You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV- A CALABARZON
Division of Rizal

Taytay National High School


Taytay, Rizal

MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 7

Kasanayang Pampagkatuto
A. Pamantayang Pangnilalaman
 Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa mga piling akdang tradisyunal ng
Silangang Asya.
B. Pamantayan sa Pagganap
 Ang mag-aaral ay nakasusulat ng sariling akda na nagpapakita ng pagpapahalaga sa
pagiging isang Asyano.
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto
 Nagagamit ang suprasegmental na antala/hinto, diin at tono sa pagbigkas ng tanka at
haiku. (F9WG-11a-b-47)

I. Layunin
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
A. Natutukoy ang wastong bigkas, hinto, at tono ng mga salita sa binasang pangungusap;
B. Nakapagpapahayag ng tama at malinaw na impormasyon gamit ang wastong diin,
intonasyon, at hinto o antala sa pagbabasa; at
C. Naisasadula ang bagay, emosyon, at kahulugan ng mga salita, parirala, o pangungusap
ayon sa tamang ipinahihiwatig ng mga ito sa teksto.

II. Paksang Aralin


Gramatika: Mga Suprasegmental na Antala/Hinto, Diin at Tono/Intonasyon
Sanggunian: Pluma pp. 96-99, slideshare.com, pinterest.com
Kagamitan: Cartolina, Speaker, Laptop, Yeso at Pisara, LCD, Cellphone
Pagpapahalaga: Upang maiwasan ang maling impormasyon, bigkasin ng
maayos ang mga salitang bibitawan sa kapwa at sa social
media.

III. Yugto ng Pagkatuto:


Panimulang Gawain
 Panalangin
 Pagbati
 Pagtala ng liban
 Pangkalinisan
A. Aktibiti
1. Balik-Aral
 Ano ang alamat? Ibigay ang mga elementong bumubuo sa isang alamat.
2. Pagganyak
 Magpaparinig ang guro ng dalawang recordings ng isang kwento. Ang unang recording
ay may mali at malabong mensahe dahil sa maling bigkas at tono. (Nakadikit sa pisara
ang mga sinasabi sa recordings.)
Unang Recording (Mali)
Isang araw, habang kumakain sa isang kaInan si Jake may isang matipunong
lalaking nakatitig ng masama sa kanya. Akma niyang isusubo ang unang subo niya nang
hinawakan ito sa KAmay.
Matipunong lalaki: Ikaw ba si Biboy?
Jake: Hindi po ako si Jake!
Matipunong lalaki: Gusto mong mapaSO nitong hawak kong lighter?
Jake: Syempre hindi po?
Matipunong lalaki: Joke lang? Jake! Ikaw na ba talaga ‘yan!
At nagyakapan ang dalawa.
Panglawang Recording (Tama)
Isang araw, habang kumakain sa isang kaiNAN si Jake may isang matipunong
lalaking nakatitig ng masama sa kanya. Akma niyang isusubo ang unang subo niya nang
hinawakan ito sa kaMAY.
Matipunong lalaki: Ikaw ba si Biboy?
Jake: Hindi po// ako si Jake!
Matipunong lalaki: Gusto mong maPAso nitong hawak kong lighter?
Jake: Syempre hindi po!
Matipunong lalaki: Joke lang! Jake? Ikaw na ba talaga ‘yan?
At nagyakapan ang dalawa.

B. Analisis
Magpapakita ng larawan ang guro at magtatanong ng ilang katanungan tungkol dito:
 Ano ang tawag sa kanya?
 Ano ang gawain ng tulad niya?
 Gaano kahalaga ang kanyang trabaho sa mga tao?

 Anong mangyayari kung mali ang impormasyong maibibigay niya?


 Paano kaya magiging mailinaw ang kanyang pagbabalita?

C. Abstraksyon
 Iisa-isahin ng guro ang mga ponemang suprasegmental (Diin, Tono/Intonasyon,
Hinto/Antala)
 Ipaliliwanag ang haiku at tanka ay binabasa ng tama upang maunawaan ang mensahe
nito.
 Ibibigay ang depinisyon sa klase at ipaliliwanag.
 Pagkatapos ng pagpapaliwanag, magbibigay ng ilang halimbawa ang guro.
 Hihingi ng ilang halimbawa ang guro sa klase.
 Pag-uusapan ang mga halimbawang naibigay.
 Kung kinakailangan, gagamitin ang mga halimbawa sa mga pangungusap at dayalogo
upang magkaroon ng konkretong ideya ang mga mag-aaral.
D. Aplikasyon
Hahatiin ang grupo sa tatlo. Ang bawat pangkat ay aatasang isadula ang inihandang kwento ng
guro. Ang rubriks sa pagbibigay puntos ay ididikit sa pisara at babasahin ng lahat. Gagawin
lamang ng bawat grupo ang gawain sa loob ng 2 minuto.

Krayterya 5-6 puntos 7-8 puntos 9-10 puntos


Tamang Emosyon Halos hindi na Hinihingan pa ng mas Naipahayag ng mabuti
maintindihan ang angkop na emosyon ang emosyong
emosyong dapat ang ilang kaganapan hinihingi ng skit
ipahayag sa skit sa skit
Tamang Diin Mas maraming ang Halos lahat ng Lahat ng inaasahang
maling bigkas kaysa sa inaasahang salitang salitang kailangan ang
tamang bigkas ng mga kailangan ang tamang tamang diin ay
salitang kailangan ng diin ay nabigkas ng nabigkas ng tama
tamang diin tama
Tamang Hinto Nagkakagulo ang May ilang bahagi ng Malinaw na malinaw
takbo ng kwento dahil kwento (dayalogo) na ang kwentong
sa maling paghinto o hindi nabigyan ng isinadula dahil sa
antala sa mga tamang hinto tamang hinto o antala
dayalogo

IV. Paglalahat
Pupunan ng mga mag-aral ang inihandang graphic organizer ng mga tamang salita, parirala, at
pangungusap o ideya. Ang sagot ay manggagaling sa tanong ng guro. Ididikit ng bata ang salita,
parirala, at pangungusap o ideya sa inihandang organizer. Madadagdag ang puntos nila sa
aktibiting ito sa kanilang puntos sa aplikasyon.

Gintong Aral: Ang malinaw na impormasyon ay makapagdudulot ng kapayapaan.


V. Pagtataya
a. Diin
Panuto: Panuto: Piliin ang tamang bigkas ng salita may salungguhit ayon sa pagkakagamt nito sa
pangungusap.

1. Lucy ang ipinangalan sa pinakaunang babaeng labi sa Pilipinas.


a. LA:bi b. la:BI
2. Sa pagbaba ni Pangulong Duterte sa pwesto, may mababago kaya sa bansa?
a. BA:ba b. ba:BA

b. Tono/Intonasyon
Panuto: Tukuyin ang wastong tono ng bawat pahayag batay sa layunin nito.
3. kanina = ____________, pag-aalinlangan
a. 213 b. 231
4. Kanina = ____________, pagpapatibay, pagpapahayag
a. 213 b. 231
5. mayaman = ____________, pagtatanong
a. 213 b. 231
6. Mayaman = ____________, pagpapahayag
a. 213 b. 231

c. Antala/Hinto
Panuto: Piliin ang tamang kahulugan o pagpapaliwanag sa sumusunod na pangungusap.
7. Hindi// siya ang kaibigan ko. = ______________________________
a. Ang nagsasalita ay ipinipilit na siya ang kaibigan (ng kung sino man) na maaaring may
itinuturong ibang tao.
b. Marrin niyang sinasabi na hindi siya ang kaibigan (ng kung sino man).

Mga Sagot:
1. b 5. a
2. a 6. b
3. a 7. a
4. b

VI. Kasunduan

Sanaysay: Paano nakatutulong ang tamang diin, tono, at intonasyon sa pakikipag-usap sa kapwa
upang makapagpahayag ng damdamin o saloobin?

Magdala ng Oslo paper at gagamiting pangkulay bukas para sa susunod na aralin.

Inihanda ni:

DARNEL RAGUNDI CAYOG


Guro sa Filipino 7

Binigyang pansin nina:

SHIELA D. MAGAN
Tagapangulo, Kagawaran ng Filipino

You might also like