You are on page 1of 6

Banghay Aralin

Para sa mga mag-aaral ng ICLIP

Inihanda nina:
Castro, Ahlene
 Perez, Marissa M.
   Buenavista, Rina Raquel C.

I. Mga Layunin:

A.Pagwawari/Pagpapahalaga:
Pagkatapos ng aralin, inaasahan ang mga mag-aaral na:
1. Maunawaan ang konsepto ng pagiging matapat.
2. Matutunang aminin ang pagkakamali.
3. Malaman ang kahalagahan ng pagmamahal ng isang Ama sa kanyang pamilya.

B. Paglinang ng Kasanayan:
Pagkatapos ng aralin, inaasahan ang mga mag-aaral na:
1. Mailarawan ang pangunahing tauhan sa kwento.
2..Maalala ang mga mahahalaging naganap sa alamat.
3. Maiayos ang pagkasunod-sunod ng mga pangyayaring naganap sa  kuwento.
4. Maipahayag ang sariling damdamin at opinyon sa kuwentong narinig.
5. Makagawa ng kasulatan tungkol sa pagiging tapat.
6. Makalikha ng panibagong wakas para sa kwento.

II. Paksa
A. Kwento
Pamagat: Ang Alamat ng Bahaghari
Isinulat ni : Rene Villanueva
Iginuhit ni: Frances Marie Alcaraz
Inilathala ng: Lampara Publishing, House, Inc., 2002

B. Mga Kagamitan:

 Mga tsart
 “Activity Cards”
 Iba’t ibang larawan ng:
o Igorot
o Banawe Rice Terraces
o pinitak
o Bathala

III. Pamamaraan
A. Bago magbasa ng kwento
1.Paghawan ng balakid o talasalitaan

Mga Kahulugan Paraan


salita

a. Igorot Isang uri ng pangkat etniko  na nakabahag Ipapakita ang larawan ng igorot at ibang
ang kasuotan,maliit, maitim at kulot-kulot pangkat etniko tapos itutugma ang mga
ang buhok. kasuotan nila

b. payaw Tawag sa taniman ng Palayan ng mga pagpapakita ng mga larawan ng “Banawe


Igorot rice terraces”

c. ang gilid ng maliit na lawa ng taniman ng pagpapakita ng larawan nito at pag gamit
pinitak palay sa pangungusap

d. Diyos ng katutubong Pilipino pagbibigay ng kahulugan at


Bathala pagpapakilala nito

e. inalo pinatigil sa pag iyak ipapakita ang ibang emosyon at


hahanapin nila ang tugmang emosyon
para sa salitang inalo

 Dagdag gawain sa paghawan ng mga balakid na nagmula sa kuwento.

Panuto: Ilagay ang mga sumusunod na salita sa patlang upang mabuo ang mga pangungusap.  

PINITAK INALO PAYAW   IGOROT BATHALA

1. Ang hagdang-hagdan palayan ng Banaue ay tinatawag din _ _ _ _ _.


2.Ang mga _ _ _ _ _ _ ang may gawa ng hagdan-hagdan palayan sa Banawe.
3.Si _ _ _ _ _ _ _  ang kinikilalang Diyos ng mga Katutubong Igorot..
4. Nasira ng tag ulan ang ginawang _ _ _ _ _ _ _ ng mga magsasaka.
5. _ _ _ _ _ ng ina ang sanggol na umiiyak sa duyan.

Paunang Pagtaya (Activating Prior Knowledge)

 “Alam nyo ba ang isang alamat? Kung oo, sige nga magsabi kayo  ng mga alamat na alam
nyo na o naikuwento na sa inyo.”

3. Pagpapayaman sa Kasanayan ng Pagbabasa (Developing a Purpose for Reading)


a.Pagganyak
“Mga bata, alam niyo ba kung ano ang bahaghari?”
“Itaas ang kamay kung sino dito ang nakakita na ng bahaghari?”
“Sa inyong palagay, paano ba nagkaroon ng bahaghari sa kalangitan?’

b. Pagtatakda ng aralin
“Nais niyo ba talagang malaman kung saan nagmula ang Bahaghari? kung gayon makinig na sa
aking kwento na pinamagatang “Ang Alamat ng Bahaghari”

B. Pagbabasa ng Kwento

1. Paraan ng pagpapakilala sa kuwento


Ang kwento ay babasahin ng guro ng malakas sa mga mag-aaral. Ipakikita ang aklat sa mga mag-
aaral.

2. Gawain habang binabasa ang kwento


Itatanong ng guro ang mga sumusunod na tanong habang binabasa ang mga bahagi ng kwento:

Ano nga ulit ang ibig sabihin ng payaw?


Bakit kaya laging nagugulo ang mga inaayos ni Bulawan?
Ano sa tingin ninyo ang gagawin ni Bulawan?
Sa inyong palagay, malalaman pa kaya ng diwata na si Bulawan ang nagtago ng kanyang mga
pakpak?
Ano kaya ang gagawin ni Bulawan upang mabawi ang kanyang mag-ina?

C. Paglalahad

1. Mga Gawain
a. Mga katanungan
“Ano ang masasabi ninyo sa kwento na ating binasa? Upang lubusan ninyong maunawaan
ang kwento, magkakaroon tayo ng mga gawain.”

.b. Panuto
Ang buong klase ay hahatiin sa limang pangkat. Ang bawat pangkat ay bibigyan ng isang
gawain na kailangan nilang tapusin.

Ipamimigay ng guro ang mga kagamitan ng bawat pangkat at sasabihin ang panuto.

Unang Pangkat: Sino Ako?

o Ang unang pangkat ay bibigyan ng tsart na kailangan nilang punan ng tamang


impormasyon tungkol sa pangunahing tauhan ng kwento.Sila ay bibigyan din ng mga
gunupit na larawan ni Bulawan na kailangan nilang buuin at idikit sa isang bahagi ng
tsart.
Ikalawang Pangkat: Bahaghari, Paano ka Nangyari?

o Ang ikalawang grupo ay bibigyan din ng isang tsart na naglalaman ng mga larawan at
mahahalagang pangyayari sa alamat. Kailangan nilang pagsunud-sunurin ang mga
ito.

Ikatlong Pangkat:Patawarin mo ako!

o Magpapanggap ang ikatlong pangkat na sila si Bulawan. Gagawa sila ng sulat na


paumanhin para sa asawa ni Bulawan.

Ikaapat na pangkat:Magiging tapat sa lahat ng oras!

o Ang ikaapat na pangkat ay gagawa ng isang kasulatan. Isusulat nila sa kasulatan ang
kanilang pangako na sila ay magiging tapat.

Ikalimang pangkat:Kakaibang pagwawakas

o Ang ikalimang pangkat ay bibigyan ng isang kartolina at mga pangkulay.


Kinakailangan nilang mag-isip ng kakaibang wakas ng kwento at ipakita ito sa
pamamagitan ng pagguhit.

2. Talakayan (GPU)

Tanong ng Guro Inaasahang Sagot Antas ng


Pag-unawa

Sino ang pangunahing tauhan sa mula sa gawain Literal


kwento?

Ano ang ipinagtataka ni Bulawan Kanyang ipinagtataka kung bakit laging Literal
sa simula ng kwento? nagugulo ang kanyang inaayos na mga payaw.

Paano nalaman ni Bulawan kung Naghintay si Bulawan hanggang hatinggabi at Literal


bakit nagugulo ang mga bato? nagmasid sa paligid kung saan naroroon ang mga
payaw.

Ano ang kanyang nakita sa Tatlong naggagandahang diwata na may Literal


kanyang paghihintay? makikinang na pakpak

Ano ang ginawa ni Bulawan Itinago ni Bulawan ang mga pakpak ng Literal
matapos makita ang mga diwata? pinakabatang diwata.
Sa inyong palagay, bakit itinago ( maaaring magbigay ng iba’t ibang sagot) Inferential
ni Bulawan ang pakpak ng
diwata?

Ano ang nangyari matapos itago Inalo niya sa pag iyak ang pinakabatang diwata at Literal
ni Bulawan ang kanyang mga hinikayat na mamuhay kasama niya.
pakpak?

Ano ang ginawa ng diwata isinuot ng diwata ang pakpak na kanyang Literal
matapos malaman na nahanap sa banga, lumipad ito sa langit kasama
nagsinungaling si Bulawan? ng kanilang anak at tuluyan iniwan si Bulawan

Paano nakita ni Bulawan ang huli na ng malaman ni Bulawan ang pagkawala Literal
kanyang mag-ina? ng kanyang mag-ina, nakalipad na ito sa langit.
Si Bulawan ay nalungkot at nagsisisi sa hindi
niya pagiging matapat.

Sa inyong palagay, paano ( maaaring magbigay ng iba’t ibang sagot) Inferential


nakilala ni Bulawan ang kanyang
asawa?

Paano nabuo ang bahaghari sa - Sa hirap ng kalagayan ni Bulawan na pagpanhik Literal


kuwento? sino ang may gawa sa langit kaya gumawa ang Bathala ng isang
nito? tulay, na tinawag na “Bahaghari” upang makita
ang kanyang mag-ina.

-Si Lumawig (Ngalan ng Bathala ng mga Igorot)

Kung kayo ang diwata, ( maaaring magbigay ng iba’t ibang sagot) Integrative
patatawarin ba ninyo si Bulawan
sa kanyang ginawa?

Sa inyong palagay, tama ba ang ( maaaring magbigay ng iba’t ibang sagot) Critical
desisyon ng Bathala na gumawa
ng bahaghari para kay Bulawan?

Bakit mahalaga ang pagiging gawain Application


tapat sa lahat ng oras?

Paano ninyo bibigyan ng ibang gawain Creative


wakas ang kwento?

c. Iba pang Aktibidad


Ang mga mag-aaral ay bubuo ng isang malaking bilog. Kanilang pagpapasa-pasahan ang
isang larawan ng bahaghari habang tinutugtog ang isang awiting pambata. Sa paghinto ng musika,
ang batang may hawak ng bahaghari ay kinakailangan na magtapon ng dice  na ibibigay ng guro.
Ang batang iyon ay magbabahagi ng sariling karanasan kung saan kanyang naipakita ang
kahalagahan (value) na isinasaad ng dice:

 katapatan
 paghingi ng tawad
 pag-amin ng pagkakamali
 pagmamahal sa pamilya

Ang gawain ay magpapatuloy hanggang makapagbahagi ang lahat ng mag-aaral. ( Ngunit


maaring magbago batay sa nalalabing oras para sa aralin)

You might also like