You are on page 1of 7

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon IV- A CALABARZON
Sangay ng Batangas
Padre Garcia National High School
Poblacion, Padre Garcia, Batangas

Masusing Banghay- Aralin para sa Pakitang-Turo sa Filipino 7

Petsa: Setyembre 20, 2018


Asignatura: Filipino
Markahan: Ikalawang Markahan
Tema: Panitikang Bisaya: Repleksiyon ng Kabisayaan
Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang mga akdang
pampanitikan ng Kabisayaan.
Pamantayan sa Pagganap: Naisusulat ng mag-aaral ang sariling awiting bayan gamit
ang wika ng kabataan.
Araw: Huwebes

I. LAYUNIN
A.(F7PT-IIe-f-9) Nabibigyang kahulugan ang mga salitang iba-iba ang digri o antas ng
kahulugan.
B. Naisasagawa ang pagkiklino sa mga salita batay sa tindi o digri ng ipinapahayag.
C. Napapahalagahan ang tamang digri o tindi ng salitang nais iparating.

II. NILALAMAN
Paksa: Mga Salita ayon sa tindi ng Ipinapahayag
Sanggunian: “Kalinangan” (workteks sa Filipino 7),slideshare.com
Kagamitan: telebisyon,laptop, slide deck,manila paper, yeso at index card
Kahalagahang Pangkatauhan: Gamitin ng wasto ang klino sa mga salita upang
maipabatid natin ng ayos ang tindi o digri n gating damdamin.

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


Panimulang Gawain
1. Pagdarasal
(Pagpapanood ng video clip ng
pagdarasal) Sa ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu
Santo…
2. Pagbati sa Klase
Magandang Umaga mga bata. Magandang umaga din po.

3. Pagsasaayos ng silid-aralan
Mangyaring ayusin ang hanay ng inyong
mga upuan at pulutin ang kalat sa paligid.
4. Pagtatala ng liban
Ngayon ay nais kong tawagin ang kalihim
ng klase at upang sabihin kung sino ang
liban ngayong araw.
5. Pagbabalik-aral
1. Ano-ano ang mga tradisyong
mayroon ang akdang Miss
dolying? Ang tradisyong makikita po sa akdang
Miss Dolying ay ang wagas kung
magmahal ng kabisayaan.
2. Anong akdang pampanitikan
nabibilang ang Miss Dolying?
Ang akdang Miss Dolying ay isang dula.
A. AKTIBITI
Ngayong araw ay mgkakaroon tayo ng
isang gawain na tatawaging “Emosyon
ko, Akamin mo” kung saan ang bawat
pangkat ay magbibigay ng emosyong
mararamdaman kapag nawala ang mga
nasa larawan. Pagkatapos ay kailangan
ninyong ibigay ang iba pang salitang
kaugnay ng emosyong inyong
mararamdaman. Bawat pangkat ay mag-
uunahang ayusin ang mga salita ayon sa
tindi ng kahulugan nito.
Maliwanag ba ang gagawin?
Opo, maliwanag po an gaming gagawin.
“Ano ang mararamdaman mo kapag
nawala sa iyo ang ….?”

Mga posibleng sagot ng bata :


 Lungkot,lumbay, pighati,hapis
 Galit,muhi, poot,ngitngit
 Lumuluha,umiiyak, humahagulhol

(Malayang kasagutan ng bata)


B. ANALISIS
1. Batay sa ating ginawa ano ang
inyong napansin? Napansin ko po na ang bawat isa ay
nagbahagi ng mga mararamdaman
kapag may nawala sa amin.
2. Sa inyong palagay,
magkakapareho ba ng kahulugan
ang mga salita?Bakit? Hindi po dahil may mga pagkakaiba po ito
sa kahulugan.
3. Batay sa ating ginawa, paano
ninyo pinagsunod-sunod ang mga
salita? Sa pamamagitan po ng tindi ng
ipinapahayag ng bawat salita .
Tumpak ang iyong kasagutan at iyan nga
ang paksang ating tatalakayin ngayong
araw.

C. ABSTRAKSYON
Ngayon ay ating tutuklasin ang mga salita
ayon sa tindi ng ipinapahayag.
Ano nga ba ang pagpapasidhi ng
damdamin? Hindi lahat ng salitang magkakasing-
kahulugan ay pareho ang ibig sabihin.
Hindi maaaring pagpalitin ang gamit ng
mga ito. Bagaman iisa ang malawak na
kahulugan, magkakaiba naman ang tindi
ng ipinapahayag nito.

Ang klino ay isang uri ng pagpapahayag


ng saloobin o emosyon sa paraang
papataas ang antas nito. Halimbawa:
1. Hindi maaaring sabihin na ikaw ay
humahagulhol kung humihikbi ka
lamang.

Hikbi nguyngoy iyak hagulhol


Halimbawa:
Pagpapasidhi ng salitang “gutom”
a. Kumakalam ang sikmura
b. Hayuk na hayok
c. Nagugutom
c a b
Halimbawa:
Pagpapasidhi ng salitang “mahal”
a. Gusto kita
b. Crush kita
c. Type kita
d. Sinasamba kita
e. Mahal kita b c a e d

Sa inyong pananaw, kailangan ba nating


iklino ang mga salita? Bakit? Sa akin pong palagay ay kailangan nating
iklino ang mga salita upang malaman
kung ano ang mga kahulugan nito
gayundin ay maging tama ang gamit nito
sa pangungusap.
Mahalaga ba ang ginagampanang papel
ng klino sa mga damdaming ating nais
ipahayag?
Mahalaga po ito dahil sa pamamagitan
nito ay nalalaman natin ang tamang
damdaming dapat gamitin sa isang
pahayag.
Ngayon ay ating gawin ang gawaing
“Mag-inarte ka!”

 Nasusunog ang bahay at


humihingi ng tulong- (galit)
 Makikipagbreak sa bf/gf- (masaya)

(Inaasahang isasagawa ang gawain)


Sa iyong palagay, ano ang kahalagahan
ng paggamit ng mga salitang
nagpapasidhi ng damdamin sa
pagpapahayag ng saloobin? Ang kahalagahan po nito ay nalalaman
natin kung ano ang ipinapahayag na
damdamin ng isang tao. Natutukoy natin
kung anong saloobin ang ipinaparating.

D. APLIKASYON

Upang malaman kung lubos ninyong


naunawaan ang ating tinalakay ay
magkakaroon tayo na pangkatang
gawain. Ang bawat pangkat ay mag-
uunahan sa pagsusunod-sunod ng mga
salita batay sa tindi o digri ng
ipinapahayag.. Ang mauunang pangkat
ay bibigyan ng limang puntos. Ang may
pinakamataas na puntos ang tatanghaling
panalo.

Naunawaan ba ang gagawin?


Opo, naunawaan po namin.
1. a.Galit
b.Inis
c. Poot
d.Suklam 1. b a c d

2. a.Pagkawala
b.Pagkaubos
c.Pagkasaid
2. a b c
3. a.Hagulhol

b.Nguyngoy

c.Hikbi

d.Iyak 3. c b d a

4. a. malambot
b. marupok
c.mahina
4. a c b
5. a. Ngumiti
b. Tumawa
c. Humalakhak

5. a b c

PAGLALAHAT

Muli, ano ang pgkiklino?

Ang klino po ay isang uri ng


pagpapahayag ng saloobin o emosyon sa
paraang papataas ang antas nito.
PAGTATAYA

Panuto: Suriin ang mga sumusunod na


pahayag upang bigyang kahulugan ang
mga salita batay sa digri nito. Gamitin
ang bilang 1-5.

_____ Lumulutang sa alapaap.


_____ Maaari ng mamatay dahil sa
kaligayahan.
_____ Nag-uumapaw sa galak.
_____ Naiiyak sa tuwa.
_____ Walang pagsidlan ang puso sa
tuwa.
Susi sa Pagwawasto
25134
Bahagdan ng Pagkatuto:____

TAKDANG-ARALIN
1.Magtala ng mga pahayag o salita na
magkakasingkahulugan at pagsunod-
sunurin ang mga ito batay sa tindi o digri
ng ipinahahayag.
2.Ano ang interbyu?

Inihanda ni :

ROSE ANN A. PADUA


Gurong- nagsasanay

Binigyang pansin ni:

MINERVA M. BUAN
Gurong- Tagapagsanay

You might also like