You are on page 1of 3

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 8

Ikaapat na Markahan

Petsa: Pebrero 04, 2020


Taon at Pangkat: Grade 8 STE Citrine
Oras:1:00-2:00 PM

PAMANTAYANG Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa isang dakilang


PANGNILALAMAN akdang pampanitikan na mapagkukunan ng mahahalagang
kaisipang magagamit sa paglutas ng ilang suliranin sa lipunang
Pilipino sa kasalukuyan
F8PT-IVc-d-34
LAYUNIN: Nabibigyang-kahulugan ang :
-matatalinghagang ekspresyon
- tayutay
- simbolo

PAKSANG – Paksa: Florante at Laura


ARALIN Sanggunian: Pluma 8 523-529
Kagamitan: larawan, PPT, table chart, activity sheets
Pagpapahalaga: Pagpapahalaga sa: a. kapwa b. iyong pamilya
c. iyong kaibigan d. kapaligiran e. bayan
A. PAGGANYAK
Magpakita ng mga larawan na may kinalaman
sa pag-ibig.
Mga halimbawa: mga rosas na pula, isang
PAMAMARAAN masayang pamilya, mga batang nasa flag ceremony,
kinakasal, o isang batang tumutulong sa isang
matanda
Tanungin ang mga mag-aaral tungkol sa mga larawang kanilang nakikita.
B. PAGHAWAN NG BALAKID
Bilugan ang salitang naiiba ang kahulugan sa grupo ng mga salita. (Maaaring
dagdagan o palitan ang mga salitang nakalista)

C. PAGLALAHAD
Pagbasa nang Tahimik: Ipabasa sa mga
mag-aaral ang saknong 69–82 ng Florante at
Laura.
Bigyan ng pagkakataon ang mga magaaral na basahin ang mga saknong ng
Florante at Laura. Ang babasahing ito ay naibigay na ng guro bilang takdang-
aralin kaya inaasahang ang gagawing pagbasa ay paghahanda na para sa
talakayan sa araw na ito.
D. PAGTALAKAY SA ARALIN
1. Sino ang dumating sa gubat?
2. Bakit siya malungkot? Ano ang problema niya?
3. Base sa mga sinasabi ni Aladin, ano kayang klaseng anak siya? Bakit mo
nasabi?
4. Sa iyong palagay, tama ba ang sinasabi ni Aladin sa mga saknong 78–79?
5. Gagawin kaya niya ang kanyang iniisip? Bakit mo nasabi?
6. Sa iyong palagay, nangyayari pa rin ba sa kasalukuyan ang karanasan ni
Aladin? Magbigay ng mga halimbawa.
7. Ano-ano ang alam mong uri ng pag-ibig?
8. Paano mo ito maipag-iiba o maihahalintulad sa iba pang mga uri o anyo ng
pag-ibig?
9. Sa iyong palagay, paano naipakikita ng tao ang pag-ibig?

E. GAWAIN/ AKTIBITI
Hatiin ang klase sa apat na pangkat at ibigay ang gawain ng bawat
grupo.
Pangkat 1- Bumuo ng isang maikling dula-dulaan ayon sa mga
saknong na binasa
Pangkat 2- Bumuo ng isang maikling tula para sa inyong mahal sa
buhay at ipaliwanag ito
Pangkat 3- Pumili ng saknong na nagpapakita ng matinding
pagmamahal at ipaliwang
Pangkat 4- Ibuod ang mga saknong na inasa

F. BALYU POKUS
Paano mo ipakikita ang pag-ibig sa
a. kapwa?
b. sa iyong pamilya?
c. sa iyong kaibigan?
d. sa kapaligiran?
e. sa bayan?

G. PAGLALAHAT
Sa iyong palagay, dapat bang ipaglaban ang pag-ibig?

BALWASYON Tukuyin ang titik ng kahulugan ng mga tayutay, ekspresyon at


simbolo mula sa saknong ng binasa.

1. Ang madilim at mapanglaw na gubat na kinagagapusan ni


Florante.
a. Ang madilim at walang kalayaang kalagayan ng bansa sa
panahong iyon
b. Ang madadawag na kagubatang nakapalibot sa bansa sa
panahong iyon
c. Ang mga Gawain ng mga criminal na nakahahadlang sap ag-
unlad ng sambayanan
2. Ang kahabag-habag at nakagapos na si Forantesa puno ng higera
a. Ang kawalang kayamanan ng mga Pilipino sa panahong iyon
b. Ang kawalang trabaho ng mga Pilipino sa panahong iyo
c. Ang kawalang kalayaan ng mga Pilipino sa panahong iyon
3. Ang mga syerpe’t( ahas o serpiyenteng) basiliskong gumagala sa
gubat
a. Ang mga mananakot na tia nag-aabang upang makagawa ng
masama sa mga Pilipino
b. Ang mababangis na hayop gubat na anumang oras ay handing
sumila o pumatay
c. Ang mga sakit o mga karamdamang hindi nabigyang lunas sa
panahong iyon
4. Ang balang bibig na pinagmumulan ng katotohanan
a. Ang mga taong mapanira sa kanilang kapwa at nagkukuwento
tungkol sa buhay ng may buhay
b. Ang mga taong nagsasabi o naglalahad ng katotohanan
tungkol sa pagmamalabis ng mananakop
c. Ang mga Espanyol ng naglalahad ng plataporma ng kanilang
pamumuno sa ating bansa
5. Ang kalis (espada o tabak) na ginagamit sa pagbibiyak o pampigil
sa bibig na pinagmumulan ng katotohanan
a. Ang makapangyarihang mga Espanyol na handing magparusa
sa sinumang Pilipinong maglalakas-loob na lumaban o
maglahad ng katotohanan
b. Ang mga sundalong Espanyong na handing magtanggol sa mga
Pilipino kapag sila’y naapi ng sinuman
c. Ang mga Espanyol na nagsasanay sa paghawak ng kalis upang
higit pang humusay ang kanilang kakayahan sa larangang ito

KASUNDUAN Gumawa ng isang tula, kuwento o sanaysay na nagpapakita ng iyong


pagmamahal sa iyong lungsod( hal.Lungsod ng Bago)

Inihanda ni:

RHODY MAE P. REMO


Guro

You might also like