You are on page 1of 13

Banghay-Aralin sa Filipino

I. Layunin:
a. Nakabubuo ng k
b.
c.
d. ahulugan sa mga letrang bumubuo sa salitang puso.
e. Natutukoy ang mga mahahalagang detalye sa akda.
f. Nakapagpapahayag ng sariling pananaw tungkol sa usaping pag-ibig.
II. Paksang-Aralin:

a. Paksa: “Babang Luksa” salin ni Olivia P. Dantes


b. Sanggunian: Marasigan, Emily V. Pluma (Wika at Panitikan). Phoenix Publishing House, Inc.
c. Kagamitan: mga ginupit nahugis- puso, visual aid,
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Pagbati
2. Panalangin
3. Pagpapanatili ng Kaayusan at Kalinisan
4. Pagtatala ng liban
5. Pagbabalik-aral
6. Pagganyak
Ang mga mag-aaral ay mag-iisip ng mga salita na maaaring pakahulugan sa bawat titik ng
salitang puso.

B. Paglalahad ng Aralin
1. Paghahalaw ng sagabal
Ayusin ang mga ginulong mga letra sa loob ng kahon upang mabuo ang salitang tinutukoy sa
kahulugan ng salitang may salungguhit sa bawat pangungusap.

tbida
2. 1. Talos mo bang ang pagdurusa ko’y magdadala na rin sa aking kamatayan?

malisu 2. Hindi ko maipaliwanag kung bakit kailangan mong lumisan gayong


alam mong akoý malulumbay.
3. Ang pagpanaw ng isang minamahal ay nagdudulot ng hindi maipa-
yagpao
liwanag na kalungkutan at kawalan.

laaala 4. Ang ating nakalipas ay lagi nang laman ng aking gunita.

5. Ang puso ko ngayo’y naninimdim,kalian kaya kita muling makaka-


Nuung piling?
aklaotl

2. Pagbasa ng tula
3. Talakayan
Mga gabay na mga tanong:
 Anong damdamin ang namamayani sa may-akda?Ano ang masasabi mo sa kanya
bilang isang mangingibig?Pangkaraniwan ba ito sa mga lalaki? Pangatuwiranan.
 Kalian isinasagawa ang babang-luksa?Bakit sa kabila ng panahong lumipas ay
nanatiling sariwa sa puso ng may-akda ang mga alaala ng kanyang kabiyak?
 Ano ang epekto sa kanya ng muling pagbabalik sa mga pamilyar na lugar kaugnay
ng kanyang mahal?
 Nasubukan mo na rin bang mawalan ng isang minamahal pansamantala man o
permanente na? Ano ang naramdaman mo? Paano mo tinanggap ang pagsubok na
ito?
 Sa iyong palagay, ano kaya ang pinakamabisang paraan upang maghilom ang isang
pusong sugatan.
C. Paglalapat

Pamantayan:
Kaayusan at kalinisan- 30%
Nilalaman- 50%
Pagkakaisa ng grupo- 20%
Kabuuan: 100%

Unang pangkat: Pumili ng kantang naaayon sa mga pangyayaring naganap sa tula. Ipakita ito sa
klase.

Ikalawang pangkat: Gamit ang graphic organizer na ANNA(Alam na, Nais Malaman, Nabatid),
isulat ang inyong sagot sa mga sumusunod:
Alam Na (K) Nais Malaman(W) Nabatid(L)
Ano ang alam mo sa pag- Ano pa ang gusto mong Batay sa tula, ano ang
ibig? malaman tungkol sa natutunan ninyo tungkol sa
pagmamahal sa isang tao? pag-ibig?

Ikatlong pangkat: Punan ang graphic organizer sa ibaba ng iyong pananaw sa bawat paksang
nakalahad.
Tunay na pag-ibig Pagpapakasakit Kabiguan Paglimot

D. PAglalahat
Piliin sa loob ng puso ang mga salitang bubuo ng talata.

mag-alala, magmahal, dibdib,


pakiramdam, kapakanan,
sarili,

Ang pinakamadaling bagay na maaaring magawa ng isang tao ay ______. Ang


isang taong hindi _____ ay walang puso. Sa literal na kahulugan , wala ang puso sa kanyang
_____ o kung may puso man ay walang ______. Sa tunay na kahulugan, ang taong may puso ay
marunong makiramdam, marunong ______ at marunong tumingin sa kapakanan ng kanyang
kapwa at hindi sa sarili.
IV. Ebalwasyon
Piliin sa Hanay B ang tamang karugtong ng pahayag sa Hanay A. Isulat ang titik.
_____1. Isang taon na ang nakalilipas
_____2. Kung nasa pook na karaniwang dalawin
_____3. Marahil maaga kang kinuha ng Panginoon
_____4. Puting buhok ko’y hindi mo makikita
_____5. Ang pagmamahalan natin ay masidhi’t marangal

a. Hindi mamatay, walang katapusan


b. Kung magkaedad na tayo
c. Tila kahapon lang nang ika’y lumisan
d. Naaalala ko ang ating paggiliw
e. Upang sa isipa’y hndi ka tumanda
V. Takdang- Aralin:
1. Basahin ang Kabanata III- Kay Celia ng Florante at Laura.
2. Ano-ano ang mga bagay na naaalala ni Balagtas tungkol sa pag-iibigan nila ni Celia?
3. Ihambing ang mga pangyayaring naganap sa nakalipas na aralin sa nabasang kabanata.
4. Humanda sa talakayan sa susunod na pagkikita.
Sanggunian: Florante at Laura p. 6-10.

Inihanda ni:
CHRISLYN A. ANTONIO
Guro
BAnghay-Aralin sa Filipino
I. Layunin:
a. Nakapagbibigay ng kahulugan ng salita, malalim man na pakahulugan o literal.
b. Nakahihinuha ng kagandahang –asal na mkukuha sa akda.
c.Nakapagbabahagi sa klase ng mga magagandang kaisipang napulot sa talinghaga.
II. Paksang-Aralin:

a. Paksa: “Ang Talinghaga tungkol sa May-ari ng Ubasan ”


b. Sanggunian: Marasigan, Emily V. Pluma (Wika at Panitikan). Phoenix Publishing House, Inc.
c. Kagamitan: visual aid, laptop,
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Pagbati
2. Panalangin
3. Pagpapanatili ng Kaayusan at Kalinisan
4. Pagtatala ng liban
5. Pagbabalik-aral
6. Pagganyak
 Pagbibigay ng mga pansariling karanasan, narinig o nabasang pangyayari kaugnay
sa paksa.
B. Paglalahad ng Aralin
1. Paghahawan ng balakid
 Pagbibigay kahulugan sa mga salitang hango sa talinghaga.

Literal na kahulugan

Simbolikong Kahulugan
Ubasan
Ispiritwal na kahulugan

Literal na kahulugan

Manggagawa Simbolikong Kahulugan

Ispiritwal na kahulugan

Literal na kahulugan

Usapang salaping Simbolikong Kahulugan


pilak
Ispiritwal na kahulugan

2. Paglalahad ng Aralin
 Pagbibigay hinuha sa nilalaman ng talinghaga batay sa pamagat at mga kaugnay na
pahiwatig “Ang nahuhuli ay nauuna at ang nauuna ay nahuhuli.”
 Pagbasa ng talinghaga
 Talakayan
a. Bakit ubasan ang tagpuan sa talinghaga?
b. Ano ang nais ilarawan ni Hesus sa pagsasalaysay niya tungkol sa dalawang uri
ng manggagawa sa ubasan? Pangatuwiranan.
c. Kung is aka sa manggagawang maghapon ngtatrabho at nagtiis sa nakapapasong
init ng araw ngunit ang tinanggap na upa ay kapareho rin ng isang oraas lamang
nagtrabaho, magrereklamo ka rin ba? Bakit?
d. Kung isa ka naman sa mga manggagawa na tumanggap ng parehong upa kahit
kulang ang oras mo sa paggawa, ano ang mararamdaman mo?tatanggapin mob a
ang ibinigay saiyong upa? Pangatuwiranan.
e. Suriin ang pahayag ng isang pangkat ng mga manggagawa sa talinghaga: “Isang
oras lamang gumawa ang mga huling dumating samantalang maghapon kming
nagtatrabaho at nagtiis sa nakapapasong init ng araw.bakit naman pinagpare-
pareho ninyo an gaming upa?” sa iyong pagsusuri, anong mabuting asal ang
nawawala sa pangkat ng mga manggagawang maysabi nito?pangatuwiranan.
f. Kung ikaw ang may-ari ng ubusan, pare-pareho rin ba ang upa na ibibigay mo sa
mga mangagagawa? Bakit?
g. May kilala o alam ka bang tao na katulad ng may-ari sa ubasan? Sa anong bagay
o gawi sila nagkakatulad?
C. Paglalapat
Pamantayan:
Kaayusan ng presentasyon- 20%
Nilalaman- 50%
Pagkakaisa- 30%
Kabuuan: 100%

Unang pangkat- Bumuo ng sariling salaysay sa kung ano ang nais ipahatid na mensahe ng
talinghaga.

 Bilang Bilang Bilang


mensahe
pangkaisipan pandamdamin pangkaasalan

Ikalawang Pangkat- Kumpletuhin ang pangungusap upang mabuo ang diwa.

Matapos kong mabasa ang Talinghaga ng tungkol sa May-ari ng Ubasan, nalaman ko at natimo sa
aking isipan na___________________________________________.

Naramdaman ko rin at nanahan sa aking puso ang _____________________________________.

Dahil dito, may mga nais akong baguhin sa aking ugali, mula ngayon
___________________________________________________________________________________.

Ikatlong pangkat- Pumili ng sitwasyon/pangyayari sa teksto at gawan ito ng maikling pagsasadula.

IV. Ebalwasyon:
Gumawa ng repleksyon tungkol sa natutunang aral mula sa talinghaga. (¼ na papel )

V. Takdang-Aralin:
1. Ano-ano ang kaantasan ng wika?
2. Ipaliwanag ang bawat uri. Magbigay ng halimbawa at gamitin sa pangungusap.

Inihanda ni:
CHRISLYN A. ANTONIO
Guro
Banghay-aralin sa Filipino

I. Layunin:
a. Natutukoy ang mga kilos/ galaw/ pananaw sa buhay ng mga tauhan
b. Naiisa-isa ang mahahalagang detalye tungkol sa teksto.
c. Nakagagawa ng isang repleksyon batay sa pananaw ng isang tauhan sa akda.
II. Paksang-Aralin:

a. Paksa: Timawa
b. Sanggunian: Pagbasa at Pagsulat sa Filipino
c. Kagamitan: visual aids, laptop, manila paper

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1.Pagbati
2.Panalangin
3. Pagpapanatili ng Kaayusan at Kalinisan
4. Pagtatala ng liban
5. Pagbabalik-aral
6. Pagganyak
Patutugtugin ang isang musika na may pamagat na” Pagsubok”.

B. Paglalahad ng Aralin
1. Paghahalaw ng sagabal
 Kapagdaka- sa sandal; kaagad
 Timawa- isang alipin; hampas lupa; mababang klse ng nilalang/tao
 Tampok- gitna; pinakamahalaga
2. Talakayan
 Pagbasa ng teksto
a.Paglalarawan sa buhay ni Andres
b.Pagsisikap na ginawa niya upang makamit ang pangarap
c. Mga aral na maaaring maging inspirasyon sa buhay.

C. Paglalapat
Pangkat 1- Batay sa mga anyo, pag-iisip at pagkilos

Tauhan Paniniwala Kilos


1.Andres
2.ama
3. amo ng ama
4.Bill at Alice

Pangkat 2 – Gumawa ng islogan sa pagsisikap na ginawa ni Andres upang makamit ang


pangarap niya. Ilagay ito sa kartolina.

Pangkat 3-
Pangunahing KAisipan

Detalye 1

Detalye 2

Detalye 3
D. Paglalahat:
Titingnan ng mga mag-aaral ang katayuhan ng isang mahirap sa ating lipunan.
Magbibigay ng reaksyon ang bawat isa.

IV. Ebalwasyon
Isa-isahin ang pagsisikap na ginawa ni Andres. Dapat ba siyang tularan? Ipaliwanag. (5 pts.)

V. Takdang- Aralin:
1. Basahin ang “PAGISLAM: Ang Pagbibinyag ng mga Muslim”.
2. Sa halip na pagbibinyag, ano-ano ang seremonyang ginagawa ng mga Muslim?
3. Maghanda sa malayang talakayan sa susunod na pagkikita.

Inihanda ni:
Chrislyn A. Antonio
Guro
Banghay-Aralin sa Filipino

I. Layunin:
a. Nakapaghihinuha ng mga pangyayaring nilalaman ng teksto
b. Nakapag-uugnay ng nakalipas na panahon sa kasalukuyang panahon
c. Nakagagawa ng sariling simbolo para sa kalayaan.
II. Paksang-Aralin:

a.Paksa: Dekada ‘70


b. Sanggunian: : Marasigan, Emily V. Pluma (Wika at Panitikan). Phoenix
Publishing House, Inc.
c. Kagamitan: visual aids, mga larawan, powerpoint presentation

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1.Pagbati
2.Panalangin
3. Pagpapanatili ng Kaayusan at Kalinisan
4. Pagtatala ng liban
5. Pagbabalik-aral
6. Pagganyak
 Pagpapakita ng mga larawan na naganap noong Martial Law.
B. Paglalahad ng Aralin
1. Pagtalakay
 Pagbibigay ng hinuha sa nilalaman ng teksto batay sa pamagat

Dekada
‘70

2. Panonood ng dekada ‘70


 Pagtalakay sa pamilya ni Amanda
 Paglalarawan sa mga tauhan.
 Kalagayan ng buhay ng mga Pilipino sa pAnahon ng Martial Law.
 Pag-uugnay ng nakalipas na pangyayari sa kasalukuyan
C. Paglalapat
Unang Pangkat- Gamit ang storyboard, ipakita ang mga mahahalagang pangyayari sa
kuwento .

Unang mahalagang senaryo: Ikalawang mahalagang


senaryo:

Paliwanag: Paliwanag:
Paliwanag:

Ikatlong mahalagang senaryo: Ikaapat na mahalagang


senaryo:

Paliwanag:
Paliwanag:

Ikalimang mahalagang Ikaanim na mahalagang


senaryo: senaryo:

Paliwanag: Paliwanag:
Ikalawang pangkat: Magbahagi sa klase ng mga impormasyong nakalap mula sa
magulang o sa balita,maging ito man ay kinuwento o nabasa sa Panahon ng Martial Law.
Gawin ito sa pamamagitan ng panel discussion.

Ikatlong pangkat: Gamit ang decision chart, ipaliwanag kung anong panig kayo. Sang-
ayon sa Martial Law o hindi?

Martial Law

Sang-ayon Di-sang-ayon

D. Paglalahat:
Magkaroon ng dugtungang pagkukuwento ang klase sa pangyaayring naganap sa
teksto.

IV. Ebalwasyon:

Gumawa ng simbolo para sa kalayaang ipinaglalaban ng mga Pilipino noong Panahon ng


Martial Law. Ipaliwanag ito.

V. Takdang-Aralin:

1. Sa iyong palagay, maaari ba kayang maulit muli ang mga pangyayaring naganap noong
panahon ng Martial Law Pangatuwiranan. Isulat sa ½ na papel.
2. Mahanda sa pagbabahagi nito sa klase bukas.

Inihanda ni:
Chrislyn A. Antonio
Guro
Banghay-Aralin sa Filipino

I. Layunin:
d. Nakapagpapahayag ng saloobin mula sa nakitang larawan.
e. Natutukoy ang mga seremonyang ginagawa ng mga Muslim at ang mga paraan kung
paano ito ginagawa
f. Naibibigay ang kahulugan ng mga salitang ginamit sa akda.
II. Paksang-Aralin:

a. Paksa: PAGISLAM:Ang Pagbibinyag ng mga Muslim


b. Sanggunian: : Marasigan, Emily V. Pluma (Wika at Panitikan). Phoenix Publishing
House, Inc.
c. Kagamitan: visual aids, mga larawan, powerpoint presentation

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1.Pagbati
2.Panalangin
3. Pagpapanatili ng Kaayusan at Kalinisan
4. Pagtatala ng liban
5. Pagbabalik-aral
6. Pagganyak
May ipapakitang mga larawan na ginagawa ng mga Muslim at bibigyan ito ng komento
ng mga mag-aaral.

B.Paglalahad ng Aralin
1. Paghahalaw ng sagabal
Mula sa mga pagpipilian, kilalanin at piliin ang lahat ng salitang kasingkahulugan ng
salitang nasa gitna.

Mahirap hampaslupa
marangal maralita
pinagpala dukha
anak-pawis nakaririwasa

naghihikahos

2. Pagtalakay
Mga gabay na tanong:
 Bakit hindi binibinyagan ang mga batang Muslim tulad ng pagbibinyag ng mga
Katoliko?Ano ang paniniwala nila tungkol sa bagong silang na sanggol?
 Sa halip na pagbibinyag, ano-anong seremonya ang isinasagawa nila?
 Bakit kailangang ang pangalan ni Allah ang unang marinig ng isang batang
Muslim?Ano ang kaugnayan nito sa kanilang paniniwala?
 Kung ikaw naman ang batang nahulaang magdaranas ng paghihikahos dahil
lumubog ang buhok mo sa tubig nang isagawa ang seremonya, paano mo
haharapin ang kinabukasan?Maapektuhan k aba ng negatibong hula sa iyo?
Ipaliwanag.
3. Paglalapat
Indibidwal na gawain.
Punan ang mga kahon sa ibaba ng tawag sa tatlong seremonya ng pagbibinyag
gayundin ng mga detalyeng kasama sa bawat seremonya.
Unang Ikalawang Ikatlong
seremonya seremonya Seremonya

Kailan isinasagawa ang bawat seremonya?

Ano-ano ang detalye ng bawat seremonya?

IV. Ebalwasyon:
Ibigay ang ibig sabihin ng mga ito batay sa pagkakamit sa sanaysay at sa pangungusap.
1.Isang pandita ang babasa ng adzan sa kanang tainga ng sanggol.
a. pari c. kaibigan
b. magulang d. kamag-anak
2. Ang peggunting o pogubad ay isinagawa pitong araw pagpanganak ng sanggol.
a. Ito ang unang seremonya ng pagbibinyag.
b. Ito ang ikalawang seremonya ng pagbibinyag.
c. Ito ang ikatlong seremonya ng pagbibinyag.
d. Ito ang ikaapat na seremonya ng pagbibinyag.
3. Nagsasagawa ang mga magulang ng kanduli at ditoay inaanyayahan ang mga kaibigan,
kamag-anakan at pandita.
a. sayawan c. palatuntunan
b. salo-salo d. pagpupulong
4. Nagpapatay sila ng mga hayop sa seremonyng tinatawag na aqiqa . Ano ang ibig sabihin
nito?
a. pagpapakita ng antas ng pamumuhay ng magulang
b. pagbibigay ng pagkain sa mga kababayang nangangailangan
c. paghahandog ng pagmamahal at pasasalamat
d. paghahandog ng parangal sa kanilang anito
5. Kabilang ang paghahanda ng buaya sa seremonyang ito.
a. isang uri ng hayop na mapanganib sa tao
b. isang uri ng paputok upang mapawi ang masamang hula
c. isang uri ng kakaning gawa sa kanin, niyog, at manok
d. isang uri ng anting-anting na panlaban sa masasama.

V. Takdang-aralin:
Pumili ng paksang nakatala sa ibaba. Sumulat ng sanaysay.
 Isang kaugaliang Pilipinong Ipinagmamalaki Ko kahit Kanino
 Isang kaugaliang Pilipinong Hindi Ko na Gustong Maabutan Pa ng mga Magiging
Anak Ko
 Ang Pagdiriwang ng Pista sa Aming Bayan
 Isang Naiibang Karanasan
Banghay-Aralin sa Filipino

I. Layunin:
a. Nakasasagot sa mga katanungang may kaugnayan sa paksa.
b. Nakapagbibigay ng mga reaksyon o payo sa katayuhang kinakaharap ng babae sa akda.
c. Naibibigay ang kahulugan ng bawat pahayag sa sanaysay

II. Paksang-Aralin:

a. Paksa: Kay Stella Zeehandelaar


g. Sanggunian: : Marasigan, Emily V. Pluma (Wika at Panitikan). Phoenix Publishing House, Inc.
h. Kagamitan: visual aids, mga larawan, powerpoint presentation

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1.Pagbati
2.Panalangin
3. Pagpapanatili ng Kaayusan at Kalinisan
4. Pagtatala ng liban
5. Pagbabalik-aral
6. Pagganyak
Basahing mabuti ang sitwasyon at sagutin ito nang buong tapat.
a. Mahigpit ang iyong magulang. Hindi ka pinapayagang magparty at mag-outing dahil
delikado raw ang lugar na pupuntahan.
b. Kailan nagkakaroon ng problema, sa sobrang higpit o sa sobrang laya sa isang pamilya o
bansa?

B. Paglalahad ng Aralin
a. Pagbasa ng sanaysay
b. Gabay na katanungan:
i. Bakit kakaiba siya sa mga kabataang babae sa kanilang lugar?
ii. Ano-ano ang nais niyang mangyari sa mga tulad niyang babae?
iii. Paano niya pinalipas ang nakababagot niyang buhay habang nakakulong?
iv. Nasaan na kaya siya ngayon pagkatapos mabuksan ang matagal niyang tali sa
luma nilang tradisyon? Ano-ano kaya ang kanyang nakamit? Manghinuha
v. Kung ikaw ang nasa kalagayan ng tauhan, paano mo haharapin ang buhay na
walang kalayaan?

C. Palalapat
Unang Pangka- Punan ang Triple Journal Entry upang maipahayag ang iyong saloobin at
ang saloobin ng inyong grupo mula sa akda at sa iyong reaksyon.
Pahayag mula sa Akda Reaksyon ko sa Pahayag Reaksyon ng iba sa
pahayag sa akda at sa
pahayag Ko
Gusto kong makakilala ng
taong masayahin,
May karapatan ba akong
wasakin ang puso ng mga
taong walang naibigay sa
akin kundi ang pagmamahal
at kabutihan?
Ibig kong maging Malaya,
makapag-aral at hindi
mapailalim sa sinuman.

Ikalawang Pangkat- Kung matalik mong kaibigan ang babae sa akda na nakaranas ng
opresyon at unti-unting paglaya, anong handog ang ibibigay mo sa kanya bilang simbolo ng
kanyang paglaya? Isulat ito sa loob ng kahon. Ipaliwanag.
Ikatlong Pangkat- Gumawa ng liham na pangkaibigan na naglalaman ng payo sa babae sa
akda.

IV. Ebalwasyon:

Hanapin sa Hanay B ang kahulugan ng pahayag sa Hanay A. Isulat ang letra ng tamang sagot.

A B
________1. Patuloy na lumalapit sa amin ang tinig na a. Iba-iba ang reaksyon ng mga tao sa Namangha
galing sa malayong lupain. ang ibang mga nasyon sa naganap na
________2. Ako ay itinali sa bahay at kailngang ikahon. pagbabago sa knailnag bansa, bagama’t
________3. Nabuksan ang pintong mahigpit na pagbabagong dumating sa kanilang bansa
nakasara, kusa, pilit, at bahagya lamang ang iba at subalit sapilitan nila itong tinanggap.
pinapasok ang mga di inanyayahang panauhin b. Inihahanda siya sa buhay na haharapin bilang
_______4. Nasindak ang mundo at naging usap-usapan babaeng Muslim.
ang “krimeng”iyon. c. Namangha ang ibang mga nasyon sa naganap
_______5. Ibig kong makarating sa malayo, mas na pagbabago sa knilang bansa, sapagkat
malayo. salungat ito sa nakagisnan nilang tradisyon.
d. Gusto niyang matuto ng maraming bagay at
makapaglakbay
e. Unti-unting nabuo sa kanyang puso ang pag-asa
ng pagbabago sa tulong ng mga dayuhan

V. Takdang-Aralin
1. Pumili ng isang paksa sa ibaba at bigyan ng repleksyon
a. Isang tradisyong patuloy na namamayani sa inyong kultura na sa iyong
palagay ay hindi dapat manatili sapagkat nagdudulot ng opresyon o
kaapihan sa ibang tao anuman ang kasarian o kalagayan nito sa buhay
b. Ang kalagayan ng kababaihan sa ating kultura sa kasalukuyan
c. Mga bagay na nagpapatunay ng pagkakapantay-pantay ng kababaihan at
kalalakihan sa ating lipunan

Inihanda ni:
Chrislyn A. Antonio
Guro
Naga College Foundation
Penafrancia Ave. , Naga City

Graduate School Department

Kalipunan ng mga
Banghay- Aralin sa
Filipino

Ipinasa ni:
Chrislyn A. Antonio
MaEd- Fil

Ipinasa kay:
Elisia A. Bayrante
Professor

You might also like