You are on page 1of 15

Republic of the Philippines

TARLAC STATE UNIVERSITY


COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
EEd SSC 1 - Teaching Social Studies in Elementary Grades
(Philippine History and Government)

Andrea Liz May D. Grade


Name: Lazaro Level: Baitang Anim
DAILY
LESSON Learning
PLAN Course & Yr.: BEED 2 CAPAS Area: Araling Panlipunan 6
Date and Time: December 3, 2022 Quarter: Ikalawang Markahan

I. MELC Naipapaliwanag ang resulta ng pananakop ng mga


Amerikano.
II. Layunin A. Matatalakay ang naging resulta ng pananakop
ng Amerikano sa Pilipinas.
B. Masusuri ang mga pagbabagong naganap sa
pananakop ng mga Amerikano sa ating bansa.
C. Mapapahalagahan ang resulta ng pananakop ng
Amerikano.
III. Nilalaman Impluwensya ng Amerikano
IV. Kagamitang Panturo PowerPoint Presentation
V. Pamamaraan Gawaing Guro Gawaing Mag -
aaral
Bago ang Aralin A. PANIMULA
a. Paghahanda
1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagtala ng mga lumiban
b. Balik-aral
Bago tayo dumako sa ating
panibagong aralin, tayo ay
magbalik-tanaw muna sa
ating tinalakay noong
nakaraang araw sa
pamamagitan ng maikling
gawain.
Gawain:

PANUTO: Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon.

Gobernador Wesley Merritt Marso 2, 1901 Patakarang Pasipikasyon


Agosto 14, 1898 Batas sa Watawat

Spooner Amendment William Howard Taft Pamahalaang Militar

1. Nakasaad dito na wakasan na ang Pamahalaang Militar at mag tatag ng bagong


pamahalaang. – Spooner Amendment.
2. Kailan naitatag ang Pamahalaang Sibil? – Agosto 14, 1898
3. Sino ang nag tatag ng Pamahalaang Sibi? – Willam Howard Taft
4. Pinagbabawal ang pagwagayway ng watawat sa anumang pagkakataon o saan
mang lugar sa bansa. – Batas sa Watawat
5. Layunin ng patakarang ito na patigilin ang nasyononalismo ng mga Pilipino
patuloy parin sa pakikipaglaban sa mga Amerikano – Patakarang
Pasipikasyon

c. Pagganyak
Magkakaroon ulit tayo ng isa pang gawain bago natin simulan ang ating
talakayan sa ating panibagong aralin.
“Ayusin mo!”
Panuto:
1. Magpapakita ang guro ng mga larawan at hindi naka ayos na mga titik.
2. Suriin ang mga larawan at ayusin ang hindi naka na mga titik upang makabuo
ng isang salita.
3. Pindutin lamang ang birtuwal na kamay pag nais sumagot.
4. Ang unang mag tataas ang siyang tatawagin ng guro.

Sagot: AMERIKANO Sagot: EDUKASYON

Sagot: TRANSPORTASYON
Sagot: KOMUNIKASYON Sagot: KALUSUGAN
Habang tinatalakay ang B. PAGLALAHAD NG ARALIN
Aralin a. Presentasyon

Bago tayo tumungo sa ating


aralin, ako ay nag handa ng
mga larawan at nais ko na
suriin nyo itong mabuti at
tukuyin kung ano ang mga ito?

Pamilyar ba kayo sa mga


larawan?
Opo.
Ano-ano ang mga nasa
larawan? Mag bigay nga ng
isa.
Ang isa sa mga
larawan po ay
hamburger.

Magaling! Sino na ang


nakakain ng hamburger?
Ako po.
Masarap ba ito?
Opo.
Alam nyo ba kung saan nag
mula ang pagkaing ito?
Ang hamburger ay nag mula
sa bansang Amerika.
Sinu pa ang nais mag-bahagi?
Larong basketball
po ang isa sa mga
larawan.
Tama! Basketball. Ang larong
basketball ay nag mula rin sa
bansang Amerika.
Sinu naman ang makapag
sasabi sa akin, kung ano pa
ang dalawang larawan?
Damit po at Fries.
Mahusay! Tama ang iyong
sagot. Damit at Fries. Ang
damit ay tinatawag na
amerikana o tuxedo at alam
nyo ba na ang mga ito ay mula
rin sa bansang Amerika.
Lahat ng inyong mga
nabanggit ay may kaugnayan
sa araling tatalakayin natin
ngayon at ito ay tungkol sa
resulta ng pananakop ng
bansang Amerika sa Pilipinas.
Kung ano- ano ang naging
impluwensya nito sa ating
bansa.
b. Talakayan
Nang sinakop ng mga
Amerikano ang Pilipinas, nag-
iwan ito ng mga pagbabago sa
ating bansa. May limang
ipinama ang mga Amerikano
sa ating bansa.
1. Sistema ng Pamamahala
o Patakarang
Pampulitika ng mga
Amerikano
2. Edukasyon
3. Kultura
4. Kalagayang
Pangkalusugan
5. Pagpapaunlad ng
Transportasyon at
Komunikasyon
Patakarang Pampulitika ng
mga Amerikano
Sa panahon ng pamamahala
ng mga Amerikano sa Pilipinas
nabigyan ng pag kakataong
ang mga Pilipino na magsanay
upang mapangasiwaan ang
ating bansa. Itinuro sa atin ng
mga Amerikano ang malayang
pamamahala at ipinakilala sa
atin ang konsepto ng
Demokrasya o Malayang
Pamamahala.
DEMOKRASYA –
pamahalaang kumikilala sa
karapatan ng mga tao sa
pamamagitan ng pantay
pantay na pagtingin sa lahat,
mayaman man o mahirap.
Demokratiko ang uri ng
pamahalang ipinamana sa
ating ng mga Amerikano na
dala natin magpa sa hanggang
ngayon.
Batay sa narinig ninyo tungkol
sa demokrasya, ano ang ideya
nyo sa demokrasya? - Sa
pagkakaunawa ko
po, ang
demokrasya ay
may kalayaan po
ang bawat isa na
makapag pahayag
ng sarili kanyang
sariling opinion
tungkol sa mga
bagay na
nangyayari sa
kapaligiran.
- Ang demokrasya
po ay may
kalayaang
makilahok po sa
ano man pong pag
talakay o gawain
na nauukol lalo na
po sa aming mga
kabataan.
Mahusay! Tama ang inyong
mga naging tugon.

Mga bata, tandaan ninyo ano


mang ideya na inyo mang
maibibigay ay magiging
karagdagang kaalaman sa
inyong kapwa kamag aral at
ito ay isang halimbawa ng
demokrasya, may kalayaan
kayo na ipahayag ang inyong
opinyon sa bawat isa.

Tignang mabuti ang larawan,


Sa inyong palagay, ano kaya
ang ginagawa nila? Tinuturuan po ang
mga bata

Magaling! Sa tingin niyo, sinu


kaya ang nag tuturo sa
kanila?
Isang sundalo po.
Tama! Isang sundalo.
Dito pag uusapan natin ang,
Sistema ng Edukasyon sa
Panahon ng Amerikano
EDUKASYON – itinuturing
pinakamahalagang ambag ng
mga Amerikano sa bansa dala
ng pagbibigay nila ng nag
pagkakataon sa lahat ng
Pilipino na makapag-aral ng
libre.
Noong una, mga sundalong
Amerikano ang nagsisilbing
guro sa paaralan. Dahil sa
panukala ng Komisyong Taft,
ipinagtibay ng Batas bilang 74
na nagtatakda ng libreng pag-
aaral sa mga paaralang bayan
noong taong 1901. Ipinairal
ang patakarang edukasyon
para sa lahat.
Nang lumaon ay napalitan ang
mga sundalo ng mga gurong
Amerikano.
Noong Agosto 23, 1901
dumating ang may 600 na
tunay na mga gurong
Amerikano na kilala sa
katawagang Thomasites dahil
lulan sila ng barkong USS
Thomas. Sila ang Pumalit sa
mga sundalong guro.
Itinakda din sa Batas blg. 74
ang pagpapatayo ng mga
paaralan para sa mga may
gustong maging guro. Ito ay
tintawag na paaralang normal
tulad ng Philippine Normal
School.
May mga pinatayo ring
paaralang pangkolehiyo. Isa
na dito ang Pamantasang ng
Pilipinas na ngayon ay kilala
bilang Unibersidad ng
Pilipinas (University of the
Philippines) o UP noong
Hunyo 18, 1908.
Kung ang simbahang Katoliko
ang simbolo ng Espanya, ang
paaralan naman ang simbolo
ng pananakop ng Amerikano.

Muli, sino ang naging unang


guro sa panahon ng
Amerikano?
Mga sundalong
Amerikano ang
unang naging guro
sa bansa.
Tama! Mahusay. Sino naman
ang pumalit sa kanila na
sakay ng barkong USS
Thomas?
Pinalitan po ang
mga sundalong
Amerikano ng mga
Tama! Magaling. gurong thomasites.

Ano naman ang tawag sa


paaralang itinatag para sa
mga nais maging guro?
Ito po ay tinatawag
na paaralang
normal.

Tama! Magaling.
Ako’y natutuwa sapagkat
kayo’y nakikinig ng mabuti sa
ating talakayan.

Mula pa noong panahon ng


Amerikano hanggang ngayon
ay libre ang pagpasok sa mga
paaralan, katulad sa atin.
Itinataguyod ng mga
magulang ang pag-aaral ng
mga anak. Bilang isa sa mga
tumatamasa o nakikinabang
sa libreng edukasyon, ano
naman ang dapat mong
gawin? Mag – aral ng
mabuti.
Makilahok sa mga
gawaing pang
paaralan.
Maging
produktibong mag-
aaral

Mahusay! Tama ang inyong


mga sagot.
Bilang isang mag aaral
pahalagahan nyo ang
edukasyon sapagkat ito ay
susi upang ang inyong mga
pangarap ay makamit nyo.

Ngayun naman, tayo ay


dadako na sa pagbabago ng
kulturang Pilipino.
Malaki rin ang nagin
impluwensya ng Kulturang
Amerika sa ating bansa. Isa
narito ang wikang Ingles.
Napilitan ang mga Pilipino na
gumamit ng wikang Ingles at
pagkaraan ng ilang taon ay
natuto narin ang mga Piliino
na sumulat ng mga nobela,
maikling kwento, tulat at dula
gamit ang wikang Ingles.
Zoilo Galang – Noong 1921,
isinulat ni Zoilo Galang ang
unang nobela sa wikang Ingles
– ang A child of Sorrow. Sa
larangan ng maikling kwento
ay ang Horrible Adventure ni
Jose Bacobo ang nauna noong
1916. Ang unang tula sa
wikang Ingles ay ang Sarum
Corda noong 1907 ni Justo
Juliano.
Nauso din ang mga dulang
sarswela ngunit dahil sa
pelikulang galing sa Hollywood
o sa Amerika ay nagkaroon ng
panibagong libangan ang mga
Pilipino na syang unti unting
pumatay sa sarswela.
Dagdag pa rito ay ang mga
sports tulad ng basketbol,
boksing at baseball na
nagmula sa Amerika at
lubusang naka impluwensya
sa mga Pilipino.
Nakaimpluwensiya rin sa mga
Pilipino ang kulturang
Amerikano sa pananamit gaya
ng pagsusuot ng Amerikana o
Tuxedo, pagkain katulad ng
hamburger at fries at maging
ang paraan ng pamumuhay ng
mga Amerikano.
Masdan ang lawarin, sa
inyong palagay ano kaya ito?
Ito po ay larawan
ng Virus.
Magaling! Tama. Ito ay isang
virus. Ano ng aba ang
kinakaharap na virus ng ating
bansa nitong mga nakaraang
taon magpa sa hanggang
ngayun?
Covid po.

Tama!
Dadako naman tayo sa pang-
apat na impluwensya ng
Amerikano sa ating bansa at
ito ay ang Pagpapabuti sa
Kalagayan ng Kalusugan ng
mga Pilipino
Kalagayang Pangkalusugan
Isang malaking suliranin sa
panahon ng mga Amerikano
ang paglitaw ng kolera at
bulutong sa Maynila at iba
pang karatig-pook.
Binantayan ang mga lugar na
apektado at inihiwalay ang
mga taong may kolera.
Ibinababad sa isang solusyon
na may asidong carbolic ang
mga damit at iba pang
personal na gamit. Ipinatapon
din ang mga pagkaing
nakahanda sa mga lugar na
apektado at sinusunog ang
mga bahay at agad nagsaboy
ng disinfectant ang ilang
bomber para hindi kumalat
ang sakit. Nagpalabas din ang
mga Amerikano ng mga
pamphlet at iba pang
impormasyon kung paanon
maiwasan ang iba’t ibang
sakit.
Bahagi rin ng programang ng
mga Amerikano ang
pagpapatayo ng klinika,
pagamutan, at sentrong
pagkalusugan sa iba’t ibang
panig ng bansa. Isa sa
pinatayong ospital ng mga
Amerikano ang Philippine
General Hospital na
binuksan o naitatag sa
publiko noong 1910.
Bilang isang mag-aaral, paano
mo maiwawasan ang pagkalat
ng virus na kinakaharap ng
- Laging mag-suot
ating bansa?
ng facemask kapag
lalabas ng bahay.
- Panatiling
malinis ang kamay
o i-disinfect gamit
ang alkohol at
iwasang hawakan
ang mata, ilong at
bibig.
- Linisin at i-
disinfect ang mga
bagay na
mahahawakan o
pag kapatos
gamitin.
Mahusay! Tama ang inyong
mga sagot?
Dumako na tayo sa huling
impluwensya o ambag ng
bansang Amerika sa ating
bansa at ito ay ang;
Pagpapaunlad sa
Transportasyon at
Komunikasyon sa bansa
Kailangan ang mabuting
paraan ng transportasyon at
komunikasyon para sa
pagpapaunlad ng kabuhay sa
ating bansa kaya nagpagawa
ng mga daan at tulay ang
pamahalaan

TRANSPORTASYON – ito ay
ang pagsakay o paghatid ng
mga kagamitan, produkto o
maging mga tao mula sa isang
lugar tungo sa isa pang lugar
Nagkaroon ng iba’t ibang uri
ng makabagong sasakyan
tulad ng Otomobil, trak, bus,
at trambiya. Pinalitan ng mga
ang sasakyang hinihila ng
kabayo o kalesa sa panahon
ng Espanyol. Dumating sa
Maynila ang kauna-unahang
kotse noong 1903.
Nilinang din ang mga
transportasyong
panghimpapawid. Ang unang
eroplano ay dumating sa
Pilipinas noong 1911.
Nagsimula ang
pangkomersiyong paglalakbay
sa himpapawid ng Pilipinas
noong 1930.
Bumuti rin ang paglalakbay-
dagat. Madaling narating ang
timog mula sa hilaga sa
pamamagitan ng mga bagong
sasakyang pandagat.
Naging maunlad din ang
komunikasyon noong
panahon ng mga Amerikano
sa PIlipinas.

KOMUNIKASYON – ito ay pag


uusap ng mga tao mula sa
magkalayong lugar
Ipinakilala ang makabagong
kasangkapan sa
komunikasyon, tulad ng
telepono, radio, radiophone, at
telegraph. Naging maunlad din
ang serbisyong koreo ng
Pilipinas.
Sa pagpapakilala ng
makabagong teknolohiya
marami pang pagbabago ang
naganap sa pamayanan. Unti-
unting nakita ang kaunlaran
sa pamayanan.
Sanay natandaan ninyo ang
tinalakay natin sa araw na ito.
Paglalahat Tungkol saan nga ba ang
aralin na tinalakay natin
ngayon? - Ang aralin po
natin ngayon ay
tungkol sa mga
nagging
impluwensya ng
pananakop ng
Amerikano sa ating
Magaling! Tama. bansa.
Magbigay nga ng mga naging
impluwensya ng Amerikano sa
Pilipinas.
- Posibleng mga
kasagutan
(Pamahalaang
Demokrasya,
Edukasyon,
Kulturang
Amerikano,
Kalagayang
Pangkalusugan,
Transportasyon at
Komunikasyon)
Magaling! Tama ang inyong
mga sagot.
Ako’y natutuwa na kayo’y
nakinig ng mabuti sa araling
tinalakay.
Pagkatapos ng Aralin C. Aplikasyon
a. Values Integration

Sa tinalakay nating aralin


tungkol sa impluwensiya ng
Amerikano sa ating bansa
alam natin na naging
kapakinabangan din sa atin
bilang isang Pilipino. Ngayon
bilang isang mag-aaral
papaano niyo ito
papahalagahan
- Doon po sa
impluwensyang
edukasyon ng mga
Amerikano sa ating
bansa
napakahalaga po
sa buhay natin ito
sapagkat dito po
tayo nagkaroon ng
kaalaman sa mga
bagay bagay at
bilang isang mag-
aaral
mapapahalagahan
ko po ito sa
pamamagitan ng
pag-aaral ko pong
mabuti at patuloy
na pagsusumikap
sa aking pag aaral
Mahusay! Tama.
Mapapahalagahan natin ang
edukasyon sa pag-aaral nating
mabuti at patuloy nap ag
susumikap sa pag-aaral para
maabot ang ating mga
panagrap.
Sino pa ang nais mag bahagi?
- Para naman po
sa akin, ito po ay
pagpapahalaga sa
demokrasya. Ang
pagkakaroon po
natin ng kalayaan
tulad sa
pagpapahyag ng
ating mga saloobi.
Mapapahalagahan
ko po ito bilang
isang mag-aaral sa
pakikilahok sa
mga programang
panlipunan
maging din po sa
pagsasabi ng
makatotohanang
pagpapahayag at
hindi po gamitin
ang kalayaan
upang
makapanakit ng
kapwa.
Magaling! Tama. Paggamit ng
kalayaan sa tamang paraan.
Tiyak nga namang lubos
nyong naunawaan ang
kahalagahan ng mga
impluwensya ng bansang
Amerika sa ating bansa. Kung
gayon ay ihanda nyo na ang
inyong mga lapis at papel
upang masagutan ang mga
inihanda kong katanungan
sainyong pagtataya.
D. Pagtataya
Panuto: Isulat ang Tama kung ang pangungusap na
ipinapahyag ay tama at isulat ang Mali kung hindi
tama ang ipinapahyag ng pangungusap.

______ 1. Isang malaking suliranin sa panahon ng


mga Amerikano ang paglitaw ng mga daga at ipis sa
Maynila.
______ 2. Ang mga sundalong Amerikano ang unang
naging guro sa ating bansa.
______ 3. Ang Edukasyon ang simbolo ng pananakop
ng Amerikano sa Pilipinas.
______ 4. Ang unang eroplano ay dumating sa
Pilipinas noong 1911.
______ 5. Isa sa pinatayong ospital ng Amerikano sa
Pilipinas ay ang American General Hospital.

Susi sa pagtataya:
1. Mali
2. Tama
3. Tama
4. Tama
5. Mali

VI. Takdang Aralin

Panuto: Sa inyong kuwaderno, sagutin ang


katanungang ito.

Nakabuti ba o nakasama ba ang mga impluwensya


ng mga Amerikano sa pamumuhay ng mga Pilipino?
Bakit?

VII. Remarks

VIII. Pagninilay

You might also like