Professional Documents
Culture Documents
Tula
Tula
Binuhos ang laman ng garapon ng nakaraan, nung mga panahon na ang salitang “ako” at
ang “pagod” ay iisang kahulugan
Napapagod ka rin ba? Kasi kahit gaano kadilim ang gabi ikaww naman tong hindi
nawawalan ng mga ngiti sa bawat sandal.
Sa totoo lang sawa na akong maging ako, pero ams sawa ako na kapag ang mundo ay tila
ba walang pakialam sayo.
Tapos na ako sa mga ingay ng sanga at sa mga ingay ng kuliglig, kaya’t bigyang sagot
ang aking katanungan at handa akong making.
Noon ay tulad mo rin ako iniisip kung ano nga ba ang silbi ko sa mundong ito. Kung
bakit tila paikot ikot lang ang buhay ko sa ibabaw ng mundo.
Napapagod ba ako? Oo, pero andyan ang mga ulap at sa mga panahon na kailangan ko ng
masasandalan sila ay siguradong andyan.
Handa akong ipagtanggol na kapag ako’y nasasaktan, dahil may mga gabi na ang mundo
ay sumusuntok din sa buwan.
Nalulungkot ba ako? Oo naman, pero kaibigan ko ang mga bituin at sa mga gabing
masyadong madilim ang langit para paliwanagin ko ng mag isa dinadamayan nila ako sa
aking pagkabalisa
Dahil oo nagkakamali din ako. Nakakaramdam din ako ng panghihina ng loob at alam
yan ng may likha.
Kaya’t binigyan nya ako nga mga matatalik a kaibigan na sisiguradong hindi na ako mag
iisa.
Ang araw, ang mga ulap at ang mga bituin. Sila ang mga kaibigang binigay sakin ni
bathala, kasi alam nya kung ako lang mag isa matagala na akong sumuko paliwanagin
ang gabi.
Kaya’t kinaya kong umilaw hanggang sa matapos ang gabi. Yan ang sagot ng buwan sa
akin.