You are on page 1of 8

Department of Education

Region I
Division of La Union
Doña Francisca Lacsamana de Ortega Memorial National High School
Bangar, La Union

BANGHAY ARALIN SA PAKITANG-TURO

SA

FILIPINO 9

Inihanda ni:

Carrie Ann Shane E. Orine


Gurong nagsasanay

Namasid nina :

Aurora J. Sarmiento
Ulong-guro III

Vangeline V. Gonzaga
Gurong Tagapagsanay
BANGHAY ARALIN SA PAKITANG-TURO
Doña Francisca
Lacsamana de Ortega
Memorial National High Baitang/
Paaralan
School Seksyon 9 Sodium, Rubidium, Cesium

Gurong Carrie Ann Shane E.


Asignatura Filipino 9
Nagsasanay Orine
Nobyembre 16, 2022/
Petsa/Oras Kuwarter Ikalawa
1:25-5:00

I. LAYUNIN (Objectives)
A.Pamantayang Pangnilalaman (Content Naipapamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa mga piling
Standard) akdang tradisyonal ng Silangang Asya.

B.Pamantayan sa Pagganap (Performance Ang mag-aaral ay nakasusulat ng sariling akda na nagpapakita ng


Standards) pagpapahalaga sa pagiging Asyano.

C. Mga Kasanayang Pampagkatuto Nagagamit ang iba’t ibang ekspresyon sa pagpapahayag ng


damdamin. (F9WG-IIc-48)

D. Tiyak na Layunin Layunin: Pagkatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral sa ika-9 na


baitang ay inaasahang;

a. Nakikilala ang mga ekspresyon sa pagpapahayag ng


damdamin (Modal)
b. Natutukoy ang damdaming ipinapahiwatig ng mga
ekspresiyon o pahayag
c. Nakabubuo ng pangungusap gamit ang mga ekspresiyon o
pahayag na nagpapahiwatig ng damdamin o emosyon.
II. NILALAMAN A. Paksa
Paggamit ng iba’t ibang ekspresyon sa pagpapahayag ng
damdamin
B. Sanggunian
LU_Q2_Filipino9_Module2
(Ikalawang Markahan- Modyul 2: Wika at Gramatika: Mga
Ekspresyon sa Pagpapahayag ng Damdamin (Modal)
Pahina 10-13
C. Kagamitan
Laptop, powerpoint presentation, telebisyon, chalk, Filipino 9
Modyul 2 para sa mag-aaral (Panitikan ng Silangang Asya
pahina 2-8)

III. PAMAMARAAN
GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL PUNA

A. Aktibiti PANIMULANG GAWAIN

1. Panalangin:

Sino ang mangunguna sa panalangin natin


ngayon klas?
Ma’am si Randel po.
Sige Randel pangunahan mo ang ating
Magsitayo tayong lahat at
panalangin.
manalangin. Sa ngalan ng
Ama, ng anak at ng Espiritu,
Santo, Amen.
2. Pagbati:

Magandang hapon klas!


Magandang hapon din po
Bb. Orine!
3. Pagtatala ng Liban:

May lumiban ba sa ating klase?


Wala po ma’am.
Mabuti naman kung ganoon.

4. Pagbabalik-aral

Kahapon ay pinag-aralan natin ang kaligirang


pangkasaysayan ng pabula at ang mga
mahahalagang impormasyon tungkol sa pabula.
Ano pa ang ating ginawa kahapon klas, naaalala
niyo pa ba? Opo ma’am. Binigkas din po
namin ang pabulang “Ang
Hatol ng Kuneho” at tinukoy
naming kung sino-sino ang
mga tauhan na gumanap,
ang kanilang katangian at
kanilang ginampanan sa
kwento. Nagsulat din po
kami ng maikling repleksyon
tungkol sa kabisahan ng
paggamit ng hayop bilang
5. Pagganyak tauhan sa pabula.

B. Analisis
PANLINANG NA GAWAIN

1. Paglalahad

Ngayon naman klas ay dumako na tayo sa


huling aralin sa inyong Modyul 2 at tatalakayin
natin ngayon ang Mga Ekspresyon sa
Pagpapahayag ng Damdamin (Modal)

Handa na ba kayong makinig? Handa na po ma’am.

2. Pagtatalakay

Ang Modal ay tinatawag na malapandiwa.


Ginagamit ang mga ito na pantulong sa
pandiwang nasa panaganong pawatas. Ang
mga ito ay ginagamit bilang panuring na may
kahulugang tulad ng pandiwa. Ang mga modal
ay mga pandiwang hindi nagbabago, limitado
kapag binanghay o walang aspekto.

Klas, may iba’t ibang gamit ng Modal, pakibasa


ang una: 1. Bilang malapandiwa
Hal: Gusto niyang
makaahon sa
buhay.
Ibig ng puno at ng
baka na kainin ng
tigre ang tao.

Ang gusto at ibig ay ginamit bilang


malapandiwa subalit di tulad ng ganap
na pandiwa wala itong aspekto. Opo ma’am.
Naintindihan ba klas?
2. Bilang panuring na
Ano naman ang ikalawang gamit ng modal? may kahulugang
tulad ng pandiwa.
Hal: Gusto niyang
maglakbay muli.

Hal: Ibig ng kuneho


Ang salitang gusto klas ay nagbibigay-
na makita ang
turing sa salitang maglakbay na isang
hukay kung saan
pandiwang nasa anyong pawatas.
nahulog ang tigre.
Ang salitang ibig ay modal na
nagbibigay-turing sa salitang makita na
isang pawatas.

Dumako naman tayo sa mga Uri ng


Modal:
1. Nagsasaad ng
Pagnanasa/Paghahangad/pagkagu
sto
Mga Hal: Gusto kong mamitas ng
bayabas.
Ibig kong matupad mo ang mga
pangarap mo sa buhay.
2. Sapilitang Pagpapatupad
Hal: Dapat sundin ang sampung
utos ng Panginoon.
3. Hinihinging Mangyari
Hal: Kailangan mong magpursigi sa
iyong pag-aaral.
4. Nagsasaad ng Posibilidad
Mga Hal: Maaari ka bang makausap
mamaya?
Puwede kang umasenso sa buhay.
5. Nagsasaad ng Tiyak na damdamin
Mga Hal:
Humahanga po ma’am.
“Wow! Perfect ang iskor mo.”
Ano ang ipinapahiwatig ng pahayag
na iyan klas?
Tama! Ano naman sa sunod na Pagkatuwa ma’am.
pahayag?
“Yahoo! Pasado ako!” Parang nagulat po ma’am.

Anong ekspresyon naman ang


nagamit dito, “O, ikaw pala!”
Tama, nagsasaad ito ng pagkagulat.
Pagkagalit po iyan ma’
“Umalis ka rito, ayaw na kitang makita!” Nagsasaad po ng
pagkalungkot ma’am.
“Naku, kawawa naman siya”

“Hindi ko lubos maisip kung bakit


Pagtataka po ma’am ang
ipatatapon ng isang magulang ang
damdaming nagamit.
isang walang kamalay-malay na
sanggol. “ .
Mahusay klas, tama lahat ang inyong mga
naging kasagutan. Malinaw na ba sa inyo ang
Mga Ekspresyon sa Pagpapahayag ng
Damdamin o tinatawag nating Modal?
C. Abstrak-
syon Opo ma’am.
PANGWAKAS NA GAWAIN

a. Paglalahat

D. Aplikasyon

b. Paglalapat

Gawain 1: Feeling ko, Kuha mo!

Panuto: Tukuyin ang damdaming inihahayag ng


sumusunod na ekspresyon o pahayag. Piliin sa
kahon ang tamang sagot at isulat sa sagutang
papel.
1. Ang galing-galing mong magsaulo ng tula.

2. Pasensya na, wala na akong magagawa.

3. Naku, sana nga’y makapasa ka na.

4. Nakaiinis talaga ang resulta ng pagsusulit!


IV. PAGTATAYA 5. Yehey! Nanalo ako sa Lotto.

Gawain 2: Pagsulat

Panuto: Bumuo ng sariling pangungusap gamit


ang mga ekspresyon o pahayag na
nagpapahiwatig ng damdamin o emosyon.

1. Pagkagalit
2. Pagkatuwa
3. Pagkalungkot
V. TAKDANG- 4. Pagtataka
ARALIN 5. Paghanga
Inihanda ni:

Carrie Ann Shane E. Orine


Gurong Nagsasanay

Iniwasto at Namasid ni:

Vangeline V. Gonzaga
Gurong Tagapagsanay

You might also like