You are on page 1of 8

Petsa: Oktubre 1, 2021

Seksiyon at taon: Baitang 12 HUMSS


Sesyon: Paglinang A

Kompetensi: F11EP- IIId- 36


Nakakukuha ng angkop na datos upang mapaunlad ang sariling tekstong isinulat.

I.LAYUNIN
Matapos ang talakayan inaasahang ang mga mag-aaral na;

 Natatalakay ang layunin, kahulugan, elemento, uri ng pangangatwiran, at katangian ng


tekstong argumentatibo.
 Napahahalagahan ang mga sangay ng tekstong argumentatibo sa pamamagitan ng maayos
na pagpapahayag.
 Nakasusulat ng sariling sulatin sa tekstong argumentatibo.

II. PAKSA: Uri ng Teksto


A. Tekstong Argumentatibo

SANGGUNIAN:
 https://www.slideshare.net/CharlizeMarieDulaogo/tekstong-argumentatibo-217799985
 https://newspapers.ph/2020/12/tekstong-argumentatibo-halimbawa-at-kahulugan-nito/
 Libro (Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik)

KAGAMITAN: PowerPoint Presentation, Laptop, Larawan


ESTRATEHIYA:
 Secret Code
 Ladder Map
 PUNTO PER PUNTO
III. PAMAMARAAN
Gawain ng Guro Gawain ng mga Mag-aaral
A.Paghahanda
Pagsasagawa ng mga pang-araw-araw na
gawain

1.Pagbati

Magandang umaga mga mag-aaral!  Magandang umaga rin po, ma’am.

2. Pagtala ng liban

Mayroon bang lumiban sa araw na ito?  Wala/Mayroon po, ma’am.

B.Pagbabalik-aral

Batay sa napag-aralan ninyo sa Tekstong


Naratibo, ano ang kahulugan o ano ang  Ma’am, ang tekstong naratibo ay
tekstong naratibo? pagsasalaysay o pagkukwento ng mga
pangyayari sa isang tao/tauhan, lugar at
panahon.

Magaling! Bigyan natin siya ng Uwu voice.

Isa pang natalakay ninyo, ano naman ang


kahalagahan ng tekstong naratibo?  Ma’am ito po ay nakapagbibigay ng
aliw, namumulat tayo sa katotohanan,
nakapagdaragdag ng kaalaman o
karunungan, at nakapagbibigay ng
inspirasyon.

Mahusay! Bigyan din natin siya ng isang Uwu


voice.

Anu-ano naman ang halimbawa ng tekstong  Maikling kuwento po, ma’am.


naratibo?

Tama! Sino pa?  Sanaysay po, ma’am.

Mahusay! Sino pa ang makapagbibigay?  Nobela at talambuhay po, ma’am.

Mahuhusay! Ilan yan sa mga halimbawa ng


tekstong naratibo .

Ang iba pang halimbawa ng tekstong naratibo


ay kuwentong bayan, mitolohiya, alamat,
epiko, dula, anekdota, parabula, at marami
pang iba.

C.Paggaganyak
Bago tayo magsimula sa ating talakayan,
mayroon muna akong ihinandang pagganyak
sainyo at ito ay ang estratehiyang Secret Code.

Panuto: Tukuyin ang mga numero na nasa


pangungusap at hanapin ang katumbas na letra
nito sa alpabeto gamit ang estratehiyang Secret
Code.

1.Ang Tekstong Argumentatibo ay isang uri ng


teksto na nangangailangang ipagtanggol ng  EBIDENSIYA po, ma’am.
manunulat ang posisyon ng isang tiyak na
paksa o usapin gamit ang mga 5-2-9-4-5-14-
21-9-27-1

Mahusay!!

2. Ang emperikal na pananaliksik ay  DATOS po, ma’am.


tumutukoy sa pangongolekta ng 4-1-22-17-21

Mahusay!

3. Ang 18-20-17-18-17-21-9-21-27-17-14 ay
ang pahayag na inilalahad upang pagtalunan o  PROPOSISYON po, ma’am.
pag-usapan.

Mahusay!
4. Ang 1-20-7-23-13-5-14-22-17 ay ang
paglalatag ng mga dahilan at ebidensiya upang  ARGUMENTO po, ma’am.
maging makatuwiran ang isang panig.

Napakahusay nyo naman!

5. Kinakailangan ang malalim na pananaliksik


at talas ng 18-1-7-21-23-21-23-20-9 sa  PAGSUSURI po, ma’am.
proposisyon upang makapagbigay ng mahusay
na argumento.
Ang huhusay niyo naman! Dahil sa inyong
kahusayan na ipinakita, bigyan nyo ang inyong
mga sarili ng isang malupit na Uwu voice!  UWU!

D.Paghahabi ng Layunin
Sa larawan na inyong nakikita, ano kaya ang
inyong nahihinuha? Maaari niyo bang ilarawan  Ma’am dalawang tao po na
kung ano ang inyong nakikita? nagdedebate.

Ok mahusay!

Tandaan klas na ang larawan na inyong


nakikita ay may kaugnayan sa ating paksang
aralin ngayong araw na ito.
Tungkol saan kaya ang mga larawan na ito?  Ma’am Tekstong Argumentatibo po.
Sino ang nais magbahagi ng kaniyang ideya
tungkol sa ating tatalakayin?

Mahusay! Ang tatalakayin natin ngayong araw


na ito ay patungkol sa Tekstong
Argumentatibo.

E. Pagtalakay sa Aralin

Ang Tekstong Argumentatibo ay isang uri ng


teksto na nangangailangang ipagtanggol ng
manunulat ang posisyon sa isang na paksa o
usapin gamit ang mga ebidensiya mula sa
personal na karanasan, kaugnay na mga
literatura at pag-aaral, ebidensiyang
kasaysayan, at resulta ng emperikal na
pananaliksik.

Ano naman ang emperikal na pananaliksik?


Ang emperikal na pananaliksik ay tumutukoy
sa pangongolekta ng datos sa pamamagitan ng
pakikipanayam,sarbey, at eksperimentasyon.

Ngayon ay dadako naman tayo sa


KATANGIAN AT NILALAMAN NG
MAHUSAY NA TEKSTONG
ARGUMENTATIBO

1.Mahalaga at Napapanahong Paksa


- ang pagpili ng paksa ay nararapat na
napapanahon, pinag-iisipan ng mabuti, at mga
mahahalagang isyu na may bigat at kabuluhan.

2. Maikli ngunit Malaman at Malinaw na


Pagtukoy sa Tesis sa Unang Talata ng Teksto
- sa unang talata, rito ay ipinaliliwanag ng
manunulat ang konteksto ng paksa sa
pamamagitan ng pagtalakay nito sa
pangkalahatan.

3. Malinaw at Lohikal na Transisyon sa


Pagitan ng mga Bahagi ng Teksto
- transisyon ang magpapatatag ng pundasyon
ng teksto. Kung walang lohikal na
pagkakaayos ng kaisipan ay hindi
makasusunod ang mambabasa sa argumento ng
manunulat.

4. Maayos na Pagkakasunod-sunod ng
Talatang naglalaman ng mga Ebidensiya ng
Argumento
- ang bawat talata ay kailangang tumalakay sa
iisang pangkalahatang ideya lamang. Ito rin
ang magbibigay-linaw at direksyon sa buong
teksto.

5. Matibay na Ebidensiya para sa Argumento


- ito ay nangangailangan ng detalyado, tumpak,
at napapanahong mga impormasyon mula sa
pananaliksik.

LAYUNIN NG TEKSTONG
ARGUMENTATIBO
 Ito ay may layuning manghikayat sa
pamamagitan ng pangangatuwiran
batay sa katotohanan.
 Pagtatanggol ng manunulat sa kanyang
paksa o pagbibigay ng kasalungat laban
sa nauna gamit ang ebidensiya.

ELEMENTO NG PANGANGATUWIRAN
 Proposiyon- ito ay ang pahayag na
inilalahad upang pagtalunan o pag-
usapan.
 Argumento- ito ay ang paglalatag ng
mga dahilan o ebidensiya upang
maging makatuwiran ang isang panig.
MALING URI NG PANGANGATUWIRAN
(Fallacies of Reasoning)
 Argumentatum Ad Hominem
- Isang nakakahiyang pag-atake
sa personal na
katangian/katayuan ng katalo at
hindi sa isyung tinatalakay.
 Argumentatum Ad Baculum
- Puwersa o awtoridad ang gamit
upang maiwasan ang isyu at
tuloy na maipanalo ang
argumento.
 Argumentatum Ad Misercordiam
- Ito ay ang paraang pumipili ng
mga salitang umaatake sa
damdamin at hindi sa kaisipan.
 Non Sequitor
- Pagbibigay ito ng konklusyon sa
kabila ng mga walang
kaugnayang batayan.
 Ignoratio Erenchi
- Ito ay ginagamit ng mga
Pilipino lalo na sa mga usaping
barberya. Ito rin ay kilala sa
Ingles na Circular Reasoning.
 Maling Panlalahat
- Dahil lamang sa ilang sistema at
sitwasyon, nagbibigay na agad
ng isang konklusyong
sumasaklaw sa pangkalahatan.
 Maling Paghahambing
- Karaniwang tinatawag na
usapang lasing ang ganitong uri
sapagkat mayroong ngang
hambingan ngunit hindi naman
sumasala sa matinong
konklusyon.
 Maling Saligan
- Nagsisimula sa maling akala na
siyang naging batayan.
 Dilemma
- Naghahandog lamang ng
dalawang opsyon/ pagpipilian
na para bang iyon lamang at
wala ng iba pang alternatibo.
 Maling Awtoridad
- Naglalahad ng tao/ sangguniang
walang kinalaman sa isyung
kasangkot.

HALIMBAWA NG TEKSTONG
ARGUMENTATIBO
 Tesis
 Posisyong Papel
 Editoryal
 Petisyon
 Debate

F. Paglinang ng Kabisaan
Pagbibigay ng mga hakbang sa pagsulat ng
teksto gamit ang estratehiyang Ladder Map.

Panuto: Sa pamamagitan ng Ladder Map,


magbigay ng mga hakbang sa pagsulat ng
Tekstong Argumentatibo.

G. Pagtataya ng Aralin

Pangkatang Gawain: Mayroong dalawang


grupo, ang isang grupo ay dedepensahan ang
PROS at ang isang grupo naman ay
dedepensahan ang CONS at bawat grupo ay
malayang magbigay ng kanilang mga opinyon,
ideya, impormasyon at iba pa. Ito ay ang
estratehiyang Punto Per Punto.

Paksa: Sa makabagong panahon, dapat bang


aprubahan sa Pilipinas ang Abortion dahil sa
lumalaking bilang ng mga kabataang
nabubuntis at tumataas na kaso ng rape?

Pamantayan:
Paksa/ Kaisipan- 30
Pangangatuwiran – 20
Pagpapahayag/ Pagsasalita- 20
Pagtuligsa- 20
Tiwala sa Sarili- 10
100%

Naiintindihan ba ang inyong gawain sa


susunod nating pagkikita?

 Opo, ma’am.

IV. TAKDA
Panuto: Sumulat ng isang sanaysay hinggil sa mga napapanahong isyu sa bansa at bigyan ito ng
mga konkretong impormasyon, ideya, at mga ebidensya.
Ang sanaysay ay ipapasa sa susunod na linggo. Salamat.
V. MGA TALA
VI. REPLEKSIYON

You might also like