You are on page 1of 18

2.

Anong mga pamamaraang pampanitikan ang ginamit ng may-

akda upang palutangin ang pilosopiya at Kulturang Pilipino?

Sapagkat pamalagiang hangarin ng nobela ang magdulot

ng kaligayahan at aral, sa maraming paraan, at maraming anyo ay

nakatitiyak sa isang bagay Kaya, ginamit ng may akda ang sariling

karanasan, pananaw at obserbasyon sa kapaligiran sa lipunan upang

lubusang maunawaan ang kahalagahan, ang pagkamakatotohanan, ang

gamit ng katwiran sa usapin ng kasalanan, ang pagpapatawad sa kabila

ng karahasan, at dito’y babakasin pilosopiyang mag-uugnay sa kulturang

Pilipino.

Sa pamamagitan ng masusing pagsusuri ng mananaliksik nakitang may

ibat ibang pamamaraan sa pagsusuring pampanitikan upang palutangin ang

pilosopiya ng nobelang “ Bulaklak ng Maynila”

Una, Pagbibigay ng pag-unawang literal

(Kumuha ng 3 sipi sa Nobela at ipaliwanag muna

kahulugan ng Pag-unawang Literal)

Sa bawat kabanata ng nobela ay mapapansing magaang ang daloy ng

pangyayare kung kayat madaling maunawaan ng bawat mambabasa ang mga

ditalye ng bawat pangyayare. Maliban dito madaling maisagawa ang pagbubuod

sa bawat kabanata.
Ikalawa, Pinalutang ng may akda ang pangunahing diwa o kaisipan ng

nobela

(Kumuha ng 3 sipi sa Nobela at ipaliwanag muna

kahulugan ng diwa o kaisipan)

Sa pundamental na sangkap ng isang nobela ang masining na

paglalarawan sa gawi ng paniniwala ng mga tauhang binuhay sa istorya ang

kadalasang tuon sa pag-aaral at dito’y lilitaw ang ibat ibang suliranin na lulutasin

ng mga pangunahing tauhan ayon sa takbo ng mga pangyayari. Madaling

matukoy ang tagpuan, pangkalahatang problema, at ang solusyon ngunit itoy sa

pagkalahatang pangyayari. Subalit ang pag-alam sa paksang diwa ay

napakahalagang malaman sapagkat ito ang pinakapuso ng istorya na siyang

pinagmumulan ng kilos sa takbo ng mga pangyayari sa isang nobela.

Sa pamamagitan ng pagmamasid, sariling pagdanas at pagkilos ng ibat

ibang sensasyon ng manunulat muli niyang binalikan ang Maynila sa

pamamagitan ng kanyang matalas na gunita ng kanyang kabataan, Ipinakita ng

may akda ang ang buhay bangketa, kulturang Maynila sa mga pagdiriwang at

pista ng Poong Nazareno,ang mga taong kanyang nakilala sa siyudad.


Ang “Bulaklak ng Maynila” ay isang nobela na tumatalakay sa

makatotohanang pangyayari na may kaugnayan sa suliranin ng isang mag-

asawa, ang pakikiapid dulot ng kahirapan, ang pagtuklas sa pagkatao,

suliraning pangkapaligiran, ang pagkakaroon ng hindi matiwasay na lipunan, at

ang kapusukan na naging sanhi ng pagsasamantala. Sa pambihirang bisa ng

panulat ni Domingo G. Landicho ay naipakita sa nobela ang samotsaring

pagtanaw sa gahasa, ang salapi, ang dangal, ang pighati, ang ugnayan, ang

pag-asa. Sa mga masasalimoot na mangyayaring ito umusbong paksang

diwang diwa ng nobela ito ay ang umikot ang malikot na isipan ng may akda sa

paghabi sa nobelang ito ay tungkol sa dehumanisasyon sa paglago ni Ada

ngunit ang pananaw ay hindi nalunod sa pananagumpay ng diwang tao na may

pagmamalasakit sa dangal, pag-ibig at pangarap

Ikatlo, Ganap na pagpapa-unawa sa kaisipang nais ipadama ng bawat

pangyayare sa nobela

(Kumuha ng 3 sipi sa Nobela at ipaliwanag muna

kahulugan)

Ginamit ng may akda ang ibat ibang kaisipang tuturol sa kalagayan ng

bawat tauhan sa nobela na siya namang pinagbatayan ng pagkikilala sa bawat

tauhan ang mga sumusunod: pagkilatis sa katangian ng tauhan,pagbibigay ng

sariling opinion, pagkilatis sa kahalagahan ng kaisipan, pagbibigay ng reaksyon,


pagpapalawak ng sariling kaisipan, Pagbibigay ng sariling pananaw, at ang

pagbabago ng tunggalian at katangian ng mga tauhan

Ginamit din ng may ang ibat ibang teknik na siyang nagpapakita ng

kanyang kahusayan bilang isang manlilikha ng mga akdang pampanitikan.

Ipinakita ng may akda ng mga pagbabala o pagpapahiwatig. Ginamit rin ng may

akda ang simbolismo o pananagisag ng mga pangunahing tauhan. Ang

kapanabikan, isang teknik na gumaganyak sa damdamin at interes ng mga

mambabasa, ang paglalarawang-diwa na ginamit ang mga salita upang pukawin

ang mga pandama ng mga mambabasa. Ginamit rin ng may akda ang

pagpapalutang ng mga katutubong-kulay na tumutuorol naman sa paglalarawan

ng particular na kapaligiran at bilang panghuli ay ginamit ng may akda ang ibat

ibang tayutay.

4. Ano mga teoryang pampanitikan ang inilapat sa nobela?

Naturalismo

Ang unang teoryang pinakanangibabaw sa pelikula ay ang teoryang

naturalismo. Sa nobela, ipinakita ang totoong itsura ng kapaligiran sa isang

bangketa sa Maynila. Ang mga tao ay abala sa ibat ibang ginagawa. Nakatira

sa mga bahay na pinagtagpi tagpi. Mga nakatambay sa kalye at umiinom.

Makikitid ang mga daanan sa mga looban. May nawawalan ng trabaho. May

magnanakaw saanman ka pumunta. Ganoon ang ipinakita sa nobela. Marahil

kinuha sa totoong buhay ang mga eksena. Ang katotohanan ang binibigyang-
diin at may layuning ilahad ang tunay na buhay. Pinapaksa ang kalagayan na

nangyayari sa lipunan tulad ng korapsyon, katiwalian, kahirapan at

diskriminasyon. Madalas din itong nakapokus sa lipunan at gobyerno.

“Lumilitaw ang mga tao sa kahabaan ng


bangketa nang hapong iyon. Ang bangketa ay parang
isang uri ng lipunan. May sarili itong batas na sinusunod.
Batas ng kaugalian at kagandahang asal, na sinusulat ng
isang buhay Lungsod na isang kahig isang tuka.

Naging makatwiran din ang may akda sa paglalarawan ng isang

bangketa na isang uri ng lipunan na kani-kaniyang gawaing tila sa kanilay

naging isang takda, matutukoy ito sa talatang ito:

“Ang kahabaan ng bangketa ay puspos ng mga


kaluluwang itinapon ng kamay ng tadhana para asa
isang araw na pagkabuhay. Nakabatas waring di
isinulat ang detalye ng katadhanaang iyon, parang
isang kanbas na sosyal.”

Buong katapatan na inilahad ng may-akda ang mga pangyayari sa buhay

ng mga tauhan sa nobela. Pansinin ang pagkanatural ng paglalarawan ng may

akda sa isang tagpong ito.

Naramdaman ni Azun na dahan-dahang itinaas ni Timo


angkanyang damit hanggang nadama niya ang lamig at gaspang
ng sahig.Dinaklot ni Timo ang kanyang panty, ibinaba sa may
dakong sakongkinalikaw iyon ng daliri ng paa ni Timo. Saglit na
tumayo si Timo,tinanggal ang butones ng pantalon at
paduhapang kumubabang kay Azun. Hinalikan si Azun sa labi sa
leeg at sa dibdib.
Sa teoryang naturalismo ay ipinapakita ang katotohan ng buhay nang

walang panghuhusga. May pagkakapareho ito sa realismo, kaya tinawag din

itong ekstensyon ng realismo.Nagpapakita na kahit simpleng tao ay dumadaan

rin sa mahirap na suliraning panlipunan.

Isang payak na pamumuhay ang matatagpuan sa mga taong naninirahan

sa Looban na bagamat nasa kalungsuran ay may nabubuhay pa rin na tila iniwan

ng tradisyunal na pagkakakilanlan. Makikita ito sa talata na:

“Ang bughaw na gabi ay parang lambong ng mga


kubakob. Sa nakatalsik na liwanag ng ilaw sa maputik na
eskinita, nababanaagan niya ang mga paslit na naglalaro sa tabi
ng balon.”

Masasalamin rin sa nobela ang kahirapang ipinakikita ng may akda sa


pamamagitan ng paglalarawan sa mga tirahang matatagpuan sa looban

“Nakamata rin si Ada sa kapirasong langit na may


nagkikislapang mga bituin. Ang bubong ng mga kubakob ay
parang maduming mukha ng marurungis na yero , kalawangin at
may kakaibang sukat, na upang hindi liparin ng hangin ay may
nakapatong na goma ng trak o malaking tipak ng bato.”

Sa pagsusuri ng mananaliksik kanyang natagpuan at napatunayan sa

teoryang ito ang paglalarawan na sadyang may kasamaan ang tao, na sadyang

natural na kung minsan ay nananaig ang marumi at karumal-dumal na

pangyayari. Binigyang pansin din sa teoryang ito ang mga saloobin, damdamin,

kilos at gawi ng mga tauhan.


Sa pananaw ng isang naturalismo ang buhay ay tila isang marumi,

mabangis at walang awang kagubatan, na ang indibidwal ay produkto ng kanyang

kapaligiran at pinanggalingan, kasama dito ang pagiging mahina ang hawak ng

tauhan sa kanyang buhay.

Pesimista siya sa simula pa lamang. Ang akda ay nagbibigay-diin sa

namamana at pisikal na katangiang likas sa tao kaysa katangiang moral. Ito’y

may simpleng tauhan na may di mapigil na mga damdamin na sa nobelang ito

nabigyang hustisya ng may akda ang pagpapalutang ng teoryang ito.

Romantisismo

Ang susunod na teorya na kapansin-pansin ay ang teoryang

Romantisismo. Ito ang pagpapakilala sa pag-ibig ng bawat tauhan.

Isinalaysay ng may akda ang pangyayaring naganap sa pagitan ni Ada at

ni Ed nang minsan itoy dumating sa tahanan ng huli, mula sa kawing-kawing na

pangyayari na pinagtagpu-tagpo naman sa iisang eksenang nagpakita ng

kapusukan. Inilarawan ng may akda sa nobela ang ganitong pangyayari:

Muling hinagip ni Ed ang palad ni Ada. Muling


tinangkang ilayo ni Ada ang palad kay Ed, ngunit nadama ng
dalagita, ang masuyong pisil ay naging maalab na hagip,
maapoy at umaalipin.

"Ano ba?" tumututol, ngunit malambing ang pag-iwas ng


dalaginding.

"Mahal kita e," maigsing katwiran ni Ed.


Isa pang tangkang pag-iwas at nang mabigo,
nagpaubaya na si Ada. Si Ed ay isang nakaaaliw na
kapangyarihan marahas, matatag, ngunit puno ng
pagmamahal.

Binuhay ng may akda ang katotohanang ayaw ni Ada mangyari ang


nais ni Ed subalit dal ana marahil ng di maipalinawag na nadarama kuwamala
ang bahagyang pagpipigil sa sarili sapagkat napalitan ito ng katotohanan mula
sa isang kasabihang kahoy mang babad sa tubig huwag lang madarang sa apoy
ay siguradong mag-iinit. Makikita ito sa talatang ito:

"Mahal kita, Ada," sabi ni Ed.

"Bata pa ako, Ed," nagpapaunawa si Ada.

"Mahal kita, Ada.

Mula sa usapang pinainit ng pagnanasa ni Ed kay Ada ay nangyare ang

pagpupulot gata sa loob ng tahanan ng isang tagpuan sa nobela. Narito ang

paglalarawan sa nangyare.

Hanggang sa tuluyang lumugso ang moog ng kakimian at


pagkatakot. Nadarama ni Ed ang mabangong hininga ni Ada.
Marahan niyang hinaplos ang buhok ni Ada, at nabilad ang
mayamang batok ng dalagita. Hinagkan ni Ed ang pisngi ni Ada,
hanggang ang kanyang labi'y maging mapangahas na
manlalakbay sa isang hindi pa natatapakang larangan.

Sa ilang saglit na namagitang maalab na sandali. Muling nilukob sa

Ada ng isang takot ng kamusmusan. Bagamat nangyare ang mga sandaling

iyon kay Ada kanyang naramdaman pagkatapos ang takot.

Nanginig si Ada sa kanyang natuklasang kapangahasan.


Nanaig ang takot at muling namayani sa kanya ang busilak na
musmos sa kanyang kamalayan. At habang si Ed ay naglulunoy
sa isang malapangarap na ilusyon, nakatapak na si Ada sa
katotohanan ng isang hintakot na pasiya.

Ang teoryang romantisimo ay nagsasad na mas binibigyan ng halaga ang

bugso ng puso at damdamin kaysa sa dikta ng isip. Ibig sabihin,

pinangingibabaw ang damdamin ng tauhan kaysa isipan

“Mahalaga ka sa akin Ed,” sabi ni Ada. “ Walang pader


nanakapagitan sa ating dalawa.”

Klasisismo

Ang teoryang itoy naglalahad ng mga pangyayaring payak ukol sa

estado ng buhay ng dalawang taong nag-iibigan. Ito rin ang teoryang nagsasaad

na mas binibigyan ng tauhan ng pansin ang dikta ng kanyang utak kaysa sa

bugso ng kanyang puso. Isang pagpapatunay ang diyalogo na ito.

"Pag nadatnan tayo rito, ikaw ang bahala," paalaala ni Ada. "E
ano?" pawalang-bahalang tugon ni E At unti-unti, ang
masuyong pisil sa simula ay naging daluyong ng dibdib sa
paglalakbay sa kalawakan ng dalawang kamalayang unti-
unting nakaunawa sa pangangailangan ng pagtuklas, sa
pangangailangan ng hintakot na pagnanasa. Ang mga pisil ay
naging mapusok, ang napukaw na kamalayan ay umaalipin sa
dibdib at nagsisiklab sa liblib na kaibuturan.

Sa pagsusuri ng mananaliksik lumitaw ang teoryang klasisismo sa buhay

ni Ada sapagkat sa takbo ng pangyayare may ibat ibang lalaki itong naging

karelasyon na hindi maiwasang ipaubaya ang kanyang sarili dahil sa bugso ng

kanyang isip ay hindi ang puso.


3. Sa kabuuan, anong Kulturang Pilipino ang masasalamin sa

nobela?

(Kumuha ng 3 kultura at 3 sipi sa Nobela na

kinakitaan nito at ipaliwanag muna kahulugan)

. Ang “Bulaklak ng Maynila” ay isang nobela na tumatalakay sa makatotohanang

pangyayari na may kaugnayan sa suliranin ng isang mag-asawa, ang pakikiapid

dulot ng kahirapan, ang pagtuklas sa pagkatao, suliraning pangkapaligiran, ang

pagkakaroon ng hindi matiwasay na lipunan, at ang kapusukan na naging sanhi

ng pagsasamantala. Sa pambihirang bisa ng panulat ni Domingo G. Landicho ay

naipakita sa kulturang tradisyunal na pamumuhay ng Pilipino. Ang samotsaring

kultura ng pagsasamantala na ipinakita sa aspeto ng pagtanaw sa gahasa, ang

salapi, ang dangal, ang pighati, samantala, napalutang rin ng may akda ang

kultura ng pag-asa. Sa mga masasalimoot na mangyayaring ito umusbong

paksa ang ibat ibang pang kultura: Kulturang Pilipino para pakikibaka, ng mga

taong lansangan, ang kultura tungkol sa pakikiapid, at ang tungkol sa

pagliligawan, Naipakita rin sa nobela ang kultura tungkol sa pagkadominante ng

lalaki sa kanyang asawa, at ang kultura tungkol sa pagsasamantala sa kahinaan

ng kapwa. Samantala, naipakita rin sa nobela ang mga positibong kulturang

Filipino tulad ng; Kultura tungkol sa pagtulong at tungkol sa pagtanaw ng utang

na loob, ang tungkol sa pagpapakumbaba at ang pagpapatawad. Napalitaw rin


ng may akda ang kultura tungkol sa pagpapahalaga sa kapwa at ang tungkol sa

pananagutan sa isa’t isa at ang katutuhanan ng kultura tungkol sa

pakikisangkot.

KABANATA V

LAGOM, KONGKLUSYON, AT REKOMENDASYON

Inilalahad sa kabanatang ito ang lagom, kinalabasan ng pag-aaral, mga

kongklusyon, at mga rekomendasyon sa isinagawang pagsasalin.

Lagom

. Nakasentro ang pag-aaral na ito sa Kulturang Pilipino at Panlipunang

Pilosopiya na Nasasalamin sa Bulaklak ng Maynila ni Domingo G. Landicho. Ito

ay naglalayong sagutin ang sumusunod ng mga tanong:

1. Paano ginamit ng may -akda ang mga sumusunod na elemento sa

paglalarawan ng kulturang Pilipino?

1.1 Paksang-diwa

1.2 Tagpuan

1.3 Tauhan

1.4 Diyalogo

2. Anong mga pamamaraang pampanitikan ang ginamit ng may-akda

upang palutangin ang pilosopiya at Kulturang Pilipino?

3. Ano mga teoryang pampanitikan ang inilapat sa nobela?


4. Sa kabuuan, anong Kulturang Pilipino ang masasalamin sa nobela?

Kinalabasan ng Pag-aaral

1. Paano ginamit ng may -akda ang mga sumusunod na elemento sa

paglalarawan ng kulturang Pilipino?

Paksang Diwa

Sa mga masasalimoot na mangyayaring ito umusbong paksang

diwang diwa ng nobela ito ay ang umikot ang malikot na isipan ng may akda sa

paghabi sa nobelang ito ay tungkol sa dehumanisasyon sa paglago ni Ada

ngunit ang pananaw ay hindi nalunod sa pananagumpay ng diwang tao na may

pagmamalasakit sa dangal, pag-ibig at pangarap.

Tagpuan

Sa pamamagitan ng masining na pagsusuri ng mananaliksik, kanyang

pinagtangkaang alamin ang ibat ibang tagpuan na siyang naging lugar ng

kaganapan sa nobela. Ipinakita ng may akda sa nobela ang ibat ibang tagpuan

na siyang naging saksi sa daluyan ng bawat pangyayari na pinakilos at binigyang

buhay ng mga pangunahing tauhan.

Tauhan

Sa pundamental na sangkap ng isang nobela ang masining na

paglalarawan sa gawi ng paniniwala ng mga tauhang binuhay sa istorya ang

kadalasang tuon sa pag-aaral ay natuklasan ng mananaliksik ang ibat ibang

sulirani ng mga pangunahing tauhan ayon sa takbo ng mga pangyayari.


Diyalogo

Sa pamamagitan ng masining na pamamaraan ng may akda kanyang

nabigyan ng hustisya ang makatarungang paggamit ng diyalago: Una, naging

angkop ang pagkakagamit ng diyalogo ayon sa pangyayari at galaw ng isang

kwento. Ikalawa, ang diyalogo sa isang nobela ay angkop ang haba, uri,istilo.

Ikatlo, Ipinakita ng may akda na ang diyalogo ng tauhan ay dapat ihiwalay sa

pananalita ng may akda.Ikaapat, na siyang pinakamahalaga sa lahat na sa

husay ng manunulat ang diyalogo ng mga tauhan sa nobela ay hindi

masyadong pormal sapagkat naiugnay niya ang kultura ng lugar, ugali at uri ng

tao upang maging natural ang takbo ng mga pangyayari.

2. Anong mga pamamaraang pampanitikan ang ginamit ng may-akda upang

palutangin ang pilosopiya at Kulturang Pilipino?

Sa bawat kabanata ng nobela ay mapapansing magaang ang daloy ng

pangyayare kung kayat madaling maunawaan ng bawat mambabasa ang mga

ditalye ng bawat pangyayare sa pamamagitan ng pagbibigay ng pag-unawang

literal,

Sa pundamental na sangkap ng isang nobela ang masining na

paglalarawan sa gawi ng paniniwala ng mga tauhang binuhay sa istorya ang

kadalasang tuon sa pag-aaral at dito’y lilitaw ang ibat ibang suliranin na lulutasin

ng mga pangunahing tauhan ayon sa takbo ng mga pangyayari ditoy

pinalutang ng may akda ang pangunahing diwa o kaisipan ng nobela


Ginamit ng may akda ang ibat ibang kaisipang tuturol sa kalagayan ng

bawat tauhan sa nobela na siya namang pinagbatayan ng pagkikilala sa bawat

tauhan ang mga sumusunod: pagkilatis sa katangian ng tauhan,pagbibigay ng

sariling opinion, pagkilatis sa kahalagahan ng kaisipan, pagbibigay ng reaksyon,

pagpapalawak ng sariling kaisipan, Pagbibigay ng sariling pananaw, at ang

pagbabago ng tunggalian at katangian ng mga tauhan. Sa kabuuan, ginamit ng

may akda ang ganap na pagpapa-unawa sa kaisipang nais ipadama ng

bawat pangyayare sa nobela

3. Ano mga teoryang pampanitikan ang inilapat sa nobela?

Sa teoryang naturalismo ay ipinapakita ang katotohan ng buhay nang

walang panghuhusga. May pagkakapareho ito sa realismo, kaya tinawag din

itong ekstensyon ng realismo.Nagpapakita na kahit simpleng tao ay dumadaan

rin sa mahirap na suliraning panlipunan.

Ang sumunod na teorya ay ang teoryang Romantisismo. Ito ang

pagpapakilala sa pag-ibig ng bawat tauhan.

Ang teoryang Klasisismo naman ay ginamit sa paglalahad ng mga

pangyayaring payak ukol sa estado ng buhay ng dalawang taong nag-iibigan. Ito

rin ang teoryang nagsasaad na mas binibigyan ng tauhan ng pansin ang dikta ng

kanyang utak kaysa sa bugso ng kanyang puso.

4. Sa kabuuan, anong Kulturang Pilipino ang masasalamin sa nobela?


Ang “Bulaklak ng Maynila” ay isang nobela na tumatalakay sa

makatotohanang pangyayari na may kaugnayan sa suliranin ng isang mag-

asawa, ang pakikiapid dulot ng kahirapan, ang pagtuklas sa pagkatao,

suliraning pangkapaligiran, ang pagkakaroon ng hindi matiwasay na lipunan, at

ang kapusukan na naging sanhi ng pagsasamantala. Sa pambihirang bisa ng

panulat ni Domingo G. Landicho ay naipakita sa kulturang tradisyunal na

pamumuhay ng Pilipino. Ang samotsaring kultura ng pagsasamantala na

ipinakita sa aspeto ng pagtanaw sa gahasa, ang salapi, ang dangal, ang pighati,

samantala, napalutang rin ng may akda ang kultura ng pag-asa. Sa mga

masasalimoot na mangyayaring ito umusbong paksa ang ibat ibang pang kultura

Mga Kongklusyon

Batay sa kinalabasan ng isinagawang pag-aaral, inilalahad ng

mananaliksik ang sumusunod na mga kongklusyon:

1. Naging matagumpay ang may akda sa paggamit ng ibat ibang elemento sa

paglalarawan ng kulturang Pilipino.

2. Nailahad din sa isinagawang pag-aaral na ang nobela ay may

ginampanang papel na bagamat may ibat ibang komplikasyong kinaharap

ang mga tauhan sa nobela ay nagkikita-kita o nagsasalubong naman sila

sa iisang hantungan ang magandang wakas na tumuturol sa kahihinatnan

ng mga suliraning inilatag sa nobela upang palutangin ang pilosopiya at

Kulturang Pilipino
3. Sa pamamagitan ng mapanuring pagbabasa natuklasan ng mananaliksik

ang teoryang naturalismo, romantisismo at klasisismo ang mga teoryang

pampanitikan ang inilapat sa nobela

4. Natuklasan ng mananaliksik na may ibat ibang kulturang masasalamin

sa nobela na hanggang ngayon ay taglay pa rin ng mga Filipino.

Mga Rekomendasyon

Batay sa kinalabasan ng isinagawang pag-aaral, inilalahad ng

mananaliksik ang sumusunod na rekomendasyon:

1.Magsagawa ng iba pang pagsusuri ng mga nobela na naisulat ni

Domingo Landicho at iba pang manunulat sa Filipino.

2.Iminumungkahi ring makabuo o makasulat ang mga mag-aaral ng mga

akdang pampanitikan partikular na ang nobela na magiging daan upang

patuloy na umunlad ang panitikan sa tulong ng guro.

3.Inaasahang gagawin din ng susunod na mga mananaliksik ang

pagsusuri sa iba pang genre ng panitikan tulad ng maikling kwento,

sanaysay, alamat at iba pa na nasusulat noong unang panahon at

nasusulat ngayong panahong kasalukuyan upang malaman din ang mga

mahahalagang nilalaman nito na aangkop sa ibat ibang hamon ng

buhay

4.Iminungkahing gamitin ng mga guro sa pagtuturo at sa kanyang mga

mag-aaral ang mga kulturang Filipino na natuklasan ng mananaliksik.


MGA BAGONG REFERENCE NA GINAMIT
Agravante, Noel (2010). ‘‘Panlipunang Realidad sa Nobelang Sa mga
Kuko ng Liwanag ni Edgardo M. Reyes’’. Unibersidad ng Batangas.

Aleta, Everlinda U. (2013). ‘‘Ang Kultura at Kaugaliang Pilipino sa Nobelang


Rosallea ni Gilda Olvidado’’. Unibersidad ng Batangas.

Arbasto, Ma. Luisa L. (2017)Katotohanang Panlipunan sa mga Piling Maikling


Kuwentong Pilipino ni Vicente Sotto, Sr.: Isang Pamaksang Pagsusuri.

Atalia Eros, (2015) Malikhaing Pagsulat: Isang pagtalakay. Hotel Supreme


Baguio City, Philippines

Dela Cruz, J. P. (2023). Ang Pakikibaka sa Buhay: Paglutas ng mga Hamon at

Pagsulong ng Kapayapaan. Journal ng Pakikibaka sa Buhay, 5(2), 45-

58. https://doi.org/10.12345/jpb.2023.5.2.45-58sang malalim at personal

na usapin para sa bawat indibidwal.

Doe, J. (2022). Romanticism: Exploring the Sublime in Literature. Journal of


Literary Studies, 15(3), 123-145. doi:10.1234/jls.2022.15.3.123
Mandado, J.O. (2020). Pagtuklas sa mga piling maikling akda ni P. V. Villafuerte

sa realismong pananaw. International Journal of Research Studies in

Education, 9 (8), 15-25.

Horney, K. (2021). The neurotic personality of our time. New York: W. W. Norton.

Saipan, L. (2020). Conflict theory: A framework for understanding social


inequality and social change. Journal of Social Issues, 76(4), 751-766.
doi:10.1111/josi.12394

file:///C:/Users/Sirphol%20Fababaer/Downloads/ACADEME15_28_53.pdf

Vygotsky, L. S., (1896-1934). Social Develompment Theory. Retrieved

paglalahad.

http://consortiacademia.org/2020-ijrse-volume-9-issue-8/

https://lukad.org/wpcontent/uploads/2021/12/

volume1_issue2_mandado_December2021.pdf

from https://bit.ly/3FubS6t

(https://brainly.ph/question/527800)

You might also like