Sa mundo’t tahanan ay nagsisilbing ilaw Sa mga buhay na gabing nababalot ng dilim Tunay na nangingibabaw kanilang ningning
Si ina marahil ang pinakamagandang bituin
Na biyaya ng Diyos para sa akin Kakaibang sinag at init ang kanyang binibigay Sa nanlalamig ko nang buhay
Si ina’y isang bituin na kahit minsa’y malayo
Ay minamahal ako’t hindi binibigo Hindi hadlang sakanya ang milya ng layo Upang aluin ang anak na sa pag-ibig nabigo
Si ina’y isang bituin na kaysarap abutin
Mahawakan ng kamay at siyang haplusin Nais maramdaman init ng kanyang lambing Nang mapawi ang galit na sa dibdib nakakimkim
Si ina’y isang bituin na kaygandang pagmasdan
Tuwing sa sarili ako’y nahihirapan Ang kanyang mga kinang ang siyang pampakalma Kapag ang aking isip ay naguguluhan na Si ina’y isang bituin, ito’y walang duda Walang oras at araw na siya’y nagkulang sa aruga Ang mga pawis at pagod na bunga ng pagtiyatiyaga Iaalay sa mga anak na sa kanya’y nagmula
Si ina’y isang bituin, alam kong ito’y tunay
Matakpan man ng ulap’y muling sisilay Isang bituin na kahit mawalan ng buhay Patuloy na nakatingin saami’t gagabay
Kaya ina, sa’yo ko iaalay itong tula
Bilang pasasalamat sa lahat ng iyong nagawa Hangad kong balang araw ako’y makabawi’t Maghatid ng ngiti sa iyong mga labi