Professional Documents
Culture Documents
Kahulugan ng salita
CUSTOMER SALES AGENT ang tawag sa mga empleyado ng Call Center. Ayon kay
Michael Tan isang kolumnista, ang call center ay hindi nalalayo sa RUN-AWAY
FACTORIES na itinayo noong dekada 70 na kung itinatayo ang mga multinational
company sa mga Ikatlong daigdig gaya ng Pilipinas na kung saan ditto isinasagawa ng
ibang gawain ng mga sa isang produkto upang makatipid sa produksiyon, dahil mas
mura ang magpatrabaho sa ikatlong daigdig.
Hindi lamang sa Metro Manila matatagpuan ang mga call center. Mula Baguio
hanggang Davao ay may naitayo nang mga call center. Karamihan ng mga ahente nito
ay mga nagsipagtapos sa prestihiyosong unibersidad gaya ng UP, La Salle, Ateneo,
atbp, nasa rurok pa ng kabataan, malaki ang suweldo na umaabot sa P16,000 kahit na
entry-level pa lang, gabi o madaling araw kung magtrabaho, at nagsasalita na parang
Amerikano. Kaya naman animoy lintik na humagupit ang penomenon ng call center
hindi lang sa larangan ng ekonomiya kundi maging sa edukasyon at wika ng ating
bansa.
KASAYSAYAN NG CALL CENTER SA PILIPINAS
Taong 1995 nang itayo at lumaganap ang industriya ng call centers o business process
outsourcing (BPOs) sa Pilipinas.
Noong 2014, nasa 900,000 na ang mga manggagawa at empleyado ng call centers. Sa
kabila ng paglago at paglawak ng industriya, nananatiling walang katiyakan sa trabaho
ang mga manggagawa at empleyado rito. Nananatili ang pangamba na sa kahit
anumang panahon maaari silang matanggal sa trabaho. Walang malinaw na depinisyon
sa pananatili sa trabaho ang industriya ng BPO. Wala ring ginawa ang pamahalaan para
mabigyan ng regulasyon ang BPOs.