You are on page 1of 5

I.

LAYUNIN:

a. Pamantayang Pangnilalaman:

Naipapamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa mga


akdang pampanitikan ng Africa at Persia.

b. Pamantayan sa Pagganap:

Nakapaghihikayat tungkol sa kagandahan ng alinmang bansa batay sa


binasang akdang pampanitikan.

c. Mga Kasanayang sa Pagkatuto:

Naihahanay ang mga salita batay sa kaugnayan ng mga ito sa isa’t isa.
(F10PT-IIId-e-79);
Naipahahayag ang damdamin at saloobin tungkol sa kahalagahan ng
akda sa sarili at panlipunang pandaigdig (F10PS-IIId-e-81);
Nasusuri nang pasulat ang damdaming nakapaloob sa akdang binasa at
ng alinmang social media (F10PS-IIId-e-81);
Naiuugnay ang suliraning nangingibabaw sa akda sa pandaigdigang
pangyayari sa lipunan (F10PN-IIId-e-79);
Nabibigyang-kahulugan ang damdaming nangingibabaw sa akda
(F10WG-IIId-e-74)

II. PAKSANG ARALIN:

Paksa: Panitikan: Nelson Mandela: Bayan ng Africa


(Talumpati mula sa South Africa)
Isinalin sa Filipino ni Roselyn T. Salum
Wika: Paggamit ng Tuwiran at Di-Tuwirang Pahayag
sa Paghahatid ng Mensahe
Uri ng Teksto: Naglalahad

Kagamitan: laptop, LED Television, Videoclip mula sa youtube, pantulong


Biswal

Sanggunian: https://www.youtube.com/watch?v=grh03- NjHzc&spfreload=10


Bilang ng Araw: 1 araw ( Marso 30-31, 2023 )

III. PAMAMARAAN:

a. Panimulang Gawain
 Panalangin at pagbati
 Pagtatala ng liban
 Pag tsek ng takdang aralin

b. Paglinang ng talasalitaan

Gawain 1: Paglinang ng Talasalitaan


Panuto: Isaayos ang mga salita sa loob ng baboy sa ibaba at ihanay ang mga
nabuong salita batay sa kaugnayan ng mga ito sa isa’t isa. Isulat ang sagot sa
hiwalay na papel.
1. MHIARAPHIG 2. AALNILA 3. GULGINU

5. PONTLAMUMI 6. ITSAUM
DUMASAGRU
4.

d. Pagganyak

Panuto:
Sa tulong ng mga gabay na tanong, sumulat ng isang maikling sanaysay tungkol
sa nais ipabatid ng larawan sa ibaba. Gawin ito sa hiwalay na papel.

Mga gabay na tanong:

1. Ano ang ipinakikita sa larawan?


2. Ano ang mensaheng nais ipabatid ng larawan?
3. Paano ipinakikita ng batang lalaki ang kaniyang pagmamahal sa kaibigang
aso?
4. Kung ikaw ay may alaga, paano mo ito inaalagaan?
5. Sa iyong pananaw, ano ang papel na ginagampanan ng mga alagang
hayop sa buhay ng tao?

e. Paglalahad

Sa araling ito ay mabibigyang-kahulugan at puna ninyo ang damdaming


nakapaloob at nangingibabaw dito sa pamamagitan ng akdang ating
babasahin ngayong araw. Matutukoy ninyo rin ang suliraning nangingibabaw
sa akda sa pandaigdigang pangyayari sa lipunan at sa pamamagitan ng
pagsulat ay masusuri ninyo ang damdaming nakapaloob dito na
paniguradong kapupulutan ng magandang aral sa buhay.

f. Pagtalakay

 Tatalakayin ng guro ang mahahalagang impormasyon tungkol sa maikling


kuwento bago babasahin ang akdang pinamagatang, Ang Alaga, Ni
Barbara Kimenye, Isinalin sa Filipino ni Prof. Magdalena O. Jocson.
Ang maikling kuwento o maikling katha ay nililikha nang masining upang
mabisang maikintal sa isip at damdamin ng mambabasa ang isang
pangyayari tungkol sa buhay ng tauhan o ng lugar na pinangyarihan ng
mahahalagang pangyayari. Taglay nito ang pagkakaroon ng (1) iisang
kakintalan; (2) may isang pangunahing tauhang may mahalagang
suliraning kailangang bigyan ng solusyon; (3) tumatalakay sa isang
madulang bahagi ng buhay; (4) may mahalagang tagpuan; at (5) may
kawilihan hanggang sa kasukdulan na agad susundan ng wakas. Isa sa
mga uri ng maikling kuwento ay ang kuwento ng tauhan na nagbibigay-
diin sa ugali o katangian ng tauhan tulad ng maikling kuwentong iyong
binasa na nakatuon sa katangian ng tauhan. Ang tauhan sa akda ay
kumilos ayon sa kaniyang paligid.

Sa akdang ating babasahin, ipapakita ang ugnayan ng tao at hayop.


Ngayon ay ating alamin ang ugnayan ng mga salita.

Ano an salitang magkaugnay?

Ang mga salitang magkaugnay ay tumutukoy sa mga salitang magkatulad


o magkaugnay ang kahulugan. Ang mga salitang ito ay maaaring
magkapareha, magkasingkahulugan o kaya naman ay magkasalungat.
Tandaan na ang mga salitang magkaugnay ay dapat naaangkop sa isa't
isa.

Halimbawa: dumamay - tumulong


nagalak – nasiyahan

 Gamit ang estratehiyang dugtungang pagbasa, babasahin ng klase ang


akdang nabanggit.

g. Paglalapat

Panuto: Suriin ang damdaming nakapaloob sa akdang binasa at


bigyang-kahulugan ito. Ipahayag ang iyong sariling damdamin at
saloobin tungkol sa kahalagahan ng akda sa sarili at panlipunang
pandaigdigan sa pamamagitan ng pagsulat ng alinman sa sanaysay,
tula, kuwento, o iba pang akda. Isulat ang sagot sa hiwalay na papel.

h. Paglalahat ng Aralin

Panuto: Kopyahin sa hiwalay na papel ang grapikong pantulong sa ibaba at


punan ito ng mga angkop na sagot.

Isang bagay na tumatak sa


isip ko sa akdang binasa.

Dalawang pangungusap na
Tatlong mabubuting
magagawa ko gamit ang mga
kaugaliang nakuha ko sa
pahayag na nagsasaad ng
opinyon. mga akdang binasa at
napanood.
h. Pagtataya ng Aralin:

1. Ano ang kabuuang damdaming nangibabaw sa akdang, “Ang


Alaga”?
A. pagkalungkot C. pagkadismaya
B. pagkasiya D. pagkabagot

2. Anong damdamin ang ipinahihiwatig ng pahayag na, “Natatawa siya sa sarili at


alam niya na hindi na siya maglalakad tuwing hapon at sa halip ay makakatulog
na siya nang maayos”?
A. pagkalungkot C. pagkadismaya
B. pagkasiya D. pagkabagot

3. Anong damdamin ang ipinahihiwatig ng pahayag na, “May ilang sandali na


nalulungkot siya sapagkat alam niya na karne ito ng mahal niyang alaga at
masaya niyang kinakain ito” ?
A. pagkalungkot C. pagkadismaya
B. pagkasiya D. pagkabagot

4. “Pakisabi kay lola na maaari siyang gumaling dahil sa dog”-Sarah


Geronimo. Ano ang ipinahihiwaig ng linyang ito?

A. kalungkutan C. paghihinagpis
B. pag-asa D. tiwala

5. Ngayon, gugugulin niya ang kaniyang buhay sa maliit niyang dampa sa tabi ng
ilog sa Kalansanda. Ano ang kahulugan ng salitang may salungguhit?
A. aayusin C. pag-uukulan
B. paglalaanan ng oras D. papansinin

6. Maging si Kibuka ay naninimot sa sarili niyang mga pagkain maibigay lamang


sa alaga niyang baboy. Ano ang kahulugan ng salitang may salungguhit?
A. inuubos C. pinapapak
B. kinakain D. tinatapon

7. Karaniwang nagtatampisaw ang mga taga-Kalansanda sa ilog. Ano ang


kahulugan ng salitang may salungguhit?
A. nagbababad C. naglalaro
B. naliligo D. nangingisda

8. Alin sa mga sumusunod na salita ang hindi kabilang sa ginagamit na salita sa


paglalahad ng opinyon?
A. baka… C. siguro…
B. maaaring… D. at saka…

9. “Sa aking paniniwala, ang tanging makapagpapagaling sa aking lola ay ang


aking alagang aso na si Happy.” Anong salitang naglalahad ng opinyon ang
ginamit sa pangungusap?
A. makapagpapagaling C. sa aking paniniwala
B. sa aking D. tangi

10. Sa nararanasang pandemya, marami ang nagkakasakit at namamatay na halos


wala nang magawa kundi tanggapin na lamang ang pangyayari. Anong
sitwasyon sa akda ang may kaugnayan sa pahayag?

A. Naiisip niyang naghuhukay na siya ng paglilibingan ng alaga.


B. Sa pagkakaretiro niya, nag-aalala pa rin siya kung paano ginagawa sa
kasalukuyan ang dati niyang trabaho.
C. Habang nakaupo siya sa tabi ng namatay na alagang hayop, iniisip niya
ang kasunod na mga pangyayari.
D. Sa bawat hakbang niya upang masiyahan ang alagang baboy ay
katumbas naman ng labis na sakit ang dulot sa kaniya na halos ikaiyak
niya.

II. TAKDANG-ARALIN:

Basahin at Unawain ang akdang, Sundiata: Ang Epiko ng Sinaunang Mali


(Epiko mula sa Mali, West Africa)
Mula sa Sundiata: An Old Epic of Mali
Ni D.T. Niane salin sa Ingles ni G.D. Pickett
Isinalin sa Filipino ni Mary Grace A. Tabora

Inihanda ni:

FRENCES RAFAEL SOMIDO


Guro, Filipino 10

Binigyan pansin:

RHEENA L. VARGAS
Itinalaga, Namumunong Guro I/Filipino

You might also like