You are on page 1of 9

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 2

Inihanda Ni: Neriel Alberio Pacatang Haba ng Oras: 1 Oras

I. LAYUNIN
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahan na:
1. Natutukoy ang mga hanapbuhay na nagbibigay sebisyo sa komunidad.
2. Maipakita ang pagkakaiba ng bawat hanapbuhay na nagbibigay serbisyo.
3. Mabigyang halaga ang mga hanapbuhay na nagbibigay serbisyo.
II. Paksang Aralin
Paksa: Mga hanapbuhay na nagbibigay serbisyo
Sanggunian:
• Antonio E. D at (2015) kayamanan 2 (p.306). REX Book Store
• Reyes B. M. (2015) Lunday ng kalinangan Pilipino 2 (p.185-306). Sibs Publishing House,
Inc.

Kagaminatan: Cartolina, Pentel Pen, Mga Larawan ng iba’t-ibang Hanapbuhay

Pagpapahalaga: Mabigayang halaga ang pangarap ng bawat isa

KBI: MAKININIG NG MABUTI, LUMAHOK SA MGA GAWAIN

III. Pamamaraan
Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral
A. Panimulang Gawain

1. Pagdarasal

Bago tayo magsimula, tatayo muna tayo


para sa ating panalangin, Ivan Ivan: (Nangulo sa panalangin)
pangunahan mo an ating panalangin.

2. Pagbati

Magandang umaga mga bata! Magandang umaga sir.

3. Pamamahala sa silid-aralan

Bago tayo magsiupo ay pulutin po muna


natin ang mga kalat na nasa ilalim ant Mag-aaral: (naglinis at nag ayos ng
sahig ng ating mga upuan, at ayusin ang kanilang silya)
inyong mga silya.

Ano naman an gating gagawin kapag


may nagsasalita dito sa harapan? Makinig ng mabuti sa nagsasalita.

Tama! Ano naman ang gagawin kapag


ang inyong guro ay may ipinapagawa sa Makilahok sa mga Gawain.
inyo?

Mahusay! Nagkakaintindihan na ba tayo


mga bata? Mag-aaral: Opo sir.

4. Pagtsesek ng mga lumiban sa klase

May lumiban ba sa klase natin ngayun? Mag-aaral: wala po sir.


B. Panlinang na Gawain

1. Balik-aral

Bago tayo magsimula ay nais ko


munang balikang tanaw ang ating
tinalakay kahapon.
Sino ang may alam kong ano ang
tinalakay natin kahapon? Maaring itaas Claire: Ang huli po nating tinalakay
ang kamay sa gustong sumagot. kahapon ay tungkol po sa Mga Hanapbuhay
Magaling! na nagbibigay Produkto.

Ano-ano ba ang mga hanapbuhay na Pablo: ang mga hanapbuhay na nagbibigay


nagbibigay ng mga produkto? ng mga produkto ay Karpintero, Modista,
Panadero at Sapatero.

Mahusay! May gusto pa bang sumagot? Carl: Mga Magsasaka sir.

Tama magaling Carl!


May tanong pa po ba kayo tungkol sa
mga hanapbuhay na nagbibigay
produkto? Mag-aaral: wala na po Sir.

2. Pagganyak

(Tatanungin ang klase kung anong gusto (Ang sagot ng mga mag-aaral ay maaaring
nila paglaki at ipapaliwanag ito kung bakit paiba-iba)
iyon ang kanilang napili).
Ano ba ang gusto ninyo paglaki? (Ang sagot ng mga mag-aaral ay maaaring
paiba-iba)

Bakit iyon ang inyong napili? (Ang sagot ng mga mag-aaral ay maaaring
paiba-iba)
3. Paglalahad

Mayroon akong mga larawan dito, tukuyin


niyo ito kung ano ang ginagawa ng nasa
larawan.

Ano ang ginawa ng nasa larawan? Paul? Paul: Ang ginagawa ng nasa larawan ay
nagpapatay ng apoy.
Mahusay Paul!
(nagpapakita ng ibang larawan)
Ano naman ang ginagawa nitong nasa
larawan? Jessa? Jessa: Ang ginagawa ng nasa larawan ay
isang guro na nagtuturo ng mga bata sir.
Napakagaling Jessa! Ang guro ay nagtuturo
sa mga bata.

Ano naman ang ginagawa nitong nasa


ikatlong larawan? Mike. Mike: Ang ginagawa po ng nasa larawan ay
tinitingnan ang ngipin ng kanyang pasyente.
Napakahusay Mike! Ang nasa larawan ay
tinitingnan ang ngipin ng kanyang pasyente.

Ano naman ang ginagawa ng nasa larawan


na ito? Stephen? Stephen: Ang ginagawa ng babae na nasa
larawan ay tsinetsek-up ang kanyang
pasyente.
Magaling! Ang ginawa ng nasa larawan ay
tsinetsek-up niya ang puso ng kanyang
pasyente.

Ano naman kaya ang gagawin ng lalaki na


nasa larawan? Mae? Mae: ang lalaki na nasa larawan ay
maglilinis.
Mahusay Mae! Ang gagawin ng lalaki na
nasa larawan ay maglilinis.

Ano naman ang nakikita niyo sa larawang


ito? Jade?
Magaling Jade! Ang Nars ay inaalagaan
ang pasyente na may sakit para mabilis na Jade: Ang nasa larawan ay inaalagaan ng
gumaling. Nars ang pasyente na may sakit.

Ano naman kaya ang ginagawa ng nasa


larawang ito? Christian? Christian: Hinuhuli ng pulis ang isang
lalaki.
Magaling Jade! Hinuhuli ng pulis ang isang
lalaki. Sa tingin niyo bakit kaya hinuli ng
pulis ang isang lalaki?
(Ang sagot ng mga mag-aaral ay maaaring
magkakaiba-iba).

Ano naman kaya ang ginagawa sa lalaki na


nasa larawan na ito? Carla?
Carla: Ang lalaki ay nagmamaneho ng
Mahusay! Siya ay nagmamaneho ng isang sasakyan.
sasakyan.

4. Pagtatalakay

Sa tingin niyo ano ang kahulugan ng


hanapbuhay? (Ang sagot ng mag-aaral ay maaaring
magkakaiba-iba).
Mahusay! Ang hanapbuhay o trabaho ay
gampanin na isinasagawa ng isang tao
upang matustusan ang kanyang
pangangailangan at ng kanyang pamilya.

Tinatawag ang isang taong


naghahanapbuhay bilang manggagawa o
trabahador.

Ngayun, naiintindihan niyo na ba kung ano


ang hanapbuhay? Mag-aaral: Opo Sir!

Kanina ay may mga larawan akong ipinakita


sa inyo, iyon ay mga halimbawa ng mga
hanapbuhay na nagbibigay serbisyo sa
komunidad.

Maaari ba kayo magbigay ng halimbawa ng


hanapbuhay na nakita niyo kanina sa mga
larawan? Carla? Carla: Bumbero Sir.
Magaling Carla! Ano ba sa tingin niyo ang
ginagawa ng bumbero? Ronel? Ronel: Ang ginagawa ng bumbero ay
nagpapatay ng mga apoy sa gusali o sa
anumang may nasusunog sir.

Tama! May nakikita na ba kayong Mag-aaral: Opo Sir.


bumbero?

Ano pang hanapbuhay ang nakikita niyo Kyle: Dentista Sir.


kanina sa mga larawan? Kyle?

Mark: Ang ginagawa ng Dentista ay


Ano ba ang ginagawa ng dentista Mark? nanggagamot at nangangalaga ng ngipin.

Magaling Mark! Bukod sa dentista , ano pa


ang ibang larawan na nakita niyo kanina? Michelle: Doktor Sir.
Michelle?

Mahusay! Ano ba ang ginagawa ng isang Chantal: ang ginagawa ng isang Doktor ay
Doktor? Chantal? gamutin ang mga taong may mga sakit.

Tama! Ano pa ang ibang hanapbuhay na Carl: Guro sir.


nasa larawan na inyong nakikita kanina?
Carl?
Mark: Ang guro ay nagtuturo.
Tama! Ano ba ang ginagawa ng isang Guro?
Mark?

Mahusay Mark! Ang guro ay siyang


nagtuturo sa atin kung paano bumasa,
sumulat, at magbilang. Halimbawa nalang
ng aking ginagawa ngayon. Mag-aaral: Opo sir.

Mayroon ba sa inyo na gustong maging


guro?
Justin: Dyanitor Sir
Mayroon pa bang hanapbuhay na nakita
niyo sa larawan? Ano pa iyon? Justin?
James: Ang Dyanitor ay siyang nag-aalaga
Magaling! Ano ba ang ginagawa ng ng kalinisan sa ating kapaligiran o sa gusali.
Dyanitor? James?

Tama James! Ang Dyanitor ay siyang


naglilinis ng paligid at gusali upang
mapanatili itong malinis. Messy: Nars Sir.

Bukod sa Dyanitor meron pa ba? Messy?


Pauline: Ang Nars ay tumutulong sa
Magaling! Ano naman ang ginagawa ng Doctor, at nag-aalaga ng pasyente na may
Nars? Pauline? sakit.

Tama ka Pauline, ang Nars ay siyang


katuwang sa Doctor sa pag-aalaga ng
pasyente na may mga sakit.
Ano pa ba ang hanapbuhay na nakikita niyo
kanina sa larawan na hindi pa nasasabi? Carlo: Pulis Sir.
Carlo?

Ano ang ginagawa ng pulis sa ating Jess: Nanghuhuli ng mga masasama at


komunidad? Jess? nagpapatupad ng batas.

Magaling! Ang pulis ang nagpapatupad ng


batas para mapanatili ang kaayusan at
katahimikan sa komunidad, sila rin ang
nanghuhuli sa mga masasamang tao.

Ngayon, anon a lamang ang hindi pa


nasabing hanapbuhay na nakita niyo kanina Kris: Tsuper Sir.
sa mga larawan? Kris?

Tama! Nakakita nab a kayo ng Tsuper? Ano


ba ang ba ang naitutulong ng mga Tsuper sa Megan: Ang Tsuper ang nagmamaneho ng
ating komunidad? Megan? mga sasakyan para ihatid tayo sa ating
pupuntahan.

Tama! Ano-ano nga ulit ang mga Mag-aaral: Bumbero, Dentista,


Hanapbuhay na nagbibigay ng Serbisyo sa Doktor,Guro,Dyanitor, Nars, Pulis at
ating komunidad? Tsuper.

Sa tingin niyo mahalaga ba ang mga


Hanapbuhay na nagbibigay serbisyo? Mag-aaral: Opo sir.

Mahusay! Mahalaga ang mga hanapbuhay


na nagbibigay serbisyo dahil kung wala sila
walang magbibigay ng sapat na Edukasyon,
Kalusugan, Kaligtasan, at kaayusan sa ating
komunidad.

May tanong pa po ba kayo tungkol sa ating Mag-aaral: wala na po sir.


tinalakay?

5. Pagsasagawa ng Gawain

Ngayon ay magkakaroon tayo ng aktibidad,


hahatiin ko kayo sa tatlong grupo para
magsagawa ng kanilang tungkulin tungkol
sa ating tinalakay, at upang maipakita ang (Mag-aaral nakikinig ng mabuti)
kahalagahan ng bawat Hanapbuhay sa ating
komunidad.

Unang Grupo

❖ Gagawa ng dula-dulaan na
nagpapakita ng kahalagahan sa mga
hanapbuhay na nagbibigay serbisyo.

Pangalawang Grupo

❖ Kumpletuhin ang Graphic Organizer


sa ibaba. Isulat ang mga hanapbuhay
sa inyong komunidad.
Pangatlong
Grupo

❖ Gumuhit ng dalawang Hanapbuhay


na nagbibigay ng serbisyo sa inyong
komunidad at ipaliwanag kung
paano nakatutulong sa inyo ang
bawat hanapbuhay na ito.

Mag-aaral: maging aktibo sa aktibadad, at


Ano ba ang dapat gawin at tandaan kapag wag masyadong mag-ingay upang hindi
nagkakaroon ng aktibidad? makakadisturbo sa iba.

Tama! Maaari na kayong pumunta sa


inyong pwesto at pag-usapan ang inyong (mag-aaral ay nakikinig ng mabuti)
gagawing presentasyon. Kung kayo ay tapos
na bumalik kayo sa upuan ninyo ng tahimik (ang mga mag-aaral ay gumawa ng
at antayin matapos ang ibang grupo, sa loob kanilang aktibidad)
ng sampung (10) minuto.

6. Paglalahat
Ang mga hanapbuhay na nagbibigay ng
Anu-ano ang mga hanapbuhay na serbisyo ay Bumbero, Dentista, Doktor,
nagbibigay serbisyo? Dyanitor, Nars, Pulis at Tsuper.

Ang mga serbisyong ibinigay nila; ang


Anu-ano naman ang mga serbisyong Bumbero ang nagpapatay ng sunog kapag
ibinigay nila? may nasusunog na gusali, ang Dentista ang
nag-gagamot at nangangalaga sa ngipin
natin, Doctor ang nag-gagamot sa mga
taong may mga sakit, guro naman ang
nagtuturo sa atin kung paano magsulat,
mabasa, at magbilang, Dyanitor ang
naglilinis ng ating paligid, Nar sang
tumutulong sa Doktor para mag-alaga sa
mga taong may sakit,Pulis naman ang
nagpapatupad ng mga batas para mapanatili
ang kaayusan ng ating komunidad at Tsuper
ang nagmamaneho ng mga sasakyan para
maihatid tayo sa ating pupuntahan.

Mahalaga ang mga hanapbuhay na


Ano ang kahalagahan ng hanapbuhay na nagbibigay serbisyo dahil kung wala sila
nagbibigay serbisyo? walang magbigay ng sapat na edukasyon,
kalusugan, kaligtasan at kaayusan sa ating
komunidad.

Mag-aaral: Opo Sir.


Naintindihan na ba ang ating tinalakay?
Itaas lamang ang inyong kamay kung kayo Mag-aaral: Opo Sir.
ay may mga katanungan pa, para mabigyan
ko ito ng kalinawan.

7. Paglalapat

Nagdala ba kayo ng show me board?

Sa mga nakalimutan magdala ng show me (Mag-aaral ay nakikinig ng mabuti)


board sa papel niyo na lamang isulat ang
inyong sagot.

Tukuyin ng mga mag-aaral kung sino ang


nagbibigay ng serbisyo sa sumusunod na
mga sitwasyon.
.
1. Napapagaling kita Kung ikaw ay may
sakit. (sinasagotan ng mga mag-aaral ang
2. Ginagabayan ko ang mga mag-aaral. kanilang unang pagsubok)
3. Agad akong dumarating kapag may
sunog.
4. Sumasakay kayo sad yip na aking
minamaneho.
5. Nililinis ko ang inyong silid-aralan.

IV. Pagtataya

Tukuyin ang taong nagbibigay hanapbuhay at serbisyo. Isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang.

________1. A. Katulong ng Doktor sa pag-aalaga ng mga taong may sakit.

________2. B. Tungkulin nito patayin ang apoy sa nasusunog na gusali.

________3. C. Nanggagamot at nangangalaga sa kalusugan ng ngipin.

________4. D. Nagpapatupad ng batas para mapanatili ang kaayusan at

katahimikan sa komunidad.

________5. E. Nagtuturo sa mga mag-aaral na bumasa, sumulat, bumilang at iba

pang kasanayan.

V. Gawaing Bahay

Tukuyin kung sino ang kailangan mo kung:

______1. Sumasakit ang tiyan mo.


______2. May nasusunog sa tabi ng bahay ninyo.
______3. May nakawan sa inyong komunidad.

Magbigay ng dalawa o mas mahigit pa na mga Hanapbuhay na nagbibigay serbisyo na hindi


nababanggit sa tinatalakay.

You might also like