You are on page 1of 9

Mahabang Banghay sa Pagtuturo ng Filipino 9

I. Mga layunin: Sa pagtatapos ng leksiyon, ang mag-aaral ay inaasahang:


a. nabibigyan katangian ang mga tauhan batay sa ikinilos.
b. napatunayan na ang mga pangyayari sa mga binasang kabanata ay
maaring maganap sa tunay nabuhay sa kasalukuyan.
c. nakakakasulat ng isang kuwento na nagpapatunay sa kadakilaan ng
pag-ibig.

II. Paksang Aralin: Noli me tangere (kabanata VII-XI)


Sanggunian : My Distance Learning Buddy Filipino 9
Pahina : 65-69
Kagamitan : Internet, Laptop, headset, power point.

III. Pamamaraan o Stratehiya


Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral

Bago natin simulan ang ating leksiyon sa


araw na ito ay manalangin muna tayo.
Jenny, maari mo bang pangunahan ang
pagdarasal? : Opo, sa ngalan ng ama ng anak at
espiritu santo amen….
Bago ang lahat magbibigay muna ako ng
palatuntunin. Dahil online klas tayo at
kailangan nating harapin ang new “normal
scheme” ng ating klase, mayroon lang
akong kaunting bilin para maging maayos
ang ating talakayan ngayon.

1.Makinig nang mabuti


2.Nakapukos sa inyong monitor
3.Bawal ang maingay
4.E’off ang inyong mga microphone kung
may nagsasalita.
5.Magsalita ng purong Filipino

Nagkakaintindihan ba mga mag-aaral? :Opo


Pagtse-tsek ng attendance.
Mayroon bang lumiban sa klase? : wala po

Mabuti,dahil ang lahat ay narito!

A.1 Pagsasanay sa kayarian


Bago natin saimulan ang ating tatalakayan
ay mayroon muna akong pasasagutan sa
inyo.

Panuto: Ang mga titik ng mga salita sa


ibaba ay nagulo. Alamin kung ano ang
tamang salita.

1. omotsosirc arrabi _____________ : Crisostomo Ibarra


2. airam aralc _____________ : Maria Clara
3. ayit lebasl _____________ : Tiya Isabel
4. erdap osamad _____________ : Padre Damaso
5. natipak ogait _____________ : Kapitan Tiago

B. Balik Aral
Kahapon ay tinalakay natin ang unang
kabanata ng noli me tangere. Sino pa nga si
Crisostomo Ibarra,Paul? : Si Crisostomo Ibbara ay anak ni Don
Rafael Ibarra sa kaibigang matalik ni
Don Santiago de los Santos o mas
Magaling! At para kanino ang salu salong kilala bilang kapitan Tiago.
iyon na inihanda ni kapitan Tiago, Jamaica? : Para po sa ligtas na pagdarating ni
Crisostomo Ibarra mula sa ilang taong
pananalagi sa Europa.
C.2. Pagganyak
Sa palagay ko ay handa na kayo sa
panibagong aralin.
Paano kung may mga taong Malaki ang
impluwensiya sa iyo kaya’t bahagi na sila
ng iyong buhay. Isulat sa papel ang
pangalan ng taong ito at isulat din ang
kanyang relasyon sa iyo.

1.Gaano mo siya kakilala


2.Sinusunod mo ba ang anumang sinasabi
o ipinapayo niya? Bakit?
3.Masasabi mo ba na nakokontrol niya ang
buhay mo? Sa paanong paraan?

Ngayon, sinong tao ang iyong isinulat? At


gaano mo ba siya kakilala? Sinusunod mo
ba ang anumang sinasabi o ipinapayo
niya?Bakit?
Masasabi mo ba na nakokontrol niya ang
buhay mo? Sa paanong paraan? Alexa? : Siya po si Jayson ang aking
kababata, kilala ko siya simula
pagkabata. Ang laki ng impluwesiya
niya sa buhay ko dahil nandiyan siya
parati upang magbigay ng payo kung
may problema ako.At masasabi kong
hindi niya kinokontrol ang buhay ko.
Mahusay! Sa tingin ko ay mayroon na Dahil hindi siya ganun, bagkus nariyan
kayong kaunting ideya na nabubuo sa siya parati upang suportahan ako.
inyong isipan sanay wag ninyong ibaling
ang inyong atensyon sa ibang bagay dahil
habang umiinit ang ating talakayan ay mas
lalong maiinganyo kayong
makinig at magbigay opinyon sa ating klase.
Maliwanag ba?
: Opo, G. Honrejas
Bago ang lahat mga mag-aaral gusto kong
basahin niyo muna an gating mga layunin
sa araw na ito. :Mga Layunin
a.nabibigyang katangian ang mga
tauhan batay sa ikinilos.
b.napatunayan na ang mga pangyayari
sa mga binasang kabanata ay maaring
maganap sa tunay na buhay sa
kasalukuyan.
c.nakakasulat ng isang kuwento na
nagpapatunay sa kadakilaan ng pag-
ibig.
Tandaan niyo ang ating mga layunin sa mga
oras na ito. Dahil magsisilbing gabay ito sa
ating tatalakayin.

C.3 Pag-alis ng Sagabal


Bago tayo magpatuloy sa ating paksa,
mayroon muna akong pasasagutan sa inyo,
itoy napakadali lamang.Magtatawag ako at
kung sino man ang aking matawag ay
siyang sasagot.

Panuto: Piliin ang tamang sagot basi sa


sinalungguhitan na salita.

1. Hindi ko na maitatatwa ang aking pag-ibig


sayo Maria Clara.
a.maitatakwil c.maitatanggi
b.maikakaila d.nagkagusto
: C.
2. Nang lumaon ay nagsimula na silang
magbalik-tanaw sa kanilang nakaraan.

a.muling pag-alala c.muling pagbalik


b.muling paglimot d.muling ibalik
: A.
3.May sumurot sa kanyang damdamin
pagkakakita sa mga bilanggong inaalipin sa
pagpapatag ng kalsada.

a.pagkaawa c. nalungkot
b.natuwa d. nagkagusto
: A.
4. Sumagsag ang lakad ni Padre Damaso
papasok sa bahay ni kapitan tiago.

a.mabagal c. tumakbo
b.natuwa d. mahina
:A
5.Pinayabong ni Saturnino ang kaalaman
tungkol sa pagtatanim at pangangaso.

a.pinalago c.ibinahagi
b.pinabayaan d.ibinenta
: A.
Mahusay mga mag-aaral dahil nasagutan
niyo ng wasto ang mga katunungan.

C.4 Paglalahad ng bagong Lesiyon


Ang tanong handa na ba kayong simulan
ang ating bagong leksiyon? : Handa na po.
Pero bago ang lahat kailangan muna natin
alamin ang elemento ng nobela. Mayroong
limang elemento ang nobela, ito ang
tauhan,tagpuan, banghay,paraan ng
pagsulat at haba.

Bakit mahalagang malaman ang mga : Mahalagang malaman ang mga


elemento ng nobela, Angeles? elemento ng nobela upang higit na
maunawaan ang nais iparating o ang
mensahe na nakakubli sa nobelang
isinulat.
Napakagaling!

C.5. Pagbasa ng Guro sa kuwento


Mga mag-aaral, making nang mabuti dahil
babasahin ko ang buod ng kabanata VII-XI.

(Pagbasa ng buod sa kabanata VII-XI)

C.6. Pangkaisipang Talakayan


Dahil natapos niyo ng pakinggan ang buod
ng kuwento.Mayroon akong inihandang
katanungan.

Ano ang alaalang iniwan ni Ibarra at Maria


Clara sa isa’t isa? : Liham na pamamaalam ang iniwan ni
Ibarra kay Maria Clara at tuyong dahon
ng sambong ang inilagay ng dalaga
sa loob ng sombrero ng binata nang
hindi ito sakitan ng ulo.
Magaling!
Umunlad ba ang lugar ayon sa pagtingin ni
Ibarra? Jenny? : Hindi dahil ganun parin walang
Tama! pinagbago, dahil napabayaan ito.
Matatawag bang mayaman ang San Diego?
Sa anong paraan? Angeles? : Dahil sa maganda ang tanawin dito at
pinaliligiran ito ng mayayabong na
punong kahoy, sagana sa mga
pananim maging ang ekonomiya nito.
Mahusay!
Sino ang dumating sa bahay ni kapitan
Tiago,James? : Si Padre Damaso po.
Tama!
Bakit sinasabing hindi makapangyarihan si
Don Rafael Ibarra sa kabila ng siya ang
pinakamayaman sa bayan ng San Diego,
Jenny? : Sapagkat walang interes si Don
Rafael sa politika o maging sa
paghawak ng anumang
Napakahusay! kapangyarihan.

C.7. Paglalahat
Sa kabuuan, ibigay ang mga katangian ng
mga tauhan batay sa kanilang ipinakitang
kilos sa nobela.

Crisostomo Padre
Damaso
Ibarra

Kapitan Maria Tiya


Tiago Clara Isabel
C.8. Magandang Talakayan
Mga mag-aaral, mayroon ba kayong
napapansin sa kuwentong ating
tinalakay,Mardoy? : May mga salungguhit po.

Maari mo bang basahin ang mga salitang


ito,James? : Ito ay salitang nang, at, dahil sa, o,
kung, ngunit.
Ano kaya sa tingin ninyo ang mga salitang
ito,Artugue? : Ito po ay salitang pangatnig na
ginagamit sa tambalang pangungusap
at hugnayang pangungusap.
Mahusay!
Ngayon, basahin mo ang kahulugan ng
tambalang pangungusap, Jenny? : Ang tambalang pangungusap ay may
dalawa o higit pang ideyang inilalahad
ginagamitan ng mga pangatnig na at,
ngunit, at o, ang pag-uugnay sa
dalawang payak na pangungusap.
Salamat sa iyong pagbasa, ginagamit ang
at kung magkasingpantay o sing halaga ang
mga ideya ng dalawang malayang sugnay.

Hal. Umaawit ang mga dalaga’t binata at


sumasayaw sila ng lubi-lubi.

Ginagamit naman ang ngunit kung


magkasalungat o di-paris ang ideya.

Hal.Mahilig sa pagsasaya ang mga bikolano


ngunit may panahon din sila sa kanilang
gawain.

Ginagamit naman ang o kung may


pagpipiliang alinman sa dalawang ideyang
nakalahad.

Hal. Sasayaw kaba o aawit ng lubi-lubi.

Ang hugnayang pangungusap naman ay


binubuo ng sugnay na nakapag-iisa o higit
pang sugnay na hindi nakapag-iisa.
Ginagamit na pang-ugnay ng mga sugnay
ang mga pangatning na
kung,kapag,pag,nang,upang,dahil,sapagkat
.

Hal. Magbakasyon ako sa baguio kung


sasama ka.

Hal. Nagkasakit si lola dahil nabasa ng


ulan.

Maliwang na ba kung paano gamitin ang


tambalang pangungusap at hugnayang : Maliwanag na po, G.Honrejas
pangungusap , Angeles?

C.9. Paggamit
Sa puntong ito, kumuha ng sangkapat na
papel at sumulat ng isang kwnetong
nagsasalayasay ng kawagasan ng pag -ibig.
Maaring ito ay mula :
1. Sa lola at lolo mo
2. Sa magulang mo
3. Sa mga pelikulang napanood Hal :
Romeo at Juliet, A very special love
at iba pa.
4. Batay sa sariling karanasan

Rubriks sa pagsulat

Tamang paggamit ng pag ugnay -10 puntos


Nilalaman-10 puntos
Banghay -10 puntos
Kabuuan- 30 puntos
Mayroong lamang kayong 3 minuto sa
pagsulat at pagkatapos ilahad ito sa klase. :Nagsagawa

C10. Pagpapahalaga
Bilang isang mag aaral at mamayanan dito
sa Pilipinas. Paano mo mapapatunayan na
ang mga pangyayaring naganap sa
nobelang binasa ay maaring mangyari
ngayon o sa kasalukuyan ? Pangatwiran
ang inyong sagot. : Ito ay nangyayari parin sa
kasalukuyan dahil meron talagang
magulang natututol sa pagmamahalan
ng dalawang indibidwal lalong lalo na
pag ito ay hindi nila gusto. Halimbawa
nalang nito ay yung kapitbahay namin
na hindi nagkatuluyan dahil sa
pangyayaring ito.
C.12 . Ebalwasyon
Panuto : Kumuha ng sangkapat ng papel at
sagutan ang mga tanong.

Panitikan

1. Sino ang lalaking hinihintay ni Maria


Clara?
a. Padre Damaso
b. Crisostomo Ibarra
c. Padre Salvi
d. Kapitan Tiago : B.

2. Saang lugar nag usap ang


magkasintahan ?
a. San Diego
b. Asotea
c. Beateryo
d. Calamba : B.
3. Si Don Rafael ang _______sa San
Diego.
a. Pinakamahirap
b. Pinakamayaman
c. Matulungin
d. Kuripot : B.
4. Isang _______ tanawin ang makikita
sa San Diego.
a. Pangit na
b. Mahalimuyak
c. Magandang
d. Bulok na : C.
5. Siya ang tutol sa pag-iibigan nila
Maria Clara at Crisostomo Ibarra.
a. Kapitan Tiago
b. Padre Damaso
c. Padre Salvi
d. Tiya Isabel : B.

Balarila

1. Ito ay may dalawa o higit pang


ideyang inilalahad.
a. Hugnayang pangungusap
b. Tambalang pangungusap
c. Hugnayan
d. Tambalan : B.
2. Masigla kaming naglalaro nang
biglang bumuhos ang ulan.
a. Tambalang pangungusap
b. Hugnayang pangungusap
c. Payak
d. Inuulit : B.
3. Ito ay binubuo ng sugnay na
nakapag-iisa o higit pang sugnay na
hindi nakapag-iisa.
a. Tambalan
b. Hugnayan
c. Tambalang pangungusap
d. Hugnayang pangungusap : D.
4. Hindi gaanong matalino si Marie
ngunit matiyaga siyang mag-aral.
a. Payak
b. Tambalan
c. Hugnayan pangungusap
d. Tambalang pangungusap : D.
5. Ikaw ba ay mag-aaral o maglalaro
lamang?
a. Tambalang pangungusap
b. Hugnayang pangungusap
c. Payak
d. Tambalan : A.

C.12. Takdang Aralin

Basahin ang kabanata XII hanggang


kabanata XXI at pag-aralang maigi ang
kuwento.
: Paalam din po Bb.
Paalam na mga mag-aaral…

You might also like