You are on page 1of 10

Republic of the Philippines

Department of Education
Region I
Division of La Union
Doña Francisca Lacsamana de Ortega Memorial National High School
Bangar, La Union

BANGHAY ARALIN SA PAKITANG-TURO

SA

FILIPINO 9

Inihanda ni:

Carrie Ann Shane E. Orine


Gurong nagsasanay

Namasid nina :

Aurora J. Sarmiento
Ulong-guro III

Vangeline V. Gonzaga
Gurong Tagapagsanay
BANGHAY ARALIN SA PAKITANG-TURO
Doña Francisca Lacsamana de
9 Sodium, Rubidium, Cesium, Silver,
Paaralan Ortega Memorial National High Baitang/Seksyon
Gold
School
Gurong
Carrie Ann Shane E. Orine Asignatura Filipino 9
Nagsasanay
Petsa/Oras Disyembre 2, 2022 Kuwarter Ikalawa
I. LAYUNIN (Objectives)
A.Pamantayang Pangnilalaman (Content Naipapamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa mga piling
Standard) akdang tradisyonal ng Silangang Asya.
B.Pamantayan sa Pagganap (Performance Ang mag-aaral ay nakasusulat ng sariling akda na nagpapakita ng
Standards) pagpapahalaga sa pagiging Asyano.
C. Kasanayang Pampagkatuto Nagagamit ang angkop na mga pahayag sa pagbibigay ng opinyon,
matibay na paninindigan at mungkahi (F9WG-IId-49)
D. Tiyak na Layunin Layunin: Pagkatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral sa ika-9 na
baitang ay inaasahang:
a. Natutukoy ang kahulugan at kabuluhan ng paggamit ng
pang-ugnay sa pagpapahayag ng sariling pananaw;
b. Naiisa-isa ang mga pahayag sa pagbibigay ng sariling
opinyon, paninindigan at mungkahi; at
c. Nakagagamit ng mga pang-ugnay sa pagpapahayag ng
sariling opinyon, matibay na paninindigan at mungkahi sa
pagsulat ng tula, pagbuo ng liriko, iskrip, at komiks istrip.
II. NILALAMAN A. Paksa
Paggamit ng angkop na mga pahayag sa pagbibigay ng
opinyon, matibay na paninindigan at mungkahi
B. Sanggunian
LU_Q2_Filipino9_Module3
(Ikalawang Markahan- Aralin 3.2 Wika at Gramatika: Mga
Pang-ugnay sa Pagpapahayag ng Sariling Pananaw)
C. Kagamitan
Laptop, powerpoint presentation, telebisyon, ispiker, video
explainer, mga larawan, white board at marker, kahoot
application, online spin the wheel, Filipino 9 Modyul 3 para
sa mag-aaral (Panitikan ng Silangang Asya pahina 9-15)

III. PAMAMARAAN
GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL PUNA
A. AKTIBITI PANIMULANG GAWAIN (10 minuto)

1. Panalangin:
Sino ang pangulo ng klase, maaari bang
pangunahan mo ang ating panalangin? Si Xantino po ma’am.

Sige Xantino, pangunahan mo ang panalangin. Magsitayo tayong lahat at


manalangin.
2. Pagbati:
Maganda at mapagpalang hapon sa ating lahat! Magandang hapon din po
Bb. Orine!
Kumusta ang inyong araw klas? Mabuti naman po ma’am.
Mainam naman kung ganoon.

Pagtatala ng Liban:
Sino na ulit ang tseker ng ating attendance? Si Krystal po ma’am.
May lumiban ba sa klase Krystal? Wala po ma’am
Wow! Sana laging perfect attendance para
walang nahuhuli sa ating klase ano? Oo nga po ma’am.

3. Pagbabalik-aral
Noong nakaraang pagkikita natin klas, ano ang
ating tinalakay? Naaalala niyo pa ba? Pinag-aralan po natin ang
tungkol sa sanaysay at
dalawang uri nito ma’am.
Ano ulit ang dalawang uri ng sanaysay klas? Ang Pormal at Di-pormal
na sanaysay ma’am.
Sige, kung talagang nakinig kayo sa ating klase
noong nakaraan, magbibigay ako ng mga
katangian ng dalawang uri ng sanaysay at
tukuyin ninyo kung ito ba ay pormal o di-pormal
na sanaysay. Kaya ba klas? Kayang-kaya po ma’am.

Maingat na pinipili ang pananalita kaya mabigat


basahin. Pormal na sanaysay
ma’am.
Ang pananalita ay parang nakikipag-usap lamang
na parang usapan lamang ng magkakaibigan. Katangian po iyan ng di-
pormal na sanaysay
ma’am.
Maanyo kung turingan sapagkat ito’y talagang
pinag-aaralan, makahulugan, matalinghaga,
matayutay. Pormal na sanaysay po
iyan ma’am.
Layunin nitong mangganyak, magpatawa, o
kaya’y manudyo. Di-pormal na sanaysay.

Magaling klas at sariwa pa rin sa inyo ang mga


pinag-aralan natin noong nakaraang talakayan.
Inaasahan ko na lagi ninyong ikintal ang inyong
mga natutuhan sa inyong puso’t isipan upang
mas umunlad pa kayo bilang mag-aaral. Ayos ba Opo ma’am.
klas?

4. Pagganyak
Alam Mo Ba?
Kamakailan lamang ay ginawa ng legal ang
Marijuana sa bansang Thailand ngunit, dito sa
ating bansang Pilipinas ay mahigpit pa rin itong
ipinagbabawal. Kung ako ang tatanungin, dapat
lamang na hindi gawing legal ang paggamit ng
ipinagbabawal na gamot dito sa ating bansa
upang maiwasan ang paglaganap ng iba’t ibang
krimen. Buong igting ko ring sinusuportahan ang
mga programa ng ating gobyerno laban sa droga
dahil unti-unti na itong nasusugpo. Makabubuti
kung sumunod tayong lahat sa mga programa o
patakarang ito nang sa gayon ay mas maging
maayos ang lipunang ating ginagalawan.
Nananalig akong ang pagbabawal sa paggamit
ng droga sa Pilipinas ay magdadala sa atin tungo
sa tunay na kaayusan at kapayapaan ng buhay
ng bawat Pilipino.
Mga Katanungan:
1. Ano ang paksa ng binasa ninyong
kwento?
2. Ano ang opinyon ng may-akda ng
kwentong inyong binasa?
3. Para sa inyo klas, ano naman ang inyong
opinyon tungkol sa paksa ng kwento?
B. ANALISIS
PANLINANG NA GAWAIN (15 minuto)
1. Paglalahad
Ngayon, ano ang mga salitang ginamit ng may-
akda sa pagpapahayag ng kanyang opinyon?
Ano naman ang mga pahayag na ginamit ninyo
para masabi rin ang inyong mga opinyon tungkol
sa paksa ng kwento? Ma’am, gumamit po kami
ng “Sa aking pananaw, sa
aking palagay, para sa
akin, at sa ganang akin.”
Tama, mula sa inyong binasa at mga sinambit,
ano sa tingin ninyo ang tatalakayin nating paksa
ngayong araw? Mga salitang nag
papahayag ng pananaw o
opinyon ma’am.
Magaling! Ngayong araw klas, ay dadako na tayo
sa Aralin 3.2 ng inyong modyul; sa pinagsanib na
Wika at Gramatika at ating tatalakayin ang
tungkol sa mga pahayag sa pagbibigay ng
opinyon, matibay na paninindigan, at mungkahi.
Hindi ba’t pinag-aralan na natin ang pang-ugnay
noong nakaraang markahan, ano nga ulit ito? Mula sa aking naaalala
ma’am, ito ay mga salitang
idinudugtong natin kapag
tayo ay magsasabi ng
ating pananaw.
Magaling! Upang mas lumawak pa ang inyong
kaalaman ukol dito ay inyong panoorin at
pakinggang mabuti ang video explainer na aking
inihanda para sainyo. Handang-handa na po
Handa na ba kayong manood at makinig klas? ma’am.
2. Pagtatalakay
(Gamit ang Video Explainer)
Bago ang lahat ay atin munang basahin ang mga
pamprosesong tanong na inyong bibigyang .
kasagutan pagkatapos ninyong manood.
1. Ano ang paksang tinalakay sa video na
inyong napanood?
2. Ano-ano ang mga pang-ugnay na
ginagamit sa pagbibigay opinyon? Sa
paglalahad ng matibay na paninindigan?
Sa pagmumungkahi?
3. Bakit mahalaga ang paggamit ng mga
pang-ugnay sa pagpapahayag ng
opinyon, paninindigan, at mungkahi?

Ngayon ay atin nang alamin ang kahulugan ng


pang-ugnay at ang kahalagahan ng paggamit
nito sa pagpapahayag.

Ang mga pang-ugnay o tinatawag na transition


words sa wikang ingles ay mga salitang ating
ginagamit upang iugnay ang isang ideyang nais
mong iparating o ipahayag sa panibagong
kaisipan na nais mong idugtong o ituloy.
Mahalaga ito sa ating pagpapahayag sapagkat
sa tulong ng mga ito, mas nagiging malinaw at
kauna-unawa ang kaisipang iyong tinatalakay.

Ito rin ang siyang nagsisilbing gabay upang ang


pagsasabi ng ideya ay mabanggit ng naaayon sa
tamang pagkakasunod-sunod nito nang sa gayon
ay maiwasan ang kalituhan.

Ngayon ay ating pagtutuonan ng pansin ang


paggamit ng pang-ugnay sa pagpapahayag ng
ating sariling pananaw.

Una ay ang mga pang-ugnay sa pagbibigay ng


opinyon.
1. Kung ako ang tatanungin…
Halimbawa: Kung ako ang tatanungin,
nararapat na dagdagan ang sahod ng
mga manggagawang front liners tulad ng
mga nars.
2. Kung hindi ako nagkakamali…
Halimbawa: kung hindi ako nagkakamali,
isa ang aktres na si Angel Locsin sa mga
tumulong sa mga kababayan nating
naapektuhan ng pandemya.
3. Sa aking pagsusuri…
Halimbawa: Sa aking pagsusuri, mas
makabubuti sa atin ang kumain ng
masusustansiyang pagkain upang
lumakas ang resistensya ng katawan.
4. Sa aking palagay…
5. Sa aking pananaw…
6. Sa tingin ko…
7. Sa totoo lang…
8. Para sa akin…
9. Sa aking opinyon…
10. Sa ganang akin…
Nakuha ba klas ang mga pang-ugnay na ating
gagamitin sa tuwing tayo ay magbibigay ng ating
opinyon?
Dumako naman tayo sa mga pang-ugnay na
nagbibigay ng matibay na paninindigan
1. Kumbinsido akong…
Halimbawa: Kumbinsido akong disiplina
ang kailangan upang mapuksa ang
Covid 19.
2. Labis akong naninindigan na…
Halimbawa: Labis akong naninindigan na
mali ang pagkakalat ng fake news dahil
ito ay maaaring makalikha ng kaguluhan.
3. Lubos kong pinaniniwalaan na…
4. Tiyak kong…
5. Tunay na…
6. Sadyang totoo…
7. Nananalig akong…
8. Kumpiyansa akong…
9. Naniniwala akong…
10. Buong igting kong sinusuportahan ang…
Ngayon naman ay ating alamin ang mga pang-
ugnay na ginagamit sa pagbibigay ng mungkahi.
1. Higit na mainam…
Halimbawa: Higit na mainam ang
manatili sa loob ng bahay kaysa sa labas
upang hindi makasagap ng sakit.
2. Makabubuti kung…
Halimbawa: Makabubuti sa lahat kung
susundin ang mga paalala ng DOH
upang hindi mahawa sa virus.
3. Sikapin mo…
4. Maaari kang…
5. Maaaring ganito ang gawin mo…
6. Maging kapaki-pakinabang siguro
kung… Paggamit ng mga pahayag
Ngayon ay nalaman niyo na ang mga pang- sa pagbibigay opinyon,
ugnay sa pagpapahayag ng sariling pananaw. matibay na paninindigan,
Handa na ba kayong sagutin ang mga naibigay at mungkahi ma’am.
na pamprosesong tanong kanina? Kayang-kaya
ninyo iyan!

Naintidihan ba ninyo ang video klas?


Kung gayon, ano ang paksang tinalakay sa video
klas?

Tama! May nakikita kayong mga larawan dito sa


harapan na nagpapahiwatig ng pagbibigay
opinyon, paninindigan at mungkahi.

Ako po ma’am!
(Isusulat ng mga mag-
aaral ang kanilang mga
kasagutan sa pisara)
Sa pagbibigay ng opinyon,
pwede nating gamitin ang
Sino ang pupunta sa mga pang-ugnay na Sa
harapan at isusulat ang aking palagay…Sa aking
kanyang mga nalamang pang-ugnay o pahayag pananaw…Sa tingin ko…
na ginagamit sa pagbibigay opinyon?
Ilan sa mga ito ma’am ay
ang pang-ugnay na
Nananalig akong…
Kumpiyansa akong…
at Naniniwala akong…at
marami pa pong iba.
Magaling! Talagang nakinig si Erika. Ano naman
ang mga pahayag na ginagamit natin para Maaari kang… Maaaring
maglahad ng ating matibay na paninindigan? ganito ang gawin mo…
At Maging kapaki-
pakinabang siguro kung…
at marami pa pong iba
ma’am.
Ano-ano naman ang mga nabanggit sa video na
mga pahayag na ginagamit natin upang
magmungkahi? (Magbabahagi ang mga
C. mag-aaral)
ABSTRAKSYON

Mahusay! Sa tingin ninyo, bakit kaya mahalaga


ang paggamit ng mga pang-ugnay sa
pagpapahayag ng opinyon, paninindigan, at
mungkahi?

Magaling, tama lahat ang inyong mga sinabi at


ganoon kahalaga ang paggamit ng mga pang-
ugnay sa pagpapahayag ng opinyon,
paninindigan, at mungkahi.

PANGWAKAS NA GAWAIN (5 minuto)


a. Paglalahat
Kung talagang naintindihan ninyo ang tinalakay
sa video, mayroon akong mga larawan na
Opo ma’am, handang-
ipakikita sa inyo. Bawat grupo ay mag-uunahang
handa na po kami.
makabuo ng halimbawang pahayag na
(Mag-uunahan ang mga
nagbibigay opinyon, paninindigan at mungkahi
mag-aaral sa pagsagot.
tungkol sa larawan gamit ang mga pang-ugnay
na inyong isinulat sa pisara. Isulat ang inyong
sagot sa inyong white board at itaas kapag
natapos na. Ang grupong mananalo ay
makatatanggap ng papremyo.

Handa na ba kayo klas?

Larawan ng Adiksyon sa Online Games


Larawan ng Tambak na Basura

D. APLIKASYON Larawan ng Pagpapabakuna laban sa Covid 19

Opo ma’am.

Larawan ng Pagkaadik sa Droga

Larawan ng Kahirapan

Mahusay klas! Mukhang malinaw na nga sa inyo


ang paksang ating tinalakay.

b. Paglalapat (20 minuto)


Hindi ba’t may grupo na kayo noong nakaraan?
Nasaan ang grupo ng mga mandudula, mang-
aawit, mga mahilig gumuhit, at spoken poetry?
Panuto:
Para sa grupo ng Spoken Poetry, gumawa kayo
IV.PAGTATAYA ng inyong piyesa sa kahit anong paksang gusto Sige po ma’am.
ninyo at gumamit kayo ng mga pang-ugnay sa (Pagkatapos ay ibabahagi
pagpapahayag ng inyong sariling pananaw, ng mga mag-aaral ang
paninindigan at mungkahi. kanilang mga piyesa sa
klase)
Ganoon din sa grupo ng pag-awit, gumawa kayo
ng sarili ninyong liriko ng kanta na kakikitaan ng
mga pang-ugnay na nagpapahayag ng sariling
pananaw, matibay na paninindigan at mungkahi.

Para naman sa pangkat ng dula-dulaan, dapat sa


inyong bibigkasing iskrip ay may marinig akong
mga pang-ugnay sa pagpapahayag ng opinyon,
paninindigan at mungkahi.
Panghuli ay ang grupo ng pagguhit, gumawa
kayo ng komiks istrip at gumamit din kayo ng
mga pang-ugnay na nagpapahayag ng sariling
pananaw, paninindigan at mungkahi sa mga
gagamitin ninyong diyalogo sa komiks. Nakuha
ba ang panuto klas?

Kung gayon, pwede na kayong pumunta sa


inyong mga grupo at simulan na ang paggawa.

Gamit ang Kahoot Application (8 minuto)


Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot.
1. Alin sa sumusunod ang hindi tumutukoy
sa pang-ugnay?
a. Tinatawag itong transition words sa
Ingles
b. Sa tulong nito, mas nagiging
malinaw at kauna-unawa ang
kaisipang tinatalakay
c. Mga salitang ginagamit upang
iugnay ang isang ideya
d. Sa paggamit nito, naghahatid ito ng
kalituhan sa taong kinakausap
2. Alin sa mga pagpipilian ang ginagamit na
pang-ugnay sa pagbibigay ng opinyon?
a. Sadyang totoo…
b. Kumpiyansa akong…
c. Sa aking pagsusuri…
V. Takdang-Aralin d. Makabubuti kung…
3. Ang mga sumusunod na pang-ugnay ay
ginagamit sa pagpapahayag ng matibay
na paninindigan MALIBAN sa isa, ano
ito?
a. Tiyak kong…
b. Sa ganang sarili…
c. Labis kong pinaniniwalaan na…
d. Kumpiyansa akong…
4. Ano ang pang-ugnay na nagbibigay
opinyon ang bubuo sa pangungusap?
"_______, ang pag-eehersisyo ay
nakatatanggal ng stress at nakalilibang.
a. Nananalig akong…
b. Para sa akin…
c. Buong igting kong sinusuportahan
ang…
d. Sikapin mo…
5. Ano ang pang-ugnay na nagbibigay
mungkahi ang bubuo sa pangungusap?
“________” kung susundin natin ang
mga paalala ng DOH upang maiwasan
ang virus.
a. Higit na mainam…
b. Naniniwala akong…
c. Tunay na…
d. Sa aking pananaw
(2 minuto)
Panuto: Gamit ang mga naibigay na pahayag,
dugtungan ito ng iyong sariling pananaw o
opinyon tungkol sa naibigay na paksa.

1. DROGA
Buong igting kong sinusuportahan ang
_______________________________
2. EDUKASYON
Lubos kong pinaniniwalaan na
_______________________________
3. PAMILYA
Sa tingin ko
_______________________________
4. BAKUNA
Sa aking pananaw
_______________________________
5. ELEKSYON
Higit na mainam
_______________________________

Inihanda ni:

Carrie Ann Shane E. Orine


Gurong Nagsasanay

Iniwasto at Namasid ni:

Vangeline V. Gonzaga
Gurong Tagapagsanay

You might also like