You are on page 1of 14

Nobela

Ang nobela ay isang akdang pampanitikan na naglalaman ng mahabang kwento na


nahahati sa mga kabanata. Ang kathang ito ay karaniwang nabibilang sa katergoryang
piksyon, samakatuwid, ito ay karaniwang kathang isip lamang ng manunulat.
Naglalaman ito ng dalawa o higit pang mga tauhan, maraming pangyayari at may
kaganapan sa iba’t-ibang tagpuan. Binubuo ito ng 60,000 hanggang 200,000 na salita o
300-1,300 pahina. Ang kathang ito ay hindi mababasa sa isang upuan lamang sapagkat
mahaba at madami ang mga kaganapan dito.
Dagdag pa, ito rin ay mahabang uri ng akda na naglalahad ng mga karanasan ng
pangunahing tauhan na pinag-uugnay ng mahusay na pagkabalangkas ng awtor. Ang
mga pangyayari sa akdang ito ay matatagpuan sa mga kabanata. Ang bawat kabanata
ay may ginagampanan para mabuo ang kawili-wiling daloy ng kwento sa nobela.

Elemento ng Nobela
Ang nobela ay may siyam na elemento, ito ay ang: tagpuan, tauhan, banghay,
pananaw, tema, damdamin, pamamaraan, pananalita at simbolismo.

1. Tagpuan – Ito ay ang lugar at panahon kung saan naganap ang mga
pangyayari. Kumpara sa iba pang uri ng akdang pampanitikan, ang kwento sa
nobela ay hindi naganap sa iisang tagpuan lamang, sa halip ang mga pangyayari ay
nagaganap sa iba’t-ibang lugar at panahon.
2. Tauhan – Ito ang nagbibigay buhay at ang kumikilos sa akda.
3. Banghay – Ito ang pagkakasunud-sunod o daloy ng mga pangyayari.
4. Pananaw – Ito ay ang panauhang ginamit ng manunulat (Point of view). Ito ay
maaring maging una, pangalawa o pangatlo.
A. Una – Kapag ang may akda ay kasali sa kwento
B. Pangalawa – Ang may akda ang nakikipag-usap
C. Pangatlo – Ito ay batay sa obserbasyon ng may akda
5. Tema – Ito ay paksa kung saan umiikot ang istorya ng nobela. Ito ay maaring
maging tungkol sa pag-ibig, paghihiganti, digmaan, kabayanihan, kamatayan, at iba
pa.
6. Damdamin – Ito ang nagbibigay kulay sa mga pangyayari. Ang damdamin ay
ang emosyong nais iparating ng awtor sa mga mambabasa.
7. Pamamaraan – Ito ay ang istilo na ginamit ng manunulat.
8. Pananalita – Diyalogong ginamit sa nobela
9. Simbolismo – Ito ay ang mga tao, bagay, hayop at pangyayari na nagpapakita
ng mas malalim na kahulugan. Ang magandang halimbawa ng simbolismo sa nobela
ay ang pagsusuot ng tauhan ng itim na damit. Ito ay nangangahulugan ng pagluluksa
sa tauhang namatay.
Mga halimbawa
Ang mga sumusunod ay halimbawa ng nobela:

 Noli Me Tangere ni Dr. Jose Rizal


 El Filibusterismo ni Dr. Jose Rizal
 Ang Huling Timawa ni Servando De los Angeles
 Ang Magpapawid ni Teodoro Virrey
 Ang Mestisa (1920) ni Engracio L. Valmonte
 Mga Ibong Mandaragit ni Amado V. Hernandez
 Banaag at Sikat ni Lope K. Santos
 Sugat ng Alaala ni Lázaro Francisco
KONTEMPORARYONG DAGLI

Ang dagli ay isang anyong pampanitikan na maituturing na maikling maikling kuwento.


Bagamat walang katiyakan ang pinagmulan nito sa Pilipinas, sinasabing lumaganap ito
sa unang dekada ng pananakop ng mga Amerikano.
Wala ring nakatitiyak sa angkop na haba para masabing dagli ang isang akdang
pampanitikan. Subalit sinasabing kinakailangang hindi ito aabot sa haba ng isang
maikling kuwento. Kabilang sa kilalang mga manunulat ng dagli
sina Iñigo Ed. Regalado na may talipanpang Tengkeleng, Jose Corazon de Jesus,
Rosauro Almario (Ric. A. Clarin), Patricio Mariano, Francisco Laksamana, at Lope K.
Santos.
Sa pananaliksik ni Rolando Tolentino, sinabi ni Teodoro Agoncillo na sumulpot ang
dagli noong 1902, kasabay ng pagkakalathala ng pahayagang Muling Pagsilang na
pinamahalaan ni Lope K. Santos, at nagpatuloy hanggang 1930.
Ayon naman kay E. Arsenio Manuel, nag-ugat ang dagli sa panahon ng pananakop ng
mga Kastila. Naging tampok ang mga ito sa mga pahayagang Espanyol at tinawag na
Instantaneas. Gayunman, hindi malinaw kung hinango nga ng mga manunulat sa
Tagalog ang ganitong anyo mula sa mga Español dahil
hindi pa malinaw noon kung anong uri ang itatawag sa akdang anyong prosa ngunit
patula ang himig.
Nagkaroon lamang ng linaw ang anyong prosang gaya ng maikling kuwento at nobela
pagsapit ng 1920, at mula rito'y lalong sumigla ang pagpapalathala ng dagling nasa
ilalim ng sagisag-panulat
Ayon kay Aristotle Atienza, malaking bilang ng mga dagli na nakalap nila ni Tolentino
para sa antolohiyang “Ang Dagling Tagalog: 1903-1936” ang tumatalakay sa karanasan
ng mga lalaki sa isang patriyarkal na lipunang kanilang ginagalawan. Karaniwan ding
iniaalay ang dagli sa isang babaeng napupusuan subalit may ilan ding ginamit ito upang
ipahayag ang kanilang mga damdaming makabayan at kaisipang lumalaban sa
mananakop na Amerikano.
Sa obserbasyon ni Tolentino, nagpapalit-palit ang anyo ng dagli mula sa harap na
pahina ng mga pahayagan hanggang sa maging nakakahong kuwento sa mga tabloid o
tampok na kuwento (feature story) sa mga kolum, pangunahing balita (headline) sa
pahayagan, at telebisyon. Aniya, “na-transform na ang dagli, hindi na ito tinawag na
dagli at nagkaroon na ng ibang lehitimong pangalan at katawagan—anekdota, slice-of-
life, day-in-the-life, at iba pa at lehitimasyon (pagpasok ng ganitong uri ng kwento sa
media).”
ANG DAGLI SA KASALUKUYAN
Karaniwang napagkakamalang katumbas ng flash fiction o sudden fiction sa Ingles ang
dagli. Nguni't ayon sa panayam kay Dr. Reuel Molina Aguila, naunang nagkaroon ng
dagli sa Pilipinas (1900s) bago pa man nagkaroon ng katawagang flash fiction na
umusbong noong 1990. Maaari itong nagmula sa anyong pasingaw at diga ng
magbabarkada kung kaya't masasabing marami sa
mga probinsya at malalayong lugar ang nagkaroon ng ganitong paraan ng kuwentuhan.
Noong 2007, lumabas ang antolohiyang “Mga Kwentong Paspasan” na pinamatnugutan
ni Vicente Garcia Groyon. Taong 2011 naman nang mailathala ang “Wag Lang Di
Makaraos (100 Dagli Mga Kwentong Pasaway, Paaway at Pamatay)” ni Eros Atalia
kung saan, ayon sa blogger na si William Rodriguez, tinatalakay ang “samu’t saring
pangyayari sa lipunan sa paraang madaling unawain dahil simple lang ang paggamit ng
wika.” Inilathala naman nitong Mayo 2012 ang koleksiyon ng mga dagli ni Jack Alvarez
na may pamagat na "Ang
Autobiografia ng Ibang Lady Gaga" na ayon kay Aguila: "Naiangat ni Jack Alvarez ang
dagli sa isang sining ng paglikha ng malaking daigdig mula sa maliit
at partikular na karanasan… Isang makabuluhang kontribusyon ito sa panitikan ng
bansa.
Sa kasalukuyang panahon, ang dagli ay halos ihambing din sa tulang tuluyan,
pasingaw, at proto-fiction o micro-fiction sa Ingles.
Maikling Kwento

Ang maikling kuwento - binaybay ding maikling kwento - ay isang maiksing salaysay


hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at
may iisang kakintalan o impresyon lamang. Isa itong masining na anyo ng panitikan.
Tulad ng nobela at dula, isa rin itong paggagad ng realidad, kung ginagagad ang isang
momento lamang o iyong isang madulang pangyayaring naganap sa buhay ng
pangunahing tauhan. Si Deogracias A. Rosario ang tinuturing na "Ama ng Maikling
Kuwento". Tinawag rin itong dagli noong panahon ng mga Amerikano at ginagawa itong
libangan ng mga sundalo.
Ang alamat ay naiiba dito at sa kasaysayan bagamat may mga elemento ang dalawa.
Ang ito ay di-totoo. Ang kasaysayan ay totoo, samantalang ang alamat ay may mga
bahaging totoo at mayroon din naman na hindi totoo ang kuwento at kadalasang ang
kuwento ay tungkol sa mga naganap sa di-totoong lugar at di-totoong panahon.

Bilang isang akdang pampanitikan, maaaring magsalaysay ng tuluy-tuloy ang maikling


kuwento ng isang pangyayari hango sa tunay na buhay; may isa o ilang tauhan lamang,
sumasaklaw sa maikling panahon, may isang kasukdulan, at nag-iiwan ng kakintalan o
impresyon sa isip ng mambabasa.

Mga Elemento
Panimula- Dito nakasalalay ang kawilihan ng mga mambabasa. Dito rin kadalasang
pinapakilala ang iba sa mga tauhan ng kuwento.
Saglit na Kasiglahan- Naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang
masasangkot sa suliranin.
Suliranin- Problemang haharapin ng tauhan.
Tunggalian- May apat na uri: tao laban sa tao, tao laban sa sarili, tao laban sa lipunan,
tao laban sa kapaligiran o kalikasan.
Kasukdulan- Makakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng
kanyang ipinaglalaban.
Kakalasan- Tulay sa wakas.
Wakas- Ito ang resolusyon o ang kahihinatnan ng kuwento.
Tagpuan- nakasaad ang lugar na pinangyayarihan ng mga aksiyon o mga insidente,
gayundin ang panahon kung kailan naganap ang kuwento.
Paksang Diwa- pinaka kaluluwa ng maikling kuwento.
Kaisipan- mensahe ng kuwento.
Banghay- pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kwento

May sampung uri ng maikling kuwento:


Sa kuwento ng tauhan inilalarawan ang mga pangyayaring pangkaugalian ng mga
tauhang nagsisiganap upang mabigyan ng kabuuan ang pag-unawa sa kanila ng isang
mambabasa.
Sa kuwento ng katutubong kulay binibigyang-diin ang kapaligiran at mga pananamit ng
mga tauhan, ang uri ng pamumuhay, at hanapbuhay ng mga tao sa nasabing pook.
Sa kuwentong bayan nilalahad ang mga kuwentong pinag-uusapan sa kasalukuyan ng
buong bayan.
Sa kuwento ng kababalaghan pinag-uusapan ang mga salaysaying hindi
kapanipaniwala.
Naglalaman ang kuwento ng katatakutan ng mga pangyayaring kasindak-sindak.
Sa kuwento ng madulang pangyayari binibigyang diin ang kapanapanabik at
mahahalagang pangyayari na nakapagpapaiba o nakapagbago sa tauhan.
Sa kuwento ng sikolohiko ipinadarama sa mga mambabasa ang damdamin ng isang
tao sa harap ng isang pangyayari at kalagayan. Ito ang uri ng maikling kuwentong
bihirang isulat sapagkat may kahirapan ang paglalarawan ng kaisipan.
Sa kuwento ng pakikipagsapalaran, nasa balangkas ng pangyayari ang interes ng
kuwento.
Sa kuwento ng katatawanan, nagbibigay-aliw at nagpapasaya naman sa mambabasa.
Sa kuwento ng pag-ibig, tungkol sa pag iibigan ng dalawang tao
Tema
Mayroon mga pagkakaiba ang tema sa mensahe ng isang maikling kuwento.
Ang tema ang pangkalahatang kaisipang nais palutangin ng may-akda sa isang
maikling kuwento. At ang kaisipang ito ang binibigyan ng layang maikintal sa isipang ng
mga mambabasa. Maaaring maging tema ang mga sumusunod: palagay sa mga
naganap na pangyayari sa lipunan, obserbasyon ng may-akda tungkol sa pag-uugali ng
tao, paniniwala sa isang katotohanan o pilosopiyang tinatanggap ng tao sa buong
daigdig sa lahat ng panahon, o ang dahilan ng pagkakasulat ng may-akda.
Ang mensahe naman ang tuwirang pangangaral o pagsesermon ng manunulat sa
mambabasa.
Mga bahagi
Ito ang mga bahagi at ng sangkap ng isang maikling kuwento:
Simula
At ang bahagi ng suliranin ang siyang kababasahan ng problemang haharapin ng
pangunahing tauhan. Napapasama rin dito ang pagpapakilala ng ilan sa mga tauhan at
ng Tagpuan.
Gitna
Binubuo ang gitna ng saglit na kasiglahan, tunggalian, at kasukdulan. Ang saglit na
kasiglahan ang naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot
sa suliranin. Ang tunggalian naman ang bahaging kababasahan ng pakikitunggali o
pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan laban sa mga suliraning kakaharapin, na
minsan ay sa sarili, sa kapwa, o sa kalikasan. Samantalang, ang kasukdulan ang
pinakamadulang bahagi kung saan makakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan
o kasawian ng kanyang ipinaglalaban.
Wakas
Binubuo ang wakas ng kakalasan at katapusan. Ang kakalasan ang bahaging
nagpapakita ng unti-unting pagbaba ng takbo ng kuwento mula sa maigting na
pangyayari sa kasukdulan. At ang katapusan ang bahaging kababasahan ng magiging
resolusyon ng kuwento. Maaring masaya o malungkot, pagkatalo o pagkapanalo.
Gayunpaman, may mga kuwento na hindi laging winawakasan sa pamamagitan ng
dalawang huling nabanggit na mga sangkap. Kung minsan, hinahayaan ng may-akda
na mabitin ang wakas ng kuwento para bayaang ang mambabasa ang humatol o
magpasya kung ano, sa palagay nito, ang maaring kahinatnan ng kuwento.
TULA
Ang Tula ay isang anyo ng sining o panitikan na naglalayong maipahayag ang
damdamin sa malayang pagsusulat.Binubuo ang tula ng saknong at taludtod.Ang tula
ay maaaring distinggihin sa tatlo na bahagi.

Mga anyo ng tula

 Malayang taludturan
 Tradisyonal
 May sukat na walang tugma
 Walang sukat na may tugma

Mga uri ng tula

 Liriko o pandamdaming tula ○


 Awit/Kanta – tungkol sa pag-ibig; hal.kundiman
 Dalit/Hymno – tungkol sa pagpapala sa Diyos, sa pagawit na pamamaraan.
 Elihiya – mapanglaw; tungkol sa kamatayan o kalungkutan
 Oda – matayog na damdamin o kaisipan (paghanga o pagbibigay parangal)
 Soneta – binubuo ng 14 taludtod o linya; nangangailangan ng mabigat o
matinding pagkukuro-kuro
 Nalalarawan – naglalahad ng pangyayari
 Naratibo o nagsasalaysay
 Padula/Drama
 Tulang may aral – nagbibigay ng pahayag kung anong dapat mong gawin;
halimbawa:bal agtasan
 Pampagkataon – may tiyak na pagdiriwang
 Balagtasan
 Duple

Mga Sangkap ng Tula:

1. Sukat – bilang ng pantig sa bawat taludtod ng isang tula


2. Tugma – ito’y pagkakaroon ng magkatulad o magkahawig na tunog ng panghuling
salita sa bawat taludtod ng isang saknong
3. Indayog – ito’y ang pagtataas at pagbaba ng tinig sa pagbasa ng tula. Ito’y tila himig
o musikang naririnig sa pagbasa ng bawat taludtod.
4. Talinghaga – ito’y pagpapahayag ng ibang kahulugan kaysa sa taglay ng salita o
pangungusap. Tayutay ang ginagamit sa pagpapahayag ng talinghaga

5. Kariktan – aral o magandang impresyong naiiwanan sa bumabasa


Sanaysay
Ang sanaysay ay isang piraso ng sulatin na kadalasang naglalaman ng punto de
vista (pananaw) ng may katha. Ang mga sanaysay ay maaaring magkaroon ng mga
element ng pagpuna, opinyon, impormasyon, obserbasyon, kuru-kuro, pang-araw-araw
na pangyayari, ala-ala ng nakaraan at pagmumuni-muni ng isang tao.
Ipinakakahulugan na ang sanaysay ay isang komposisyon na prosa na may
iisang diwa at pananaw. Ito rin ay nangangahulugan ng isang sistematikong paraan
upang maipaliwanag ang isang bagay o pangyayari. Sa anu’t anuman, ang depenisyon
ng sanaysay ay nagangahulugan lamang na isang paraan upang maipahayag ang
damdamin ng isang tao sa kanyang mga mambabasa. Ito ay isang uri ng
pakikipagkomunikasyon sa pamamagitan ng lathalain na may layuning maihatid ang
nais na maipabatid sa kapwa tao.
Sa ating bansa, bahagi ng ating edukasyon ang magkaroon ng pagtuturo ukol sa
paggawa ng mainam na sanaysay. Tinuturuan ang mga mag-aaral ng mabisang
pakikipagtalastasan sa pamamagitan ng paggawa ng pormal at di-pormal na sanaysay.
Mga Uri ng Sanaysay
Sulating Pormal o Maanyo
Mga sanaysay na nagbibigay ng impormasyon ukol sa isang tao, bagay, lugar, hayop o
pangyayari. Ito ay naglalaman ng mahahalagang kaisipan at nasa isang mabisang ayos
ng pagkakasunud-sunod upang lubos na maunawaan ng bumabasa. Ang mga pormal
na sanaysay at komposisyon sa Filipino ay nagtataglay ng pananaliksik at pinag-
aralang mabuti ng sumulat. Ang mga salita’y umaakma sa piniling isyu at kadalasang
may mga terminong ginagamit na kaugnay ng tungkol sa asignaturang ginawan ng
pananaliksik.

Sulating Di-pormal o Impormal


Ang mga sanaysay na impormal o sulating di-pormal ay karaniwang nagtataglay ng
opinyon, kuru-kuro at paglalarawan ng isang may akda. Ito ay maaaring nanggaling sa
kanyang obserbasyon sa kanyang kapaligirang ginagalawan, mga isyung sangkot ang
kanyang sarili o mga bagay na tungkol sa kanyang pagkatao. Karaniwan na ang
mga sanaysay na di pormal ay naglalaman ng nasasaloob at kaisipan tungkol sa iba’t
ibang bagay at mga pangyayari na nakikita at nararanasan ng may akda.
DULA

Ang dula ay isang uri ng panitikan na naglalayong maitanghal sa entablado. Ang


pagpapahalaga sa dula ay matatamo sa pamamagitan ng panonood dito. Ang mga dula
ay maaaring hango sa tunay na buhay o isinulat bunga ng malaya at malikhaing
kaisipan ng manunulat o script writer.

Uri ng Dula Ayon sa Anyo:  


komedya
melodrama
trahedya
Ang komedya ay dulang nagdudulot ng kasiyahan o katatawanan sa mga manonood
gamit ang mga abilidad ng mga gumaganap sa paglalapat ng pagpapatawa sa iskrip o
linyang binibitawan. Ang halimbawa ng dulang ito ay “Bakit Ang Babae Ang
Naghuhugas ng Pinggan?”

Ang melodrama ay dulang may kasiya – siyang wakas para sa pangunahing tauhan. Ito
rin ay nagtataglay ng mga malulungkot na tagpo na inilalapat sa mga pananalita at
damdaming ipinahahayag ng mga tauhan at minsan ay nagtatapos sa kasawian ng
bida. Ito ay karaniwang nilalapatan ng musika at ginagawang dulang pangmusika. Ang
halimbawa ng melodrama ay MaraClara.

Ang trahedya ay dulang ang pangunahing tauhan ay masasawi o hahantong sa


kanyang kabiguan ngunit karaniwang may makabuluhang pagtatapos. Ang halimbawa
ng trahedya ay Hiblang Abo.

Uri ng Dula Ayon sa Ganapan:


panlansangan
pantahanan
pantanghalan
Ang dulang panlansangan ay karaniwang ipinalalabas sa lansangan. Ang halimbawa
nito ay panunuluyan.
Ang dulang pantahanan ay karaniwang isinasagawa sa tahanan. Ang halimbawa nito ay
pamamnhikan.

Ang dulang pantanghalan ay karaniwang isinasagawa sa tanghalan. Ang halimbawa


nito ay Macbeth ni William Shakespeare.

Bahagi ng Dula:
simula  
gitna
wakas
Ang simula ang unang bahagi ng dula na karaniwang nagpapakilala sa mga tauhan at
nagbibigay linaw sa tagpuan ng dula.

Ang gitna ang bahaging naglalahad ng kasukdulang ng dula.

Ang wakas ang dulong bahagi ng dula na nagbibigay linaw sa kinahinatnan ng


pangunahing tauhan sa dula.

Elemento ng Dula:
aktor
dayalogo
direktor
iskrip
manonood
tanghalan
tema
Ang mga aktor o gumaganap ang nagsasabuhay sa mga tauhan sa iskrip. Sila ang
bumibigkas ng dayalogo o bumibitaw ng mga linya. Sila rin ang nagpapakita ng iba’t
ibang damdamin na pinanonood ng mga tao sa tanghalan.
Ang dayalogo  ang mga binibitatawang linya ng mga aktor na siyang sandata upang
maipakita at maipadama ang mga emosyon. Nagiging mas maganda at
makapangyarihan ang dula kung may mga malalakas at nakatatagos na mga linyang
binibitiwan ng mga aktor.

Ang direktor o taga – direhe ang nagpapakahulugan sa isang iskrip. Siya ang nag-i-
interpret ng iskrip mula sa pagpapasya sa itsura ng tagpuan, damit o kasuotan ng mga
tauhan hanggang sa paraan ng pagganap at pagbigkas ng mga tauhan.

Ang iskrip ang nagsisilbing kaluluwa ng isang dula. Ang lahat ng bagay na isinasaalang-
alang sa dula ay naaayon sa isang iskrip kaya naman walang dula kapag walang iskrip.
Sa iskrip nakikita ang banghay ng isang dula.

Ang mga manonood ang nagbibigay – halaga sa dula . Ang karaniwang target ng
pagtatanghal ng dula ay ang mga manonood.

Ang tanghalan ay tumutukoy sa lugar kung saan napagpasyahang itanghal ang isang
dula. Ang tanghalan ay maaaring  isang kalsada, isang silid, o isang tahanan na napili
upang pagtanghalan ng dula.

Ang tema ang pinakapaksa ng isang dula. Naiintindihan ng mga manonood ang
palabas base na rin sa tulong ng pagtatagpi-tagpi ng mga sitwasyon, pagkakasunud-
sunod ng mga pangyayari at pag-aarte ng mga aktor sa tanghalan. Ipinalalabas ang
tunay na emosyon ng mga aktor sa tulong ng malinaw na pagkakabigay ng  tema ng
dula.

Sangkap ng Dula:
kakalasan
kalutasan
kasukdulan
saglit sa kasiglahan
sulyap sa suliranin
tagpuan
tauhan
tunggalian
Ang kakalasan ay ang unti-unting pagtukoy sa kalutasan sa mga suliranin at
pagsasayos ng mga tunggalian.

Ang kalutasan ay ang sangkap ng dula na naglulutas, nagwawaksi at nagtatapos ang


mga suliranin at tunggalian sa dula. Sa kabilang banda, maaari ring magpakilala ng
panibagong mga suliranin at tunggalian sa panig ng mga manonood.

Ang kasukdulan ay tumutukoy sa bahagi ng dula na sumusubok sa katatagan ng


tauhan. Sa bahagi ding ito ibinubuhos ang bugso ng damdamin nais ipadama ng dula.

Ang saglit na kasiglahan ay tumutukoy sa panadaliang paglayo o pagtakas ng mga


tauhan sa suliraning nararanasan.

Ang sulyap sa suliranin ay ang pagbabahagi ng suliranin na nais bigyang solusyon sa


dula.

Ang  tagpuan ay tumutukoy sa  panahon at pook kung saan naganap ang mga
pangyayaring nakasaad sa dula.

Ang tauhan ang mga kumikilos at nagbibigay- buhay sa dula. Sa kanila


pangkaraniwang umiikot ang mga pangyayari. Sila  ang  mga bumibigkas ng dayalogo
at nagpapadama ng mensahe ng dula.

Ang tunggalian ay maaaring sa pagitan ng mga tauhan, tauhan laban sa kanyang


paligid, at  tauhan laban sa kanyang sarili. Gayundin, maaaring magkaroon ng higit sa
isa o patung-patong na tunggalian    ang isang dula.
Balagtasan

Ang balagtasan ay uri ng pagtatalo ng dalawang magkaibang panig ukol sa isang


paksa. Hinango mula sa pangalan ni Francisco Balagtas, inilalahad ang sining na ito
ang isang uri ng panitikan na kung saan ipinapahayag ang mga saloobin o
pangangatwiran sa pamamagitan ng pananalitang may mga tugma sa huli.
Unang nagsimula ang balagtasan sa Pilipinas noong Abril 6, 1924 na nilikha ng mga
pangkat na manunulat para alalahanin ang kapanganakan ni Francisco
Balagtas.Ginawa nila ang unang balagtasan na may tatlong hanay ng mga makata na
ipinapahayag ng isang naka-iskrip na pagtatanggol. Binatay nila ang anyo sa mas
naunang mga uri ng pagtatalo na gumagamit din ng elemento ng tula katulad ng
karagatan, huwego de prenda at duplo.
Kadalasan itong binubuo ng tatlong magtatanghal na may dalawang magtatalo na
magkasalungat ang pananaw at isang tagapamagitan na tinatawag na lakandiwa
(lalaki) o lakambini (babae). Mayroon din mga hurado na siyang maghuhusga kung sino
ang mananalo. Inaasahan ang panitikang ito na patalinuhan ng pagpapahayag ng mga
patulang argumento ngunit maaari din itong magbigay libangan sa pamamagitan ng
katatawanan, anghang ng pang-aasar, pambihirang talas ng isip, at mala-
teatrikong at dramatikong pagpapahayag.
Maliban sa tagisan ng talino at pagbibigay ng aliw sa mga manonood, nagkaroon ang
balagtasan ng isang mas mataas na pampolitika at panlipunang tungkulin. [2] Binibigay
ng mga sumasali sa balagtasan ang kanilang saloobin tungkol sa kasalukuyang
pangyayari at suliranin katulad ng ginagawa ng mga kolumnista at patnugot ng
isang pahayagan.[2] Ilan sa mga balagtasan nina De Jesus at Collantes ang
mga pampolitikang paksa katulad ng "Koalisyon at Kontra Koalisyon" na tumutukoy sa
masiglang kampanya ng noong Pangulong Manuel Quezon upang pag-isahin ang lahat
ng partidong pampolitika sa ilalim ng Partido Nacionalista na siyang partido na
pamahalaan noon.

You might also like