You are on page 1of 4

Marabut National High School

Marabut, Samar

MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 10

I.LAYUNIN:

MGA KASANAYAN SA PAGKATUTO:

1. Natutukoy ang mga panghalip na ginamit sa pangungusap at


pinatutukuyan o ang hinahalinhan nito.

2 . Nakabubuo ng sariling pangungusap gamit ang Kohesyong Gramatikal


na Anapora at Katapora..

3. Nailalahad ang pagkakaiba ng Anapora at Katapora.

II.NILALAMAN/PAKSA

GRAMATIKA: KOHESYONG GRAMATIKAL--- ANAPORA at KATAPORA


*kagamitang biswal at aklat

III- Proseso Ng pagkatuto

Gawaing Rutinari
Pagtatala ng Liban
Pagtsek ng Takdang Aralin

Balik-Aral
Ipapaliwanag ang Kasabihang ‘ kung hindi ukol hindi bubukol” Iuugnay sa
tinalakay kahapon.

AKTIBITI
1. Motibasyon

Ipapabasa sa mga mag-aaral an gang diyalogong nakasulat sa


Manila Paper. Ipapansin ang sa kanila ang mga salitang may salungguhit.

Tanong:
1.Ano ang tawag sa mga salitang may salungguhit
sa mga diyalogo?

2. Paano ito nakakatulong sa pangungusap?

2. Presentasyon

1. Magpapakita ng isang talata. Ipapasuri sa mag-aaral ang talata at ipaayos ito.


Gabay na tanong:

1. Pansinin ang talata ano ang inyong napapansin


2. Kung aayusin natin ang talata ano ang angkop gamitin?
3.Paano nakatulong ang mga panghalip bilang panuring sa pangalan.

Magbabahagi ng Input sa Aralin ang piling mag-aaral.

1. Ano ang kaibahan ng Anapora sa Katapora?

Pangkatang Gawain

Pangkat- I – Bumuo ng apat na pangungusap gamit ang kohesyong


Gramatika Anapora/Katapora
Pangkat-II- Mag-isip ng awiting nag-uumpisa sa panghalip panao
Pangkat- III- Sumulat ng saknong ng tula na ginagamitan ng
Kohesyong gramatika
Pangkat- IV- Gumawa ng Islogan gamit ang kohesyong gramatika
Anapora/Katapora

Analisis.
1. Bakit mahalangang gamitin ang mga panghalip bilang panuring sa tauhan?

Abstraksyon:

Ipaliwanag ang tinatawag na anaphora at katapora (Sa pamamagitan nito


bumuo ng talata sa tanong na nasa ibaba) Iuulat ng piling mag-aaral.

a. Paano mo ilararawan ang buhay mo sa loob ng sampung taon mula ngayon.

Aplikasyon:

“Matutong mamaluktot kung maiksi ang kumot”.

Sumulat ng patunay kung paano ang pahayag na ito nakakaapekto sa


buhay ng mga Pilipino na ginagamitan ng panghalip.

Pamantayan Puntos
Nilalaman 5
Angkop na gamit ng panghalip na panuring 5
KABUUAN 10
3. Ebalwasyon

Panuto: Tukuyin ang angkop na kasagutan sa bawat bilang.

1. Ito ay bahagi ng pananalita na ginagamit bilang panghalili sa pangangalan.


a. pandiwa c. panghalip
b. pang-abay d. pangatnig

2. Karamihan s mga tao ay ikinakabit ang kulturang Pranses sa Paris. Ito ang sentro ng
moda, pagluluto, sining at arkitektura. Ang panghalip ay ginamit bilang.

a. anapora c. cohesive
b. katapora d. referent

3. Sila ay sopistikado kung manamit. Ang mga taga-France ay masayahin at mahilig


dumalo sa mga kasayahan. Ang panghalip na sila ay ginamit na panuring bilang
_________.
a. anapora c. pang-uri
b. katapora d. panghalip

4-5. Piliin ang mga panghalip sapangungusap at uriin kung ito ay anapora o katapora.
Isa sa mga pangunahing pinagkakakitaan ng buwis ng bansa ang turismo dahil ito ay
nagbibigay ng napakalaking pera sa kaban ng bansa.

B. Bumuo ng tatlong pangungusap gamit ang kohesyong gramatikal

C. Ibigay ang pagkakaiba ng anaphora at katapora gamit ang venn dayagram.

Susi sa Pagwawasto
1. C 2. A 3. B 4. Ito 5. Katapora

SEKSYON Bilang Ng Mag-aaral INDEX

Inihanda ni:

GNG. HILDA S. LAVADO


Guro sa Filipino

Sinuri ni:

MYLENE M. AMANTILLO
Ulong-Guro

You might also like