You are on page 1of 7

San Guillermo Vocational and Industrial High School

Centro II, San Guillermo, Isabela


San Guillermo, Isabela

MASUSING BANGHAY ARALIN

Pamantayang pangnilalaman:
Pamantayang pagganap:

I. LAYUNIN
a. Naipaliliwanag ang pagkakaiba ng isang tekstong sanggunian sa iba pang mga teksto.
b. Naipahahayag ang sariling saloobin tungkol sa tekstong reperensyal.
c. Naisusulat nang may damdamin at saloobin ang isang tekstong sanggunian tungkol sa sariling
kultura.

II. PAKSANG ARALIN


a. Aralin: Aralin 5
b. Paksa: Tekstong sanggunian (reperensyal), hinango sa ibang kaalaman
c. Sanggunian: Pagbasa at pagsusuri ng iba’t ibang tekstotungo sa pananaliksik (batayang aklat)
d. Kagamitan: PowerPoint, Laptop, TV, Aklat

III. PAMAMARAAN
GAWAING GURO GAWAING MAG-AARAL
A. PANIMULA

1. Pagbati
Magandang umaga klas! Sa oras na ito, ako ang inyong
magiging guropansamantala. Ako si Bb. Venus A. Quilang
ang inyong guro sa asignturang Filipino. Magandang umaga rin po Mam Venus!

2. Panalangin
Bago tayo magsimula sa ating klase, hinihiling ko na tayo ay
manalangin, Bb. Trixie maaari mo bang pangunahan ang Opo Mam.
panalangin?
Tayo ay yumuko at manalangin.
Panginoon, maraming Salamat po sa
ibinigay ninyong bagong pagkakataon
upang kami ay matuto. Gawaran mo kami
ng isang bukas na isi upang maipasok
namin ang mga itinuturo sa amin at
maunawaan ang mga aralin na

Date: 04/03/2023
San Guillermo Vocational and Industrial High School
Centro II, San Guillermo, Isabela
San Guillermo, Isabela
makatutulong sa amin sa pagtatagumpay sa
3. Pagtala ng mga lumiban buhay na ito. Amen.
Klas mayroon bang lumiban sa klase ngayon?
Wala po Mam!
Mabuti naman kung ganoon klas, ako’y nagagalak at kayo ay
kumpleto upang matuto ngayong araw na ito.

4. Balik-aral
Bago tayo dumako sa ating bagong paksang aralin, atin
munang sarwain ang inyong isipan tungkol sa ating paksang
natalakay noong nakaraan.

Anong uri ng teksto ang ating natalakay noong nakaraan klas?

Ruby, maaari mo bang subukin?


Opo Mam. Batay sa ating pinag-aralan
noong nakaraan tungkol sa tekstong
naglalahad, idto ay uri ng teksto na
layuning maglahad o magpaliwanag ng
Magaling! impormasyon sa mga mambabasa.

Batid kong hand ana kayo sa ating bagong paksang aralin


ngayon.
Tama baa ko klas?
Opo Mam!

5. Pagganyak
Upang subukin muli ang inyong kakayahan sa uri ng teksto
ako ay mayroong inihandang paunang Gawain na mayroong
kaugnayan sa ating paksa ngayong araw na ito.
“I-AYOS MO AKO”
Panuto: Ayusin ang mga letrang nagkabali-baliktad upang
mabuo ang hinihinging sagot.
Maliwanag ba klas? Opo Mam!

DIKSIYONARYO Mam!

Date: 04/03/2023
San Guillermo Vocational and Industrial High School
Centro II, San Guillermo, Isabela
San Guillermo, Isabela

HANDBOOK Mam!

ALMANAC Mam!

BIBLITOGRAPIYA Mam!

YEARBOOK Mam!

Mahusay klas!
Ang lahat ng inyong nabuo ay halimbawa ng mga bagay na
maaaring mapagkuhanan ng impormasyon.
Sa inyong palagay anong uri ng teksto ang ating paksa
ngayong araw na ito?

Date: 04/03/2023
San Guillermo Vocational and Industrial High School
Centro II, San Guillermo, Isabela
San Guillermo, Isabela
Mga bagay na maaaring gamitin upang
makakalap ng impormasyon Mam.
Tumpak klas!
Ang ating paksa ngayong araw na ito ay ang tekstong
saggunian o reprensyal.
B. PAGLINANG (TALAKAYAN)

Atin munang alamin kung ano nga ba ang tekstong


sanggunian o reperensyal

pakibasa Trixie. Tekstong Sanggunian (Reperensyal)


Ang tekstong sanggunian o reperensyal ay
mga tala ng impormasyon, kaalaman, o
kaisipan na nagmula sa anumang
publikasyon tulad ng aklat at iba pang
babasahin.
Maraming Salamat!
Sa iyong palagay Kristine ano ang tekstong sanggunian ayon Sa aking sariling pang-unawa, ang tekstong
sa binasa ni Trixie? reperensyal ay mga impormasyon na
nagmula sa anumang mga kagamitan na
maaaring mapagkuhanan ng ga datos.

Tama!

Ito ay mga impormasyon na kung saan ay maaaring makuha


sa mga aklat, maaari din sa mga elektroniko. Katulad ng ibang
uri ng teksto, ang tekstong reperensyal ay naglalaman din ng
mga makatotohanang impormasyon.

Narito ang klasipikasyon ng tekstong Sangguniaan o


reperensyal.

1. Primaryang sanggunian- tuwiran ang paglalahad ng


mga impormasyong nagmula mismo sa taong
kasangkot at nakasaksi nito. Nagbibigay ang
primarying sanggunian ng Firsthand evidence tungkol
sa isang tao, pangyayari, bagay, at likhangsining sa
pinatutungkulan ng isang pagsusuri o pag-aaral.
2. Sekondaryang sanggunian- di-turwiran ang
paglalahad ng impormasyon sapagkat hinango, kinuha
ang impormasyon mula sa iba. Masasabi rin na ang
sekundaryang sanggunian ay nagbibigay ng komento,
interpretasyon, talakay buod, paglalarawan, at
agsusuri ng isang primaryang sanggunian.

Date: 04/03/2023
San Guillermo Vocational and Industrial High School
Centro II, San Guillermo, Isabela
San Guillermo, Isabela
Mga uri ng tekstong reperensyal o sanggunian

1. Abstrak- ito ay isang pinaikling pagbubuod ng


mahalagang nilalaman ng isang aklat, artikulo, o ibang
babasahin na kinapapalooban ng pinakapangunahing
pinupunto ng paksa. Maaari itong nagpapaliwanag,
nagtuturo, nagpapahiwatig, at nagbibigay-kaalaman
na nakasulat mula sa punto de vista ng may-ari.
2. Almanac- ito ay isang taunang pagkalap ng mga
impormasyon, pangyayari, katotohanan, petsa, at
estadistika. Isinasagawa ito upang magkaroon ng
mabilis na paghahambing o pagtutulad ng mga
kaganapan sa bawat taon.
3. Disksyunaryo- tinatawag din itong talatanungan. Ito
ay naglalaman ng tala ng maikling pagpapakahulugan
ng salita. Taglay rin nito ang (etimolohiya)
pinagmulan ng salita, estilo ng pagsasalita o
pagbigkas (diksiyon), at iba pang mga impormasyon.
Leksikon (lexicon) ito na may mga nakatalang salita
ng isang wika na naglalaman ng mga katumbas na
salita sa iba wika.
4. Bibliyograpiya- ito ay sistematikong listahan ng mga
gawa na isinulat ng isang tiyak na may-akda, listahan
ng mga ginamit na babasahin tulad ng sanguniang
aklat, pahayagan, magasin, journal, at iba pa. ito ay
maaaring maging komprehensibo o selektibo.
Layunin nitong mailahad ang pinanggalingan ng mga
nakalimbag sa libro. Matatagpuan ditto ang pangalan
ng may-akda na nauuna ang apelyido, pamagat ng
aklat/magasin, artikulo, pangalan ng
magasin/pahayagan, lugar ng pinaglimbagan, taon ng
pagkakalimbag, at pahina.
5. Direktoryo- listahan ito ng mga tao, lugar,
organisasyon, kompanya, institusyon, at iba pa na
naghahatid ng impormasyon at mahalagang detalye na
nakasulat ayon sa pagkakasunod sunod ng mga titik
ng alpabeto.
6. Handbook- naglalahad at nagbibigay ito ng mga
totoong impormason sa partikular na paksa na
madaling maunawaan. Sistematiko itong isinaayos
para sa mabilis at madaling pag-access.
7. Yearbook- taunan itong pagdodokumento ng mga
naipong mga kaalaman, impormasyon, larawan, at
estadistika ng mga pangyayari o kaganapan sa isang
partikular na paksa na nauukol sa isang bansa o isang
institusyon.

Date: 04/03/2023
San Guillermo Vocational and Industrial High School
Centro II, San Guillermo, Isabela
San Guillermo, Isabela
Pinapakita ng graphic organizer ang pangunahing nilalaman
ng tekstong sanggunian.

C. PAGLALAPAT

Ano ang kahalagahan ng tekstong sanggunian sa iyo bilang


isang mag-aaral?

Maaari mo bang subukin, Karen Mae? Opo mam

Ang tekstong sanggunian ay isang teksto na


kung saan ay napakahalaga sa amin bilang
isang mag-aaral sapagkat ito ay isang bagay
na makatutulong na mapunan ang mga
datos na aming kailangan lalo na sa mga
bagay na kinakailangan sa pag-aaral.
Magaling!
Ang tekstong sanggunian ay makatutulong sa atin upang
malaman ang mga impormasyong gusto natin na malaman
gamit ang iba’t ibang bagay na maaaring mapagkuhanan ng
impormasyon.

D. PAGLALAHAT

Klas, ano ang kahulugan ng tekstong sanggunian o Ito ay mga tala ng impormasyon na
reperensyal? maaaring makita sa anumang publikasyon.

Mahusay!
Ano naman ang mga uri ng tekstong sanggunian o • Abstrak
reperensyal? • Almanac
• Disyunariyo
• Bibliyograpiya
Date: 04/03/2023
San Guillermo Vocational and Industrial High School
Centro II, San Guillermo, Isabela
San Guillermo, Isabela
• Direktoryo
• Handbook
• Yearbook

Magaling!
Batid kong tunay na naunawaan niyo ang ating talakayan
tungkol sa tekstong sanggunian o reperensyal.

IV. PAGTATAYA/EBALWASYON

Para sa ating panghuling Gawain, ang klase ay papangkatin ko sa limang pangkat.


Sa isang buong papel, gumawa ng isang tekstong sanggunian tungkol sa isang tradisyong Filipino. Gamiting
basehan ang halimbawa sa aklat.
Bibigayan ko lamang kayo ng dalawampung minute upang tapusin ito.

Narito ang pamantayan sa pagsulat

Nilalaman 5%
Organisayon 5%
Gramatika 5%
Istilo 5%
KABUOAN 20%

V. TAKDANG ARALIN

Para sa inyong takdang aralin, basahin ang susunod paksa upang kayo ay aktibong makapagbabahagi ng
inyong kaalaman tungkol dito. (Tekstong nagsasalaysay o naratibo). Pahina 55.

Inihanda ni:

VENUS A. QUILANG
Gurong nagsasanay

Sinuri ni:

PRECILLE R. MORALLA
Gurong tagapagsanay

Date: 04/03/2023

You might also like