You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

National Capital Region


Schools Division Office
ANDRES BONIFACIO INTEGRATED SCHOOL
Addition Hills, Welfareville Compound, City of Mandaluyong

BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO 12
I. TUNGUHIN
A. PAMANTAYANG Nasusuri ang iba’t ibang uri ng binasang teksto ayon sa kaugnayan nito sa
PANGNILALAMAN sarili, pamilya, komunidad, bansa at daigdig
B. PAMANTAYAN SA
Nasusuri ang kalikasan, katangian, at anyo ng iba’t ibang teksto
PAGGANAP
C. KASANAYANG Naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa binasang teksto sa sarili,
PAMPAGKATUTO pamilya, komunidad, bansa, at daigdig F11PB – IIId – 99
D. DETALYADONG Matapos ang aralin, inaasahang maisasagawa ng mga mag-aaral ang
KASANAYANG sumusunod:
PAMPAGKATUTO A. Nasusuri ang binasa batay sa katangiang taglay ng tekstong teksto
B. Naipaliliwanag ang halaga ng pagbabasa ng iba’t ibang tekstong
impormatibo
C. Naitatala ang mga impormasyong nalaman sa napanood na balita sa
telebisyon
II. NILALAMAN
A. PAKSA Tekstong Impormatibo
III. MGA KAGAMITAN
A. KAGAMITAN AT laptop, projector, manila paper
SANGGUNIAN
Pagbasa at Pagsusuri ng Teksto Tungo sa Pananaliksik
 Heidi Anatacio
B. IBA PANG
Quipper Study Guide
SANGGUNIAN
IV. PAMAMARAAN
Panuto: Ayusin ang mga letra o titik sa bawat bilang upang makilala ang
A. Balik-aral sa proseso sa pagbasa na inilalarawan sa bawat bilang.
nakaraang aralin at/o
pagsisimula ng APGKLAILA - PAGKILALA
bagong aralin 1. Ito ang proseso ng pakilala at pagtukoy sa mga nakalimbag na salita
o simbolo at kakayahang mabigkas ang tunog ng mga titik na
bumubuo sa bawat salita.
WPGUNAAA – PAG-UNAWA
2. Ito ang proseso ng pag-unawa sa mga nakalimbag na simbolo o salita.
OEKRSYNA - REAKSYON
3. Ito ang proseso ng pagpapasiya o paghatol sa kawastuhan at
kahusayan ng teksto, pagpapahalaga sa mensahe nito at pagdama
sa kahulugan nito.
GUPGNAAYU – PAG-UUGNAY
4. Ito ay kaalaman sa pagsasanib o pag-uugnay at paggamit ng
mambabasa sa kaniyang dati at bagong karanasan sa tunay na
buhay.

Magpapanood ang guro ng isang news report kaugnay sa isang


B. Paghahabi ng napapanahong isyu/paksa. Makaraang mapanood ang video,
layunin magbibigay ng tanong ang guro hinggil sa mga impormasyong nalaman
ng klase sa napanood.

Kaso ng HIV-AIDS sa bansa,


patuloy na dumarami: DOH
Mga Tanong:
1. Ano ang paksa ng napanood na news report?
2. Sino ang maaaring dapuan ng sakit na HIV?
3. Ano-ano ang posibleng sanhi ng pagkakaroon ng naturang sakit?
4. Paano inilahad sa video ang ulat ukol sa HIV?
5. Ano-anong datos ang iyong nakuha mula sa napanood?
6. Mayroon bang paraan upang maiwasan ang sakit na HIV? Paano?
7. Ano ang dapat gawin ng isang taong mayroong sakit na HIV?

Sanggunian: https://news.abs-cbn.com/news/09/01/17/kaso-ng-hiv-aids-sa-bansa-patuloy-
na-dumarami-doh

Magpapabasa ng isang halimbawang infographics ang guro sa klase.


C. Pag-uugnay ng Mula rito’y magbibigay ng tanong ang guro hinggil sa mga impormasyong
mga halimbawa sa nakapaloob sa teksto.
bagong aralin

Sanggunian: www.rappler.com

Mga Tanong:
1. Ano ang paksa ng binasang infographics?
2. Ilahad ang mga impormasyong nalaman o nabatid mula rito?
3. Paano nakatulong ang infographics na ito sa iyong sarili, komunidad
at bansa?
4. Ano ang pangunahing layunin ng binasa? Ipaliwanag.
D. Pagtalakay ng TEKSTONG IMPORMATIBO
bagong konsepto at  Ang tekstong impormatibo ay uri ng babasahing di-piksyon.
paglalahad ng  Isinusulat ito sa layuning makapaghatid ng impormasyon sa mga
bagong kasanayan #1 mambabasa.
 Maaari itong mabasa sa mga magasin, mga batayang aklat,
sanggunian at iba pa.
 Iba-iba ang paraan ng pagkakasulat nito depende sa uri ng
impormasyong nilalaman nito.
 Maaari itong nasa wikang madaling maunawaan ng karaniwang
mambabasa o wikang teknikal para sa mga dalubhasa o iskolar.
 Ang iba ay may kasamang biswal na representasyon tulad ng mga
talahanayan o grap upang maging mas madali ang pag-unawa
sa mga datos na isinasaad ng ganitong uri ng teksto.
 Ilan sa mga halimbawa ng mga sulatin na naglalaman ng tekstong
impormatibo ay:
o Mga sangguniang aklat
o Ulat
o Pananaliksik
o Artikulo/komentaryo/balita
o Polyeto
o Suring-papel
o Sanaysay

Sanggunian: Pagbasa at Pagsusuri ng Teksto Tungo sa Pananaliksik ni Heidi Anatacio


Halimbawang sulatin:

Sanggunian: Adoption Unit, Social Welfare Department


Mga Tanong:
1. Ano ang paksa ng polyeto?
2. Mula sa binasang halimbawang sulatin, ano-anong
mahahalagang impormasyon ang maaaring mahango ng isang
mambabasa mula rito?
3. Basahin ang bahagi ng teksto na naglalaman ng impormasyon
kaugnay sa pag-aampon.

E. Pagtalakay ng KATANGIAN NG TEKSTONG IMPORMATIBO


bagong konsepto at
paglalahad ng bgong  Naglalahad ito ng mga mahahalagang impormasyon, bagong
kasanayan #2 kaalaman, bagong pangyayari, bagong paniniwala, mga bagong
impormasyon at tiyak na detalye para sa kabatiran ng mga
mambabasa.
 Ang mga kaalaman ay nakaayos nang may pagkakasunod-sunod
at inilalahad nang buong linaw at kaisahan.
 Karamihan sa mga impormasyon ay patungkol sa mga bagay at
paksang pinag-uusapan.
 Nagbibigay ito ng mga impormasyong nakapagpapalawak ng
kaalaman at nagbibigay-linaw sa mga paksang inilahad upang
mawala ang alinlangan.
 Naglalahad ng mga datos na nakatutulong sa paglilinaw ng mga
konsepto.

Sanggunian: Pagbasa at Pagsusuri ng Teksto Tungo sa Pananaliksik ni Heidi Anatacio

Pangkatang Gawain
F. Paglinang sa
Kabisaan (Tungo sa Hahatiin ng guro ang klase sa tatlong pangkat upang basahin at suriin ang
Formative Assessment) halimbawang tekstong impormatibo. Sasagutin ng bawat pangkat ang
tseklist ng mga katangiang dapat taglayin ng isang tekstong impormatibo.

Pangkat 1

Pagbubuntis ng Teenager
(excerpt mula sa Maternal Health ng World Health Organization)

Tinatayang 16 milyong kababaihan na may edad 15–19, ang anganganak


bawat taon, halos 11% ng kabuuang bilang ng mga nanganganak sa buong
mundo. Siyamnapu’t limang porsiyento ng panganganak ay nangyayari sa mga
bansang may low-and-middle income. Higit na mataas nang limang beses ang
pregnancy rate sa mga bansang low-income kumpara sa mga bansang nasa
middle at high income.
Ayon sa World Health Organization, 2% sa kabuuang bilang ng panganganak
sa buong mundo ay mula sa bansang Tsina. Samantala, 18% ang mula sa Latin
America at Caribbean, habang mahigit 50% ang mula sa sub-Saharan Africa. Sa
estadistika ng pagbubuntis ng mga teenager, mahigit sa kalahati nito ang mula sa
pitong bansa: Bangladesh, the Democratic Republic of the Congo, Ethiopia, India,
at Nigeria.

Sangguian: QUIPPER/PAGBASAATPAGSULAT/STUDYGUIDE_G11Pagbasa_Unit09_v1

Pangkat 2

Ang Kalakhang Maynila ay makararanas ng bahagya hanggang sa kung


minsan ay maulap na kalangitan na may pulu-pulong pag-ulan o pagkulog-
pagkidlat.
Mahina hanggang sa katamtamang hangin ang mula sa hilagang-silangan ang
iiral at ang Look ng Maynila ay banayad hanggang sa katamtaman ang magiging
pag-alon.
Ang tinatayang agwat ng temperatura ay mula 22 hanggang 32 antas ng
sentigrado.
Katamtaman hanggang sa malakas na hangin mula sa silangan at
hilagang-silangan ang iiral sa hilaga at Silangang Luzon at ang mga baybaying
dagat nito ay katamtaman hanggang sa maalon.
Sa ibangdako ng bansa, ang hangin ay mahina hanggang sa katamtaman
mula sa hilagang-silangan at silangan na may banayad hanggang sa katamtamang
pag-alon ng karagatan.
Ang araw ay sumikat ganap na alas-6 ng umaga at lulubog bandang alas-6:07
ng gabi.

Sangguian: http://gisingna.tripod.com

Pangkat 3
ABIS kaisa sa Mandaleño, Disiplinado campaign

“Love your uniform, you carry the name of ABIS.”


Ito ang pahayag ni G. Henry A. Sabidong, punong guro, bilang tugon sa
pakikiisa ng paaralan sa kampanya ng pamahalaang lungsod na “Mandalenyo,
Disiplinado.”
Ayon kay Sabidong malaki ang maitutulong ng kampanya upang maging
mabilis ang pag-unlad at pagyaman ng bansa kung disiplanado ang mamamayang
bumubuo dito.
“Kung ang bawat ABISian ay nagtataglay ng pansariling disiplina, makikilala
ang ating paaralan. Mahihiya ang ibang tao na gumawa ng di-kaaya-aya kung ang
mga ito’y pupunta sa ating paaralan na may mga estudyanteng disiplinado,”
paliwanag ng punong guro.
Matatandaang nagsasagawa ang paaralan sa tulong ng SSG, PTA at mga guro
ng simpleng paninita sa mga mag-aaral kaugnay sa kanilang maayos na pagpasok
at pag-uwi sa paaralan, paghihigpit sa tamang pagsusuot ng uniporme, gupit at
kulay ng buhok.
“Magandang hakbang ito upang maging aware ang mga estudyante sa
kahalagahan ng disiplinang dapat pairalin sa loob ng paaralan,” pahayag ni
Sabidong.
Kaugnay nito, nagpapasalamat si Sabidong sa pamunuan ng SSG, PTA, mga
guwardiya upang tupdin at pairalin ang isinasagawang kampanyang
“Mandalenyo, Disiplinado.”

Sangguian: Ang Supremo, Opisyal na Pahayagan ng Andres Bonifacio Integrated School, S.Y.
2016-2017

TSEKLIST NG MGA KATANGIAN NG TEKSTONG IMPORMATIBO

Katangian
 Naglalahad ito ng mga mahahalagang impormasyon, bagong
kaalaman, bagong pangyayari, bagong paniniwala, mga bagong
impormasyon at tiyak na detalye para sa kabatiran ng mga
mambabasa.
 Ang mga kaalaman ay nakaayos nang may pagkakasunod-sunod at
inilalahad nang buong linaw at kaisahan.
 Maaari itong nasa wikang madaling maunawaan ng karaniwang
mambabasa o wikang teknikal para sa mga dalubhasa o iskolar.
 Nagbibigay ng mga impormasyong nakapagpapalawak ng kaalaman at
nagbibigay-linaw sa mga paksang inilahad upang mawala ang
alinlangan.
Pamantayan sa Pagmamarka ng Pangkatang Gawain

Pamantayan Puntos P1 P2 P3
Katumpakan ng 40
kasagutan
Kalinawan ng 40
paliwanag sa tugon
Kooperasyon ng 20
bawat miyembro ng
pangkat

 Pagbabahaginan ng gawain ng bawat pangkat.


 Pagbibigay ng reaksyon ng guro at mga mag-aaral.

Tanong ng Guro:
G. Paglalapat ng aralin 1. Anong uri ng tekstong impormatibo ang karaniwan mong
sa pang-araw-araw na nababasa?
buhay 2. Paano nakatutulong sa sa iyo bilang mag-aaral ang pagbabasa
ng iba’t ibang halimbawa ng tekstong impormatibo?

Anong Say Mo?


H. Paglalahat ng aralin Mula sa pabilog na ayos ng klase, bibigyan ng guro ang bawat mag-
aaral ng cue card na naglalaman ng mga salitang Sang-ayon at Di-Sang-
ayon. Magbibigay ng pahayag at tanong ang guro kaugnay sa araling
tinalakay at pagkaraa’y hihingin nito ang tugon ng klase kung sang-ayon
o hindi ang mga ito sa kanyang tinuran.

1. Paano nakatutulong sa taong nagnanais na makabatid ng


mahahalagang impormasyon at bagong kaalaman ang tekstong
impormatibo?
2. Mahalaga sa pagsulat ng tekstong impormatibo ang maayos na
paghahanay ng mga kaisipan o impormasyon.
3. Nagagawa bang makatulong ang tekstong impormatibo sa mga
taong may alinlangan sa iba’t ibang paksang nasusulat rito? Paano?
4. Ang mga maikling kuwento at nobelang piksyon ay mahusay na
mga halimbawa ng tekstong impormatibo.

I. Pagtataya ng aralin Panuto: Basahin at unawain ang teksto sa ibaba. Tukuyin ang wastong
kasagutan sa bawat bilang.

Kakulangan sa tulog, nakaaapekto sa utak

Sa ginawang pag-aaral sa mga daga at tao, natuklasan ng mga mananaliksik


ng Washington University School of Medicine sa St. Louis na ang kukulangan sa
tulog ay nakapagpapataas ng level ng pangunahing Alzheimer’s protein na tao, at
kapag walang tulog ay napapabilis nito ang pagkalat ng toxic clumps ng tao sa
utak, na isa sa mga sanhi ng brain damage at unti-unting pagkakaroon ng
dementia.

Sanggunian: http://balita.net.ph/2019/02/01/kakulangan-sa-tulog-nakaaapekto-sa-utak/

Mga Tanong:
1. Ano ang paksa ng tekstong binasa?
2. Batay sa binasa, sino ang nagsagawa ng pananaliksik ukol sa epekto ng
kakulangan ng tulog sa isang tao?
3. Ano ang maaaring idulot sa utak ng tao ang kakulangan ng tulog?
4-5. Maituturing bang isang halimbawa ng tekstong impormatibo ang
seleksyon? Patunayan sa pagbanggit ng layunin at katangian ng teksto na
nakita sa binasa. (2 puntos)
J. Karagdagang Takdang Aralin
gawain para sa 1. Ano ang Tekstong Deskriptibo?
takdang aralin at 2. Ano-ano ang Elemento ng Tekstong Deskriptibo?
remediation
Pagbasa at Pagsusuri ng Teksto Tungo sa Pananaliksik
 Heidi Anatacio et. al.
V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mga mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya _____
B. Bilang ng mga mag-aaral na nangangailangan ng iba pang gawain
para sa remediation _____
C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng mga mag-aaral na naka-
unawa sa aralin _____
D. Bilang ng mag-aaral na magpapatuloy sa remediation _____
E. Alin sa mga istratehiya sa pagtuturo ang nakatulong ng lubos?
F. Anong suliranin ang aking naranasan na nasolusyunan sa tulong ng
aking punungguro?
G. Anong kagamitang panturo ang aking nadibuho na nais kong ibahagi
sa mga kapwa ko guro?

Inihanda:

MARVIN A. VALIENTE
Master Teacher I

Binigyang-puna:

CLARISSA P. TIBAR
ABIS LR Coordinator

Pinagtibay:

HENRY A. SABIDONG
Principal III

You might also like