You are on page 1of 9

Republika ng Pilipinas

Commission on Higher Education


Rehiyon V (Bikol)
UNIVERSITY OF NORTHEASTERN PHILIPPINES
Iriga, Camarines Sur

Paaralan UNIVERSITY OF NORTHEASTERN PHILIPPINES Baitang IX

Guro DR. REGINA A. GONZALES Asignatura Filipino

Petsa August 19,2023 Markahan Ikatlong-Markahan

Oras 10:30 -12:00 Seksyon 9-ST. EXPEDITUS

DETALYADONG BANGHAY ARALIN SA FILIPINO VIIII


I. LAYUNIN

A. Pamanyang Pangnilalaman Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa mga


akdang pampanitikan ng Kanlurang Asya.
B. Pamantayan sa Pagganap Ang mga mag-aaral ay masining na nakapagtatanghal ng Kulturang Asyano
batay sa napiling mga akdang pampanitikang Asyano.
C. Kompetensi (F8WG-lllb-c-53)
Nagagamit ang mga angkop na pang-uri na nagpapasidhi ng damdamin.

D. Mga Layunin sa Pagkatuto Sa pagtatapos ng aralin ang mag-aaral ay inaasahang:

1. Naiisa-isa ang iba’t ibang damdamin at emosyon sa pagpapahayag.


2. Naiaantas ang mga salita (clining ) batay sa tindi ng emosyon o
damdamin (F9PT-IIc-46).
3. Nagagamit ang iba’t ibang ekspresyon sa pagpapahayag ng
damdamin

(F9WG-IIc-48)

II. PAKSANG ARALIN

E. A. Paksa PAGPAPASIDHI NG DAMDAMIN (PAGKKLINO)

F. B. Sanggunian MELC Filipino, page 228


Filipino tungo sa Malayang Kamalayan 9 DIWA 5G, p.91-92

G. C. Mga Kagamitang Power Point Presentation


Panturo
Laptop
Mga Kagamitang Biswal

H. D. Pagpapahalaga Napapahalagahan ang wastong paggamit ng mga salitang nagpapasidhi sa


pagpapahayag ng saloobin at damdamin.

E. Kamalayang Panlipunan Nalilinang ang pagpapahayag ng damdamin at emosyon

J. F. Pag-uugnay sa Ibang ICT, ENGLISH, MAPEH, ESP


Disiplina

III. PAMAMARAAN BAHAGI NG GURO BAHAGI NG MAG-AARAL

K. A. Panimulang 1. 1. Panalangin
L. Gawain 2.
Magsitayo na muna ang lahat para sa bungad Manalangin tayo….
panalangin.

1
Republika ng Pilipinas
Commission on Higher Education
Rehiyon V (Bikol)
UNIVERSITY OF NORTHEASTERN PHILIPPINES
Iriga, Camarines Sur

3. 2. Pagbati
4.

● Magandang Umaga aking mga mag-aaral.

● Magandang umaga rin po guro,


magandang umaga rin sa iyo
3. Pagtala ng liban
aking kamag-aral, ako ay
May liban po ba ngayong araw? nagagalak na makita kayong muli.
Maaari mo bang itala Bb. Claire ang wala sa araw
na ito.

4. Pamantayan sa Silid-aralan
Pamantayan na dapat sundin sa
pamamagitan ng mga “EMOJI”

1. Iwasan ang paglikha ng ingay.

2. Makilahok at makibahagi sa talakayan.

3. Itago ang mga


bagay na maaaring makasagabal sa ating
talakayan.

4.
Magbahagi ng Kaalaman at Ideya.

5. Pagbabalik-aral

Sa nakaraang aralin:

Natutuhan ko ang
___________________________________________
___

___________________________________________
___
2
Nagbigay-kakintalan sa akin ang
___________________________________________
___
Republika ng Pilipinas
Commission on Higher Education
Rehiyon V (Bikol)
UNIVERSITY OF NORTHEASTERN PHILIPPINES
Iriga, Camarines Sur

B. AKTIBITI/ WIKARAMBOL
Pagganyak Panuto: Ayusin ang mga titik na
nakarambol sa Hanay A upang makabuo
ng mga makabuluhang salita.
Pagkatapos, ihanay ito sa sa larawang
magka-ugnay o katumbas ng nabuong
salita na makikita sa Hanay B.

Hanay A.
1. NSII= INIS
2. TGININ= NGITI
3.ALGYIA= LIGAYA
4. SKMLUA- SUKLAM
5. GNAHA= HANGA

HANAY B.

Ano ang pinapahiwatig ng mga


salitang inyong nabuo? Ito po ay nagpapahiwatig ng
emosyon o damdamin.

C. ANALISIS Pagsuri sa video ng mga sumusunod


na eksena mula sa pinilakang tabing:

3
Republika ng Pilipinas
Commission on Higher Education
Rehiyon V (Bikol)
UNIVERSITY OF NORTHEASTERN PHILIPPINES
Iriga, Camarines Sur

Sa napanuod ninyong mga sikat na


linya mula sa mga pelikulang pinoy,
paano nababago ng matinding
emosyon ang isang pahayag ng
saloobin?

Maaari pala nating maiaantas ang


mga salita na sa pagtukoy sa
tindi/digri o intensidad ng
pagpapakahulugan nito.

D. Ngayon bubuksan na natin ang ating


ABSTRAKSIYON talakayan sa bagong paksa na ating
pag-aaralan.

Sinong may ideya sa kahulugan ng Kapag sinabing Pagkiklino o


Pagkiklino o (Clining)? Jenny? Clining ay tumutukoy sa
pagsasaayos ng kahulugan ng
Magaling binibini narito ang iyong salita ayon sa intensidad o
bituin. tindi ng kahulugan nan nais
ipahiwatig.
Ang Pagkiklino (Clining) ay maaaring
maihalintulad sa isang hagdan na
mayroong mga baitang. Bakit kaya?

Napakahusay Shara! Narito ang iyong


sticker.

Sa bawat pakikilahok ninyo sa ating


talakayan ay bibigyan ko kaya ng
bituin o tala, ang bituin na ito ay may
katumbas na puntos na magagamit
ninyo pandagdag sa inyong marka

Ang Pagkiklino ay maaring


maihalintulad sa Hagdan na may
baitang. Ang pinaka mababang (Magsasagawa ang mag-
baitang ng hagdan ay sumisimbolo ng aaral)
salitang may pinakamababa ang tindi
ng kahulugan, at ang baitang sa itaas
naman ay sumisimbolo ng salitang

4
Republika ng Pilipinas
Commission on Higher Education
Rehiyon V (Bikol)
UNIVERSITY OF NORTHEASTERN PHILIPPINES
Iriga, Camarines Sur

may pinakamatindi ang kahulugan

Ngayon suriin ninyo ang halimbawang


ito. May salitang pikon, tampo, inis,
galit, suklam, at poot.

Sige nga, sa inyong sariling


pagkakaunawa, ayusin niyo nga ang
mga salitang yan mula sa mababang
pagpapakahulugan papunta sa
mataas na pagpapakahulugan. Sapagkat po ang salitang
pikon damdamin ng
Maraming salamat. pagkagalit bunga ng maliit na
Tingnan nga natin kung tama ang bagay lamang.
inyong mga kasagutan.

Mapapansing ang salitang pikon ang


nasa pinakamababa ng tindi ng
pagpapakahulugan, at ang salitang Ito naman po ay munting galit
poot naman ang nasa taas dahil ito na madaling mawala.
ang may pinaka matinding
pagpapakahulugan.
Ang ibig ipakahulugan naman
Paano natin masasabi ito? nito ay tumatagal na tampo.

Mahusay!
Sumunod ay ang salitang tampo, ano Ito naman po ay tumatagal na
naman kaya ang ibig inis.
ipagpakahulugan nito?

Magaling!

Ikatlong salita ay Inis. Ang suklam naman po ay


matinding galit sa dibdib na
Mahusay! matagal bago mawala.

At ang ikaapat naman na salita galit.


Ano naman kaya kahulugan nito?
Ang ibig ipagpakahulugan
Magaling! naman nito ay matinding galit
na halos gusto mo nang
Ang ika-lima namang salita ay makapanakit.
suklam.

Mahusay!

At ang may pinaka matinding

5
Republika ng Pilipinas
Commission on Higher Education
Rehiyon V (Bikol)
UNIVERSITY OF NORTHEASTERN PHILIPPINES
Iriga, Camarines Sur

pagpapakahulugan na salita ay ang


poot.

Ang may pinakamababa po ng


pagpapakahulgan ay ngumiti.

Sunod na halimbawa ay mga salitang Sapagkat ang ibig


humalakhak. ngumiti, ,tumawa, at ipakahulugan nito ay simpleng
humagikhik pag ngiti.

Maari niyo bang iantas ang mga Ang sunod naman po ay


salitang yan base sa digri o intensidad humagikhik sapagkat ang ibig
ng pagpapakahulugan nito. ipakahulugan nito ay
mahinang pagtawa.
Magaling! Bakit kaya?

Mahusay! Ang sunod naman po sa


Ano naman ang kasunod ng humagikhik ay ang salitang
ngumiti? tumawa, sapagkat ito ay
malakas nap ag hagikhik.

Magaling ginoo.

Ano naman ang kasunod ng


humagikhik?

Napakahusay !
At ang may pinaka matinding
pagpapakahulugan naman ay
humalakhak sapagkat ito ay
nangangahulugan ng malakas na
pagtawa.

Kung titingnan o papakinggan natin


ang mga salita parang halos pare-
pareho lang sila ngunit hindi pala, ang
mga salitang ito pala ay maaari nating
maiantas base sa tindi o intensidad ng Opo!
pagpapakahulugan nito.

Ginagamit natin ang pamamaraang


pagkiklino sa pagbibigay ng
kahulugan sa mga

6
Republika ng Pilipinas
Commission on Higher Education
Rehiyon V (Bikol)
UNIVERSITY OF NORTHEASTERN PHILIPPINES
Iriga, Camarines Sur

magkakasingkahulugang salita ngunit


magkakaiba ang tindi ng
pagpapakahulugan nito.

E. APLIKASYON
PANGKATANG GAWAIN:
MAG INARTE KA!

PANUTO:
Ang bawat pangkat ay bibigyan ng
emosyon na naiiba ang sidhi sa iba
pang pangkat. Mula rito, bubuo ang
pangkat ng isang maikling sitwasyon
na magpapalutang ng damdaming
nabunot.

 PANGAMBA
 PAGKATAKOT
 PAGKAINIS
 PAGKAPOOT
 PAGHANGA
 PAGMAMAHAL

(Magsasagawa ang mga Mag-


aaral)

Mga Gabay na Tanong:


1. Sa inyong ipinakitang gawain
ano ang kahalagahan ng
paggamit ng mga salitang
nagpapasidhi ng damdamin sa
pagpapahayag ng saloobin?
2. Mahalaga ba ang
ginagampanang papel ng klino
sa damdaming ating nais
ipahayag?
3. Bakit mahalaga ang konsepto
ng pagpapasidhi ng damdamin
sa pang araw-araw na
sitwasyon?

F. PAGLALAHAT Sa inyong ipinakitang gawain ano ang

7
Republika ng Pilipinas
Commission on Higher Education
Rehiyon V (Bikol)
UNIVERSITY OF NORTHEASTERN PHILIPPINES
Iriga, Camarines Sur

kahalagahan ng paggamit ng mga


salitang nagpapasidhi ng damdamin
sa pagpapahayag ng saloobin.

Sunod, ano-anong kakayahan ang


inyong nalinang sa ating mga Mapeh:
isinagawang gawain? Kakayahan pag arte, talas ng
isip at pananalita.
Sa anong asignatura kaya natin ito English: Pagbuo ng simpleng
nalilinang? pangungusap
ESP: Kooperasyon,
Magaling! determinasyon, tiwala sa sarili
at pagtutulungan.

Ang Pagkiklino ay isang uri ng


pagpapahayag ng saloobin o
emosyon sa paraang
papataas ang antas nito.

Muli, Ano ang Pagkiklino?

Alam kung lubos niyo ng naunawaan


ang ating tinalakay. Basta’t lagi niyo
lamang tatandan na ang wastong
paggamit ng mga salita sa
pagpapahayag ng saloobin ay
mahalaga upang mas maunawaan
tayo ng ating kausap kung ano ang
nais natin iparating.

Maraming salamat.

IV. PAGTATAYA
Panuto: Lagyan mo ng bilang ang mga salita batay sa sidhi ng kahulugan nito. Ang 3
ay para sa pinakamasidhi, 2 para sa masidhi, at 1 para sa di-masidhi. Isulat ito sa
sagutang papel.

1. ______tuwa 2. ______kirot 3. _____ takot


______galak ______hapdi _____ pangamba
______saya ______sakit _____ kaba

4. ______ suklam 5. _____ sigaw

8
Republika ng Pilipinas
Commission on Higher Education
Rehiyon V (Bikol)
UNIVERSITY OF NORTHEASTERN PHILIPPINES
Iriga, Camarines Sur

______ yamot _____ bulong


______ inis _____ hiyaw

Inihanda ni:

JOY C. BEQUILLO
MAED-FILIPINO

Sinuri ni:
Dr. REGINA ALBAR GONZALES
GURONG TAGAPAYO

You might also like