You are on page 1of 4

MASUSING Paaralan Bautista NHS Baitang 8

BANGHAY-ARALIN Guro SANIATA C. ORIÑA Asignatura Filipino


Petsa at Oras Markahan Ikalawang Markahan
I. LAYUNIN
Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa mga piling akdang
A. Pamantayang Pangnilalaman
pampanitikang sa Panahon ng Amerikano , Komonwelt at Kasalukuyan
Naisasagawa ng mag-aaral ang isang makatotohanang proyektong
B. Pamantayan sa Pagganap
panturismo.
A. Pagwawari/Pagpapahalaga
1. Naipahahayag ang pagtanggilik at pagpapahalaga sa ating kultura,
2. Nabibigyang halaga ang pagtuturo ng kagandahang asal at pagdidisiplina
sa mga anak.
B. Pampagtuturo
C. Mga Kasanayang Unang Araw :
Pampagkatuto/Layunin 1. Naibibigay ang opinyon at katwiran tungkol sa paksa ng
balagtasan. (F8PB-IIc-d-42)
2. Nasasagot ang mga tanong tungkol sa tekstong binasa.
Pangalawang Araw :
 Naibibigay ang opinyon at katwiran tungkol sa paksa ng balagtasan.
(F8PB-IIc-d-42)
II. PAKSA
BALAGTASAN – “Alin ang Lalong Nagpapatino sa mga Anak? : PAMALO o PANGARAL”

III. MGA KAGAMITAN

A. Sanggunian: Modyul 2 Filipino 8, Pinagyamang Pluma 8


B. Iba pang kagamitang pampagtuturo:
 Sipi ng akda ,Manila paper, Pentel pen , TV , Laptop

IV. PAMAMARAAN
Unang Araw:
A. Balik-aral/Panimula
BALIK -ARAL MUNA…Magandang umaga mga anak.Kumusta ang inyong araw ngayon?Kumusta ang inyong
pakiramdam? (Ang guro ay magtsetsek ng attendance )
B. Pangganyak
1. Pangganyak :
Magpapatugtog ang guro ng isang awitin o isang bidyo ng sikat na awitin na nilikha ng “Apo Hiking Society”.
Pagkatapos ay maglalahad ang guro ng ilang katanungan.
Pangganyak na tanong:
1. Ano-ano ang mga pangaral na inilahad ng awitin para sa mga kabataan?
2. Sang-ayon ka ba sa nilalaman ng awitin? Nagustuhan mo ba ang mensahe ng awitin? Bakit? Ipaliwanag.

C. Paglalahad ng Aralin
GAWAIN 1. 1 : Kilaanin Natin.. ( Araling Panlipunan /Kasaysayan)

Sa araling ito ating malalaman ang isang natatanging bahagi ng panitikang Pilipino, na pinayabong ng ating mga makatang
ninuno, walang iba kundi ang balagtasan.
Ang balagatsan ay isang pagtatalong patula at hango sa pangalang Balagatas bilang pagpaparangal kay Francisco Baltazar na
kilala sa palayaw na Balagtas at siyang kinikilalang Ama ng Balagtasan.

Unang ginanap ang balagtasan noong ika-6 ng Abril, 1924 kung saan tatlong makata ang nagpakita ng kagalingan sa pagtula.
Itinanghal na pinakamagaling si Jose Corazon de Jesus at tinawag na Huseng Batute noong 1920 dahil isa siyang mahusay na
mambabalagtas. Makalipas ang Ikalawang Digmaang pandaigidg ay nagpatuloy na ang balagtasan at naging paboritong
pampalipas-oras o aliwan ng mga Pilipino . Binubuo ito ng isang Lakandiwa o Lakambini, Mambabalagtas A at
Mambabalagtas B. Mambabalagtas ang tawag sa makata at mambibigkas naman kung sila ay nagbabalagtasan.

D.Pagtalakay sa Aralin
(Pumili ng tatlong mag-aaral na mahusay bumigkas ng tula at hayaan silang basahin ang balagtasan. Piliin sa tatlo kung sino kung
sino ang babasa sa “Alin ang Lalong Nagpapatino sa mga Anak? : PAMALO o PANGARAL”.
GAWIN NATIN!
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na mga tanong.
1. Sino-sino ang mahahalagang tauhang bumubuo sa balagtasan?
2. Bakit mahalagang magkaroon ng paggalang at magandang kaasalan ang mambabalagtas sa kanyang katalo, maging lakandiwa at
manonood?
3. Muling balikan ang balagtasang tinalakay, anong tema ang inilahad ng mambabalagtas? Sa iyong palagay masasabi nga bang
ito’y isang magandang paksa para sa balagtasan?
4. Ano-ano ang kalimitang nagiging paksa ng balagtasan? Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataong gumawa ng balagtsan, anong
paksa ang nais mong bigyang-pansin? Bakit?
5.Bakit mahalagang magkaroon ng malawak na kaalaman ang mambabalagtas sa paksang pagtatalunan?

D. Paglalapat ( ESP Pagbibigay-pansin sa pagbibigay ng disiplina)


GAWAIN 2
Mula sa balagtasang binasa’y mahihinuhang kapwa mahalaga ang pagdidisiplina at pangaral sa buhay ng isang bata. Buoin ang
mga sumusunod na pahayag sa pamamagitan ng pagbibigay ng sariling opinyon.
1. Kung ako ang iyong tatanungin, naniniwala ako na mas makabubuti sa bata ang……………………..

2.Sa tingin ko ang _______ ang mas nakabubuti sa bata dahil ___________

3.May punto ka sa iyong sinasabi pero……………..

4.Maaaring totoo ang iyong paniniwala ngunit para sa akin, ang __________

5.Naintindihan ko ang iyong panig subalit…………..

6.Sa kabilang banda, nakikita ko naman na mas nadidisiplina ang bata sa ____________ dahil _______________.
E. Paglalagom
Tanong:
Masasalamin ba sa mga akda tulad ng Balagtasan ang kulturang Pilipino sa panahong naisulat ang mga ito? Bakit o Bakit
hindi?

F. Pagtataya
PAG-ALAM SA NATUTUNAN
Panuto: Isulat ang salitang TAMA kung wasto ang diwa ng pangungusap sa bawat bilang at salita ng MALI naman kung
hindi ito wasto .
______1.Ang balagtasan ay isang uri ng pagtatalo na ginagawa sa paraang patula.
______2.Itinanghal sa Plaza Miranda sa Quiapo ang kauna-unahang balagtasan noong Abril 4, 1924 sa sagupaan nina Jose
Corazon de Jesus at Florention Collantes.
______3.Tinatawag na mambabalagtas ang sinumang bumubigkas ng balagtasan.
______4.Isang tono lamang ang ginagamit sa pagbigkas ng balagtasan.
______5.Ang Lakandiwa o Lakambini ang nananawagan sa mga mambabalagtas na makilahok sa pagtatalo.
______6.Si Lope K. Santos ang nagmungkahi na magsagawa ng makabagong duplo na kakaiba bilang parangal kay
Francisco Baltazar.
______7.Pinagtulungang isulat nina Jose Corazon de Jesus at Florentino Collantes ang unang balagtasan na “Bulaklak ng
Lahing Kalinis-linisan”.
______8.Ipinagtanggol ni Emilio Mar Antonio ,ang panig ng pangaral na kumakatawan sa makata ng Bulacan.
______9.Nadaig ni Teo S. Baylen, ang makata ng Cavite sa balagtasan si Emilio Mar Antonio.
_____`10.Ang madlang nakikinig ang magbibigay ng hatol sa pagtatalong ginawa sa balagtasan tungkol sa wastong
pagdidisiplina sa mga anak.
G. Karagdagang Gawain at/o Pagpapahusay
Bilang karagdagang Gawain, bumuo ng mga makabuluhang tanong hinggil sa napapanahong isyu o paksang maaaring
pagtalunan o gawing paksa ng balagtasan sa kasalkuyan. Itala ang iyong sa tsart nan a makikita sa ibaba. Ginawa na ang
unang puwang para sa iyo.

TEMA ISYU/PAKSANG PAGTATALUNAN


Pag-ibig Dapat Ba o Hindi Dapat Manligaw ag Kababaihan?
Kultura
Ekonomiya
Lipunan
Kalikasan
Politika
Edukasyon

V. MGA TALA

VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na nagtamo ng
80% sa pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng mga gawaing
pagpapahusay (remedial)
C. Nakatulong ba ang pagpapahusay
(remedial)?
Bilang ng mag-aaral na naunawaan
ang aralin
D. Bilang ng mag-aaral na patuloy na
nangangailangan ng pagpapahusay
(remediation)
E. Alin sa aking pagtuturo ang naging
epektibo? Bakit?
F. Ano-ano ang aking naging suliranin
na maaaring malutas sa tulong ng
aking punongguro at superbisor?
G. Anong mga inobasyon o lokalisasyon
sa mga kagamitan ang ginamit
/natuklasan ko na nais kong ibahagi
sa ibang guro?
SANIATA C. ORIÑA
Teacher I

BERNARDITA T. LOHAN

HT-III

EDUARDO B. CASTILLO

Principal IV

You might also like