You are on page 1of 3

Di- Masusing Banghay-Aralin sa Filipino

Maica Anna N. Quiles Agosto 16, 2018


Bsed- Filipino Intern G.Dominador Rombo
I. Layunin
A. Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa ilang akdang pampanitikan tulang
ng balagtasan, dula, sanaysay at maikling kuwento na lumaganap sa panahon ng
Amerikano hanggang sa Kasarinlan upang maunawaan ang kultura at kalagayang
panlipunan ng mga Pilipino sa mga panahong ito.
B. Pamantayan sa pagganap
`Ang mga mag-aaral ay nakabubuo ng sariling paglarawan ng kulturang Pilipino
sa Tatlong panahon- ang panahon ng Amerikano, panahon ng Komonwelt,
panahon ng Kasarinlan sa masining na paraan na nagbago, nawala at nanatili pa
rin sa kasalukuyan.
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto (Pagsulat)
Nakabubuo ng angkop na pagpapasiya batay sa balagtasan na binasa .
II. Paksa at Kagamitan
Paksa: Bulaklak ng Lahing kalinis-linisan ni Jose Corazon De Jesus (Balagtasan)
Katotohanan o Opinyon
Kagamitan: Mga larawan, Laptop, Speaker at Kartolina
Sanggunian: Modyul 2: Sandigan ng Lahi… Ikarangal Natin (p. 232-246)
III. Nilalaman
A. Panimula
Panalangin
Pagtala ng mga liban sa klase
Balik-aral
Pagganyak: Ang guro ay may ipapakitang bidyu gamit ang kaniyang Laptop. Ang
bidyung ito ay isang Fliptop battle na kinahihiligan ng mga kabataan ngayon.
Isang modernong balagtasan kung maituturing.

B. Paghahawan ng Balakid
Magtatanong ang guro sa mga mag-aaral tungkol sa ipinakitang bidyu.
1. Alam niyo ba kung ano ang bidyu na iyon?
2. Ano ang iyong napansin sa Fliptop battle?
3. Sa iyong palagay, ano ang akdang pampanitikan na umusbong sa Panhaon ng
Amerikano ang katulad ng Fliptop battle na ito? Patibayin ang iyo sagot.
C. Paghahalaw
Ibibigay ng guro ang pagkakatulad ng Balagtasan at ng Fliptop Battle.
Tatalakayin din niya ang mahahalagang pangyayari at punto sa Balagtasan.
Ilalahad lamang sa klase ang buod nito upang maging malinaw sa mga mag-aaral
ang kanilang binasa.Ilalahad din ng guro ang wika na kaakibat ng balagtasan- ang
katotohanan at opinyon. Ibabahagi ang mga salita o parirala na nagbibigay
pahiwatig upang malaman kung katotohanan o opinion ba ang pinapahayag.

D. Paglalapat
Panuto: Batay sa inyong nabasang balagtasan, sagutan ang Hanap-salita upang
masukat ang iyong pag-unawa sa mga salitang ginamit sa balagtasan. Piliin ang
tamang kahulugan ng Hanay A sa Hanay B. Isulat lamang ang letra ng tamang
sagot.

Hanay A Hanay B
1. May gata sa dila a. tumubo
2. Kapatak na luha b. konti
3. Hinagpis ko noong ako’y iwan c. mahulog
4. Ang binhi ng isang halamn ay sumupling d.matinding lungkot
5. Halaklak ay nakabulahaw e. mahusay bumigkas
f. nakaistorbo

IV. Ebalwasyon
Panuto: Sagutin ang tanong batay sa iyong pag-unawa sabalagtasang binasa.
1. Bakit iisa lamang ang nagugustuhan nina Paru-paro at Bubuyog?
2. Sa iyong pagsusuri sa Bulaklak ng Lahing Kalinis-linisan, kaninong panig ang
matuwid at dapat panigan? Bakit?
3. Paanong binigyan ng pagwawakas o paghahatol ng lakandiwa ang balagtasan?
4. Ihambing mo ang panliligaw ng mga binate sa dalaga noon sa kasalukuyang
panahon.
Panuto: Sagutin kung katotohanan o opinyon ang ipinapahayag.
5. Ang mga kaugaliang tulad ng bayanihan, pagmamano, pagsagot ng po at opo,
at pagtanaw ng utang na loob ay tanging sa Pilipinas lamang makikita.
6. Sa aking palagay likas na mapagmahal sa kaniyang pamilyang kinagisnan ang
mga Pilipino.
7. Ayon kay Adrian Eumagie, 2012, sa makabagong panahon ngayon, ang
kaugalian ng Pilipino ay nananatiling mayaman sa bawat isa sa atin.
8. Kung ako ang tatanungin, ang mga kaugaliang Pilipino ay nararapat na
panatilihin at maipagpatuloy hanggang sa susunod na henerasyon.
V. Takdang-aralin
Panuto: Magsaliksik tungkol sa depenisyon at elemento ng Sarsuwela. Basahin at
unawain itong maigi nang sa gayon ay magkaroon ng produktibong pagpapalitan ng
ideya sa silid-aralan bukas.

You might also like