You are on page 1of 2

MALA-MASUSING BANGHAY ARALIN

GRADE 11
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO
TUNGO SA PANANALIKSIK
IKALAWANG SEMESTRE
F11PB – IVab – 100
I. LAYUNIN

Pagkatapos ng isang oras talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang;


A. Nasusuri ang layunin ng pananalikisk batay sa mga piling pyesa ng pananaliksik;
B. Naipaliliwanag ang iba’t ibang layunin sa pananaliksik;
C. Nakapagbibigay ng sariling layunin sa pagsasagawa ng pananaliksik.

II. PAKSANG-ARALIN
A. Paksa : Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Paksa: Layunin ng Pananaliksik
B. Sanggunian : Internet
C. Kagamitan : Aktibiti kard, piyesa ng mga babasahing teksto, PowerPoint
Presentation
D. Metodolohiya : Direktang pagtuturo at Discovery na metodo

III. PAMAMARAAN
Panimula
Pagbati
Pagsasaayos ng silid-aralan
Pagkuha ng atendans

A. Activity (Gawain)
Proseso

 Basahin ang halimbawang pananaliksik at suriin ang mga ito batay sa mga sumusunod na katanungan.
Pagkatapos, pumili ng kagrupo na maglalahad ng inyong sagot sa klase. Bibigyan lamang kayo ng 10
minuto upang sagutin ang mga tanong at 3 minuto sa paglalahad ng sagot.

Pamantayan:
Nilalaman: 40%
Kalinawan ng kaisipan 25%
Organisasyon ng Ideya 25%
Kaayusan ng grupo sa presentasyon 10%
100%

B. Analysis (Pagsusuri)

Pamprosesong Tanong
1. Ano ang paksang tinalakay sa pananaliksik?
2. Paano isinagawa ang pananaliksik?
3. Sa tingin ninyo, bakit ito ang napiling paksa ng mananaliksik? Ano ang nais niyang makamit?
4. Kung ikaw ay gagawa ng isang pananaliksik, ano ito at bakit ninyo gustong gawin ito? Maglahad
lamang ng tatlong dahilan kung bakit ito ang nais saliksikin.

C. Abstraction (Paglilipat)
Direktang pagtuturo at Discovery na metodo batay sa ginawang gawain;

Layunin ng pananaliksik
1. Makatuklas ng mga bagong ideya, konsepto at impormasyon.
2. Makapagbigay ng bagong interpretasyon o pagpapakahulugan sa dati nang ideya.
3. Makapaglinaw sa isang usapin o isyung pinagtatalunan at tuloy makapagbigay ng inaakalang solusyon
sa problema
4. Makapagpatotoo o makapangatwiran sa tulong ng mga mapapanaligang mga materyales o dokumento
hinggil sa mga paksang nangangailangan ng paglilinaw.
5. Makapagbigay ng mga ideya o suhesyon batay sa historikal na perspektibo para sa isang pangyayari o
senaryo.

D. Application (Paglalapat)

Sagot mo! Ibandera Mo!


 Ang bawat grupo ay bibigyan ng limang kulay na hugis banderitas. Ang bawat kulay ng bandera ay
tumutukoy sa iba’t ibang layunin ng pananaliksik. Magpapakita ang guro ng isang sitwasyon at
aalamin ng bawat grupo ang layunin ng teksto. Itataas lamang ang banderitas na rumerepresenta sa
layunin na kanilang isasagot.

Mga Sitawasyon:

Si Julie Ann ay nagsasaliksik kung paano malulutas ang problemang dala ng El Niño sa mga sakahan
nila sa kanilang baryo.
Nais ni Dr. Charles na malaman ang hangganan o kapasidad ng pag-iisip ng tao.
Gustong patunayan ni Gerald na siya ay kamag-anak ni Andres Bonifacio.
Ang grupong KAMFIL ay naglalayong baguhin ang pangalan ng kanilang organisasyon na PASATAF
(Pampamantasang Samahan ng Tagapagtaguyod ng Filipino) dahil nais nila na magpapatibay ang samahan
ng organisasyon at mas magkakaroon ng maayos na mga patakarang pang-organisasyon.
Si Eddie ay sawang-sawa na sa paggamit ng Facebook at nais na niya ng mas bago at mas magandang
Social Media Networking site na magkokonek sa kanya sa kanyang mga kaibigan.

IV. Assessment (Pagtataya)


Mag-isip ng isang paksa at ilahad kung bakit ito ang nais saliksikin.

V. Assignment (Kasunduan)
Bakit mahalagang isaalang-alang ang layunin ng pananaliksik sa pagpili ng paksa?
Inihanda ni:

ROBIN B. BABARAN
Teacher II- Filipino
Quezon National High School
Division of Isabela

You might also like