasanayan,

A. Pulis
B. Guro
C. Nars
D. Bumbero
E. Dentista

V. Gawaing Bahay

Tukuyin kung sino ang kailangan mo kung:

1. Sumasait ang tiyan mo


2. May nasusunog sa tabi ng bahay ninyo.
3. May nakawan sa inyong komunidad.
4. Malayo ang inyong paaralan sa inyong bahay.
5. Gusto mong matutong magsulat at magbasa.

You might also like