You are on page 1of 2

SENIOR HIGH SCHOOL CORE SUBJECT

PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK


NILALAMAN Pagsulat ng Pananaliksik
 Pagpili ng paksa
PAMANTAYANG PANGNILALAMAN Nakasusunod sa pamantayan ng pagsulat ng masinop na pananaliksik.
PAMANTAYAN SA PAGGANAP Makapipili ng isang paksa para sa gagawing pananaliksik.
KASANAYANG PAMPAGKATUTO -Nabibigyang kahulugan ang mga konseptong kaugnay ng pananaliksik (Halimbawa: balangkas konseptwal,
balangkas teoretikal, datos empirikal, atbp.)
DETALYADONG KASANAYANG -Nakapagbibigay ng hinuha tungkol sa nakitang larawan.
PAMPAGKATUTO -Naiuugnay sa kasalukuyan ang mga isyung panlipunan na makikita sa larawan.
PAMAMAHAGI NG ORAS 40 minuto
KAGAMITANG PAMPAGTUTURO Laptop, Powerpoint Presentation
SANGGUNIAN Marquez, S.,2016.PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK.Quezon City: Sibs Publishing
House, INC.

PANIMULA
PAGGANYAK (5 minuto) Pagpapakita ng mga larawang nagsasaad ng mga isyung panlipunan na kinahaharap natin ngayon.

Matapos matukoy ang mga isyung nakapaloob sa bawat larawan sasagutin ng mga mag-aaral ang mga sumusunod
na katanungan:

1. Paano mabibigyang solusyon ang bawat suliraning ating kinakaharap?


2. Ang lahat ba ng suliranin ay nangangailangan ng isang pananaliksik?

PAGTALAKAY ( 10 minuto ) 1. Paglalahad ng mga gabay na tanong na maaaring iugnay sa talakayan.


a. Gaano kahalaga ang isang paksa sa isang pananaliksik?
b. Ano ang kahalagahan ng pagpili ng paksa?

2. Pagtalakay sa pagpili ng isang paksa at ang mga dapat ikonsidera.


3. Paglalahad ng isang karaniwang sitwasyon ng isang mag-aaral. Tutukuyin nila ang suliranin at makapaglalahad
ng mga posibleng solusyon dito.

MGA TANONG:
a. Ano ang paksa sa sitwasyon?
b. Ano-ano ang mga posibleng dahilan sa pagkakaroon ng mataas na porsyento ng mga mag-aaral na kumukuha ng
General Academic Strand?
c. Karapat-dapat bang magkaroon ng pananaliksik ang ganitong sitwasyon?

Sitwasyon: Ikaw ay isang opisyal ng Division Office, ikaw ay naanyayahan sa isang paaralan upang alamin
ang dahilan kung bakit mataas ang porsyento ng mga mag-aaral na kumukuha ng General Academic Strand.

PAGSASANAY ( 10 minuto ) Pangkatang gawain.


Papangkatin sa apat ang mga mag-aaral at sila ay mamimili na ng kanilang magiging paksa sa kanilang
gagawing pananaliksik.
PAGPAPAUNLAD ( 10 minuto ) Sasagutin ng bawat grupo ang tanong na:
Paaano makatutulong ang kanilang magiging pag-aaral sa pamayanan o komunidad?
PAGTATAYA ( 5 minuto ) Pagpili ng pinal na paksa sa gagawing pananaliksik

You might also like