You are on page 1of 11

BANGHAY- ARALIN SA FILIPINO

BAITANG 8
UNANG MARKAHAN
ARALIN 1 : Ikalimang Araw
Panitikan/Wika: Karunungang-bayan/Paghahambing
Paksa : Buhay Mahalaga (Teksto)

I. LAYUNIN

Nagagamit ang paghahambing sa pagbuo ng alinman sa bugtong,


salawikain, sawikain o kasabihan (eupemistikong pahayag) (F8WG-la-c-17)

a. Natutukoy ang mga karunungang-bayan at pahambing na ginamit sa


mga pahayag o teksto.
b. Nakabubuo ng alinman sa mga karunungang-bayan gamit ang mga
paghahambing.
c. Naiuugnay sa sariling buhay ang mga pagpapahalagang napapaloob
sa mga karunungang-bayan.

II. PAKSANG-ARALIN:

Paksa: “BUHAY MAHALAGA” (Tula-Teksto)


KARUNUNGANG-BAYAN/PAGHAHAMBING
Sanggunian: Modyul sa Filipino (Baitang 8) , pahina 39
Kagamitan: Laptop/Computer, Panturong biswal

III. PAMAMARAAN
A.Paghahanda Gawain 1. Balikan Natin

Panuto: Batay sa iyong nakuhang impormasyon sa


nakaraang aralin, ano ang pagkakaiba at pagkakatulad
ng salawikain/kasabihan at sawikain. Sagutin sa
pamamagitan ng Venn Diagram.

Pagkakaiba
Pagkakaiba
Pagkakatulad
Gawain 2: Ayusin Mo…
Panuto: Ayusin at buuin ang mga salitang nasa loob ng
kahon para mabuo ang angkop na karunungang-bayan at
isulat ang naisaayos na pahayag sa patlang.

1. 2.

______________________ ______________________
______________________ ______________________

3. 4.

________________ ______________________________
______________________________

 Ano-ano ang mga salita/parirala/taludturang


nabuo mo?
 Ano ang tawag sa bawat salitang sagot mo?
B. Paglalahad/ Ipabasa ang pamagat at layunin ng aralin sa tulong ng
powerpoint.
Paghahambing

C. Pagtatalakay Gawain 3: Basahin Mo…


(Propel Integration)

Ipabasa/Ipabigkas ang tula sa paraang dugtungan.

Buhay Mahalaga
ni Sonya Liza H. Baidiango

Kabatan sa kasalukuyan
Gabay ng magulang kailangan
Ang gawa sa pagkabata
Dala hanggang sa pagtanda.

Ang magandang asal ay kaban ng yaman


Itanim ito sa puso’t isipan
Mas mabuti pang kubo, na nakatira’y tao
Kaysa mansiyon, na nakatira’y kuwago.

Ano man ang iyong gagawin


makapitong isipin
Nasa huli ang pagsisisi
Sa mga oras ng pighati.

Nasa Diyos ang awa,


Nasa tao ang gawa
Tiyaga at sikap sa lahat ng bagay,
Daig ng maagap ang masipag sa buhay.

Itaga sa bato,
Ang umaayaw ay di nagwawagi
Hindi hadlang ang karukhaan
Upang liwanag ay masilayan.

Pagsusunog ng kilay
Ang tanging kaagapay
Magandang guhit ng kapalaran
Abot-tanaw na makakamtan.

Sariling gawa

 Ano-ano ang mga paalaalang binanggit ng tula tungkol


sa buhay ng tao at ang kahalagahan nito?
 Paano nabuo ang teksto/tula?

Gawain 4. Tukuyin Mo, Ihanay Mo


Pangkatang Gawain.

(Papangkatin sa tatlo ang klase at ipagawa ang Gawain)

Basahin at piliin sa binasang teksto ang mga ginamit


na karunungang-bayan. Bawat pangkat ay may iaatas na
karunungang-bayang ihahanay sa loob ng kanilang
kahon.

Pangkat 1-(Salawikain) Pangkat 2- (Sawikain)


Pangkat 3- Kasabihan)

D. PAGLALAPAT Gawain 5: Basahin ang talata at iugnay kung anong


Salawikain ang angkop sa kaisipang ipinahihiwatig sa
nasabing talata. Isulat ang nabuong salawikain sa loob
ng kahong nasa ibaba at pagkatapos ay hanguin mula sa
binasang teksto ang bahaging ginamitan ng
paghahambing (magkatulad).

Ang Diyos ay likas na mahabagin at


mapagmahal. Nakatitiyak tayong hinding-hindi niya
pababayaan ang mga tao sa mundo. Ang Diyos ay
laging nakikinig sa ating mga panalangin. Subalit sa
kabila nito, sa mga pagsubok na mararanasan natin
dito sa mundo ay huwag lang puro dasal at hiling
ang dapat gawin ng mga tao para malagpasan ang
mga ito. Dapat pa ring tandaan ng mga tao na gawin
ang responsibilidad nila. Mahalaga pa ring magsikap
at kumilos upang malagpasan ang anumang
pagsubok na mararanasan sa buhay. Mahalaga ang
paggawa at di lang paghingi ng tulong at awa sa
Diyos. Parehong kailangan ng mga tao ang pananalig
sa ating Panginoon kasabay ang pagkilos at
pagsisikap sa buhay.

Angkop na salawikain sa tekstong binasa:

______________________________________________
______________________________________________
______________________________________________

Pahayag o kaisipang may paghahambing:

______________________________________________
______________________________________________
______________________________________________

E. PAGLALAHAT Gawain 6: KONSEPTO, IHANAY MO

PANUTO: Bumuo ng mga mahahalagang konseptong


natutuhan sa aralin. Pagkatapos, ihanay ang mga ito sa
talahanayan sa ibaba.

A. Karunungang- Konsepto
bayan

Salawikain

Sawikain
Kasabihan

Pahambing Konsepto

Magkatulad

Di-magkatulad

F. PAGPAPAHALAGA Gawain 7: Sagutin Mo…

Para sa iyo, mabisa pa rin bang gamitin bilang


patnubay o gabay ng kagandahang-asal sa kasalukuyan
o sa buhay-kabataan ang mga karunungang-bayan?
Patunayan.
(Isulat sa iyong journal ang sagot)

IV. EBALWASYON Panuto: Tukuyin ang angkop na karunungang-bayan at


mga pahambing na ginamit sa mga pahayag/sitwasyon.

1. “Gumawa nang mabuti sa kapwa, higit ang balik sa iyo


ng ginhawa” Anong salita ang ginamit sa kasabihan
na naglalarawan ng paghahambing na Di-magkatulad

A. higit C. mabuti
B. balik D. ginhawa

2. Parehong kailangan ng tao ang pananalig sa Diyos


at kasipagan sa buhay.” Ang salawikaing
angkop sa kaisipang ito ay:
A. “Ang pananalig ay landas ng tagumpay”
B. “Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa”
C. “Ang tao ay pantay-pantay sa mata ng Diyos”
D.“Ang hanap ni Bathala ay hindi salita kundi
gawa”

3. Para mailarawan ang paghahambing na


magkatulad, anong salita ang ginamit sa pahayag
nasa aytem 2?
A. tao C. pananalig
B. pareho D. kasipagan

Si Jayson ay bunso sa apat na


magkakapatid. Siya lamang ang lumaking
basagulero at pasaway na naging dahilan kung
bakit siya itinakwil ng kanyang mga kapatid at
magulang.
4. Aling kasabihan ang angkop sa sitwasyon na
naghahambing sa pagkatao ni Jayson?
A. tila basang sisiw
B. parang itim na tupa
C. tulad ng ibong mandaragit
D. gaya ng maamong kordero

5. “Dahil sa pangarap na makapagtapos sa pag-aaral,


natutong mag-ipon si Danilo ng pera para magamit
niya sa panahon ng kagipitan”. Anong salawikain
ang angkop sa sitwasyong ito?
A. “Pag may isinuksok, may madudukot.”
B. “Ang magtanim ng hangin, bagyo ang aanihin.”
C. “Matalino man ang matsing ay napaglalangan
din.”
D. “Ang sakit ng kalingkingan, damdam ng buong
katawan.”

V. TAKDANG-ARALIN Gawain 8:
Panuto: Batay sa sitwasyon, gumawa ng isang Brochure
ng Karunungang-bayan.

Sitwasyon:

Dadalaw ngayong buwan sa inyong barangay


ang mga piling senior citizen na nagmula sa iba’t
ibang lalawigan. Ang layunin nila sa pagdalaw ay
upang matiyak na ang kabataan ay may naiaambag
sa pagpapanatili ng yaman ng kultura at tradisyon
ng ating lahi. Ikaw, bilang SK chairman, ay naatasan
ng inyong punong barangay na magpakita ng mga
katibayan na ang kabataan ay may malaking bahagi
sa pagpapanatili ng sariling kultura at tradisyon.
Naisip mo na ipakita ito sa pamamagitan ng pagbuo
ng isang brochure na naglalaman ng mga
karunungang-bayan kung saan iuugnay mo ang mga
gawaing pangkabataan sa inyong barangay.

RUBRIK
PAMANTA- LUBOS NA KATANGGAP- MAHINA
YAN KATANGGAP- TANGGAP
TANGGAP
(5) (3) (1)
Organisas- Lohikal ang May ilang nakalilito
yon pagkakaayos teksto at ang
ng mga larawan na pagkakaayos
teksto at wala sa lugar ng teksto at
larawan mga larawan
Kalidad ng Klaro at tama may ilang karamihan
mga ang larawang di sa mga
larawan perspektibo klaro o tama larawan ay
ang perspek- di klaro o
tibo malabo ang
perspek-tibo
Dibuho Kaakit-akit Medyo kaakit- Di-gaanong
ang brochure akit ang kaakit-akit
dahil tama brochure ang
ang kahit may brochure
kombinasyon ilang maling dahil kitang-
ng kulay, kombina- kita ang
estilo, laki ng syong maling
font at makikita sa kombina-
pagkakaayos brochure syon ng
ng teksto at larawan,
larawan estilo, font at
teksto
Gumamit Mabisa ang Di- Di mabisa
ng pagkakagamit masyadong ang
Karungang ng karunu- mabisa ang pagkakaga-
-bayan ngang-bayan pagkakaga- mit ng mga
sapakat mit ng mga karunu-
nakatulong ito karunungang- ngang-bayan
upang bayan dahil sapagkat
maipakita ang di-gaanong halatang
kultura at naipakita ang pilit ang
tradisyong kultura at pagpapa-
Pilipino tradisyong kita ng
Pilipino kultura at
tradisyong
Pilipino

Inihanda nina:

EDNA S. TOMIMBANG
SONYA LIZA H. BAIDIANGO
Guro sa Filipino-Gutalac 1

Susi sa Pagwawasto:

Gawain2
1.”Kung ano puno, siya rin ang bunga”- salawikain
2. “Ubos-ubos biyaya, Bukas nakatunganga” - kasabihan
3. malayo sa bituka - Sawikain
4. “Gaano man katibay ang piling abaka, ay wala ring lakas kung nag-iisa”-
Salawikain

Ebalwasyon
1. A
2. B
3. B
4. B
5. A

You might also like