You are on page 1of 9

MATUSALEM NATIONAL HIGH SCHOOL

Roxas, Isabela
Pre Demonstration
Masusing Banghay-Aralin
Panitikang Asyano Grade IX
Sa Kabanata 7 Suyuan sa Asotea

I. LAYUNIN: Pagkatapos ng isang oras na talakayan, ang mga mag-aaral ay


inaasahang;

a. nabibigyang kahulugan ang mahihirap na salita batay sa kasingkahulugan at


kasalungat na kahulugan. (F9PT-IVg-h60)
b. batay sa narinig, napanonood o nababasa sa multimedia, nailalahad ang mga
hinaing ng mga piling tauhan na siya ring hinaing ng mamamayan sa
kasalukuyan. (F9Pd-IVe-f-58)
c. naisusulat ang isang kahulugan at masining na monologo tungkol sa isang piling
tauhan. (F9PU-IVc-59)

II. PAKSANG-ARALIN:

Paksa: Suyuan sa Asotea (Kabanata 7)


Sanggunian: Ginintuang Pamana Noli Me Tangere
May-akda: Dr. Jose P. Rizal
Kagamitan: Projector, Laptop, mga larawan, Kartolina at iba pa.
Metodolohiya: Demonstrasyon, Isahan at Pangkatang Gawain

III. PAMAMARAAN

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral


A. PANIMULANG GAWAIN
1. Panalangin
Tumayo tayong lahat para sa isang
panalangin na pangungunahan ni Wendy. (Tatayo ang lahat upang manalangin)
Ama naming makasalangit, pinupuri ka naming at
sinasamba, salamat po sa araw na ito na muli
kaming nagtipon tipon upang mag-aral, hinihiling
ko po sana ama na basbasan mo kami sa aming
pag-aaral, ama patawad po sa aming nagawang
kasalanan. Ito lamang po an gaming samu’t
dalangin sa matamis na pangalan ni Jesus, Amen.
2. Pagbati
Magandang Buhay mga mahal kong mag-
aaral!! Magandang Buhay! po G. Pilar!!

3. Pagpuna sa Kaayusan
Bago umupo ang lahat, pakiayos ang inyong
mga upuan at pulutin ang mga kalat sa
inyong paligid. (Ang mga mag-aaral ay aayusin ang mga upuan at
pupulutin ang mga kalat sa paligid)

4. Pagkuha ng attendance
Attendance officer, sino ang lumiban sa
klase? Wala po sir!

B. PAGANYAK
Klas, mayroon akong inihandang musika. At
ating ngayong papakinggan.
Handa na ba kayong makinig?

Maaari niyong sabayan ang kanta.


Ako’y sa’yo at ika’y akin
IAXE

Ikaw na ang may sabi na ako’y mahal mo rin


At sinabi mong ang pag-ibig ko’y di magbabago
Ngunit bakit sa tuwing ako’y lumalapit ika’y
lumalayo
Puso’y lagging nasasaktan ‘pag may kasama
kang iba
‘Di ba nila alam tayo’y nagsumpaan
Na ako’y sa iyo at ika’y akin lamang

Kahit anong mangyari ang pag-ibig ko’y sa’yo


parin
At kahit ano pa ang sabihin nila’y ikaw parin
Ang mahal maghihintay ako kahit kalian
Kahit na umabot pang ako’y nasa langit na
At kung ‘di ka makita nakikiusap kay bathala
Na ika’y hanapin at sabihin, ipaalala sa iyo
Ang nakalimutang sumpaan
Na ako’y sa iyo at ika’y akin lamang

Ooh…
Umasa kang maghihintay ako kahit kalian
Kahit na umabot pang ako’y nasa langit na
At kung ‘di ka makita nakikiusap kay bathala
Na ika’y hanapin at sabihin, ipaalala sa iyo
Ang nakalimutang sumpaan
Na ako’y sa iyo at ika’y akin lamang

Ooh…
Umasa kang maghihintay ako kahit kalian
Kahit na umabot pang ako’y nasa langit na
At kung ‘di ka makita nakikiusap kay bathala
Na ika’y hanapin at sabihin, ipaalala sa iyo
Ang nakalimutang sumpaan
Na ako’y sa iyo at ika’y akin lamang

C. PAGLALAHAD
Nagustuhan niyo ba ang kanta? Opo sir!

Tungkol saan ang kanta? Tungkol sa dalawang nagmamahalan.


JC!

Tama!
Ilarawan nga ang pag-ibig ayon sa kanta? Ang pag-ibig ayon sa kanta matiyaga at
Camille? makapaghihintay sa tamang panahon. Ang pag-
ibig ay puno ng pag-asa at pagtitiwala ano mang
problema ang dumaan sa kanila.

Mahusay!
Paano niyo bang ilarawan ang dalawang Ang dalawang taong nagmamahalan ay laging
nagmamahalan? tapat at laging totoo sa isa’t isa.
Karen?
Tama!
Ang pag-ibig ay magandang loob, hindi
magaspang ang pag-uugali, hindi makasarili
at hindi mapagtanim ng galit sa kapwa.
Hindi nito ikinatutuwa ang gawang masama
ngunit ikinagagalak ang katotohanan. Ang
pag-ibig ay punong-puno ng pagtitiyaga
hanggang sa wakas.

Ngayon ay matutunghayan natin ang pag-


iibigan ni Crisostomo Ibarra at Maria Clara
sa Kabanata 7, Suyuan sa Asotea.

Sintamis din ba ng kantang ating


pinakinggan ang pagmamahalan nila
Crisostomo at Maria Clara.
Sa ating huling talakayan, kinilala natin ang mayaman
dalawa. Maaari nating balikan sa
pamamagitan ng pagbibigay ng katangian ni
Crisostomo Ibarra at Maria Clara ang
kanilang larawan.
mapagmahal tapat sa
na anak minamahal

magalang at edukado

masunurin

madasalin mabait

larawan ng dalagang
Filipina
D. Paglinang ng Talasalitaan

Bago nating panoorin ang kabanata 7, ang


Suyuan sa Asotea. Nais ko munang hawain
ang mga sagabal upang mas maintindihan
an gating panonoorin.

“Pusong Tapat”
Panuto: Piliin ang kahulugan ng mga
salitang may salungguhit sa pamamagitan
ng pagpili ng mga puso sa pisara. Itapat ito
sa sa bawat pangungusap. At gamitin ito sa
sariling makabuluhang pangungusap ang
mga salitang natutuhan. (Pagsasagawa)

1. Napasikdo si Maria Clara sa bawat ingay ng


mga sasakyan ang dumaraan.

2. Nabalisa si Ibarra matapos marinig


ang sulat na binabasa ni Maria Clara.

3. Sa sobrang tuwa ay pinupog ng halik ni Maria


Clara si Tiya Isabel.

4. Bumalik sa gunita ni Maria Clara ang


kamusmusan.

5. Nangangatal ang dalaga habang kausap ang


binata.

Iwasto nga natin ang inyong mga nagging


kasagutan?
Mga Gabay na Tanong
Ngayon handa na tayong basahin ang mga 1. Ano ang dahilan ng paghihiwalay ng
gabay na tanong? dalawa sa matagal na panahon?
Mark! 2. Paano ipinakita nina Ibarra at Maria Clara
ang kanilang pag-iibigan? Nangyayari pa
ba ang ganitong pagsusuyuan sa
kasalukuyan? Patunayan.
3. Ano ang iyong pipiliin kung ikaw ang
nasa katayuan ni Maria Clara, ang
ipaglaban sa magulang ang lalaking
minamahal o ang sundin ang utos ng mga
magulang na layuan ang minamahal?
Bakit?
4. Bakit kaya si Maria Clara ang sinisimbulo
ng mga Pilipina?
5. Paano mo maipapakita ang tunay na
pagmamahal sa taong itinatangi?

E. PAGTALAKAY (Ipapangkat ng mga mag-aaral ang kanilang mga


Bago kayo manood, ipapangkat ko muna sarili sa dalawa.)
kayo sa dalawa. Ang una ay tatawagin
nating pangkat ni IBARRA, ang pangalawa
naman ay ang pangkat ni CLARA. (Manonood ang mga mag-aaral)

(Magpapanood ng Video Clips ang guro


batay sa paksang-aralin)

Pagkatapos manood, sasatugin nila ang mga


gabay na tanong. Ang dahilan ng paghihiwalay ng dalawa sa
matagal na panahon ay dahil sa pagpunta ng ibang
Ano ang dahilan ng paghihiwalay ng dalawa bansa ni Crisostomo Ibarra upang makapag-aral
sa matagal na panahon?
alinsunod sa utos ng kanyang amang si Don
Rafael.

Tama!
Naghiwalay si Crisostomo at Maria Clara sa
dahilang nais ni Don Rafael na harapin niya
ang tungkulin sa buhay at mapag-aralan ang
karunungang bayan para sa kinabukasan.
Ipinakita nila ang tunay na pag-ibig sa
pamamagitan ng pakikipaglaban na huwag sila
Paano ipinakita nina Ibarra at Maria Clara maghiwalay ano man ang nangyari sa kanila. Oo
ang kanilang pag-iibigan? Nangyayari pa ba nagyayari pa sa kasalukuyan ang gaya ng
ang ganitong pagsusuyuan sa kasalukuyan? nangyari kina Ibarra at Clara sa kasalukuyan,
Patunayan. Clarelyn? minsan may nagpapakamatay alang ala sa
kaniyang minamahal.
Ano ang iyong pipiliin kung ikaw ang nasa
katayuan ni Maria Clara, ang ipaglaban sa -Puso ang sunsundin sir!
magulang ang lalaking minamahal o ang
sundin ang utos ng mga magulang na layuan
ang minamahal? Bakit? Renalyn?
-Sapagkat nasa katangian niya ang isang
halimbawa ng dalagang pilipina na walang
Bakit kaya si Maria Clara ang sinisimbulo humpay na kagandahan hndi lamang sa panlabas
ng mga Pilipina? Aiza? kundi sa puso niya.

Paano mo maipapakita ang tunay na -Hindi ko susukuan at ipaglalaban ko ang aking


pagmamahal sa taong itinatangi? Vanessa? pagmamahal hanggang sa huli.

Mahusay!! Talaga namang naintindihan ang


akda.

Maraming salamat sa iniyong mga


magagandang tugon.

F. PAGLALAPAT
Bilang mag-aaral dapat bang gayahin si
Crisostomo Ibarra na nag-aral sa ibang Oo, dahil kinalimutan niya ang kanyang sariling
bansa para sa Inang bayan? kaligayahan para sa pag-aaral sa ibang bansa para
Mariela! sa inang bayan.
Pagpapahalaga sa
edukasyon
G. PAGAPAHALAGA
Sa malaking puso na ito isulat ang Isipin ang
Suyua Pagmulat sa
kahalagahan ng akdang napakinggan. hinaharap n sa aming mga
Sino ang gustong sumubok? at huwag Asote
kabataan na
Leonardo! padadala sa a
sundin ang
damdamin
aming
Gawing magulang
inspirasyon
ang pag-ibig
Magaling! Maraming salamat!

H. PAGLALAHAT
(Mayroon isang aktibiti bago magbuod ang
mag-aaral)

Sa akdang ito ay may magandang naidulot sa


aming mag-aaral, na dapat matutong sundin ang
puso ayon sa isinisigaw nito huwag pairlin
May naidulot bang maganda ang akda? masyado ang iyong isip dahil sa huli ikaw ay
magsisisi.

Matapos magsimba ng maaga sina Maria at Tiya


Isabel, nanahi muna si Maria habang
kinakabahang nag hihintay sa pagdating ni Ibarra.
Muli ngang paiklihin an gating tinalakay Nang dumating ay nagusap sila sa may asotea
ngayong umaga? upang hindi sila maalikabokan sa pagwawalis ni
tiya Isabel at nagkuwentuhan kung sila bay
nagkalimutan. At hindi nga sila nagkalimutan. Sa
huli ay umalis na si Ibarra at di na nagtagal dahil
mayroon pa siyang pupuntahan na puntod ng
kaniyang ina dahil undas kinabukasan. At dun
umiyak si Maria at sinabihan ng kaniyang ama na
ipagtirik ng kandila ang dalawang Don.

Mgaling!!
IV. EBALWASYON
“SI MARIA NOON AT NGAYON”
Sa bawat grupo, pumili ng dalawang mag-aaral na magsisilbing MARIA CLARA.
Ang isang Maria ay iisipan ng mga katangian ng Dalagang Pilipina, at ang isa naman
ay kung ano ang katangian ng isang pilipina ngayon. Itatanghal lamang ito sa loob ng
dalawang (2) minute. May pamantayan ito sa pasasagawa ang KKK:

Pamantayan:
Katangian 50%
Kasiningan 30%
Kooperasyon 20%
kabuuan 100%

Kung sino ang may pinakamagandang interpretasyon ay magkakaroon ng malaking


puntos.

V. KASUNDUAN

Basahin ang kabanata 8 Mga Gunita.

Sanggunian: Noli Me Tangere ni Dr. Jose P. Rizal, pahina 54-57

Ipinasa ni: JULIUS CESAR B. PILAR


Demonstrator

Sinuri ni: JULIE ANNE P. ENRIQUEZ

You might also like