You are on page 1of 4

BAAO COMMUNITY COLLEGE

SAN JUAN, BAAO CAMARINES SUR

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN

I.LAYUNIN
-Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahan na:
A. Matukuy ang mga hanapbuhay na nagbibigay serbisyo sa komunidad.
B. Mabigyang halaga ang mga hanapbuhay na nagbibigay serbisyo sa komunidad.
C. Maipakita ang pagkakaiba ng bawat hanapbuhay na nagbibigay serbisyo.

II. PAKSANG ARALIN


Paksa:Mga Hanapbuhay na nagbibigay Serbisyo
Sanggunian: Antonio E.D. (2015) kayamanan
Kagamitan: Cartolina, Pentel Pen, Mga Larawan ng Iba’t-ibang Hanapbuhay
III.PAMAMARAAN

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral


A.Panimulang Gawain
Pagbati
Pagdarasal
Pamamahala ng Silid-Aralan
Pagtsetsek ng mga Lumiban at hindi Lumiban

Magandang Umaga mga bata? Magandang Umaga rin po.


Tumayo muna tayo upang magdasal (ang mga bata ay nagdadasal)
Bago umupo pulutin muna ang mga kalat sa inyong
paligid at ayusin ang inyong mga silya. (Ang mga mag-aaral ay nagpupulot ng mga kalat at
inaayos ang mga silya.)
B.Panlinang na Gawain
1.Balik-aral
- Magbalik aral tayo sa huli nating nating -Ang huli nating tinalakay ay tungkol sa buhay ng mga
tinalakaytungkol saan ang huli nating tinalakay? hanapbuhay na nagbibigay produkto.
-Anu-ano ang mga hanapbuhay na nagbibigay
produkto?
-Ang mga hanapbuhay na nagbibigay produkto ay
karpintero, Madista, Panadero, at Sapatero.
( Ang sagot ng mga bata ay maaaring magkaiba-iba.)

2.Pagganyak
-Tanungin ang klase kung anong gusto nila paglaki
at ipapaliwanag ito kung bakit iyon ang kanilang
napili.
-Ano ang gusto ninyo paglaki na mamana o
manahin sa inyong mga magulang na magagamit
ninyo sa inyong paglaki at paghanapbuhay.
( Ang sagot nila ay magkakaiba )
-Bakit iyon ang inyong napili?
( Magkakaiba ang kanilang mga sagot )

3. PAGLALAHAD
-Mayroon akong mga larawan dito, tukuyin ninyo
ito kung ano ang ginagawa ng mga nasa larawan.

-Ano ang ginagawa ng nasa larawan?


Mahusay! Ang ginagawa ng nasa larawan ay
pinapatay ang apoy. -Pinapatay po ng Bombero ang apoy.

-Sa huling larawan, ano kaya ang ginagawa ng


lalaki? -Ang lalaki ay nagmamaneho ng sasakyan.
Magalling! Siya ay nagmamaneho ng sasakyan.

4. PAGTATALAKAY
-Ano sa tingin niyo ang kahulugan ng hanapbuhay?
-Sa tingin ko po ang kahulugan ng hanapbuhay ay yong
nag tatrabaho ka para mabuhay at sa pang araw-araw
-Magaling! nadin natin.
-Naiintindihan na ba kung ano ang kahulugan ng
hanapbuhay? -Opo.
-Magbigay nga kayo ng halimbawa ng hanapbuhay
na nakita niyo kanina sa mga larawan .
-Ano sa tingin niyo ang ginagawa ng bombero? -Bombero po.
-Magaling!
Pinapatay ang apoy tuwing may sunog.
-Ano pa?
-Ano ba ang naitutulong ng tsuper sa ating Tsuper po.
komunidad?
Taga Hatid po.
-Mahusay!
-Sa tingin niyo mahalaga ba ang mga hanapbuhay
na nagbibigay serbisyo?
-Bakit? -Opo.
-Mahusay! ( Magkakaiba ang sagot. )
-May tanong pa ba kayo tungkol sa ating
tinatalakay?
Wala na po.
5. PAGSASAGAWA NG GAWAIN
-Ang klase ay mahahati sa tatlong grupo para
magsagawa ng dula-dulaan tungkol sa tinalakay,
upang maipakita ang kahalagahan ng bawat
hanapbuhay sa ating komunidad na itinalaga sa
bawat grupo.

 UNANG GRUPO
 Gagawa ng dula-dulaan na
nagpapakita ng kahalagahan sa
mga hanapbuhay na nagbibigay
serbisyo.
 PANGALAWANG GRUPO
 Kukumpletuhin ng pangalawang
grupo ang graphic organizer sa
ibaba. Isulat ang mga hanapbuhay
sa inyong komunidad.

HANAPBUHAY
SA AKING
KOMUNIDAD

 PANGATLONG GRUPO
 Gumuhit ng dalawang hanapbuhay
na nagbibigay ng serbisyo sa inyong
komunida at ipaliwanag kung
paano nakatutulong sa inyo ang
bawat hanapbuhay na ito. -Wala na po.
-May tanong paba kayo tungkol sa inyong gagawin?
-Maaari na kayong pumunta sa inyong puwesto at
pag-usapam ang inyong gagawing presentasiyon.
-Kung kayo ay tapos na bumalik kayo sa upuan
ninyo ng tahimik at antayin matapos ang ibang
grupo.
6. PAGLALAHAT
-Ano ang mga hanapbuhay na nagbibigay serbisyo?
-Ano ang kahalagahan ng hanapbuhay na -Ang mga hanapbuhay ay Bombero at Tsuper.
nagbibigay serbisyo? -Mahalaga ang mga hanapbuhay na nagbibigay
serbisyo dahil kung wala sila walang magbibigay ng
sapat na kaligtasan at kaayusan sa ating komunidad.
Naiintindihan po ba ang tinatalakay?
-opo.

7. PAGLALAPAT
-Sa papel po ito isusulat
.-Tukuyin ng mga mag-aaral kung sino ang
nagbibigay ng serbisyo at puwedeng pamana o
manahin ng mga susunod na henerasyon.
1.) Tumutulong upang mawala ang apoy?
2.) Taga hatid sa mga tao?
3.) Pag tulong sa kapwa?
4.) Edukasyon?
5.) Sumasakay kayo sad dyip na aking
minamaneho?

IV. PAGTATAYA.
Tukuyin ang mga taong nagbibigay ng produkto at serbisyo.
1. Tsuper A. Tungkulin nito pataying ang apoy.
2. Bombero B. Tungkulin nito ay mag turo.
3. Guro C. Pwedeng manahin hanggang pag tanda.
4. Edukasyon D. Kusang ginagawa ng walang kapalit.
5. Pagtulong E. Sinasakyan sa dyip na pinagmamanenuhan.

V. TAKDANG ARALIN.

Tukuyin kung sino ang kailangan mo kung:

1. May na susunog sa tabing bahay ninyo.


2. Sumasakit ang tiyan mo.
3. Malayo ang paaralan niyo sa bahay niyo.
4. May nawala sa bahay ninyo.
5. Gusto mong matuto mag sulat.

CARMIE P. DE JESUS
BEED 3-A

You might also like