You are on page 1of 7

Masusing Banghay-aralin sa Filipino grade 9

Inihanda ni : Bb. Jahariah P. Cerna


I. MGA LAYUNIN

 Natutukoy nang maayos ang buod ng nabasang akda sa pamamagitan ng pagbuo ng story
ladder.
 Napagtitibay ang katangian ng mga pangunahing tauhan sa pamamagitan ng pagpuno ng
isang graphic organizer.
 Naisasaisip at naisasaloob ang kahalagahan ng mga tinalakay.

II. PAKSANG ARALIN

A. Paksa : Uhaw Ang tigang na Lupa ni Liwayway A. Arceo


B. Sanggunian : Magracia, Emma B., et al. 2008. Mabisang PAGBASA AT PAGSULAT
Tungo sa Pananaliksik. Valenzuela City: Mutya Publishing House
C. Kagamitan : Visual aids,
III. PAMAMARAAN

Gawain ng guro Gawain ng estudyante

A. Paghahanda

a. Pagbati
Magandang umaga sa lahat? (Magandang umaga po Bb.
(Okay magsiupo na ang lahat) Cerna)

b. Pagtatala ng lumiban
(Magtatanong kung sino ang wala sa
nakatalagang upuan.)

c . Pagganyak
 Kahapon ay binigyan ko kayo ng takdang aralin  Opo maam!
at ito ay ang basahin ang kwentong Uhaw ang
Tigang na Lupa ni Liwayway A. Arceo, klas
binasa niyo ba?

 Magaling! Ngayong araw ay tatalakayin natin


ang binasa niyong teksto ngunit bago tayo
dumako sa kwento ay papalawakin muna natin
ang ating mga talasalitaan upang higit nating
maintindihan ang kwento.

 Nagkakaintindihan ba tayo klas?  Opo maam!

 (Ipipresenta ng guro ang mga salita na siyang


bibigyan ng kahulugan)

Paglinang ng Talasalitaan
Panuto: Piliin sa hanay B ang kahulugan ng salitang Sinalungguhitang /tamang sagot
may salangguhit sa hanay A . Isulat ang titik at buong Salita
salita ng tamang sagot sa patlang .
 Namamalas - e. nasisilayan
A. B.

1. ‘di ko namamalas ang a. tuyo  Tigang - a. tuyo


pagkagat niya sa kanyang labi

2. Ang bata kong puso ay b. tingin  Sulyap - b. tingin


tigang na lupang uhaw na uhaw.

3. Sapat na ang panakaw c.maligamgam  Malahiningang – c. maligamgam


na sulyap ni ama

4. Hinihilamusan siya ni ina d. bulsa  Lukbutan –d. bulsa


ng malahiningang tsaa

5. Nakuha niya sa isang e. nasisilayan


lukbutan ng Amerikana ni Ama

 Opo maam!

 (Tatawag ang guro ng mag-aaral na sasagot ng


gawain)

 Naiintindihan na ba ninyo ngayon ang mga


salita?

 Magaling, ang mga salitang ito ay may


malaking maitutulong upang higit nating
maunawaan ang kwento.

B. Paglalahad (Presentasyon)
 Ang kwento/ akda na ating tatalakayin sa
umagang ito ay ang Uhaw ang Tigang na Lupa
ni Liwayway A. Arceo.
 Ang pinakaunang maikling kwento na naisulat
ni L.A na nanalo ng ikalawang gantimpala sa
Pinakamabuting Maikling Likha noong 1943.
Ito ay napapatungkol sa isang pamilyang uhaw
sa pagmamahal.
 Ngayon ay dumako na tayo sa pagtalakay sa
kwento.

 Gamit ang mga pangyayaring naka jumble sa


pisara ay nais kong isaayos ninyo ito sa
pinakasimula na pangyayari hanggang sa
wakas.
 Opo ma’am !

 Nagkakaintindihan ba tayo klas?


 (Tatawag ang guro ng mag-aaral upang simulan
ang pagsasaayos ng mga pangyayari). ’Ilang gabi nang ako ang
kapiling niya sa higaan. Tila
musmos akong dumarama sa init
ng kanyang dibdib at nikikinig sa
pintig ng kanyang puso. Ngunit,
patuloy akong nagtataka sa
malalim na paghinga niya, sa
kanyang malungkot na pagtitig
sa lahat ng bagay, paghikbi...’’

 (Ipapaskil ito ng mag-aaral sa


 Magaling ! ano ang nais ipahiwatig ng awtor sa pisara)
unang bahagi ng kwento?  Ipinapakita sa unang bahagi ang
naiibang kilos ng kanyang ina sa
kwento na ipinahihiwatig ang
hindi pag-imik at ‘tila ba may
itinatagong kalungkutan na
nadarama niya sa kanyang puso
na pilit na kinikimkim at
tinatago sa anak. Nabanggit din
ni Liwayway Arceo ang ibig
sabihin ng pamagat.
 Ano ang ibig sabihin ng pamagat na “Uhaw ang
tigang na Lupa” ayon sa unang bahagi ng
kwento?  Ito ay ang pangungulila sa isang
minamahal o pagmamahal,
 Tama, inilalarawan ng anak ang nangyayari sa kawalan ng atensyon at
kanyang mga magulang na kahit buo sila di komunikasyon bilang mag-anak
naman siya nabibigyan ng atensyon sapagkat
napapansin niyang may suliranin ang kanyang
mga magulang dahil di nag-iimikan at ‘di
nakikitaan ng pagmamahal sa isa’t isa.

 Magaling, ngayon ano ang sumunod na


pangyayari?
 (Tatawag ng mag- aaral ang guro) ‘’Kung gabi ay hinahanap ko ang
kaaliwang idinudulot ng isang
amang nagsasalaysay tungkol sa
mga kapre at nuno at tungkol sa
magagandang ada at prinsesa; ng
isang nagmamasid at nakangiting
ina; ng isang pulutong ng
 Ano ang nais ipabatid ng talata? nakikinig na magaganda at
masasayang bata.

 (Ipapaskil ulit ng mag-aaral sa


pisara)

 Ipinahihiwatig sa talatang ito


ang pagmamahal na hinahanap
ng bata na wala sa kanilang
tahanan, kung saan ay hindi
normal ang kinikilos ng kanyang
mga magulang kumpara sa ibang
pamilya na gusto niyang
 Bakit sinasabing hindi naging normal ang maranasan din.
kinikilos ng kanyang mga magulang ?
 (Maaaring iba-iba ang kasagutan
ng mga mag-aaral)
 Mahusay! Ngayon ano ang sumunod na
pangyayari sa kwento?
‘’Ang pang-ilalim na kahon ng
 (tatawag ng mag-aaral ang guro) kanyang hapag ay nagbigay sa akin
ng hindi gaanong pagtataka: may
isang kahitang pelus na rosas at isang
salansan ng mga liham. Maliliit at
mga bilugang titik bughaw na tinta sa
pangalan ni Ama sa kanyang
tanggapan ang mga nasa sobre’’

‘’ Ang larawan ay walang lagda


ngunit nadama ko ang biglang
pagkapoot sa kanya at sa mga
sandaling yaon ay natutuhan ko ang
maghinanakit kay Ama.’’
 Ano ang laman ng kahitang pelus na rosas?

 Sino ang babae sa larawan?  Ang laman ng kahitang pelus na


roras ni ama ay isang larawan ng
 Tama! Ang mga salansan ng liham at larawan babae.
sa kahitang pelus ni ama ay galing sa kanyang  Siya ang kalunya ni ama at siya
kalunya na labis niyang minahal kaysa sa rin ang dahilan kung bakit di
kanyang tunay na asawa. magawang maging Masaya ni
ina.
 Ano ang sumunod na pangyayari sa kwento?
‘’Sabihin mo, mahal ko, na
maaangkin ko na ang kaligayahan
ko...

Kinagat ni Ina nang mariin ang


kanyang labi at nang siya’y
mangusap ay hindi ko naaming
kay Ina ang tinig na
yaon:Maaangkin mo na, mahal
ko!’’
 Bakit nagawa ng ina na magpanggap na siya
ang kalunya ng kanyang asawa?  Kahit na masakit sa kalooban ng
ina ang pagpapanggap na siya
ang minamahal ng asawa ay
nagawa parin niyang dugtungan
ng mga salita ang kahilingan ng
asawa dahil alam niyang iyon
lamang ang maaaring
makapagpasaya sa
naghihingalong asawa ng mga
oras na iyon.
 Kung ikaw ang nasa katayuan ng ina, kaya mo
bang magsakripisyo para sa iyong mahal sa
buhay kahit alam mong masasaktan ka? Bakit?  (Maaaring iba-iba ang sagot ng
mga mag-aaral)
 Mahusay!

 Ano na ang sumunod na nangyari?


‘’Ang init ng mga labi ni Ina ang
kasabay ng kapayapaang
nanahanan sa mga labi ni Ama at
nasa mga mata man niya ang ilaw
ng pagkabigo’’

 Anong nais ipahiwatig ng talata?


 Pagkatapos marinig ng asawang
may malubhang sakit ang mga
katagang binanggit ng ina ng
bata ay ilang saglit lang ito’y
binawian na nang buhay, bakas
man sa mata ng ina ng batang
babae ang sakit na dinulot ng
 Mahusay! Binawian nga ng buhay ang ama katotohanan na pagkatapos nang
dahil di na niya kinaya ang kanyang sakit. lahat ay may iba paring
Ngunit namayapa ito ng may galak sapagkat hinahanap at minamahal ang
nakamit na niya ang kalayaan na nais niyang kanyang asawa niya.
makuha noon pa.

 Malapit na natin mabuo ang ating story ladder . ‘’sa pagdurugtong sa isang buhay
Ngayon bilang panghuli, ano ang naging wakas na wala nang luhang dumadaloy
sa mga iyon: natitiyak niya ang
ng kwento?
kasiyahang nadama ng kalilisang
 (Tatawag ang guro ng mag-aaral) kaluluwa...’’

 Tama! namayapa ang ama nang matiwasay


sapagkat siya’y naging Malaya na.
 Ngayong buo na ang story ladder sa pisara ay  (Sabay-sabay na babasahin ng
sabay- sabay nating basahin ang mga lahat ang nabuong story ladder)
pangyayari.

 Mahusay!  Wala na po!

 Ngayon, may mga katanungan pa ba kayo


tungkol sa kwento?

 Okay kung wala na ay dumako na tayo sa


susunod na gawain.

C. PAGLALAPAT

Pangkatang Gawain

 (Hahatiin ang klase sa tatlong pangkat)

 Bawat grupo ay pagtitibayin ang katangian ng


pangunahing tauhan sa kwento sa pamamagitan
ng pagpuno sa graphic organizer. Bibigyan
lamang sila ng limang (5) minuto para tapusin
ang gawain. Pagkatapos ay iuulat ng bawat
pangkat ang kanilang ginawa.
 Narito ang paraan ng pagtataya ng kanilang  (Abala ang bawat pangkat sa
ginawa: pagbuo ng graphic organizer)

MGA KRAYTIRYA:

 Organisasyon ng
mga ideya 35%

 Presentasyon 35%

 Pagkakaisa ng
bawat grupo/ teamwork 30%

--------
100%

 (Mag-uulat ang bawat pangkat sa pisara upang


iprisenta ang kanilang gawain)

D. PAGLALAHAT (Generalization)

Sa kabuuan, Ang uhaw ang tigang na lupa ni


Liwayway A. Arceo ay isang akdang napapatungkol sa
isang pampamilyang suliranin na kung saan ang anak
na dalagita ay naiipit sa sitwasyon ng kanyang mga
magulang. Sinasabi sa kwento na ang relasyon ng ama’t
ina ay nagkalamat bunga na rin ng pagtataksil ng ama
sa kanyang asawa.

IV. PAGTATAYA

*kumuha ng isangkapat na papel at sagutin ang katanungang ito.

Para sa iyo ano ang ibig ipabatid ng ama sa kanyang pahayag na “Huwag kang palilinlang
sa simbuyo ng iyong kalooban; ang unang tibok ng puso ay hindi pag-ibig sa tuwina”?
Ipaliwanag nang maayos.

V. TAKDANG ARALIN

* Bilang takdang aralin, sa isang kalahating papel bumuo ng sanaysay na napapatungkol sa


relasyon mo sa iyong pamilya.

You might also like