You are on page 1of 2

Banghay-Aralin sa Filipino 7

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga akdang


pampanitikan ng Kabisayaan

PAMANTAYAN SA PAGGANAP:

I. Inaasahang Bunga:
FPD-Iiab-7
 Naipahahayag ang nakikitang mensahe ng napakinggang alamat.

II. Paksang-Aralin
Paksa: Alamat (Alamat ng Chocolate Hills)
Sanggunian: salindila.wordpress.com
Kagamitan: marker, Manila paper

III. Domeyn: Pagbabasa Pamamaraan


a. Pagsasanay (Talasalitaan)
Panuto: Hanapin sa Hanay B ang kahulugan ng mga salitang nasa Hanay A. Piliin ang titik ng
tamang sagot.

HANAY A HANAY B
1. Malawak A. nakakita
2. natakot B. nasindak
3. nagbato C. naghagis
4. nakasaksi D. gusto
5. nais E. malaki

b. Balik-Aral
 Balikan ang mga nakaraang pagtalakay sa bulong at awiting-bayan
Mga Tanong:
1. Ano ang katuturan ng alamat?

c. Pagganyak
Sino/Ano ako?
 Ipapangkat ang klase sa dalawang grupo at ilalarawan ng guro ang isang bagay, hayop o tao.
 Ang bawat grupo ay may isang representate unahan sila para hulaan ang inilarawan ng guro.
 Ang grupong maraming puntos ay siyang panalo.

 Maliit akong nilalang.


 Tulog ako kapag umaga.
 Malaki ang aking mga mata.
 Isa akong hayop mula sa Bohol.
 Ano ako?
Sagot: Tarsier

d. Paglalahad/Pagtalakay
 Ilalahad ng guro ang paksa at layunin.
 Ipapangkat ng guro ang klase sa apat.
 Sabay-sabay pakikinggan ng buong klase ang Alamat ng Chocolate Hills.
 Matapos basahin ang alamat magbibigay ang guro sa bawat pangkat ng mga tanong na
sasagutin.
Pangkat 1: - Ilarawan ang lupain ng Bohol bago nagsagupaan ang
dalawang higante.
- Ano ang dahilan ng awayan ng dalawang higante?

Pangkat 2: - Ano ang naging kinalabasan ng away ng dalawang higante?

- Ano-ano ang damdamin ang nangingibabaw sa nabasang alamat?

Pangkat 3: - Ano ang larawang diwa ng alamat na nabasa?

- Ano ang bisang pangkaisipan ang ipinakita sa alamat?

Pangkat 4: - Ano ang mensaheng nais ipahayag ng alamat?

 Gagawin ito sa loob ng sampung minuto.


 Ang bawat pangkat ay magkakaroon ng pag-uulat.

e. Pagsusuri
 Tungkol saan ang alamat na nabasa?
 Sa tingin niyo ano ang implikasyon ng basang alamat sa mga Boholano?
 Ano-anong mga damdamin ang namayani sa inyo matapos mabasa ang Alamat ng
Chololate Hills?
 Ano kaya ang mensaheng nais ipahayag ng alamat?

f. Paglalahat
(RECAP sa nilalaman at mensahe ng alamat na nabasa.)

g. Paglalapat
 Iparirining ng guro ang bahagi ng “Alamat ng Pakwan”
 Panuto: humanap ng kapares at itala ang mga mensaheng nais iparating ng alamat.
 Gawin ito sa loob ng limang minuto.

IV. Pagtataya
 Iparirinig ng guro ang bahagi ng Alamat ni Juan Tamad.
 Panuto: Sa isang kapat na papel isulat ang mensahe ng Alamat ni Juan Tamad.
 Gawin ito sa loob ng limang minuto.

V. Takdang-aralin
 Magsaliksik ng iba pang alamat mula sa Kabisayaan at ilahad ito sa klase.

Isinigawa ni:

Ivan E. Arendain BSED-F-4

You might also like