You are on page 1of 5

School STA.

CRUZ ELEMENTARY SCHOOL Grade Level 6


Teacher MARIA CLARISSA T. GAPUZ Learning Area ARALING PANLIPUNAN
Date & Time June 1,2023 @ 9:00 am-10:00 am Quarter 4rth QUARTER
DAILY LESSON LOG

LAYUNIN
(OBJECTIVE)
Ang mag-aaral ay naipamamalas ang mas malalim na pagunawa at pagpapahalaga sa
A. PAMANTAYANG PANGNILALAMAN
(CONTENT STANDARDS) patuloy na pagpupunyagi ng mga Pilipino tungo sa pagtugon ng mga hamon ng
nagsasarili at umuunlad na bansa
Ang mag-aaral ay nakapagpakita ng aktibong pakikilahok sa gawaing makatutulong sa
B. PAMANTAYAN SA PAGGANAP
(PERFORMANCE STANDARDS) pag-unlad ng bansa bilang pagtupad ng sariling tungkulin na siyang kaakibat na
pananagutan sa pagtamasa ng mga karapatan bilang isang malaya at maunlad na Pilipino
C.MGA KASANAYAN SA PAGKATUTO Nasusuri ang mga suliranin at hamon sa ilalim ng Batas Militar.
(MOST ESSENTIAL LEARNING
COMPETENCIES)
Mga Pangyayaring Nagbigay - Daan sa Pagtakda ng Batas Militar
II. NILALAMAN
(CONTENT) Integrasyon: ESP, ICT, Math

III. KAGAMITANG PANTURO


(LEARNING RESOURCES)

A. SANGGUNIAN (References)

1.Mga Pahina sa Gabay ng Guro MELCs sa Araling Panlipunan 6


2.Mga Pahina sa Kagamitang
Pangmag-aaral
3.Mga Pahina sa textbook
4.Karagdagang kagamitan mula sa postal
ng Learning Resources
B. IBA PANG KAGAMITANG Larawan, Laptop, Projector, PPT
PANTURO

A. BALIK-ARAL SA NAKARAANG I. Panalangin


ARALIN AT/O PAGSISIMULA NG II. Pagbati
BAGONG ARALIN.
(Reviewing previous lesson/ presenting III. Pagsuri Ng Attendance
the new lesson) IV. Balik- aral:
(ELICIT) Laro: PARAISONG ISLA!

Panuto:
1. Papangkatin ang pangkat sa tatlo.
2.Sasagutin ang mga tanong.
3.Paunahan na pakaabot sa finish line.
4.Makakatanggap ng regalo ang mananalo.

(The teacher uses the learner’s prior knowledge)

1. Sino sa mga sumusunod na pangulo ang nagpatupad ng programang


Parity Rights?
A. Carlos P. Garcia
B. Manuel A. Roxas

2. Isa sa mga programang nailunsad sa ating bansa ay ang “Pilipino Muna”


kung saan nabigyan ng pagkakataon ang mga lokal na produkto na
makilala hindi lamang sa loob ng bansa kundi maging sa labas nito.
Sinong pangulo ang naglunsad ng programang ito?
A. Carlos P. Garcia
B. Manuel A. Roxas

3. Sino sa mga sumusunod na pangulo ang namatay dahil sa pagbagsak ng


eroplanong kanyang sinakyan?
A. Carlos P. Garcia
B. Manuel A. Roxas

4. Isa sa mga pangunahing programa ng bawat pangulo ay ang patakaran


sa reporma sa lupa. Sino sa mga sumusunod na pangulo ng Pilipinas na
unang naglatag ng Land Reform Law?
A. Diosdado Macapagal
B. Ramon Magsaysay
5. Isa sa mga tanyag na pangulo ng Pilipinas si Pangulong Ramon
Magsaysay. Tinawag siyang “Idolo ng Masa” ng karamihang Pilipino. Bakit
siya tinawag na Idolo ng Masa?
A. Dahil pinapahalagahan niya ang mga karaniwang tao.
B. Lahat ng bumuto sa kanya upang manalo ay mga mahihirap.

B. PAGHAHABI NG LAYUNIN NG Laro: Kita mo, Gayahin mo!


ARALIN.
(Establishing a purpose for the lesson)
Panuto:
1.Papangkatin ang klase sa tatlong grupo.
2.Magpapakita ng kahon ang guro.
3. Ang larawan na nasa loob ng kahon ay gagayahin ng bawat pangkat.
4. Bibigyan ng sampung segundo ang bawat pangkat upang maghanda.
5.Ang pinakamagaling gumaya sa larawan ay makakakuha ng puntos.

C. PAG-UUGNAY NG MGA Bawat pangkat ay bibigyan ng sampung Segundo upang obserbahan muli ang bawat
HALIMBAWA SA BAGONG larawan na nasa harapan at magbibigay ng opinyon sa mga nakita.
ARALIN.
(Presenting examples/instances of
the new lesson) (ENGAGE) Bibigyan ang bawat mag-aaral ng buong puso at heart broken pagkatapos itaas ang
buong puso kung maganda ba ang nangyari sa mga nasa larawan at broken heart kung
hindi ito maganda.

Ano ang nakikita ninyo sa unang larawan?

Ikalawang larawan?

Ikatlong larawan?

At huling larawan?
D. PAGTALAKAY NG BAGONG Muli nais ko na tumayo ang pangkat na nakapagpakita ng kagalingan sa paggaya
KONSEPTO AT PAGLALAHAD NG sa unang larawan.
BAGONG KASANAYAN #1
(Discussing new concept and
practicing new skills #1) (EXPLAIN) Ipapagayang muli ang nasa larawan.

Kung makikita ninyo ang aksyon na ginagawa ng inyong mga kaklase ay isa sa mga
mga Pangyayaring Nagbigay - Daan sa Pagtakda ng Batas Militar,

Ano nga ba ang batas Militar?

Ang larawan at aksyon na ginagawa na inyong mga kaklase ay ang unang pangyayari na
nagbigay daan sa pagtakda ng batas Militar.

1.Noong Enero 30, 1970, naganap ang madugong rally ng mga mag-aaral at
manggagawa sa Mendiola malapit sa Malacañang. Hiling ng mga kabataang aktibista ang
mga sumusunod:
-isang mabuting pamahalaan na walang katiwalian at kasamaan;
 pagtataguyod ng katarungan;
 pagpapaunlad ng sistema ng edukasyon;
 pagpapababa sa presyo ng mga bilihin;
 hanapbuhay para sa mga walang trabaho; at
 pagbabago ng Saligang Batas ng 1935 upang malunasan ang mga problema ng bansa.

Salamat maaari na kayong maupo.

Ngayon dumako tayo sa ikalawang larawan. Inaanyayahan ko muli ang nagpakita ng


kagalingan sa paggaya sa ikalawang larawan.

2. Noong Agosto 21, 1971 ay hinagisan ng granada ang isang malaking pagpupulong ng
Partido Liberal sa Plaza Miranda sa Quiapo. Ito ay nagiwan ng maraming sugatang
kandidato ng Partido Liberal at iba pang nagsidalo sa nasabing pagpupulong. Makalipas
ang ilang oras ay sinuspinde ng Pangulong Marcos ang writ of habeas corpus (Ito ay
proteksyon ng mamamayan laban sa ilegal na pagkadakip o detensyon).

3. Ang mga serye ng pambobomba sa Metro Manila mula March 15 hanggang


September 11, 1972 na pinaghihinalang gawa ng CPP- NPA na ikinasawi ng maraming
tao.
4. Ang pananambang sa kumboy ni Juan Ponce Enrile, Kalihim ng Tanggulang
Pambansa noong Setyembre 22, 1972 bandang alas 9:00 ng gabi.

E. PAGTALAKAY NG BAGONG Laro: Hawak mo, bunot ka!


KONSEPTO AT PAGALALAHAD
NG BAGONG KASANAYAN #2
(Discussing new concept and Magpapakita ng kahon ang guro at ito ay ipapasa pasa ng mga mag-aaral sa kapwa mag-
practicing new skills #2) (EXPLORE) aaral habang kumakanta ng Ako’y gising.

Pagkatapos ng isang kanta titigil ang kahon at kung kanino ito nakatapat bubunot ng
isang strip at babasahin sa harap ng mga kaklase.

Pagkatapos hahanapin kung saan sa mga larawan na nasa harapan ang binasang strip.

Bibigyan ng star ang pangkat ng mag-aaral na makapagbibigay ng tamang sagot.

Handa na ba kayo? Nais ko ang bawat isa na kumanta ng maganda at masigla!

Simulan na natin.
F. PAGLINANG SA KABIHASAAN
(Tungo sa formative assessment) (Papangkatin sa tatlo ang klase. Bibigyan ang bawat pangkat ng letrang A at B. Sasabihin
Developing mastery (Leads to
formative assessment) ng bawat pangkat ang kanilang yell at itataas ang letra ng tamang sagot.)

Panuto: Basahin at unawain nang mabuti ang bawat aytem.


1. Ano ang naging basehan sa pagdeklara ng Batas Militar?
A. Artikulo VIII, Seksiyon 10, Talata 2 ng Saligang Batas ng 1897
B. Artikulo VIII, Seksiyon 10, Talata 2 ng Saligang Batas ng 1935
C. Artikulo VIII, Seksiyon 10, Talata 2 ng Saligang Batas ng 1973
D. Artikulo VIII, Seksiyon 10, Talata 2 ng Saligang Batas ng 1986

2. Ayon sa ating Saligang Batas, ano-ano ang maaaring maging dahilan ng


pagdeklara ng Batas Militar?
A. Kawalan ng pagkain, tubig at suplay ng kuryente.
B. Kawalan ng bahay at lupa ng mamayan
C. Pagkakaroon ng rebelyon, pananakop o matinding sakuna
D. Tumitinding alitan ng mga politiko.8
3. Anong proklamasyon ang nagbigay- bisa sa pagdeklara ng Batas Militar?
A. Proklamasyon Bilang 1800
B. Proklamasyon Bilang 1081
C. Proklamasyon Bilang 1091
D. Proklamasyon Bilang 2000
4. Kailan nilagdaan ang ni Pangulong Marcos ang Batas Militar?
A. Setyembre 12, 1972
B. Setyembre 21, 1972
C. Setyembre 21, 1927
D. Setyembre 21, 1986
5. Alin sa mga sumusunod ang isa sa pangunahing layunin ni Pangulong
Marcos sa pagdeklara ng Batas Militar noong 1972?
A. Upang mailigtas ang Republika at bumuo ng Bagong Lipunan.
B. Upang dumami ang mga mamumuhunan sa ating bansa.
C. Upang lumakas ang sandatahang lakas ng bansa.
D. Upang maubos ang lahat ng mga rebelde sa ating bansa.

G. PAGLALAPAT NG ARALIN SA
PANG-ARAW-ARAW NA BUHAY Kung nabubuhay kayo sa rehimeng Marcos, bilang isang mag-aaral, gagayahin niyo ba
(Finding practical/application ang mga mag-aaral na nagrally sa Mendiola? Bakit?
of concepts and skills in daily living)
PAGLALAHAT NG ARALIN Gamit ang metacards na naglalaman ng mga larawan tungkol sa aralin, gabayan ang mga
(Making generalizations and mag-aaral sa paglalahat. Idikit ito sa graphic organizer
abstractions about the lesson)
(ELABORATE)
Tanong: Ano ang mga dahilan sa pagdeklara ng Batas Militar. Sasabihin ko ang mga
dahilan pagkatapos hahanapin sa loob ng envelope ang katumbas nitong larawan at idikit

BATAS
MILITAR

H. PAGTATAYA NG ARALIN Panuto: Basahin at unawain ang bawat aytem. Isulat ang titik ng tamang sagot sa papel.
(Evaluating Learning)
(EVALUATION)
1. Alin sa mga sumusunod ang naging batayan sa pagdeklara ng Batas Militar?
A. Saligang Batas C. Barangay Resolution
B. Ordinansa D. Kasaysayan

2. Sa anong bahagi ng ating Saligang Batas makikita ang probisyon sa pagdeklara ng


batas militar?
A. Preamble C. Artikulo II
B. Code of Ethics D. Artikulo VIII Seksyon X Talata 2
3. Kailan nilagdaan ni Pangulong Marcos ang Batas Militar?
A. Setyembre 21, 1972 C. Setyembre 12, 1972
B. Setyembre 23, 1972 D. Agosto 21, 1971
4. Ang mga sumusunod ay dahilan ng pagdeklara ng Batas Militar maliban sa isa. Alin sa
mga ito ang hindi kasali?
A. Paglala ng problema sa droga.
B. Paglala ng krimen tulad ng pagnanakaw, patayan at iba pa.
C. Paghagis ng granada sa isang pagtitipon ng Partido Liberal.
D. Pagkaroon ng madugong rally ng mga mag-aaral sa Mendiola.

5. Alin sa mga ito ang isa sa mga layunin ng Batas Militar?


A. Bumuo ng Bagong Lipunan. B. Maparusahan ang lahat ng kriminal.
C. Magkaroon ng maunlad na bayan. D. Yumaman ang Pilipinas.
I. KARAGDAGANG GAWAIN PARA Panuto: Basahin ang mga kaisipan hinggil sa Batas Militar sa Hanay A at piliin mula sa
SA TAKDANG ARALIN AT Hanay B ang kaisipang bubuo rito. Titik na lamang ang isulat.
REMEDIATION.
(Additional activities for application or
remediation) (EXTEND) B A
A. Idineklara
___1. Angang Batas
Batas Militar
Militar sa ______.
ay isang
Pilipinas noong 1972
___2. Sa bisa ng Proklamasyon Bilang
B. Artikulo VIII, Seksyon 10, Talata 2 ng
1081_____.
Saligang Batas ng 1935
___3. Naging basehan sa pagdeklara ng
C. kakaibang kapangyarihan
Batas Militar ang ____. ng estado
na ipinatutupad nang panandalian ng
isang pamahalaan kapag hindi na nito
maayos magampanan ang
pamamahala gamit ang sibilyan nitong
kapangyarihan
V. REMARKS

Prepared:

MARIA CLARISSA T. GAPUZ


Teacher I

Noted:

RODEL B. VALDEZ PhD


Head Teacher III/School Head

You might also like