You are on page 1of 9

Ang teorya ng realismo ay ang paniniwala na ang karamihan ng mga 

cognitive bias (kamalayang may


kinikilingan) ay hindi pagkakamali, kundi lohikal at paaran ng praktikal na pangangatwiran sa pakikitungo
sa "tunay na mundo". Kasáma nito ang pagpapalagay na ang mga bagay ay mayroon pang mas malawak
na kaalaman kaysa sa kung ano ang sinasabi ng mga cognitive experimenter (mga sumusubok sa
kamalayan).

Ang nobelang “Laro sa Baga” ni Edgardo M. Reyes ay isang nobelang may


erotikong elemento na nakapanghihikayat sa mga mambabasa na huwag
bitiwan ang aklat  kapag nasimulan na.Ito ang nobelang tumatalakay sa
pamagat nito mismo na laro sa baga. Isang gawain na kapag nasimulan ay
mahirap takasan na waring sugal sa pagkatao ng isang nilalang. Ang
nobelang ito ay kakikitaan ng selan sa paglalahad mula unang kabanata
hanggang sa kahuli-huling pahina ng aklat. Ngunit ito’y  isang
napakagandang nobela na may malalim na kahulugan at maraming aral na
matututunan. Tinatalakay dito kung paanong ang wasak-wasak na
pakikipagrelasyon ng pangunahing tauhan sa iba’t ibang babae ay nag-ugat
sa malalim na suliraning nagkukubli sa kanyang ilalim na kamalayan.

Pagsusuri sa May-akda

Sa ekspresibong pananaw , ipinalalagay na ang akdang pampanitikan


ay ang nagsisiwalat ng isip, damdamin at personalidad ng may-akda.
Sinasabing malaki ang ugnayan ng may-akda at ng kanyang akda at may
mga nakatagong puwersa na nag-udyok sa isang manunulat na sumulat ng
isang akdang sumasalamin sa mga pangyayari sa kanyang kapaligiran.
Ayon kina Bernat at Royle (1992:20) nagkakaroon ng relasyon ang
akda sa katotohanan o sa talambuhay ng may-akda mismo. May epekto ang
mga pangyayari sa kaligiran (panahon at lipunan) ng may-akda na kung
saan ay lumalabas na naisisiwalat niya sa kanyang mga akda.
Isang magandang halimbawa nito ay ang nobelang “Laro sa Baga” ni
Edgardo M. Reyes na kung saan , ayon sa mga mananaliksik na nagtungo sa
iba’t ibang aklatan upang kumuha ng tala na may kaugnayan sa kanyang
nobela gaya ng Colegio de Los Baños, Aklatan  ng ACCI , atbp. Sinasabing
ang bawat nobela at katha na naisulat ni Edgardo M. Reyes ay may malaking
kaugnayan sa kanyang buhay at karanasan sapagkat ang mga nobelang ito
ay mas medaling sulatin dahil nakikita niya at naranasan.
Sa katunayan ay naisulat ni Edgardo Reyes ang nobelang “Laro sa
Baga” noong panahon ng bagong lipunan na kung saan ay ang pagsibol ng
unang bugso ng mga kontemporaryong mga akda. Nakilala si Edgardo M.
Reyes bilang haligi ng kontemporaryong Panitikan at isa sa mga pangkat ng
kabataan laban sa matatandang manunulat na kinabibilangan ng mga
nobelista sa una at pangalawang hanay na sina Lope K. Santos , Iñigo Ed.
Regalado , Fausto Galauran , Jose Esperanza Cruz at Susana du Guzman.
Sa pangalawang bugso ng modernismo noong ikapitong dekada, tunay
na nagbago ang kombensiyonal na pamamaraan ng pagsulat na kung saan
ay may tahasang pangangaral , maligoy na pananalita at de-kahong mga
tagpo. Nangingibabaw sa mga akda ng mga manunulat na tulad nina Narciso
Reyes at Macario Pineda ang mga unibersal na tema ngunit sa mga akda
nina Efren Abueg , Edgardo M. Reyes , Dominador Mirasol at Ave Perez Jajob
, pinaglayag ang imahinasyon upang saklawin ang marami pang mukha ng
karanasan.Ang indibidwal at lipunan ang napiling paksa ng maraming
kuwento at akdang pampanitikan.
Sa isang pagtataya , sinabi ni Abueg:
Nitong 1960 nagsimula nang mag-usisa tungkol sa kalagayan ng
lipunan ang mga kuwentista. Ilan sa kanila ay may iba’t ibang pinapaksa at 
tinunton ni Edgardo Reyes sa kanyang mga kuwento ang ugat ng pagkabulid
sa masamang propesyon ng mga babae.
Ayon sa Panitikang Pilipino ni Arthur Casanova et. Al (2001) sinasabing
nagbalik sa romantisismo ang karamihan sa mga nobelang lumabas sa
Liwayway sa panahong ito. Nang ideneklara  ang martial law taong 1981
naging temang popular sa mga babasahin ang tungkol sa mga bomba at
porno na makikita sa mga palimbagang pang-magasin , at pang-komiks.
Larawan ito ng saglitang pag- “band” o ang pagpapahinto sa paglalathala ng
mga pahayagan , maging sa mga channel ng komunikasyon at impormasyon
katulad ng T.V. ,Radyo at iba pa. Kung kaya naging patok sa mga panahong
iyon ang mga imahe ng mga babaing hubo’t hubad.

 Ang Pinagsanib na Sikolohikal at Naturalismong


Pagdulog
    
Hindi pangkaraniwan sa pagsusuri ng mga akda ang paggamit ng higit
pang mga teorya o pagdulog. Sa katunayan ay may mga pagdulog na
umaangkla sa partikular na mga teoryang pampanitikan at isa na dito ang
pinakapalasak na inaangklahan: ang realismo . Ngunit ang pagsusuring ito
ay hindi gumamit ng realismong pagdulog bagkus gumamit ng madalang
kombinasyon ng mga teorya katulad ng Naturalismo at Sikolohikal.
Sa pagsusuring ito, titingnan ang akda sa pesemistiko at ekspresibong
paraan gamit ang pinagsanib na pagdulog sikolohikal at naturalismo.
Ipinakikita sa akdang Naturalista na ang tao ay biktima ng kanyang
kapaligiran at biyolohikal na kadahilanan. Dahil dito, hindi dapat kondenahin
ang tauhan sa akda sa halip ay dapat unawain bilang biktima. Mahalaga sa
pagdulog na ito ang ugnayan ng sanhi at bunga ng mga pangyayaring
nakaaapekto sa tauhan sa akda at maging sa pag-unawa ng damdamin ng
tauhan .
Ipinalalagay naman sa  pananaw na Sikolohikal na ang akdang
pampanitikan ay nagsisiwalat sa isip , damdamin at personalidad ng may-
akda. Inaanalisa ang mga behavior ng mga tauhan , kilos at kaisipan , at
ang relasyon ng bawat isa. Kung bakit nagbago ang dating paniniwala , kung
bakit tinalikuran ang dating ipinakikipaglaban , ang pinagdaanang buhay o
mga pangyayaring nakaaapekto o nakakaapekto sa kanilang pananaw.
Gamit ang dalawang pinagsanib na pagdulog, isisiwalat sa
pagsusuring  gagawin sa nobela ni Edgardo M. Reyes  ang mga nagtatagong
pitik ng kamalayang sekswal ng indibidwal.

    
Buod ng Laro sa Baga

     Apat na taong gulang pa lamang si Ding ay gising na ang kanyang


kamalayang sekswal. Maagang napukaw ang kanyang kainosentihan nang
dahil sa sobrang higpit ng relasyon nila ng kanyang Ninang Carmen, na
noo’y labis niyang iniidolo. Sa katunayan ay naging huwaran niya ang
kanyang Ninang sa mga type niyang babae kalaunan.
Nag-ampon ang kanyang Ninang Carmen ng isang batang babae na
pinangalan niyang Dee, mas bata kaysa ni Ding.Mula noon ay namuo ang
damdaming nagtulak sa kanila upang lakbayin ang sekswal nilang
kapanabikan.
Napag-alaman ng kanyang Ninang Carmen ang relasyon nilang dalawa
ni Dee. Kung kaya, ipinaghiwalay sila at mula noon ay nagsimulang
pumasok si Ding sa pinto na magdadala sa kaniya upang maglaro sa baga.
Dahil sa angking galing ni Ding sa larangan ng pagpipinta kung kaya ,
agad siyang napasabak sa trabahong ito. Nagsimula siyang kumita ng pera
at nagkaroon ng iba’t ibang uri ng babaeng nakaseks. Lalong sumidhi ang
kanyang pangangailangang sekswal sa tuwing nakakalasap siya ng mga
babaeng virgin.
Naging malapit si Ding sa kanyang boss sa Arte Real na kalauna’y
tinawag niyang Mama (Victoria). May anak itong batang babae na ang
pangalan ay Teng. Biglang naglaho si Victoria at ang balita pa’y patay na
raw ito. Iniwan ni Victoria sa pangangalaga ni Ding ang kanyang anak na si
Teng. Isang napakagandang bata at mula noon ay pinalaki ito ni Ding sa
pag-aasam na siya rin ang makakatikim nito.
Nagkaroon si Ding ng kasintahan,si Emy. Isang kilala at nagmula sa
respetadong pamilya sa Laguna. Napag-alaman ng pamilya ni Emy ang
relasyon ng dalawa at nagdadalantao ang kanilang anak. Ikinasal sila ng
sapilitan. Shotgun Wedding , kaya walang takas si Ding. Ipinaalam niya ang
balitang ito ni Dee na noo’y kasalukuyang nag-aaral sa Amerika. Nasira ang
buhay ni Dee dahil sa labis na pagkalulong sa druga pagkatapos niyang
malaman na ikinasal si Ding sa ibang babae.
Sa kabilang banda ay nalaman ni Ding,nalaman na hindi totoo ang
pagdadalantao ni Emy at may mapait pala itong karanasan sa kamay ng
kuya nito. Hiniwalayan niya si Emy at nagpakalayo-layo.
Pinagtuonan niya ng pansin ang pagpapalaki ni Teng ngunit biglang
nagbalik si Dee . Malaki ang ipinagbago nito at mas naging desperada ito sa
pakikipagseks .Mapangahas ang kinikilos nito kay Ding. Nagsisihan silang
dalawa sa nangyari. May asawa na si Dee at nakilala ito ni Ding. Umalis si
Dee pabalik sa Amerika at di naglaon ay nabalitaan nilang nagpakamatay
ito. Nasira ang ulo ni Ding sa druga pagkatapos niyang malaman na may
ibang umangkin sa puri ni Teng. Nagtungo siya sa bahay ng kanyang Ninang
Carmen ngunit hindi pa rin humuhupa ang galit nito sa kanya. Dahil sa labis
na druga ay nagahasa niya ang kanyang Ninang at mula noon ay naging
ganap ang kanyang kaligayahan na sa wakas ay naangkin niya ang birhen
na kanyang inaasam-asam. Umalis siya nang walang tiyak na patutunguhan.

Pagsusuri sa Akda

     Bahagi ng pamumukadkad ng sinumang bata ang pagiging


interesado sa seks. Normal na pagdaraanan iyon ng mga bata . Sa
katunayan, kung ang bata ay walang interes dito ay maaaring maging
hudyat ito ng pagkakaroon niya ng problema (Clifford Anderson 1973).
Si Ding gaya ng ibang bata ay inaasahang daranas rin ng ganitong
proseso sa paglaki. Sa edad na apat halimbawa ay  marami na siyang mga
katanungan sa sarili na epekto sa mga nakikita at napapansin niya sa
kanyang  kapaligiran . Isa na dito ay ang pagiging curious niya sa panloob
na hinuhubad ng kanyang Ninang Carmen sa tuwing ito’y naliligo.
Likas sa ganitong mga edad ng kabataan ang pagiging mapagtanong
at mapang-usisa lalong-lalo na sa seks. Ang mga maliliit na impormasyon na
nakukuha niya ay unti-unti niyang bubuuin hanggang sa ito’y tuluyang
maging konkreto sa kanyang pag-iisip.
Ang labis na paghanga ni Ding sa kanyang Ninang Carmen ay normal
ring mangyayari bilang pangatlong yugto niya sa proseso ng psychosexual
na pag-unlad.
Ayon kay Sigmund Freud , isang sikolohista, ganitong ang kanyang
pagtataya sa prosesong ito:
“Between four to six years , pleasure gratification of children shifts
from the anal to the genital region and this is phallic stage”.
Lubos na nakapagbibigay ng kaligayahan sa mga bata na nasa
ganitong mga  taon ang mga gawaing may kaugnayan sa paggalaw at
pagmanipula ng kanilang ari (sex organs). Sa yugtong ito nakararanas ang
mga bata ng labis na kompetisyon sa pagkuha ng atensyon at damdamin ng
kanilang  ama at ina.
Tinawag ni Freud na Oedipus Complex ang labis na pagkakagusto ng
anak na lalaki sa kanyang ina  at nagiging kakompetensya niya rito ang
kanyang ama mismo.  Kung kaya , gagawa siya ng paraan upang makuha
niya ang atensyon ng kanyang ina. Sa paglaking ito ng bata ay magiging
huwaran niya ang kanyang ina sa paghahanap niya ng babae.  Subalit
nagkakaroon ng masamang epekto ito sa bata kapag nagkakaroon ito ng
mahinang pundasyon sa ina. Posibleng makagagawa siya ng bagay na hindi
kanais-nais katulad ng hindi pagkakaroon ng kontento sa mga babae at ang
mas malala pa ay ang panggagahasa sa mga ito kalaunan. Kakaiba ang
nangyari sa nobelang “Alab ng Puso” ni Gabrielle Gein sapagkat naganap
ang atraksyong ito sa kakatwang sitwasyon: 
“Dise-otso anyos pa lamang si Sandra ng manilbihan ito sa isang
mayamang pamilya. May anak itong lalake na  binata at may matipunong
pangangatawan .Lagi itong naiiwan sa mansyon upang  mamahala dito dahil
madalas na pumupunta ang kanyang mga magulang sa states dahil sa
negosyo nito. Nagustuhan siya ng lalakeng ito at nagtapat ito ng pag-ibig sa
kanya ngunit wala siyang gusto rito kung kaya, pinilit siya nito at ginahasa.
Nabuntis si Sandra at nanganak sa mismong bahay na iyon. Tumakas siya at
naiwan ang kanyang anak.Kinuha ng pamilyang yaon ang batang lalake at
pinalaki ito. Nagpakalayo-layo si Sandra at namuhay ng normal. Lumipas
ang dalawampung taon ay may nakatagpo siyang lalake .Mas bata  kaysa sa
kanya .  Umibig ang lalaki sa kanya at nagkaroon sila ng relasyon. Dumating
ang araw,  hinanap ni Sandra ang kanyang anak. At tumigil ang kanyang
mundo nang  malaman niyang ang umibig sa kanyang  lalake ay siya palang
anak na nawalay sa kanya.”
Sa kaso ni Ding ay nabaling ang ganitong atraksyon  sa katauhan ng
kanyang Ninang Carmen imbes na sa kanyang ina. Nangyayari ang ganitong
sitwasyon kung nagkaroon ng pagkukulang  ang ina sa pagpapalaki ng
kanyang anak. Mapapansin sa una hanggang sa pangatlong kabanata ang
maayos na pangangalaga ni Carmen sa kanyang inaanak na si Ding. Siya na
halos ang umako sa responsibilidad ng ina sa anak nito katulad ng
pagpapalit ng diaper , paghuhugas ng puwet, pagliligo at iba pa. Kapansin-
pansin rin na mas malapit pa si Ding sa kanyang Ninang  kaysa sa kanyang
tunay na ina. Sa kasong ito, hindi imposibleng mailipat kay Carmen ang
ganitong atraksyon (Oedipus Complex)  na dapat ay sa kanyang ina
mabaling. Kung kaya mas tumindi pa lalo ang paghanga niya rito at
damdamin hanggang sa kanyang paglaki.
Ang pagkakaroon ni Ding ng iba’t ibang babae kalaunan ay bunga rin
ng kanyang malaking kakulangan sa pangangailangan niya sa kanyang ina
na dapat ay siyang bumuo ng kanyang sarili upang maging matibay ito sa
pagharap ng mga pagkakataon sa kanyang buhay.
     Kabalintunaan naman ito sa psychosexual na pag-unlad ng mga babae
pagkat mas naging malakas ang atraksyon na nararamdaman nila sa
kanilang ama. Ang ganitong proseso ay tinawag ni Freud na Electra
Complex. Magiging kakompetensya niya rito ang kanyang ina at dahil dito,
maghahanap siya ng paraan upang makuha niya  ang atensyon ng kanyang
ama. Sa paglaki ring ito ng bata ay hahanapin niya ang mga katangian ng
kanyang ama sa paghahanap niya ng lalake. Ang mahinang pundasyon  sa
prosesong ito ay maaaring makalilikha ng malaking epekto sa bata. Katulad
na lamang ng pagiging mahina nito sa mga lalaki lalong-lalo na sa pag-ibig
at ang iba pa ay  ang maagang pagbubuntis.
     Sa kaso ni Dee ay mahirap na magkaroon siya ng matibay na pundasyon
sa kanyang ama sapagkat maaga itong naulila sa kanyang mga magulang.
Kung kaya nagkaroon siya ng matinding pangangailangan sa habag ng
lalake at natagpuan niya ito sa katauhan ni Ding. Maaga siyang umibig at
nagpadala sa kanyang damdamin. At Dahil sa impluwensya ni Ding sa
kanya, nagising ang kanyang kamalayang sekswal at napunan niya ang
pangangailangang ito ng kanyang ama nang maibigay niya  ang  kanyang
puri kay Ding sa mabilis na  panahon. Sa sitwasyong ito makikita na
napakahina ng pundasyon ni Dee sa pagbuo ng kanyang sarili. Ito ay bunga
ng maagang pangungulila niya sa kanyang mga magulang na naging sanhi
upang magkulang ang kanyang sekswal na pangangailangan sa kanyang
ama.
     Hindi lamang si Dee ang kakikitaan ng ganitong uri ng problema dahil
kapansin-pansin rin ang mga babaeng bayaran na naglipana sa nobela. Ang
mga babaeng ito kahit pa hindi ungkatin ang kanilang tunay na pagkatao ay
mapapansin ng nakararanas rin ng mahinang pundasyon sa pangangailang
sekswal. Kitang-kita ito sa kanilang mga ikinikilos at bawat pagpihit ng
kanilang pinto patungo sa  kani-kanilang kaligayahan. 

Ang Realismo ay isang kilusang umusbong sa larangan ng sining noong siglo 1900. layon nitong ipakita
ang karanasan ng tao at lipunan sa isang makatotohanang pamamaraan. Itinatakwil ng Realismo ang
ideya ng paghuhulma at pananaw sa mga bagay.

Unang ginamit ang terminong Realismo noong 1826 ng Mercure francais du XIX siecle sa Pransya bilang
paglalarawan sa doktrinang nakabatay sa makatotohanan at wastong paglalarawan ng lipunan at buhay.
Nagkaisa ang mga realistikong Pranses sa pagtakwil sa pagiging artipisyal ng Klasismo at Romantisismo.
Sinikap nilang ipakita ang buhay ng mga di-kagila-gilalas, ng mga mapagkumbaba at ng mga hindi
nakikita. Sa proseso, inilabas ng Realismo ang mga di-pinapansin at kinakalimutang bahagi ng buhay at
lipunan.

Naging masigla ang talakayin tungkol sa Realismo noong unang bahagi ng siglo 1900. Nakatulong dito
ang kilusang anti- Romantisismo sa Alemanya kung saan mas nagtuon ng pansin ang sining sa
pangkaraniwang tao. Idagdag pa rito ang patataguyod ni Auguste Comte (kilalang Ama ng Sosyolohiya)
ng proditibistikong pilosopiya sa paglulunsad ng siyentipikong pag-aaral; ang pag-unlad ng propesyunal
na journalism kung saan inuulat nang walang bahid ng emosyon o pagsusuri ang mga kaganapan at ang
paglago ng industriya ng potograpiya.

May iba’t ibang pangkat ng pagsusuring Realismo sa panitikan.

May pagtitimping inilalahad ng Pinong (gentle) Realismo ang kadalisayan ng bagay-bagay at iwinawaksi
nito ang anumang pagmamalabis at kahindik-hindik.

Ang Sentimental na Realismo ay may optimistiko at inilalagay ang pag-asa sa damdamin kaysa sa
paglutas ng pang-araw-araw na suliranin.

Inilalarawan ng Sikolohikal na Realismo ang internal na buhay o motibo ng tao sa pagkilos.

Inilalarawan naman ng Kritikal na Realismo ang mga gawain ng isang lipunang burgis upang maipamalas
ang mga aspektong may kapangitan at panlulupig nito.

Ginagabayan ang Sosyalistang Realismo ng Teoryang Marxismo sa paglalahad ng kalagayan ng lipunang


maaaring mabago tungo sa pagtatayo ng lipunang pinamumunuan ng mga uring anak-pawis.

Pinagsasanib naman ng Mahiwagang (magic) Realismo ang pantasya at katotohanan nang may
kamalayan. Pinagsasama ng impluwesya ng mito at karunungang-bayan sa takbo ng kwento upang
masalamin ang mga katotohanang nagaganap sa lipunan.

You might also like