You are on page 1of 10

Northern Mindanao Colleges, Inc.

Atega St.,Cabadbaran City

Mahabang Banghay sa Pagtuturo ng Filipino

I. Mga Layunin: Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. natutukoy ang mahahalagang elemento ng maikling kwento.

b. naiuugnay ang ilang pangyayari sa kwento sa tunay na buhay.

c. nakabubuo ng isang elemento ng maikling kwento.

II. Paksang Aralin Paksa:

“Ang Ama” ni Mauro R. Avena (Elemento ng Maikling Kwento)

Sanggunian: https://noypi.com.ph/maikling-kwento/

https://www.youtube.com/watch?v=A5Ju4onsOWg

May Akda: Mauro R. Avena

Kagamitan: Laptop, Mga larawan, video clips, Power Point Presentation

III Pamamaraan

Gawain ng Guro: Gawain ng Mag-aaral:

Panalangin
Bago natin umpisahan ang ating
talakayan, sisimulan muna natin ito ng
isang panalangin.

Pagbating Guro at mag-aaral:


Magandang araw sa inyo mga magaaral?
Magandang araw din po Bb Dandanon
Kumusta kayo sa araw na ito?
Mabuti naman po

Mga Palatuntunin sa Online Class:


Mga mag-aaral dahil na sa online class
tayo at kailangan nating harapin ang new
normal scheme ng ating klase, mayroon
lang akong kaunting bilin para maging
maayos ang ating talakayan ngayon.

1. Makinig ng mabuti.
2. Nakapokus sa inyong monitor.
3. Bawal maingay.
4. E off ang inyong mga microphone kung
may nagsasalita.
5. At itaas lamang ang kanang kamay
kung may mga katanungan o gustong
magtanong.

Nagkaintindihan ba tayo mga magaaral?


Opo Maam.
4. Pagtsetsek ng attendance/Ulat Liban:

Mayroon bang lumiban sa araw na ito?


Wala po.

Mabuti at ang lahat ay narito.

A. Pampilipit-dila

Bago natin sisimulan ang ating


talakayan, magkaroon muna tayo ng isang
pampilipit-dila, dito ko malalaman kung
mahusay kayong magsalita ng mabilisan at
kung hindi ba kayo bulol magsalita. Ako
muna ang babasa at pagkatapos ay kayo
naman.

Pinaputi ni Tepiterio ang

pitong puting putong

patong patong.

Kayo naman, basahin niyo muna ng


dahan-dahan saka na bibilisan. Sabay-
sabay at may kalakasan.

Pinaputi ni Tepiterio ang


pitong puting putong
patong patong.
Magaling! Magbasa pa kayo ng mga
pampilipit-dila upang mas masanay pa ang
inyong mga dila.

B. Balik-aral
Mag-aaral, naaalala niyo pa ba ang ating
nakaraang leksiyon,?

Opo, ang nakaraan nating leksiyon ay


tungkol sa Tula.
Magaling!

Kung ganun, maaring mo bang ilahad ang


dalawang uri ng tula ?

Ang dalawang uri ng tula ay ang


Mahusay! Tradisyunal na tula at Malayang taludturan.

K. Bagong Leksyon
K1. Pagganyak
Bago ang lahat, mayroon muna akong
ipapakitang mga larawan, pagmasdan niyo
itong maigi.

Ano ang masasabi mo sa larawan Ellaine?

Ang nakikita ko po ay larawan ng isang


Tama! pamilya.
Ano pa ang nakikita mo sa larawan Thea?

Mayroon po silang maraming anak.


Mahusay!
Mula sa larawang inyong nakita ano sa
palagay niyo ang magiging leksyon sa
araw na ito, Jake?
Sa tingin ko po ay kuwento ng isang
Magaling! pamilya.
Pero bago ang lahat mga mag-aaral gusto
kung basahin niyo muna ang ating mga
layunin sa araw na ito. Basahin ng may
kalakasan at sabay-sabay.

Mga Layunin:
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-
aaral ay inaasahang:
a. Matutukoy ang mahahalagang elemento
ng maikling kwento.
b. Maiuugnay ang ilang pangyayari sa
kwento sa tunay na buhay.
c. Nakabubuo ng isang elemento ng
maikling kwento.
Tandaan niyo ang ating mga layunin
sa araw na ito dahil magsisilbing
gabay ito sa ating tatalakayin.

K.2. Paglalahad ng Bagong Leksyon


Mga mag-aaral mahilig ba kayong
magbasa ng maikling kwento?
Opo!

Kung gayon, para sa inyo ano ba ang


maikling kuwento, James?
Ang maikling kuwento ay isang maikling
salaysay hinggil sa mahalagang
pangyayaring kinasasangkutan ng isang
tao.
Maraming Salamat James, magaling!
Ngayon ay makinig kayong mabuti dahil
tatalakayin natin kung ano ang Maililing
kuwento at ang mga element nito.

Maikling Kwento - Ang maikling kwento ay


naglalaman ng maiksing salaysay tungkol
sa isang mahalagang pangyayari na
kinabibilangan ng isa o ilang mga tauhan.
Ito ay kinapupulutan ng magandang aral at
kadalasang ginagamit bilang kwentong
pambata.

Mayroong 11 elemento ng maikling


kwento. Ito ay ang mga sumusunod:

1.Panimula
Dito nakasalalay ang kawilihan ng mga
mambabasa. Dito rin kadalasang
pinapakilala ang iba sa mga tauhan ng
kwento.

2.Saglit na Kasiglahan
Naglalahad ng panandaliang pagtatagpo
ng mga tauhang masasangkot sa suliranin.

3.Suliranin
Ito ang problemang haharapin o
kinahaharap ng tauhan sa kwento.

4.Tunggalian
Ang tunggalian ay may apat na uri: tao
laban sa tao, tao laban sa sarili, tao laban
sa lipunan, at tao laban sa kapaligiran o
kalikasan

5.Kasukdulan
Dito nakakamtan ng pangunahing tauhan
ang katuparan o kasawian ng kanyang
ipinaglalaban.

6.Kakalasan
Ang tulay sa wakas ng kwento.

7. Wakas
Ang resolusyon o ang kahihinatnan ng
kwento.

8.Tagpuan
Inilalahad ang lugar na pinangyarihan ng
mga aksyon o insidente pati na rin ang
panahon kung kailan naganap ang kwento.

9.Paksang Diwa
Ito ang pinaka kaluluwa ng maikling
kwento.

10.Kaisipan
Ito naman ang mensahe ng kwento.

11.Banghay
Ito ang pagkakasunud-sunod ng mga
pangyayari sa kwento.

Wala na bang mga katanungan tungkol sa


maikling kuwento at mga elemento nito?
Wala na po Ma`am

K.3 Pag-aalis ng Sagabal

Bago tayo magpatuloy sa ating paksa


mayroon muna akong pasasagutan sa inyo
ito’y napakadali lamang.

Panuto: Aayusin ang bawat letra upang


mabuo ang kasingkahulugan ng mga
sumusunod na salita.

1.Karakter----hautan : tauhan
2.Paksa-----amte : tema
3.Labanan-----tngglnuaia : tunggalian
4.Burador---aabnghy : banghay
5.Tipanan----tgaupan : tagpuan

Mahusay mga mag-aaral at nasagutan niyo


ito ng maayos, palakpakan natin ang ating
mga sarili.
(Nagpalakpakan ang lahat)

K.4. Pagbasa ng Maikling Kuwento


(Video clip presentation) Ipapanuod ang
Video sa Pamamagitan ng Video Clip.

Ang Ama...
(Maikiling Kuwento)
(Masusing nanonood)

K.5. Pangkaisipang Talakayan

Ngayon at tapos niyo ng napanood ang


ating maikling kwento, magkaroon muna
tayo ng talakayan tungkol dito.

 Para kanino ang pancit na dinala ng


ama, Angelo? Para sa kanya lamang ito habang umiinom
ng alak.

Magaling!
 Bakit galit ang kanilang ama kay
Mui-Mui, Jane? Dahil si Mui-Mui ay isang batang sakitin at
palahalingning na parang kuting at parang
kudkuran na pangingilo sa nerbyos ng
ama.

Mahusay!
 Paano ipinakita ng kanyang ama na
nagsisisi siya ,Laine?
Nangangako siya sa kanyang sarili na
magiging mabuti na siyang ama at ang
naipon niyang pera ay hindi na gagastuhin
sa alak. Bumili siya ng mga
tsokolate,prutas,kendi at biskwet para ialay
sa kanyang yumaaong anak habang
nandoon siya sa puntod ay walang tigil
siyang umiiyak, nagdadasal at humihingi
ng tawad at nasaksihan ito ng mga bata.

Napaka-husay!

K.6. Magandang Talakayan:


Ako ay nasisiyahan sa inyong mga
sagot. Tingnan niyong mabuti ang tsart na
ito, gusto kong sabihin niyo kung ano ang
elemento ng maikling kwento na ating
napanood kanina.

Mga Tauhan
1. Ama
2. Mui Mui
3. Ina
4. Magkakapatid
5. Amo ng pangunahing tauhan
Mga Tagpuan
1. Ang bahay ng mag-anak
2. Sa bayan
3. Sementeryo
Mga pangyayari sa kwento
1. Sinuntok ng ama si mui
2. Umuwi na lasing ang ama
3. Namatay si mui
4. Inilibing si mui
Aral sa kwento
Ang mahalagang aral ng kwnto ay ang
“pagsisis ay nasa huli” dahil sa kanyang
bisyo, itoy nag dulot ng pagkamatay ng
kanyang anak at labis ang pagsisisi ng
ama sa sinapit ni Mui-mui.
K.7. Paggamit
Dahil naintindihan niyo na ang ating paksa
sa araw na ito, mayroon akong nais
ipagawa sa inyo.

Kung Ikaw ang maging may akda ng


napanuod mong kwento, ano ang wakas
na nais mong mangyari. Gusto kung
kumuha kayo nang isang buong papel at
isulat ninyo ang gusto o nais mangyari sa
wakas ng napanood na kwento, bibigyan
ko lang kayo nang limang minuto upang
gawin niyo ito.
(Kasalukuyang Gumagawa)
K.8. Paglalahat

Ngayon batid kong naintindihan ninyo ang


ating leksyon. Kung kaya’t mayroon akong
itatanong.

 Paano makatutulong ang maikling


kwento at ang pag-aaral nito sa pag-
unlad ng sarili at kultura, Monic?

Makakatulong ito sa sarili sa pamamagitan


ng pananalamin sa mga pangyayaring
isinasaad sa maikling kuwento nagiging
batayan ito upang mapaunlad ang sarili at
lalong-lalo na ang makibagay sa mga
taong nakapaligid sa atin. Isa rin ito sa
paraan upang mapresirba ang naturang
kultura ng mga Pilipino sa panitikan
Napakagaling!

Dahil ang Maikling Kuwento ay nagbibigay


aral sa ating buhay, sinasalamin nito ang
mga tunay na pangyayari ng lipunan. Ito`y
nagpapahalaga sa isang pamilya, kultura
at mga kaugalian ng mga Pilipino.

K.9. Pagpapahalaga
Batid kong naisapuso’t damdamin niyo
na ang ating leksyon ngayon kaya’t ako ay
labis na nasisiyahan.

Ano sa palagay niyo, dapat ba o hindi


dapat na buhayin ang paggamit ng
maikling kwento sa pangangaral o
pagpapaalala sa mga bata at kabataang
nakakalimot na sa mabuting pag-uugali at
kultura, Jessa? Para sa akin ay dapat pong buhayin parin,
sapagkat sa alamat ay marami tayong
magagandang aral na makukuha at
magagamit sa pangangaral sa mga
kabataan ngayon. Bukod po sa
magagandang mensahing nakukuha ay
mapapanatili pa nating buhay ang diwa at
mas mapapayabong natin ito.
Napakagaling! Maraming salamat Jessa.

K.10 Pagtataya/Ebalwasyon
Lubos akong nasisiyahan dahil ang
gaganda ng inyong mga sagot, kung
kaya gusto sagutan ninyo ang mga
sumusunod.
Panuto: Basahin ang mga tanong at
bilugan ang letra ng tamang sagot.
1. Ito ay tumutukoy sa mga panauhin
sa kwento.
a. Tagpuan c. Tauhan
b. Panimula d. kaisipan :C
2. Ito ay mensahe ng maikling kwento
sa mambabara.
a. Wakas c. kakalasan
b. Kaisipan d. kasukdulan
3. Ang lahat ng ito ay parte ng :B
banghay maliban sa isa.
a. Kaisipan c. kakalasa
b. Panimula d. saglit na kasiglahan
4. Ito ang pinaka-kaluluwa ng tula. :A
a. Tunggalian c. gitna
b. Kaisipan d. paksang diwa
a. . :D
5. Sino ang batang sakitin sa kwento?
a. Lala c. juan
b. Pasyo d. mui-mui
6. Ilang anak ang meron ang mag- :C
asawa?
a. 8 c. 10
b. 6 d. 2
7. Ano ang trabaho ng kanilang Ina? :D
a. Guro c. labandera
b. Lady guard d. doctor
8. Sino ang may-akda ng kwentong
“Ang Ama” :B
a. Jose rizal c. Marcelo Del Pilar
b. Andres Bonifacio d. Mauro
Avena :C
9. Anong katangian meron ang
kanilang ama?
a. Basagolero c. Lasinggero
b. Mabait d. matapang
Magaling mga mag-aaral at nakakuha :D
kayo ng mataas na iskor sa ating pasulit.

IV. Kasunduan Magsaliksik:


Magsaliksik at isulat sa inyong
kwaderno ang ibat-ibang uri ng maikling :C
kwento. At magbigay ng tig-iisang
halimbawa nito.

Naintindihan ba mga bata?


Huwag ninyong kakalimutang gawin ang
inyong takdang aralin, upang magkaroon
kayo ng ideya sa ating tatalakayin bukas.

Paalam na mga mag-aaral?


Opo

Paalam na rin po!

Inihanda nina:

Rhea Ellaine Cano

Angelica Vienes

Angelie Peal Laurente

Charity Paler

Jessa Dandanon

Jessa Mae Galope

James Alban

You might also like