You are on page 1of 47

ARALING PANLIPUNAN

IKALAWANG MARKAHAN
Unang Linggo
Unang Araw

I. Layunin:
Nakapagsasalaysay ng pinagmulan ng sariling
komunidad batay sa pagsasaliksik.

II. Paksang Aralin:


Paksa: Pagsasalaysay sa Pinagmulan ng sariling Komunidad
Sanggunian: AP2KNN-IIa-1, RIZAL Noon, Ngayon at Bukas
tinipon nina Dolores M. Orlina at Concepcion U. San
Antonio 1997
Kagamitan: larawan, activity kard, tsart, puppet,’ magic box’
Pagpapahalaga:
Pahalagahan ang pinagmulan ng sariling komunidad.

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan
Magpabalita ng mga pangyayari na may kaugnayan
sa paksa.

2. Pagganyak
-Pagpapakita ng larawan ng komunidad.
Itanong:
* Ano -ano ang bumubuo sa komunidad?
* Ano ang kahulugan ng komunidad?
* Alam ba ninyo ang pinagmulan ng inyong
komunidad?

B. Panlinang na Gawain
1. Gawain 1
a. Pasagutan sa mga bata gamit ang KWLS chart ang
tanong na ito.

1
Ano ang pinagmulan ng sariling komunidad batay sa mga
pagsasaliksik?
K W L S
Ano ang aking Ano ang nais Ano ang aking Ano ang aking
alam? kong natutuhan? gustong
malaman? maunawaan?

b. Pagsasagawa ng pangkatang Gawain.


Pangkat 1: ILARAWAN MO!

Mga Gabay na tanong:


- Paano mo mailalarawan ang Cainta noon?
- Sino ang unang nanirahan sa Cainta?

Pangkat 1
Sa simula , ang bayan ng Cainta ay magubat at malalaki ang
mga punong-kahoy sa mga kabundukan at kapatagan. Ang mga Ita
ang unang nanirahan dito.
Dumating ang mga dayuhan buhat sa malalapit na bansa
gaya ng Indonesia, Malaya at Tsinan a sakay sila ng balsang
kawayan. Nang lumunsad sila sa lupain ng Pilipinas, naglakad sila
hanngang makarating sa kapatagn ng lupang Cainta. Dito ay
natagpuan nila ang mga Ita na namumuhay nang tahimik.
Palibhasa’y maiilap ang mga Ita, kaya nagsiahon sila sa malalayong
bundok.
Pangkat 2: IULAT MO!

2
Mga gabay na tanong:
- Sino ang nagtayo ng simbahan?
- Kailan isinagawa ang unang misa sa Cainta?
- Saan nagmula ang pangalan ng Barangay San
Andres?

Pangkat 2
Sa utos at hangarin ni Haring Felipe II ng Espanya, nakarating
ang mga Kastila dito sa Pilipinas sa pamumuno ni Miguel Lopez de
Legaspi. Nagpatayo ng malalaking simbahan at nagpagawa ng
lansangan sa bayang ito upang pagsimbahan at maging binyagan ng
mga Katoliko. Di naglaon ginanap ang unang misa dito noong
Nobyembre 30, 1571. Ito ay isinagawa ni Padre Andres de Legaspi
sa pagpapalaganap ng Kristiyanismo sa bayang ito. Bilang
pagbibigay ng karangalan sa nasabing pari, San Andres ang
ipinangalan sa bayang ito at itinalaga ring patron si Apostol San
Andres.

Pangkat 3: DULA-DULAAN!
Basahin ang sitwasyon at isadula ang pangyayari.

Mga gabay na tanong:


- Saan nakarating ang mga kawal ng Kastila?
- Ano ang nais malamanng mga Kastila?
- Sino ang kanilang napagtanungan?
- Ano ang ginawa ng bata sa takot sa mga Kastila?
- Saan nagmula ang pangalan ng bayan ng Cainta?
3
Pangkat 3
Nakarating ang mga kawal ng Kastila sa bayan ng San Andres.
Tinangka nilang magtanong ngunit wala silang nakitang tao, maliban
sa isang batang lalaki na nakaupo sa tarangkahan ng isang bahay
na pawid. Ang nangungunang kawal ay nagtanong sa bata sa
wikang Kastila. Ang batang tinanong na hindi maintindihan ang
salitang Kastila ay biglang tumindig sa pagkakaupo at namutlang
tumalikod. Lumakad ang bata patungong hagdanan at tumawag sa
may ari ng bahay nang ganito: “ KA INTA, KA INTA” ( Ang tinutukoy
ng bata ay si Jacinta na siyang tumatanggap ng mga panauhing
dumarating). Ang kawal na nagtanong ay maliwanag na narinig ang
salitang KA INTA, kaya inakala niya na ito ang ngalan ng bayang ito,
agad na ipinag-utos ni Salcedo na sunugin ito. Winasak niya ang
lahat ng tahanan na naging dahilan ng paglisan ng tao. Naglayag
ang mga katutubo at nagpunta sa Maynila, Laguna, Montalban at sa
mga karatig bayan. Inakala ni Juan Salcedo na sumunod na sa
pamahalaang Espanya ang mga tao ngunit ang totoo ay lumisan na
ang mga ito.

Pangkat 4:IARTE MO!


Mga gabay na tanong:
- Sino ang dumating habang tayo ay nasa ilalim ng
pananakop ng mga Kastila?
- Saan bahagi sa Cainta umabot ang labanan ng
dalawang bansa?
- Bakit marami sa Cainta ang mukhang Bumbay?

Pangkat 4
Habang nasa ilalim ng pananakop ng Kastila ang Pilipinas, dumating
ang mga Ingles na manlalakbay-dagat upang tumuklas at sumakop
ng maliliit na pulong balitang may iba’t-ibang uri ng kayamanan gaya
ng ginto at perlas. Kaya’t pagdating ng mga Ingles ay nagkaroon ng
sagupaan ang dalawang bansa.

4
Umabot ang isang bahagi ng labanan sa Ilog Dayap na ngayon ay
Ilog Buli sa bayan ng Cainta. Ang mga Ingles ay pinamunuan ni
Comandante Thomas Blackhouse sa gawi ng Ilog Dayap na noon ay
nagtataasan ang makakapal na damong tikiw. Nakasama nila ang
may dalampu’t dalawang Sepoy.
Sa katagalan, hindi nakayanang gapiin ng mga Ingles ang puwersa
ng mga Kastila kaya ipinasya ni Blackhouse na tipunin ang lahat ng
kanyang kawal upang lisanin ang Pilipinas ngunit ni isa sa
dalawampu’t dalawang Sepoy na nakasama nila ay hindi na nakita.
Kaya ipinalagay na lamang niya na napatay ang mga ito sa labanan.
Ngunit lingid sa kanyang kaalaman, ang mga ito ay
nakapangasawang lahat ng mga taga-Cainta.
Kaya’t mula noon hanggang sa kasalukuyan ay makikita pa rin ang
anyo ng mga Sepoys sa katauhan ng mga taga-Cainta. Hinidi pa rin
maiaalis sa isipan ng mga mamamayan na minsan ay may
naninirahan o tumigil sa lugar na ito na mga bumbay.

2. Pagsusuri
1. Anong komunidad ang inilarawan sa kuwento?
2. Saan nagmula ang pangalan ng Cainta?
3. Saan nagmula ang pangalan ng Barangay San Andres?
4. Bakit maraming mukhang Bumbay sa Cainta?
5. Bilang isang mag-aaral, paano mo pahahalagahan ang
pinagmulan ng sarili mong komunidad batay sa
pagsasaliksik?

C. Pangwakas na Gawain
1. Paghahalaw
Sa palagay ba ninyo ay pare-pareho ang pinagmulan ng
kuwento ng bawat komunidad?
Ano ang masasabi ninyo sa pangalan ng komunidad?

2. Aplikasyon: STORYTELLING !

5
Pabunutin ang mga bata sa Magic Box na may nakasulat
sa papel. Kung sino ang makabunot na may nakasulat na
“masuwerte ka”, siya ang magsasalaysay ng pinagmulan ng
sariling komunidad.

IV. Pagtataya:
Panuto: Isalaysay ang pinagmulan ng sariling komunidad sa
pagbuo ng 1-3 pangungusap.

Rubric Scoring:
PAMANTAYAN PUNTOS
1. Bumubuo ito ng 3 pangungusap, kumpleto ang
mga impormasyon tungkol sa mahahalagang 5
pangyayari sa sariling komunid at malinis ang
pagkakagawa. 4
2. Bumubuo ito ng 3 pangungusap, kulang ang
impormasyon at malinis ang pagkakagawa. 3
3. Bumubuo ito ng 2 pangungusap lamang, may
kulang na mga impormasyon tungkol sa
mahahalagang pangyayari. 2
4. Bumubuo ito ng 2 pangungusap at hindi
1
gaanong malinis ang pagkakagawa.
5. Bumubuo ito ng 1 pangungusap, kulang ang
mgai mpormasyon at hindi gaanong malinis ang
pagkakagawa.

Nakuhang puntos: _______

V. Takdang Aralin:
Makinig ng kuwento sa mga kasambahay na nakakatanda
tungkol sa pinagmulan ng sariling komunidad .

ARALING PANLIPUNAN
IKALAWANG MARKAHAN
Unang Linggo
6
Ikalawang Araw

I. Layunin:
Nakapagsasalaysay ng pinagmulan ng sariling
komunidad batay sa pakikinig sa kuwento ng mga nakatatanda
sa komunidad.

II. Paksang Aralin:


Paksa: Pagsasalaysay sa pinagmulan ng sariling komunidad
batay sa pakikinig ng kuwento sa mga nakatatanda sa
komunidad
Sanggunian: AP2KNN-IIa-1 K to 12 Curriculum Guide Araling
Panlipunan 2 https://E/.wikipedia.org./wiki/Cainta-Rizal
Kagamitan: larawan, activity kard, tsart, puppet
cartolina, tarpapel,
Pagpapahalaga:
Pagmamalaki sa pinagmulan ng sariling komunidad.

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan
Magpabalita ng mga pangyayari na may kaugnayan
sa paksa.
2. Balik-aral
Pagtatanong tungkol sa pinagmulan ng sariling
komunidad batay sa pagsasaliksik.

3. Pagganyak
Laro
May alam ba kayong pangalan ng babae na
nagsisimula sa J?
Para malaman ninyo, ayusin ang mga pinaghalong
letra: J-a- n-c-i-t-a

Mga Gabay na Tanong:


- Anong pangalan ang nabuo ninyo?
-Kilala ba ninyo kung sino si Jacinta?
7
- Makinig tayo sa kuwento ni Lolo Pedro.

B. Panlinang na Gawain
1. Gawain (Monologue ng isang bata o ng guro kung hindi
nakapag-aasign ng bata para sa aralin)

A. Pagkukuwento
Alamat ng Cainta
Posted by Coconuter

Ang Cainta ay isang bayan sa lalawigan ng


Rizal. Noong unang panahon, may isang babae rito na
kilalang-kilala dahil sa kanyang magandang katangian.
Bukod sa angkin niyang ganda, mayaman siya, mabait
at mapagkawanggawa. Siya si Jacinta.
Ang pagtulong sa kapwa ay naging ugali na ni Jacinta.
Bawat pulubing lumalapit ay nililimusan niya.
Kadalasan ay iniimbita pa niyang kumain ang mga ito.
Nakikipaglaro din siya sa mahihirap na mga bata.
Anumang laruan na magustuhan ng mga ito at hindi rin
lang makasasama sa mga ito ay ipinagkakaloob niya sa
mga paslit. Sa pagdadalaga ay dala pa rin ni Jacinta
ang mabubuting katangiang ito.
Si Jacinta ay madasalin. Tuwing araw ng linggo ay
nasa simbahan siya. Pagkatapos ng misa ay
namimigay siya ng regalo sa mga mahihirap. Dahil sa
kabaitan ay biniyayaan siya ng Panginoon ng
magandang kapalaran sa pag-ibig. Ang naging
kasintahan niya ay ang kanyang kababata na isa ring
mabuting tao.
Mabait at maunawain din ang kanyang
nobyo. Sa kasamaang palad ay nagkasakit ang lalaki at
namatay. Mula noon ay wala nang pag-ibig na
nagpatibok sa kanyang puso kaya siya tumandang
dalaga. Nang mamatay ang mga magulang ay ginugol
na lang ni Jacinta ang panahon sa pagtulong sa kapwa
at mga nangangailangan. Napamahal nang husto si

8
Jacinta sa mga kanayon. Bilang paggalang ay tinawag
siya ng mga ito sa pangalang Ka Inta na ang kahulugan
ay "Kaligtasan" ng mga nangangailangan."
Naging kaugalian na ng mga tao na dumalaw sa kanya
tuwing araw ng Pasko. Kumakatok sila sa kanyang
pintuan at masaya naman silang sinasalubong ni Ka
Inta.
Isang araw ng Pasko ay laking pagtataka ng
mga tao na walang sumasagot sa kanilang pagkatok.
Sumilip sila sa bintana. Laking gulat nila nang makitang
nakahandusay si Ka Inta sa sahig at wala ng buhay.
Nalungkot at nagluksa ang mga tao sa paglisan ng
isang mabuting tao. Ang kamatayan ni Ka Inta ay
kumalat na parang apoy. Ipinagdasal ng mga tao ang
katahimikan ng kanyang kaluluwa. Bilang paggalang sa
kadakilaan ni Jacinta, ang kanilang lugar ay tinawag
nilang Kainta na naging Cainta nang lumaon.

2. Pagsusuri
1. Anong komunidad ang inilarawan sa kuwento?
2. Saan nagmula ang pangalan ng Cainta?
3. Sino si Jacinta sa kuwento?
4. Bakit kilalang-kilala si Jacinta sa kanilang lugar?
5. Bakit nalungkot ang mga kababayan ni Jacinta?
6. Ano ang ginawa ng mga tao bilang paggalang sa
kadakilaan ni Jacinta?
7. Dapat bang gayahin ang mga katangian ni Jacinta?
Bakit?

C. Pangwakas na Gawain
1. Paghahalaw
Paano ninyo nalaman ang kuwento na pinagmulan ng
sarili ninyong komunidad?
May mga kuwento tungkol sa pinagmulan ng pangalan
ng ating komunidad , batay sa kuwento ng mga
nakakatanda sa komunidad.

9
2. Aplikasyon:
THUMBS UP! THUMBS DOWN!
Tumawag ng bata upang ayusin ang mga
pangyayari sa kuwento na nakasulat sa strip na cartolina.
Isalaysay ito ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari. Kung tama ang sagot, thumbs up ang mga
nakikinig na bata at kung mali thumbs down. Tumawag
muli ng bata kung hindi nakasagot ang unang batang
tinawag.

IV. Pagtataya:
Panuto: Sumulat ng talata na may 1 – 3 pangungusap ukol sa
pinagmulan ng pangalan ng inyong komunidad.

Rubric Scoring:
PAMANTAYAN PUNTOS
1. Naisalaysay sa 3 pangungusap, may
kompletong impormasyon, malinis ang 5
pagkakagawa.
4
2. Naisalaysay sa 3 pangungusap ngunit hindi
kompleto ang impormasyon, malinis ang
pagkakagawa. 3
3. Naisalaysay sa 2 pangungusap na may
kompletong impormasyon,malinis ang
pagkakagawa. 2
4. Naisalaysay sa 2 pangungusap ngunit hindi
kumpleto ang impormasyon,hindi malinis ang 1
pagkakagawa.
5. Naisalaysay sa 1 pangungusap, hindi kumpleto
ang impormasyon, marumi ang pagkakagawa.

V. Takdang – Aralin:
Magsaliksik sa kilala mong matanda sa inyong kapitbahay
tungkol sa alam niyang impormasyon at mahalagang
pangyayari sa inyong komunidad.

10
ARALING PANLIPUNAN 2
IKALAWANG MARKAHAN
Unang Linggo
Ikatlong Araw

11
I. Layunin:
Nailalahad ang mga mahahalagang pangyayari sa
komunidad batay sa narinig na kuwento.

II. Paksang Aralin:


Paksa: Paglalahad ng mga mahahalagang pangyayari sa
komunidad batay sa kuwentong narinig
Sanggunian: AP2KNN-11a-1
Kagamitan: tsart, larawan, tarpapel, activity kard,
krayon,manila paper,puzzle,bola
Pagpapahalaga:
Pahalagahan ang mga mahahalagang pangyayari sa
komunidad

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan
Magpabalita ng mga pangyayari na may kaugnayan
sa paksa.

2. Balik-aral
Pagtatanong kung ano ang pinagmulan ng pangalan
ng kanilang komunidad.

3. Pagganyak
Ipaawit.
-sa tonong “It’s I who build Community”

Komunidad

Ako….. ako……ako…
Ang bumubuo ng komunidad (3x)

12
Ako ang bumubuo ng komunidad
La, la , la…………………….
La, la,la,la,la,la

La, la, la, la,la


La, la,la,la, la, la
La, la ,la ,la (2x)
Palitan ang ako ng ikaw
Palitan ang ikaw ng tayo

Palitan ang tayo ng ako , ikaw , tayo

Itanong:
Sino ang bumubuo ng komunidad?
Maghanda ang guro ng larawan (puzzle) ng sariling
komunidad bago magsimula ng aralin.
Ipabuo ang puzzle ng sariling komunidad.

Itanong:
Ano ang nabuo niyong larawan?
Ano-ano ang nakikita ninyo sa larawan?
Alam ba niyo ang mga makasaysayang pangyayari
sa inyong komunidad?

B. Panlinang na Gawain
1. Gawain
Pagsasagawa ng Pangkatang Gawain.
Basahin ang sitwasyon at isadula ng mahahalagang
pangyayari sa sariling komunidad.

Pangkat 1:
Reporter (Pagdiriwang ng Pista)
Sitwasyon: Gumawa ng patalastas sa telebisyon na
nagpapakita ng mga pamamaraan sa pagdiriwang ng
pista.

13
Pangkat 2:
Iulat Mo Ako (Cenakulo)
Sitwasyon: Ikaw ay isang reporter. Mag-ulat tungkol sa
mga ginagawang paraan sa pagdiriwang na dinarayo
ng taga ibang lugar.

Pangkat 3:
Sipiin Mo Ako (ROTC HUNTERS)
Sitwasyon: Gawin ang character map sa ibaba.
Sa paligid nito ay isulat ang bayaning nagbuwis ng
buhay sa komunidad.

14
Mga Bayani
ng
Lahi

Pangkat 4:
BUUIN MO ( Simbahan)
Buuin ang larawan at punan ang patlang sa loob ng
kahon.

Pangalan ng simbahan:
____________________________ Itinatag noong
____________________________.

15
Pangkat 5:
IGUHIT MO ( SUMBINGTIK)
Iguhit ang mga pangunahing produkto sa sariling
komunidad.

2. Pagsusuri
1. Ano-ano ang mahahalagang pangyayari sa ating sariling
komunidad?
2. Alin sa mga ito ang naranasan mong makilahok?
3. Ano ang nararamdaman mo kapag nakikibahagi ka sa
mahalagang pangyayari sa komunidad?
4. Bilang isang mag-aaral, paano mo maipapakita
ang pangangalaga sa mga mahalagang pangyayari sa
sarili ninyong komunidad?

C. Pangwakas na Gawain
1. Paghahalaw
Ano-ano ang mahahalagang pangyayari sa ating
sariling komunidad?
Ang mga mahahalagang pangyayari sa
ating komunidad ay:
- Pagdiriwang ng Pista

16
- Pagsasadula ng paghihirap ni Kristo o Cenakulo
- Centenial sa Our Lady Of Light
- ROTC HUNTERS
- Pangunahing produkto

2. Aplikasyon
Ipaawit muli ang “Komunidad” habang ipinapasa
ang bola. Kung sino ang abutan ng pagtatapos ng awit,
siya ang sasagot.
Alin sa mga mahahalagang pangyayari sa inyong
komunidad ang pinakagusto mo? Bakit?

IV. Pagtataya:
Panuto: Hanapin sa Hanay B ang mahalagang
pangyayaring naganap sa komunidad na nasa Hanay A. Isulat
ang titik ng tamang sagot sa patlang.

HANAY A HANAY B

____1. Pagdiriwang ng Pista A. Kilala bilang pangunahing


produkto sa komunidad.

____2. Cenakulo B. Pagkakaroon ng


SUMBINGTIK
Festival.

____3. Suman,Bibingka at latik C. Pagsasabuhay ng


paghihirap ni
Hesukristo.

____4. “Our Lady of Light” D. Monumento ng mga


bayaning
nagbuwis ng kanilang
buhay para sa bayan.

17
____5. “ROTC HUNTERS” E. Ginanap ang unang misa
noong Nobyembre
30,1571

V. Takdang – Aralin
Gumupit ng mga larawan ng mga mahahalagang
pangyayari sa sariling komunidad. Idikit sa kuwaderno at isulat
ang kaganapan nito.

ARALING PANLIPUNAN 2
IKALAWANG MARKAHAN
Unang Linggo
Ikaapat na Araw

l. Layunin:

18
Naiuugnay ang mga pagbabago sa pangalan ng sariling
komunidad sa mayamang kuwento ng pinagmulan.

II. Paksang Aralin:


Paksa: Pag-uugnay ng mga Pagbabago sa Pangalan ng
Sariling Komunidad sa Mayamang Kuwentong
Pinagmulan
Sanggunian: K to 12 Curriculum Guide, AP2KNN-Ila-2
Araling Panlipunan,pp. 119-121,Cainta’s Official website
Kagamitan: larawan,tsart,
Pagpapahalaga:
Pagpapahalaga sa mga pagbabago sa komunidad.

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan
Pagbabalita na naaayon sa aralin.

2. Balik-aral
Paano ninyo nalaman ang pinagmulan ng inyong
komunidad?
Ano-ano ang mahahalagang pangyayari sa
komunidad batay sa narinig na kuwento?

3. Pagganyak
Ipakita ang larawan ng komunidad noon .

19
Tanungin ang mga bata.
Ganito pa rin ba ang komunidad ninyo sa kasalukuyan?
Ano-ano ang pagbabagong nakita mo sa iyong
komunidad?

B. Panlinang na Gawain
1. Gawain 1
MOVIE ROLL

Sa simula ,ang bayan ng Cainta ay magubat at malalaki


ang nagsisitubong punong-kahoy sa mga kabundukan at
kapatagan.Palibhasa’y mga Ita ang unang nanirahan dito,
kaya nabubuhay sila sa pamamagitan ng pagtatanim at
pangingisda.
Ang mga lansangan noon ay maputik. Ang sasakyan
ay kalesa at karamihan sa mga bahay ay walang koryente.
Noong araw, ang libangan ay makinig sa radyo. Kapag
may telebisyon ka noong araw ay masasabi na ikaw ay
pamilyang may kaya sa buhay. Kakaunti pa ang paaralan.
Nag-aaral kami sa mga silong-silong ng bahay.
Sa paglipas ng panahon,ito na ang aking komunidad.
(Ipakita ang larawan ng Cainta.)

Ang Cainta ay nagsisilbing bukanang daanan sa


kabuuan ng lalawigan ng Rizal at isa sa urbanisadong
bayan ng Rizal dahil sa kalapitan nito sa Maynila, Kaya’t
sinasabing ang katagang” Ang iyong daan tungong
Silangan” (Your Gateway to the East). Sinsabi rin na ang
bayang ito ay “Kabisera ng Bibingka ng
daigdig”(Bibingka Capital of the World).

20
2. Pagsusuri
• Ano ang katangiang pisikal ng Cainta ayon sa
kuwento?
 Ilarawan ang kanilang lansangan, kabuhayan at
transportasyon noon.
 Ano-ano ang pagbabagong naganap sa komunidad
matapos ang ilang taon?
 Bakit tinawag na “ Your Gateway to the East” ang
Cainta?
 Bakit kaya sinabi na “Kabisera ng Bibingka ng
daigdig” ang Cainta?
 Paano natin maipapakita ang pagpapahalaga sa mga
pagbabagong naganap sa ating komunidad?
 Saan na ibabatay ang mga pagbabago sa
komunidad?

C. Pangwakas na Gawain
1. Paghahalaw
Ang mga pagbabago sa komunidad ay naiuugnay
batay sa pangyayari sa kuwentong pinagmulan.

2. Aplikasyon
Ipagawa ang mga sumusunod sa bawat pangkat

Pangkat 1- Wais Na Bata!


Sa mga bagay na ibibigay ng guro (maaaring larawan o
meta card) piliin dito ang mga pagbabagong naganap sa
iyong komunidad.

Pangkat 2 – IGUHIT MO !
Iguhit kung anong produkto kilala ang Cainta.

Pangkat 3 –“ LOOP-A-WORD”
Ano ang kahulugan ng “SUMBINGTIK”? Bilugan
ito para mabuo ang ibig pakahulugan nito.

21
U K O B A O A
B
P A T I A I K T
S U M A N G S M
P L A N G A
U A
L A T I K B I L
M U B E E A B
A
A I A K B O T G
B K S A U G I K

Pangkat 4- ILISTA MO!


Isulat ang lahat ng pagbabago sa inyong
komunidad.

IV. Pagtataya
Panuto: Iugnay ang mga naganap na pagbabago sa
sariling komunidad ayon sa pinagmulan ng kuwento.

NOON NGAYON
Bahay Kubo
Ikinabubuhay Pagtatanim
Lansangan Maputik
Libangan Radio
Sasakyan Kalesa

V. Takdang-Aralin
Magtanong sa mga kasambahay,kung ano ang
pinagmulan na pangalan ng inyong mga Barangay.

22
ARALING PANLIPUNAN 2
IKALAWANG MARKAHAN
Unang Linggo
Ikalimang Araw

I. Layunin

23
Natutukoy ang mga pagbabagong naganap sa
komunidad sa iba-ibang larangan batay sa kuwento ng mga
matatanda

II. Paksang Aralin:


Paksa: Ang Aking Komunidad Noon at Ngayon
Sanggunian: K to 12, AP2KNN-IIa-2 Araling Panlipunan II
Kagamitan ng Mag-Aaral, pp. 119-121
Kagamitan: larawan ng komunidad sa iba-ibang panahon
Iba-ibang sasakyang panlupa
Pagpapahalaga:
Pagpapahalaga sa mga pagbabago sa komunidad.

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan
Magpabalita ng mga pangyayari na may kaugnayan
sa paksa.

2. Balik- Aral
Bigyan ng oras ang mga bata na maikuwento ang
pinagmulan ng pangalan ng kanilang barangay batay sa
kanilang asignatura.

3. Pagganyak
Magpakita ng larawan na makaluma at
makabagong kagamitan.
- Gumagamit pa ba ng plantsang de uling ang mga
nanay sa ngayon?
- Ano-anong makabagong bagay ang makikita sa
loob ng inyong bahay?

B. Panlinang na Gawain
1. Gawain 1
Alam ba ninyo ang anyo ng iyong komunidad
noon? May napansin ka bang pagbabago rito?

Gawain 2

24
Ipabasa ang kuwento, Ang Aking Komunidad
Noon at Ngayon “ (K to12 Araling Panlipunan ,ph.
119-120).

Pangkatang Gawain:
Pangkat 1- Young ARTIST
Iguhit kung saan matatagpuan ang komunidad ayon
sa kuwento?

Pangkat 2- AYUSIN MO
Anong taon ang kinuwento ni Lolo at Lola?
Ayusin mo ito.
Noong taong 1559 –1970

Pangkat 3 - Anong taon nagsimula ang


pagbabago sa komunidad ayon kina Lolo at Lola?

Pangkat 4- Ilahad Mo!


Isulat sa loob ng kahon ang mga
pagbabagong naganap ayon sa kuwento.
Mga Pagbabagong Naganap sa Komunidad

2. Pagsusuri
Saan matatagpuan ang komunidad ayon sa
kuwento?
Ano-anong pagbabago ang naganap sa komunidad
matapos ang ilang taon?

25
B. Pangwakas na Gawain
1. Paghahalaw
Ano- ano ang mga pagbabagong nagaganap sa
isang komunidad?
Bakit may mga pagbabagong nagaganap sa isang
komunidad?
May mga pagbabagong nagaganap sa isang
komunidad tulad ng lugar, bagay o pangyayari dulot ng
pag-unlad ng isang komunidad.

2. Aplikasyon
ISULAT MO !
Isulat ang mga pagbabagong naganap sa iyong
komunidad.
Noon Ngayon

Bahay Kubo

Komunikasyon Sulat

Sasakyan Kalesa

Libangan Radyo

Kasuotan Baro’t Saya

IV. Pagtataya

Panuto: Tukuyin kung ano-anong pagbabago ang


naganap sa sarili mong komunidad. Isulat ang sagot sa
bawat patlang.
1.____________________
2.____________________
26
3.____________________
4.____________________
5.____________________

V. Karagdagang Gawain
Iguhit sa inyong kwaderno ng mga larawan ng mga
nagbago sa inyong komunidad. At kulayan ito.

ARALING PANLIPUNAN 2
IKALAWANG MARKAHAN
Ikalawang Linggo
Unang Araw

I. Layunin

27
Naiuugnay ang mga pagbabago sa pangalan ng sariling
komunidad sa mayamang kuwento na pinagmulan nito

II. Paksang Aralin:


Paksa: Pag-uugnay ng mga pagbabago sa pangalan ng
sariling komunidad
Sanggunian: K to 12, AP2KNN-IIa-2, internet
Kagamitan: larawan ng komunidad, tarpapel
laptop and projector, video clips at iba pa
Pagpapahalaga:
Pagpapahalaga sa pangalang pinagmulan ng
sariling komunidad.

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan
Magkakaroon ng pag- uulat ang bawat pangkat
tungkol sa kanilang gawaing bahay kahapon, ito ay ang
pagguhit ng mga halimbawa ng pagbabago sa
komunidad.(Maaaring pumili ng isa o dalawang larawan
na iginuhit ng kanilang miyembro)

2. Balik- Aral
Ano ang pisikal na kaanyuan ng inyong komunidad
noon?
Kailan itinatag ang Cainta?

3. Pagganyak
MAGPAKILALA TAYO!
Dyadic Exchange:
Pumili ng inyong kapareha. Itanong ang mga
sumusunod sa isat-isa.

28
- Ano ang tunay mong pangalan?
- Ano ang palayaw mo?
- Saan kaya kinuha ng magulang mo ang iyong
pangalan?
- Kayo, alam ba ninyo ang pangalan ng inyong
bayan?
- Saan kaya nagmula ang pangalan ng inyong
komunidad?

B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
“ TALK SHOW”

Mayroon akong inanyayahang tao na


magkukuwento sa inyo tungkol sa pinagmulan ng pangalan
ng ating komunidad.
Ang Cainta ay itinatag noong 1571 na ngayon ay
kilala bilang “Kabisera ng Bibingka ng daigdig” at ang iyong
daan tungo sa Silangan”. Maraming pinagmulan ang
pangalan ng Cainta. Bukod kay Jacinta, mayroon pang
isang pinagmulan ng pangalan nito.
Ang bayan ng Cainta sa Rizal ay nagmula sa
dalawang salita “Kain-ta”. Dito sa lugar na ito kasi lahat ng
tao ay magagalang at mababait, at marunong
makipagkaibigan. Kahit saang bahay ka pumunta ay aalukin
ka ng pagkain. “Kumain tayo”, ang karaniwang nilang
sinasabi. Kaya isang araw, nagulat na lang ang mga tao ng
tawagin ito ng Kainta, na ngayon ay Cainta.

Pangkatang Gawain:
UNAHAN TAYO!
Pasagutan ang mga sumusunod sa bawat pangkat.
Kung sino ang may maraming tamang sagot at
naunang natapos ay siyang panalo.

Taong itinatag ang komunidad:

29
_____________________________
Pinagmulan ng pangalan ng komunidad:
_____________________________
Pinagkakilanlan ng Komunidad:
_____________________________

C. Pangwakas na Gawain
1. Paghahalaw
Ano ang masasabi ninyo sa nakaraang
kuwento ayon sa pinagmulan ng pangalan ng sarili
ninyong komunidad sa narinig ninyong kuwento sa
ngayon?
Magkapareho ba sila sa nakaraang kuwento?
Bakit kaya may mga pagbabago sa mga
pinagmulang ng pangalan ng komunidad?
Ang mga pagbabago sa pangalan ng sariling
komunidad ay naiuugnay sa mayamang kuwento ng
pinagmulan nito.

2. Aplikasyon
HANAPIN MO! PARTNER MO!
Pumili ng 5 batang babae at 5 batang lalaki.
Bigyan ng tig-isang metacard na may nakasulat.
Hahanapin nila ang kanilang mga partner na kaugnay
sa hawak nilang salita.

“KAIN-TAYO ”
Jacinta
Taong itinatag ang komunidad
1571
Pangalan ng babae
Dalawang salitang pinagmulan ng Cainta

30
IV. Pagtataya
Panuto: Iugnay ang mga nasa Hanay A sa Hanay B.
Isulat ang letra ng tamang sagot.

Hanay A Hanay B

___1. 1571 A. Taong itinatag ang komunidad


___2. Jacinta B. Pangalan ng Komunidad
___3. Cainta C. Dalawang salita na pinagmulan
ng komunidad
___4. Bibingka D. Pangalan ng babaeng
___5. KAIN-TAYO pinagmualn ng pangalan ng
komunidad
E. Kilalang produkto sa Cainta

V. Takdang-Aralin
Magtanong sa mga nakakatanda, kung bakit tinawag
na barangay San Andres ang poblasyon. Ano ang kaugnayan
nito sa pinagmulang pangalan.

ARALING PANLIPUNAN 2
IKALAWANG MARKAHAN
Ikalawang Linggo
Ikalawang Araw

I. Layunin
Nasasabi ang pinagmulan ng sariling komunidad sa
pamamagitan ng timeline.

31
II. Paksang Aralin
Paksa: Pagsasabi ng Pinagmulan ng Sariling Komunidad
sa Pamamagitan ng Timeline
Sanggunian: K to 12, AP2KNN-11a2, internet
Kagamitan: larawan ng komunidad noon, tarpapel

Pagpapahalaga:
Pagpapahalaga sa pinagmulan ng komunidad.

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan

2. Balik-Aral
Kailan itinatag ang inyong komunidad?
Ano-ano ang mahahalagang pangyayari sa inyong
komunidad?

3. Pagganyak
Maghulaan tayo!
Ito ay isang paraan ng pagsunod-sunod ng mga
pangyayari. Ano ito? Ayusin ang mga letra.

T-M-I-E L-N-I-E

B.Panlinang na Gawain
1. 1.Gawain 1
Magbabasa ang guro ng isang maikling kuwento
tungkol sa pinagmulan ng sariling komunidad.
Ang Aking Komunidad Noon
Ang aking komunidad ay itinatag noong 1571.
Ayon sa aking Lolo at Lola ito daw ay magubat at
may malalaking punong-kahoy sa kapatagan.
Maraming ilog at sapa sa aming komunidad. May
32
malawak na bukirin, kaya pagsasaka at pagtatanim
ang karaniwang hanap-buhay.
Taong 1696, sinakop ng mga Kastila ang
Cainta. 1762-1763, napadpad ang mga sundalong
British Indians. Ang iba sa kanila ay nakapag-asawa
ng taga-Cainta, kaya mapapansin mo na ang ibang
pisikal na anyo ng mga taga-Cainta ay may halong
bumbay lalo na sa barrio Dayap.
Sa paglipas ng panahon, taong 1990’s
makikita na dito ang pag-unlad ng Cainta. Dito
makikita ang Mitsubishi Motors, Monde Corporation,
Canadian-headquarters TeleTech, Sta.Lucia,
Robinsons Mall, at ibang naglalakihang gusali.
May pitong barangay ang Cainta. Ang dating
maputik na lansangan ay naging sementado, ang
mga pawid na bahay ay naglakihan. Ang dating
sasakyan na kalesa sa Felix Subdivision ay naging
tricycle na. Ang dating bukid ay tinayuan na ng mga
bahay. Ang dating munisipyo na nasira, ngayon ay
naging Liwasang Bayan.
Simula 2013, ito na ang aking komunidad.

33
(Magsagawa ng malayang talakayan tungkol sa
binasang kuwento) Maghanda ng ilang katanungan
tatalakay sa pinagmulan.

Gawain 2
Ipakita ang mga taon at hayaang pagsunod-
sunurin ayon sa pangyayari.
1696 1571 1762-1763 1990 2013

2. Pagsusuri
- Anu-ano ang pagkakasunod-sunod ng pangyayari sa
uli
- Nasa anong timeline kayo ng komunidad sa
ipinakitang larawan?
- Sa anong taon nagsimula at nagtapos ang timeline?
- Saan ninyo binase ang pangyayari ng inyong
komunidad?
- Nakakatulong ba ito upang malaman ang
pagkakasunod-sunod pinagmulan sa inyong
komunidad?

C. Pangwakas na Gawain
1. Paghahalaw
Anong paraan ang maaari nating gawin para
madaling maulit ang mga mahahalagang detalye sa
panimula at pagbabago ng ating komunidad?
Maari tayong gumamit ng “Timeline” para
madaling maulit at hindi malimutan ang mahahalagang
detalye o pangyayari.

2. Aplikasyon
Pangkatang Gawain
Hulaan kung ano ang tinutukoy sa larawan.
Bibigyan ang bawat lider ng isang larawan at
papahulaan ito sa kasapi. Idikit ito sa timeline.
Magbigay ng pangungusap ukol dito.

34
Pangkat 1 – larawan ng maputik na komunidad

Pangkat 2 - larawan na may maayos na lansangan

Pangkat 3 –larawan ng dumating ang sundalongBritish

Pangkat 4- larawan nang pagsakop ng Kastila


Itanong:
Paano ninyo isinaayos ang mga pangyayari sa
komunidad?
Mahalaga bang malaman ang mga pinagmulan ng
pangyayari sa inyong komunidad? Bakit?

IV. Pagtataya
Panuto: Pag-aralan ang timeline ng pinagmulan ng sarili
mong komunidad. Isulat ang bilang 1-5 ayon sa
pagkakasunod-sunod nito.

35
Magubat at Nagkaroon ng 1571 itinatag 1762-1763
maputik na malalaking ang dumating
ang bahay komunidad Sepoys
lansangan.

V. Karagdagang Gawain
Gumawa ng isang “timeline” tungkol sa inyong komunidad.
Ang Pinagmulan ng Aking Komunidad

_______________________________

_______________________________

_______________________________

ARALING PANLIPUNAN
IKALAWANG MARKAHAN
Ikalawang Linggo
Ikatlong Araw

I. Layunin
Naisasaayos ang pinagmulan at pagbabago sa sariling
komunidad sa pamamagitan ng graphic organizer.

36
II. Paksang Aralin
Paksa:Pinagmulan at Pagbabago sa Sariling Komunidad
Sanggunian: K to 12, AP2NN-llb-3, internet
Kagamitan: larawan, tsart
Pagpapahalaga:
Ipagmalaki ang sariling komunidad.

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan
Pagbabalita nang naayon sa aralin.

2. Balik- Aral
KAIN-TAYO!
- Kumuha ng gusto ninyong kakanin, sa likod nito
ay may nakasulat. Ayusin ang mga ito ayon sa
pagkakasunod-sunod sa pamamagitan ng “Time
Line.” Ikuwento ang mga naganap dito.
(Larawan ng mga kakanin at mga nakasulat sa likod
nito)

1696 15711762-1763 1913 1990’s

- Naayos ba natin ang mga pangyayari sa ating


komunidad simula sa pinagmulan hanggan sa
pagbabago?
- Sa paanong paraan mo ipinakita at pinagsunod-
sunod ang mga pangyayari?

3. Pagganyak
Puzzle
Hatiin ang bata sa dalawang pangkat at hayaan
buuin nila ang puzzle.

37
Pangkat 1 - Larawan ng pinagmulan ng komunidad .
Pangkat 2- Larawan ng pagbabagong komunidad.
- Ano ang inyong nabuo?

B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
- Ipasuri sa mga bata ang pagkakaiba ng dalawang
larawan na nabuo.
- Pagpapakita at pagpapaliwanag sa mga bata ng
pagkakaiba ng inyong komunidad mula ng ito’y
naitatag at sa kasalukuyan sa pamamagitan ng
graphic organizer.

ANG AKING KOMUNIDAD

PINAGMULAN PAGBABAGO
Larawan ng Cainta noon Larawan ng Cainta ngayon
Larawan ng mga bahay Larawan ng mga bahay
Larawan ng paaralan Larawan ng paaralan
Larawan ng munisipyo Larawan ng munisipyo

2. Pagsusuri
- Ano ang mapapansin ninyo sa pinagmulan at
pagbabago ng komunidad?
(Isulat sa pisara ang mga sagot ng bata)
- Saan gawa o yari ang mga bahay noon at
ngayon?
- Ilang barangay mayroon ang inyong komunidad?
- Ano ang mas maganda, komunidad noon o
komunidad ngayon?
- Bakit kaya nagkaroon ng pagbabago ang inyong
komunidad?
- Mahalaga ba ang pagbabagong ito sa atin?
Bakit?
- Paano mo maipakikita ang pagpapahalaga sa
inyong komunidad?

38
-
C. Pangwakas na Gawain
1. Paghahalaw
Anong paraan ang ginawa natin para maisaayos
ang mahahalagang pangyayari sa pinagmulan at
pagbabago ng komunidad?
(Ipaayos sa mga bata ang letra at iugnay sa bawat
kahon para mabuo ang salita)

g-a-r-p-i-h-c o-g-r-a-n-z-i-e-r

- Anong salita ang inyong nabuo?


- Naisaayos ba ninyo ang mahahalagang detalye
simula sa pinagmulan hanggan sa pagbabago ng
inyong komunidad?
- Sa paanong paraan mo ito naisaayos?
Naisasaayos ang mahahalagang pangyayari
simula sa pinagmulan at sa pagbabago sa sariling
komunidad sa pamamagitan ng graphic
organizer.

2. Aplikasyon
Hatiin ang bata sa apat na pangkat. Magtalaga
ng isang lider sa bawat pangkat.

Pangkat 1- Batang Artist!


Iguhit ang mga pagbabagong naganap sa inyong
komunidad.

Pangkat II - The Voice Kids!


Bumuo ng isang maikling awit o rap tungkol sa
pagbabagong naganap sa komunidad.

Pangkat lll - Batang Pinoy Got Talent!


Puzzle. Buuin ang dalawang larawan ng
komunidad. Ilagay ito sa tamang hanay (larawan ng
komunidad na pinagmulan at pagbabago)
39
Pinagmulan ng Pagbabago ng
Komunidad Komunidad

Pangkat IV - Magsulatan Tayo!


Isulat sa graphic organizer ang pinagmulan at
mga pagbabagong naganap sa iyong komunidad.
(ibat -ibang impormasyon ng inyong komunidad)

Pinagmulan ng Komunidad
_____________________________
_____________________________

Mga Pagbabago sa Komunidad


________________________________
________________________________

IV. Pagtataya
Panuto: Ayusin ang mga larawan o impormasyon ng
inyong komunidad gamit ang graphic organizer.
(Mga ibat-ibang larawan o impormasyon sa sariling komunidad)

Pinagmulan ng Pagbabago ng

40
Komunidad Komunidad

V. Karagdagang Gawain
Isulat ang mga pagbabagong naganap sa inyong sariling
komunidad. Itala ito sa inyong kwaderno.

Mga
Pagbabagong Naganap sa
aking Komunidad

ARALING PANLIPUNAN 2
IKALAWANG MARKAHAN
Ikalawang Linggo
Ikaapat na Araw

I. Layunin
Napahahalagahan ang pinagmulan at pagbabago ng
sariling komunidad sa pamamagitan ng “timeline” at “graphic
organizer”

II. Paksang Aralin:

41
Paksa: Pagpapahalaga sa Pinagmulan at Pagbabago ng
Komunidad
Sanggunian: AP2KNN -llb-3, internet
Kagamitan: larawan ng pinagmulan at pagbabago ng
komunidad, tsart
Pagpapahalaga:
Makiisa at makipagtulungan sa pag-unlad ng
sariling komunidad.

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan
Tatawag ng isang miyembro (mag- aaral) mula sa
bawat pangkat upang mag- ulat tungkol sa kanilang
ginawang gawaing bahay. Na may kaugnayan sa
magiging aralin sa araw na ito.

2. Balik-Aral
Isulat sa graphic organizer sa tarpapel ang mga
ginawa mo tungkol sa pinagmulan at pagbabago ng
iyong komunidad.

3. Pagganyak
Magpalabas ng isang maikling video na nagpapakita
ng isang komunidad na maputik, mga batang
naglalaro sa bukid at mga taong walang pagkakaisa
o hindi nagtutulungan.

Itanong:
Larawan A.
- Anong komunidad ang inyong napanood?
- Saan naglalaro ang mga kabataan noon?

42
- Anong uri ngmga tao ang nakatira sa komunidad
na nasa larawan B.
- Ano kaya ang maaaring mangyari sa komunidad
natin kung hindi tayo makikilahok sa mga gawaing
pakikipagtulungan sa mga kasapi sa komunidad?

B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Ipabasa ang sitwasyon ng dalawang Barangay.
Ang Barangay Buena at Barangay Mala ay iisang
barangay lang noong 1985. Pagkatapos ng 10 taon, si G.
Reynoso at Ginoong Ariston, alkalde at pangalawang
alkalde ng bayan (town) ng Masigasig ay napansin na ang
komunidad ng Barangay Buena ay mas maunlad ihambing
sa Barangay Mala. Ang Barangay Buena ay may grupo ng
mga boluntaryong pangkalusugan ng komunidad
(community health volunteers). Ang mga volunteer na ito
ay siyang tumutugon sa mga usapin at pangangailangang
pangkalusugan ng komunidad sa pakikipag-ugnayan sa
health center. Mayroon din silang multi-purpose center na
ginagamit kahit anong oras ng mga residente para sa mga
pagpupulong at iba pang mga gawain. Ang Barangay
Buena ay mayroong lugar para sa composting ng mga
basura at dumi ng mga nanininirahan sa pamayanan.
Napansin din nila na kapag nagpapatawag ng pulong ang
Baranggay Kapitan ng Buena, ang lahat ng mga nakatira
ay nagsisidalo. Hindi inaasahan nina G. Reynoso at G.
Ariston na mangyayari ito sapagkat pareho lang ng
kalagayan ang dalawang barangay noong 1985.
Nagtataka sila sa mabilis na pag-unlad ng Barangay
Buena. Dahil dito, nag-iisip sila ng mga posibleng dahilan
kung bakit ang Barangay Buena ay mas maunlad kaysa sa
Barangay Mala.

43
44
Mga Gabay na Tanong:
- Anong taon nagsimula ang Barangay Mala at Barangay
Buena?
- Ilan taon ang lumipas, bago nagkaroon ng pagbabago
ang Barangay Buena?
- Sino sa dalawang Barangay ang mas maunlad?
- Sa tingin mo, ano ang mga dahilan ng pagbabago ng
Barangay Buena?
- Gamitin ang multi- flow map upang maipakita ang epekto
ng pakikilahok sa pagtulungan sa mga gawain ng

45
komunidad at epekto ng di pakikilahok sa
pagtutulungan sa mga gawain sa komunidad.

Epekto ng Pakikipagtulungan sa komunidad

________________________________________________

________________________________________________

Epekto ng di Pakikipagtulungan sa Komunidad

_______________________________________________

_______________________________________________

Pag-uulat ng bawat Pangkat

2. Pagsusuri
- Ano ang maaaring mangyari kung hindi tayo
pakikipagtulungan sa mga gawain sa komunidad?
- Ano ang nararapat nating gawin upang magkaroon ng
pagbabago ang ating pamumuhay sa Komunidad?
- Mahalaga bang makiisa sa pakikipagtulungan sa mga
gawain o proyekto sa komunidad? Bakit?

C. Pangakas na Gawain
1. Paghahalaw
Ano-ano ang maaring mangyari sa ating komunidad
kung ang bawat isa sa atin ay makikipagtulungan sa mga
gawain o proyekto ng komunidad?
-May pagbabago kayang magaganap? Anong
pagbabagong iyon?

2. Aplikasyon
Pangkat 1 - Dula-dulaan Tayo!
Isadula ng bawat pangkat ang maaaring mangyari

46
kung hindi tayo makikipagtulungan sakomunidad.

Pangkat 2 - IREPORT MO!


Magkunwari na isang Anchor at iulat angmga epekto sa
komunidad kung nakikipagtulungan ang bawat isa sa
atin.

Pangkat 3 - MAG-USAP TAYO!


Pag-usapan ang kahalagahan ng pakikipagtulungan sa
komunidad.

Pangkat 4 - IGUHIT MO!


Iguhit ang mga pagbabago sa komunidad kung
nagtutulungan ang bawat isa.

IV. Pagtataya
Panuto: Isulat ang T kung nagpapakita ng pagpapahalaga
at M kung hindi sa pinagmulan at pagbabago ng sariling
komunidad.

_____1. Mga lider na may malasakit sa komunidad.


_____2. Uunlad ang komunidad kung masisipag ang
mamamayan.
_____3. Magkakaroon ng trabaho ang mga tao kung maraming
komersiyal sa inyong komunidad.
_____4. Kailangan makiisa sa proyekto ng komunidad ang
bawat mamamayan.
_____5. Mahalaga ang pakikiisa ng mga tao para sa maunald
na pagbabago ng komunidad.

V. Takdang -Aralin
Kapanayamin ang mga kasambahay, itanong sa kanila ang
kahalagahan ng pagbabago sa komunidad.

47

You might also like