You are on page 1of 11

Republic of the Philippines

TARLAC STATE UNIVERSITY


COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
EEd SSC 1 - Teaching Social Studies in Elementary Grades
(Philippine History and Government)

Pangalan: Jhasmin D. Cariaga Baitang: Baitang 5


DAILY Asignatur
LESSON Kurso at Taon: BEED 2 CAPAS a: Araling Panlipunan 5
PLAN
Nobyembre 19,
2022 (2:00-3:00
Petsa at Oras: pm) Quarter: Ikalawang Markahan

I. MELC Naipapaliwanag ang mga dahilan at layunin ng


kolonyalismong Espanyol. (AP5PKE-IIa-2)
II. Layunin A. Nauunawaan ang layunin ng pananakop ng mga
Espanyol sa Pilipinas
B. Naipaliliwanag ang mga dahilan at layunin ng
koloniyalismong Espanyol
C. Napahahalagahan ang layunin ng pananakop ng
mga Espanyol sa bansa sa pamamagitan ng
Pagbabahagi ng karanasan

III. Nilalaman Dahilan at Layunin ng Pananakop ng Espanyol


IV. Kagamitang Panturo PowerPoint Presentation, Laptop, Hand-outs
V. Pamamaraan Gawaing Guro Gawaing Mag-
aaral
Bago ang Aralin A. Panimula
a. Paghahanda
1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagtala ng mga lumiban
4. Alituntunin

b. Balik-aral
Bago tayo dumako sa ating
panibagong aralin, tayo ay
magbabalik-tanaw muna sa
ating tinalakay noong
nakaraang araw sa
pamamagitan ng isang
maikling gawain.
Gawain:
“Pagkukulang ko, Punan mo”
Panuto:
1. Ipapakita ng guro ang crossword puzzle kasama ng mga katanungan na
makatutulong upang mapunan ang mga kahon.
2. Ang mga mag-aaral ay sasagot sa pamamagitan ng pagtaas ng kanilang
Birtuwal na kamay.
3. Limang minuto ang nakalaan para sa gawaing ito.

c. Pagganyak
Magkakaroon ulit tayo ng isang gawain bago natin simulan ang ating talakayan
sa panibagong aralin.
Gawain:
“Piliin mo ang Pilipinas”
Panuto:
1. Ipaparinig ng guro ang awiting “Piliin mo ang Pilipinas” sa mga mag-aaral.
2. Pagkatapos pakinggan, mgtatanong ang guro ng isang tanong tungkol sa
awitin.
3. Limang minuto ang nakalaan para sa gawaing ito.

Katanungan: Paano inilarawan ang bansang Pilipinas sa awit na pinakinggan?

Habang Tinatalakay ang B. PAGLALAHAD NG ARALIN


Aralin a. Presentasyon

Ano kayang mayroon sa


bansang Pilipinas na
nakakapukaw ng atensyon ng
mga ibang bansa?
Kayamanan tulad
ng ginto.
Lupain na
masasakupan.
Likas na yaman.
Mahusay!
Lahat ng inyong nabanggit ay
may kaugnayan sa ating
tatalakayin ngayon tungkol sa
Dahilan at Layunin ng
Pananakop ng mga
Espanyol.
b. Talakayan
Mayroong tatlong layunin ang
mga Espanyol kung bakit nila
sinakop ang Pilipinas.
Ito ay ang tinatawag nating 3
K’s o 3G’s sa Ingles.
1. Una, ang unang K na
tumutukoy sa Kayamanan o
Gold sa ingles.
2. Ikalawa, Kristiyanismo o
God
3. Panghuli, Karangalan o
Glory
Muli, ano ang tatlong layunin
na aking nabanggit?

Kayamanan,
karangalan, at
kristiyanismo
Tama!
Suriin natin ang bawat
layunin.
1. Kayamanan (Gold)
Bago tayo magpatuloy, maaari
bang tukuyin ninyo kung ano
ano ang makikita natin sa
mga larawang ito?
Ginto
Paminta

Bawang

Spices

Produkto

Napakahusay naman ninyo.


Ang inyong nakita sa mga
larawan ay ang mga
pinakamahalagang yaman
noon lalo na sa mga taga
Kanluranin.
Alam niyo ba na isa sa
hangarin ng mga Espanyol ay
ang madagdagan ang kanilang
yaman ganon na rin ang
kanilang kabuhayan.
Bakit nga ba gusto nilang
madagdagan ang kanilang
kayamanan?

Dahil gusto nilang


maging
makapangyarihan.
Magaling!
Nais nilang dagdagan ang
kanilang kayamanan dahil
gusto nilang maging isang
malakas at makapngyarihang
bansa. Dahil ang batayan o
sukatan nga noon ng pagiging
makapngyarihan ay kung
gaano karami ang
nakukuhang kayamanan sa
anyo ng mamahaling metal
tulad ng ginto at pilak. Iyon
naman ang paniniwala o ang
sistemang merkantilismo.
Naunawaan ba ang sistemang
merkantilismo?
Maaari bang magbigay ka ng
iyong pagkakaintindi rito?
Kapag mayaman
po ang bansa sa
ginto at pilak,
makapangyarihan
po ito.
Mahusay!
Hindi lamang ginto at pilak
ang nais nilang makuhang
kayamanan mula sa ating
bansa. Ano pa kaya? Tuklasin
natin iyan.
Isa ang bansang Espanyol sa
mga kanluraning bansa na
naghahanap ng bansang
mapagkukunan ng yaman
tulad ng mga spices o iyong
mga rekadong pampalasa na
nagpapasarap sa pagkain. Ito
ang mga nasa larawan kanina.
1. Paminta
2. Luya
3. Sili
4. Bawang
5. Oregano
6. Cinnamon
7. Nutmeg
Nabalitaan nila na isa sa mga
pinakamayaman dito ay ang
bansang Moluccas o mas
kilala bilang Spice Islands na
matatagpuan sa dulong
Silangan.
Lumaki ang pangangailangan
ng mga taga Europa sa mga
yamang ito kaya nagsimula na
sila sa kanilang eksplorasyon.
Sa tingin ninyo, nakarating ba
sila sa bansang Moluccas? Hindi.

Saan kaya sila nakarating? Sa ating bansa.

Tama! Sa Pilipinas. Dahil ang


ating bansa nga ay
matatagpuan sa Timog
Silangang Asya sa kung saan
dito nga napadpad ang mga
Espanyol.
Nakita nila ang estratehikong
lokasyon ng Pilipinas dahil
malapit ito sa islang Spice
Island kaya nagustuhan nila
ang ating bansa. Nakita rin
nila ang kasaganaan natin sa
likas na yaman na tulad ng
nabanggit sa ating pagganyak
kanina.
Muli, ang unang layunin ay
ang Kayamanan o Gold na
sukatan ng kapangyarihan.
Naunawaan ba ninyo?
Kung gayon, halina’t ating
suriin ang ikalawang layunin,
ang Kristiyanismo.
Isang misyon ng mga
Espanyol sa kanilang
pananakop sa ating bansa ay
ang pagpapalaganap ng
Kristiyanismo.
Kailan nga ba nasgsimula ang
pagpapalaganap ng
kristiyanismo?
a. Noong ikalawang
ekspedisyon
b. Noong pagdating ng
ekspedisyon na pinamunuan
ni Ferdinand Magellan. B

b nga ba? Tama! Nagsimula


ang pagpapalaganap ng
kristiyanismo noong pagdating
ng ekspedisyon na
pinamunuan ni Ferdinand
Magellan noong taong 1521.
Kasama ni Magellan si Padre
Valderrama na siyang
nagsagawa ng misa sa
Limasawa at doon bininyagan
ang mga katutubo. Iyon ang
naging simula ng pagpapalit
ng relihiyon ng mga Pilipino
partikular na ng mga taga
Visayas.
Pagkatapos ng misang
naganap ay nagtayo ng krus si
Magellan at sinundan ito ng
pagbibinyag sa mga katutubo
na pinamunuan ni Raha
Humabon kasama ng
kaniyang asawa.
Noong ikalawang ekspedisyon
naman na pinamunuan ni
Miguel Lopez de Legazpi at
kasama niya naman si Padre
Andres de Urdaneta. Sila ay
tumuloy sa Bohol at
bininyagan nila ang mga
katutubo na pinamunuan
nina Raja Sikatuna at Raja
Sigala.
Tumuloy sila sa Legazpi sa
Cebu at nang masakop nila ito
ay itinatag nila ang kauna-
unahang panirahan ng mga
Espanyol sa Pilipinas.
Ang mga pinuno at mga pari
ang nagtulungan na
magpalaganap ng relihiyong
Romano Katoliko sa
pamamagitan ng kanilang
pagseseremonya.
Magtaas nga ng birtuwal na
kamay ang mga Kristiyano
dito?
Sa inyong pananaw,
nagtagumpay ba ang mga
Espanyol sa kanilang layunin?
Paano mo nasabi? Nagtagumpay po
sila dahil
karamihan sa atin
ngayon ay
Kristiyano.

Magaling!
Ano nga ulit ang ikalawang
layunin? Kristiyanismo

Tama, ang galing galing!


Batid ko na naunawaan na
ninyo ang ikalawang layunin.
Kaya naman dumako na tayo
sa ikatlong layunin.
3) Karangalan o glory
Ninais ng mga Espanyol na
makamit ang karangalan na
unang makapagpalawak ng
mga nasasakupan.
Naniniwala ang mga Espanyol
na kapag sila na ang
namumuno sa bansang
kanilang nasakop, ibig sabihin
napapalawak na ang kanilang
teritoryo. Doon nila
makakamit ang karangalan at
kapangyarihan.
Lahat ng bansa at lupaing
sinakop ng mga Espanyol ay
tuwiran nilang kinontrol,
pinamahalaan at nilinang. Sa
kung saan ito ay ang tinawag
natin Koloniyalismo.
Ito ang pamamahalang
ginamit ng mga Espanyol
upang tuluyang tayong
masakop.
Bakit kaya tayo nasakop ng
Dahilan sa
mabilis ng mga Espanyol?
kawalan ng
pagkakaisa ng mga
Pilipino.

Tama! Dahil nga tayo ay bara-


baranggay palang ng panahon
ng Pre-Koloniyal. Ibig sabihin
wala pa ang kaisipan na
pagkakaisa

c. Paglalahat
Layunin ng Pananakop
ng Espanyol
sa Pilipinas

Pagkatapos ng Aralin C. APPLICATION


a. Values Integration

Nabanggit ko kanina na isa sa


mga layunin ng mga Espanyol
sa pananakop sa atin ay ang
pagpapalaganap ng
Kristiyanismo, at sila nga ay
nagtagumpay dito.
Bilang mga mag-aaral na nasa
ikalimang baitang, paano
nakatutulong ang
pagkakaroon ng relihiyong
kristiyanismo sa pang-araw-
araw nating pamumuhay?

Natutulungan po
ako nitong alamin
ang tama at maling
gawain.
Ang pagiging
kristiyano ay
nakatutulong sa
akin na huwag
mawalan ng pag-
asa sapagkat may
Diyos tayong
kasama.
Tama! Ang pagkakaroon ng
relihiyon na ipinalaganap sa
atin ng mga Espanyol ay
nagbibigay ng mga positibong
epekto at nakatutulong sa
ating pang-araw-araw na
pamumuhay lalo na sa
panahon ng kahirapan.
Binibigyan tayo nito ng
kasiguraduhan na lahat ng
problema ay malalampasan
natin dahil kasama natin ang
Diyos.
D. PAGTATAYA
Suriin ang mga pangungusap kung ito ba ay
nagpapahayag ng layuning Karangalan,
Kristiyanismo, o Kayamanan. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.
Kristiyanismo Karangalan Kayamanan

______1. Layunin ng Espanyol na makalikom ng


ginto at pilak.
______2. Hangarin ng Espanyol na makamit ang
Karangalan upang maging
makapangyarihan sa buong mundo.
______3. Nais nilang ipalaganap ang merkantilismo
para sa mithiing mapaunlad ang
Kabuhayan ng mga Espanyol.
______4. Hangarin ng Espanyol na ipalaganap ang
Kristiyanismo sa Pilipinas.
______5. Layunin nilang mapalawak ang mga
Lupaing nasasakupan.
Susi sa Pagsagot:
1.Kayamanan
2.Karangalan
3.Kayamanan
4.Kristiyanismo
5.Karangalan

VI. Takdang Aralin

A. Ipaliwanag ang mga layunin ng mga Espanyol sa


pananakop sa Pilipinas gamit ang graphic
organizer.

Kristiyanism
Kayamanan Karangalan
o

VII. Remarks

VIII. Pagninilay

You might also like